Tuesday, October 30, 2012

Following Your Heart : Chapter 2


 CHAPTER 2

( Shanea’s POV )


“Gusto mo?” alok niya kay Jed. Magkaharap sila habang nakaupo sa swing. Nandito sila sa park. Mamaya pa magsisimula ang singing contest.


“Ayoko.” hindi tumitinging sagot nito. Napangiti na lang siya. Favorite talaga nito ang salitang ‘ayoko’.


“Ayaw mo talaga?” Nilapit pa niya sa mukha nito ang footlong na hawak niya.


Iniwas nito ang mukha sa footlong niya. “Shanea, ang kulit mo talaga. Ayoko nga, busog pa ako.”


“Sige na, isang kagat lang.” Dinuldol pa niya ang footlong sa bibig nito. Nalagyan tuloy ng sauce ang gilid ng labi nito.


Napapalatak ito. Pinahid nito ang sauce sa bibig nito bago siya tingnan. “Kakainin mo ‘yan o ipapamigay ko ‘yan sa mga batang ‘yon?” sabay turo sa mga batang naglalaro di-kalayuan.


Napalingon siya sa mga bata at sa footlong na hawak niya. Sa mga bata at sa footlong na hawak niya. Sa mga bata at sa footlong na hawak niya. Sa mga bata at—wala na ang footlong sa kamay niya. Napatingin siya kay Jed. Hawak nito ang footlong niya. Tatayo na sana ito ng pigilan niya ito. Seryoso ito, alam niya. Ibibigay talaga nito ang footlong sa mga bata. Kinuha niya ang footlong dito pero iniwas nito ‘yon. Ang nangyari? Ayun, nahulog ang kawawang footlong sa lupa.


Napatingin siya sa lupa. “Wala na yung footlong ko…hindi ko man lang natikman maski yung saauce niya…Buti ka pa, Jed, natikman mo yung sauce…samantalang ako…”


“It’s your fault.” Napalingon siya kay Jed. Nakahalukipkip ito habang nakatingin sa kaniya.


Ngumiti siya ng matamis.


“Ayoko.” sagot agad nito.


“Wala pa akong sinasabi, sagot ka kaagad.”


“I know what you’re thinking. Magpapabili ka uli.”


Mas lalong lumapad ang ngiti niya. “Kilalang-kilala mo na talaga ako noh. At dahil kilalang-kilala mo na ako, alam mong hindi ako titigil hangga’t hindi mo ako bibilhan uli ng footlong.”


Bigla itong tumayo.


“Bibilhan mo na ako?”


“Hindi.”


“Nagugutom na ‘ko.”


“Kailan ka pa nagutom? Eh, ang takaw mo. Maya’t maya ang kain mo.”


Nang biglang kumalam ang sikmura niya. Napahawak siya sa tiyan niya. “See? Sabi ko sa’yo, eh.”


“Hindi ka ba kumain kanina?”


“Kumain, kaya lang kanina pa ‘yong tanghali. Alas-kwatro na kaya ng hapon. Hindi naman ako nakakain ng merienda kasi dumating sina Aeroll at kuya Harold.”


Humakbang na ito paalis. “Dyan ka lang.”


“Bibilhan mo uli ako?”


Hindi ito sumagot.


“Padagdag ng fries, ah!” pahabol niya.


Sumenyas lang ito ng okay. Napangiti siya. Ang bait talaga ng Jed ko. Nawala ang ngiti niya.


Jed ko. Kung makaangkin ako parang akin talaga siya. Hay buhay. Bakit naman kasi iba pa ang nagustuhan niya? Sana ako na lang. Mabait naman ako. Hmm…yan ang sabi ni mamita. Huwag lang daw akong masobrahan sa kakulitan. Maganda naman ako. Matalino. Masipag. Matangkad—“Ay! Ano ba ‘yan!” Paano ba naman natamaan siya ng bola sa braso niya. Ang sakit kaya.


“Sorry po, ate.” sabi ng batang kumuha ng bola sa gilid niya.


Nginitian niya ito. “Okay lang.” sabay tingin dito ng seryoso. “Sa susunod na tamaan mo ako ng bola, alam mo ba ang gagawin ko sayo hah?” Pinanlakihan niya ito ng mata. “Nakita mo ‘yong—” Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil nagtatakbo na ito palapit sa mga kalaro nito. Natawa siya ng mahina. “Natakot yung bata…jino-joke lang, eh…natakot naman.”


Sumandal siya sa upuan niya at itinuloy ang pagmumuni kuno niya. Ano na nga bang sinasabi ko kanina?  Napakamot siya ng ulo. Ah, oo nga pala. Ang Jed ko.


Ang Jed ko na pag-mamay-ari ng iba. Oo, tama ang sinabi ko. Hanggang ngayon, ang babaeng ‘yon pa din ang nasa isip niya. Hindi man sabihin ni Jed, alam kong siya pa rin. Alam kong si Sofia pa din. Si Sofia. Ang first love ng Jed ko. 


Naaalala pa niya. Grade six siya no’n ng una niyang makita si Sofia sa mismong bahay ni Jed.


- F L A S H  B A C K -

Graduation niya na bukas. Kay naisipan niyang puntahan si Jed sa bahay nito, di-kalayuan sa bahay nila. Para ano? Para humingi ng graduation gift at magpabili ng chocolate. Hindi siya titigil hangga’t hindi siya bibilhan nito.


Bukas ang gate kaya deretso siyang pumasok ng bahay nito. Bubuksan na sana niya ang pintuan ng may madinig siyang mga boses. Bahagyang nakaawang ang pintuan kaya sinilip niya kung sino ang nag-uusap. Si Jed ang nakita niya. May kausap itong babae. At dahil naka-side view ang mga ito, nakita niya ang mukha ng babae. Ang ganda naman niya…Sino kaya siya?


“Bakit kailangang sa America ka pa mag-aral ng college?” tanong ni Jed sa babae. Mukhang inis si Jed, ah.


“Yun ang gusto ng parents ko.” 


Ang hinhin naman niyang magsalita.


“Gusto ng parents mo o ang gusto mo?”


“Jed, please.”


“Paano naman ako? Paano tayo? Ang hindi ko pa maintindihan, bakit kailangang makipag-break ka pa sakin?”


“Gusto kong mag-focus sa studies ko.”


“At ano ako, pabigat para sayo?”


“No, Jed, you’re not. You know how much I love you.”


“And you know how much I love you, too, Sofia. Sinabi mong ilihim natin ang relasyon natin dahil ayaw pa ng parents mo na magka-boyfriend ka, pumayag ako. Puro na lang ikaw, how about me? Kinonsider mo ba yung feelings ko?”


Sofia? Teka, siya ba yung nadidinig kong pinagkukuwentuhan nila kapag nasa bahay sila. Siya nga ‘yon.


“Last na ‘to, Jed. And I promise, I will make it up to you pagbalik ko.”


“When? After four years? Five years? Six years?”


Nakita niyang niyakap ni Sofia si Jed. “I have to this for myself. Gusto kong tuparin yung pangarap ko. Four years lang, Jed. Hihintayin mo naman ako diba?”


“Sofia…”


Tiningala ni Sofia si Jed. Hanggang sa makita niyang papalapit ang mukha ni Sofia kay Jed. Do’n na siya nagtatakbo palabas ng gate.


Pagdating niya sa bahay ay naabutan niya ang mamita niya sa sala.


“Sa’n ka galing, Shanea?” tanong nito.


Napahinto siya sa paghakbang paakyat ng hagdan. “Diyan lang po sa tabi-tabi. Mamita, tinupad ko po yung promise ko.”


“Anong promise?”


“Na wag kong titingnan ang mga bagay na hindi ko pa dapat makita dahil bata pa ako para makita ang mga bagay na ‘yon.” Sabay takbo paakyat ng kwarto niya.

- E N D  O F  F L A S H B A C K -


Nang mga panahong ‘yon, wala pa siyang feelings kay Jed. Heller! Grade six pa lang siya no’n noh. Edi, nakurot na siya sa singit ng mamita niya. Kaya wala lang sa kaniya ang nakita niyang ekesena na ‘yon between Sofia and Jed. Hindi na niya dinaldal ‘yon dahil ang sabi ng mamita niya okay lang daw na dumaldal siya ng dumaldal, wag lang daw niyang idaldal ang mga bagay na hindi niya dapat idaldal. At sa tingin niya no’n, hindi niya dapat idaldal sa iba ang naabutan niyang eksenang ‘yon.


Kailan ako nagkagusto kay Jed? Gusto ninyo bang malaman? Sa susunod na lang dahil natatanaw ko na ang Jed ko palapit sakin. Wahehe…


“Oh.” Inabot nito sa kaniya ang footlong. May dala din itong fries at mineral water. Napangiti siya. Ang sweet talaga ng Jed ko.


“Thank you, Jed.” Nang mapansin niyang hawak pa din nito ang fries. “Akin din ‘yan diba? Akin na.”


Kumunot ang noo nito. “Who told you na sa’yo ‘to?”


“Ako. Sabi ko kasi ibili mo din ako ng fries, eh.”


“Wala akong nadinig.”


“Pero akin ‘yan?”


”Hindi. Akin ‘to.” Kumuha ito ng fries at kumagat.


“Ang damot mo naman. Ako, hindi ako madamot kaya bibigyan kita ng footlong ko.”


“Ayoko. Okay na ko sa fries.”


“Gusto kong mag-share, eh.”


“Gusto mo ba uling mahulog ‘yan?”


“Sabi ko nga, kakainin ko ‘to.” Kumagat na siya. “An charap tayaga!”


“You’re eating. Huwag kang magsalita at baka tumalsik sakin ‘yang nasa bibig mo.”


Tumango lang siya at nginuya ang laman ng bibig niya. “Jed, penge din ‘yang fries.”


Akala niya tatanggi ito kaya nagulat siya ng kumuha ito ng fries, sinawsaw sa sauce at nilapit sa bibig niya. “Say ah.”


“Hah?”


Kumunot ang nito. “Akala ko ba gusto mo nito?”


“O-oo.” Binuka niya ang bibig niya. Sinubo nito ang fries sa bibig niya. Dahan-dahan niyang nginuya ‘yon. Kasabay ng dahan-dahang pagtibok ng puso niya na tila mag-ka-cardiac arrest na siya. Kandakasi naman, first time nitong subuan siya. Kaya tuloy eto, parang ewan yung tibok ng puso niya. Kung kanina dahan-dahan, ngayon naman pabilis na ng pabilis. All these years, nirendahan niya ang puso niya na wag masyadong mag-react kapag kasama si Jed. Pero ngayon, parang bomba ‘yong sasabog.


“Shanea, may sauce ka sa labi mo.”


“Hah?” parang tangang tanong niya.


“Para ka talagang bata.”


Do’n lang siya natauhan. Unti-unting bumalik sa dati ang tibok ng puso niya. Para ka talagang bata. Iyon ang tingin sa kaniya ni Jed. Bata.


Papahidan na sana niya ang sauce sa labi niya ng unahan siya ni Jed. Parang slow motion ang nakikita niya. Parang ang tagal nag-stay ng daliri nito sa gilid ng labi niya. Nagtama ang mga mata nila. Parang nakikita niyang natutuwa ang mga mata nito. Parang may—“Aray!” Alam ninyo ba kung anong nangyari? Natamaan siya ng bola. Buti na lang at todo ang kapit niya sa footlong niya, kung nagkataon, pinakinabangan na naman ‘yon ng mga langgam na nakita niyang nanginginain sa footlong na nahulog sa lupa kanina.


“Kids, watch out.” Kinuha ni Jed ang bola at ibinigay sa batang lumapit.


“Sorry po.”


“Ikaw na namang bata ka! Diba sabi ko sayo na sa susunod na tamaan mo ako ng bola—”


“Shanea.” saway sa kaniya ni Jed.


Nginitian niya ito. “Joke lang.” Binalingan niya ang bata. Kuntodo ngiti niya. “Do’n ka na maglaro, next time na tamaan mo uli ako, titirisin na kita ng pinong-pino.”


“Shanea naman, bata ‘yan, eh.” saway uli sa kaniya ni Jed.


Nagtatakbo uli ang bata. Natawa lang siya ng mahina sabay kagat sa footlong na hawak niya. “I’m just kidding. Kanina naman kasi tinamaan din niya ako ng bola. Feeling ko tuloy may galit sakin ang batang ‘yon.”


“Pinatulan mo pa. Para ka—”


“Jed, penge uli ng fries.” putol niya sa sinasabi nito. Para ka talagang bata ang sasabihin na naman nito. Sawa na siyang madinig ang mga salitang ‘yon mula dito.


“Kumuha ka.”


Nginitian niya ito. “Subuan mo ko.”


Take note, hindi ito tumanggi. “Ah.” Sinubo naman niya ang fries na hawak nito. Ano kayang nakain nito na maipakin uli dito?


Napatingin siya sa footlong na pinagkakaguluhan na ng mga langgam. “Alam mo, Jed, parang kang footlong…” mahinang wika niya.


“Anong sabi mo?”


“Wala.” Para kang ‘yang footlong, hawak na kita kanina eh, pero nahulog ka pa sa lupa. Ibig sabihin lang no’n, hindi ka talaga para sakin, para ka kay Sofia. At ang mga langgam na ‘yon, si Sofia ang mga ‘yon. Mga. Alam mo kung bakit? Dahil madaming Sofia ang kailangan kong tumbasan para magustuhan mo ko.


“Shanea.” Kinalabit siya nito.


“Bakit, Jed?”


“Mag-ikot tayo.”


Lumapad ang ngiti niya. “Sabi mo, eh. Basta ibili mo din ako ng fries, ah.”


* * *


3 comments:

  1. JEd KO,,, ay skNya pLa,,, inAangKin na niA eHh hWAhaHa,,, aNg sWeEt ni jEd,,, kYaHahaHa,,,

    ReplyDelete
  2. sungit prince pero hndi matangihan si shanea.. haha.. sweet nman!! well,libre lang nman ang mangarap kaya gora lng ng gora gurl!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. parang si jen lang sa "DREAMING" kung makapangarap eh, pero syempre walang tatalo sa pangarap-kuno ni Jen, haha

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^