Saturday, November 3, 2012

Following Your Heart : Chapter 3

CHAPTER 3
( Shanea’s POV )

Patalon-talon siya habang nanonood ng singing contest. Paano ba naman, ang daming tao, puro ulo ang nakikita niya. Hindi niya makita yung kumakanta. Naubusan na sila ng upuan ni Jed pagdating nila dito. Kasalanan naman kasi niya. Kung saan-saan niya ito inayang mag-ikot. Ayan tuloy.


“Shanea, wag kang magulo.”


Nilingon niya si Jed. Nakahalukipkip ito habang nakatingin sa stage. “Hindi ko makita yung kumakanta, Jed.” reklamo niya.


“Nakikita ko.”


“Matangkad ka kasi, eh. Pero ako, hindi ko nakikita. Gusto ko pag nanonood ako, nakikita ko yung kumakanta para makita ko yung expression ng mukha niya.”


Tiningnan siya nito. “Pandak ka kasi kaya hindi mo makita.”


“Matangkad ka lang kaya feeling mo pandak ako. Matangkad na kaya ako.” Tumalon-talon uli siya. Nang matanaw niyang may dalawang bakante pa ng upuan sa bandang unahan. Hinawakan niya ang manggas ng t-shirt ni Jed.


Nilingon siya nito. “Bakit na naman?”


“May dalawang bakante pa ng upuan akong nakita.”


“May may-ari na no’n.”


“Bakit, binili na ba nila yung upuan? Sige na, Jed. Do’n tayo.”


“Ayoko.”


Umupo siya sa sahig. Nasa court naman sila. “Gusto ko sa unahan.”


“Shanea, tumayo ka nga dyan.”


“Nangangawit na ko. Kanina pa tayo lakad ng lakad tapos tatayo lang tayo habang nanonood. Hindi ko naman makita yung kumakanta, eh. Pakikinggan ko na lang sila.”


Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya patayo. “Gusto mo sa unahan?”


Nakangiting tumango siya.


“Tara.” Magkahawak-kamay na sumingit sila sa mga tao. Ang haba ng ngiti niya habang nakatingin sa mga kamay nila. HHWW ang peg namin ng Jed ko.


May kinausap itong lalaki. Hindi niya nadinig ang pinag-usapan ng mga ito dahil nakatuon ang pansin niya sa magkahawak pa din nilang mga kamay. Dahan-dahan itong bumitaw sa kaniya. Napahigpit ang kapit niya sa kamay nito na ikinalingon nito.


“Bakit?” 


“Wala.” Lumuwag ang kapit niya sa kamay nito. Tuluyan na nitong binitawan ang kamay niya. Napatingin na lang siya sa kamay niya. Bakit ganito? Bakit parang feeling ko kanina mawawala na siya sakin?


“Let’s go.” aya nito.


“Saan?”


“Do’n sa unahan.”


“Pwede?”


“Ayaw mo?”


“Syempre gusto.” Nauna na siyang umupo sa bakanteng upuan. “Walang nakaupo dito? Baka mamaya may may-ari na nito.” tanong niya kay Jed pagka-upo nito.


“Kanina atat na atat kang umupo dito tapos ngayon magtatanong ka.”


“Baka kasi mamaya may mag-paalis satin dito. Para tayong pinatalsik sa bahay ni kuya pag nagkataon. Upuan nga lang ni kuya ang version natin.”


“Don’t worry. Satin talaga naka-save ang upuang ito.”


“Weh?”


“Edi wag kang maniwala.”


“Hindi nga, satin talaga?”


“Kilala ko ang organizer nitong contest.”


Napangiti siya. “Pinahirapan mo pa ko kanina, satin naman pala ‘to. Ikaw talaga, Jed, ang sweet mo talaga kahit kailan. Kaya gustong-gusto kitang kasama, eh. Lahat na lang ng gusto ko, nasusunod.”


“Shanea, manonood ka ba ng contest o aalis tayo dito at dadaldal ka na lang?”


“Parehas except sa aalis tayo dito.” 


Napakamot ito ng kilay. “Manood ka na nga lang.”


Magsasalita pa sana siya kaya lang nagsimula ng kumanta ang next contestant. Do’n muna niya itinuon ang atensyon niya. Mamaya na siya dadaldal.


* * * * * * * *


“Nagugutom na ko.”Alas-nuebe y medya na kasi natapos ang singing contest. Tinapos niya talaga hanggang matapos. Argh! Gutom na nga siya.


“Ang tigas kasi ng ulo mo. Kanina pa kita inaaya, ayaw mo pa ding umalis sa kinauupuan mo. Ano bang mapapala mo sa singing contest na ‘yon?” sermon ni Jed sa kaniya.


Hindi siya sumagot. Pinuntahan niya ang motor niya at sumakay. Sumunod ito sa kaniya.


“Sa’n ka pupunta?”


“Uuwi na ko samin. Nagugutom na ko, eh.”


“Pa’no ko?”


“Umuwi kang mag-isa mo.” seryosong sabi niya.


Kumunot ang noo nito. “What?! Pagkatapos mo akong ayain dito papauwiin mo akong mag-isa?!”


Natawa siya ng mahina. Nag-peace sign siya. “Joke lang, Jed. Binibiro lang naman kita, hb ka kaagad.”


“Hb?”


“High-blood.” Inabot niya dito ang susi at umayos ng pwesto. “Bilis, Jed. I’m so very, very, very, very. Madaeng very hungry na.”


“Ang gulo mo.” Kumunot na naman ang noo nito. “Bat nandyan ka?”


Napatingin siya sa pwesto niya. “Diba ikaw ang magda-drive? Edi malamang backride ako.” Nang maisip niya ang iniisip nito. “Jed, ayoko sa unahan.” Sa totoo lang, may dahilan siya. Halos nakayakap na kasi ito sa kaniya, eh. At baka hindi na niya mapigilan ang puso niyang lumabas sa dibdib niya sa sobrang kilig. Wahehe. 


Kanina kasi nung pumunta sila dito sa bayan, nasa unahan siya nito. Sobrang pagpipigil ang ginawa niya kanina para hindi maipakita ang kilig niya. Buti na lang kamo at hindi nito nakikita ang ekspresyon ng mukha niya, kundi mapagkakamalan pa siya nitong ewan.


“Next time naman, Shanea, kung magda-drive ka ng motor, mag-pedal ka. Hind yung naka-short ka. Sinabihan na kita dati diba?”


“Nakalimutan ko, eh.” Hindi niya talaga nakalimutan, bawat sabihin nito tinatandaan niya. Sadyang makulit lang siya. At papansin kay Jed.


“Umusad ka nga sa unahan.” inis na utos nito.


Pakipot muna siya ng kaunti. “Dito na lang ako sa likod. Gabi naman na, walang makakakita ng makinis kong legs. Sipain ko pa sila, eh.”


“Shanea!”


Nginitian niya ito. Hindi na pala. “Sabi ko nga dito ako sa unahan.” Umusad na siya sa unahan. Nilingon niya ito. “Ano pang hinihintay mo? Sakay na.” panggagaya niya sa sinabi ni Sharon Cuneta sa commercial promotion nito ng Super Ferry.


”Napaka-kulit mo talaga!” Napapailing na sabi nito bago umangkas sa motor niya. 


Huminga siya ng malalim ng paandarin na nito ang motor. Eto na naman po kami ang puso ko. Napasandal siya sa dibdib nito ng hindi sinasadya. Okay, sinasadya na niya. Minsan lang ‘to noh kaya lulubos-lubusin na niya. Chance niya na ‘tong makatsansing. Wahehe.


“Jed, pakibagalan mo naman yung takbo.” Para matagal pa tayong ganito.


“Tumatakbo ba tayo? Naka-motor tayo.”


Natawa siya ng mahina. “Funny ka talaga.”


“Anong nakakatawa? Did I said a joke? Wala naman diba?”


Tinakpan niya ang bibig niya para pigilin ang matawa. “Wala nga.” Kandakasi naman, kung mag-joke ang lalaking ‘to, seryoso pa din. Tumikhim siya ng malakas. “Samin ka na kumain.”


Hindi ito sumagot.


“Tinext ko na sina lola at lolo na do’n ka mag-di-dinner. Tinext ko na din ang mama mo na samin ka kakain.”


“Tinext mo si mama?”


“Oo, textmate kaya kami. Sa kaniya ako nagsusumbong pag sinusungitan mo ko.” Close sila ng mama nito. Nag-iisang anak lang kasi si Jed kaya tuwang-tuwa ang mama nito sa kaniya pag pumupunta siya sa bahay nito. “Ano, Jed, samin ka na kakain? Kung gusto mo, samin ka na din matulog.”


Napabilis ang takbo nito. “Pero syempre, joke lang ‘yon.” bawi agad niya. “Ano, Jed? Bilis, baka magbago ang isip ko.”


“Ihahatid kita sa inyo kaya I have no choice.” sagot nito.


Napalingon tuloy siya dito. Kalahating dangkal na lang ang layo ng mukha niya dito. Napalunok siya.


“Shanea, sa harap ang tingin.” Nasa kalsada pa din ang atensyon nito. Binaling niya ang tingin sa unahan. Umayos siya ng upo.


“Shanea, wag kang malikot.” Sumandal na lang siya dito.


“Shanea, wag mo akong masyadong sandalan, ang bigat mo.” Sa halip na mainis sa pagpansin nito sa mga galaw niya, napangiti siya. Shanea. Shanea. Shanea. Gustong-gusto talaga niya kapag sinasabi nito ang maganda niyang pangalan. Siguradong mami-miss niya ang pagtawag nito sa pangalan niya kung sakaling hindi na sila magkita. Na malabo namang mangyari dahil sa isang village sila parehong nakatira. Pero, pano nga kung dumating yung panahong hindi na sila magkita?


“Jed.”


“Ano ‘yon?”


“Ma-mimiss mo ba ako kung hindi na tayo magkita?”


Hindi ito sumagot.


“Silence means yes.” Napangiti siya. “Ako kasi ma-mimiss kita ng sobra.” Kasabay ng pagsabi niya no’n ay may nag-overtake sa kanilang motor.


“May sinasabi ka?”


Okay. Hindi nito nadinig ang sinabi niya. Tumabingi ang ngiti niya. Epal na motor na ‘yon, ah. Panira ng moment ko. “Nagugutom na kako ko.”


* * * 

2 comments:

  1. ANg sWeeT niLa,,, aNeBe kiNiKiLig aQ,,,

    ReplyDelete
  2. ai?? umaapaw nman na sweetness yun!! haha.. gusto ko rin ng ganun!!! hahah.. ang sungit talaga ng loko.. parang si lance lang sa "after all"..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^