CHAPTER
29
( Princess’
POV )
Alas singko pa lang gising na siya. Maghapon lang
kasi siyang natulog kahapon kaya napaaga ang gising niya. Si Manang Fe pa lang
ang gising. Naabutan niya ito sa kusina.
“Magandang umaga po.”
bati niya.
“O, ang aga mong nagising, Princess.
Alas singko pa lang, ah.”
Umupo
siya sa upuan. “Maghapon
lang po kasi akong natulog kahapon kaya busog na busog po ako sa tulog.”
“Nasabi mo na din yang busog, gutom ka
na ba? Gusto mo ng kape?”
“Ako na po, Nay.” Nang mapatigil siya
sa tinawag niya dito. “Okay lang po ba na tawagin ko kayang Nanay?”
Napangiti
ito. “Oo naman. Halos kasing edad mo ang
anak kong babae.”
Kumuha
siya ng tasa ang nagsimulang magtimpla ng kape. “Nasan po siya?”
“Nasa kabilang bayan. May pamilya na.”
“Ah, eh yung…”
Hindi niya maituloy ang sasabihin niya dahil baka akalain nitong tsismosa siya.
“Asawa ko? Pitong taon nang patay ang
asawa ko.”
Napalingon
siya dito. “Pito
po?”
“Oo. Lumubog yung barkong sinasakyan
niya. Kasama niya ang anak kong babae. Sanay namang lumangoy ang asawa ko, kaya
lang iniligtas niya ang anak namin.”
Nabitiwan
niya ang kutsarang hawak. Barko? Lumubog?
Niligtas? Para yung sirang plakang nagrereplay sa isip niya.
“Okay ka lang, Princess?”
Napalingon
siya dito. “Ah…opo...”
“Bakit parang namumutla ka?”
Napahawak
siya sa pisngi niya. “Talaga po? Kulang lang po sa pulbos yan.”
Pinulot niya ang kutsarang nahulog. “M-mukhang may dadating po tayong bisita, ah.” pag-iiba
niya ng usapan.
“At babae. Sino kaya?”
Nakahinga
siya ng maluwag. Buti naman at hindi na ito nagtanong pa.
“Baka po may bibisita
kina Aeroll na babae.”
“Naku, parang kilala ko na kung sino
‘yon.”
Kumunot
ang noo niya. “Hah?
Sino po? Girlfriend niya po? May girlfriend po siya dito?”
“Si Prince ba ang tinutukoy mo? Dahil
malabong si Harold dahil may nobya na siya.”
Hindi
siya agad nakasagot. Ano bang klaseng
tanong yong tinanong ko? Daig ko pa ang reporter kung makapagtanong.
Napangiti
ito ng makahulugan. At napansin niya yon kaya iniba na niya ang usapan. “Nay,
maglilibot lang po ako sa labas. Okay lang po?”
“O, sige. Mababait naman ang mga tao
dito.” Nang mahulog ang tinidor na hawak nito.
“Mukhang hindi lang po
babae ang bisita natin.” nangingiting wika niya.
“Mukha nga.”
Inubos
na niya ang kape niya at nagpaalam na dito.
* * * * * * * *
( Aeroll’s
POV )
Mag-aalas-siyete
na ng magising siya. Hating-gabi na ng makatulog siya dahil sa walang
katapusang kwento ni Harold. Kuwento tungkol sa mga pinsan niya at sa mga
kamag-anak niya. May-asawa na daw si ganito, may anak na daw si ganito.
Bla..bla..bla. As if naman, hindi siya pupunta sa mga pinsan niya ngayon. May
pagka-tsismoso talaga ang pinsan niya kahit kailan.
Wala
na ang pinsan niya sa tabi niya. “Hindi man lang ako ginising ng mokong na ‘yon.”
Bumangon
na siya at naligo. Tiyak nasa dining room na ang lolo’t lola niya. Ayaw pa
naman ng mga ito na pinaghihintay ang pagkain. Mabilisan na siyang naligo.
Halos
kakalabas lang niya ng banyo ng makadinig siya ng katok.
“Sino ‘yan?”
“Ang gwapo mong pinsan.”
“Sa pagkakaalam ko, ako
lang ang gwapo sa angkan natin.” Naghanap siya ng
maisusuot sa cabinet niya. Nadinig niyang nagbukas ang pinto. Paglingon niya,
prente ng nakaupo ang pinsan niya sa kama.
Humarap
uli siya sa cabinet. “Bat hindi mo ako ginising?” tanong niya.
“Ang sarap ng tulog mo,
eh.”
“Sina lola?”
“Nasa baba. Nga pala si
Princess, nawawala.”
Marahas
siyang napalingon dito. “Anong sabi mo?!” gulat niyang tanong.
Tumawa
lang ito ng malakas.
“Pwede ba, Harold,
seryoso ko!” Kasasabi lang nitong nawawala si Princess,
tapos ngayon may gana pa itong tumawa ng ganito.
Umalis
ito ng kama. “Dyan
ka na nga.” natatawang wika nito,
bago humakbang palabas ng kwarto niya.
“Harold!”
Mabilis siyang nagbihis. Tumutulo pa nga ang buhok niya ng bumaba siya.
“Anong nangyari kay
Princess?!” malakas
na tanong niya. Sabay-sabay na nagsipaglingunan sa kaniya ang mga taong nakaupo
sa dining room. Tumawa ng malakas si Harold.
“Honey.”
saway dito ni Cath.
“Bakit?”
Napalingon
siya sa pinanggalingan ng boses na ‘yon. Nadinig niyang tumawa na naman si
Harold. Nilingon niya ito. Naningkit ang mga mata niya. “You…” Pinagtripan lang naman siya
nito.
“Yes insan. Me.” Sumagot pa talaga.
“Ano bang nangyayari sa
inyong magpinsan?” tanong ng lolo niya.
“Apo, gutom ka na ba at
sa sobrang pagmamadali mo baligtad pa ang damit mo? Nakakahiya sa bisita.”
wika ng lola niya.
Saka
lang niya napansin ang isang pamilyar na mukha na nakaupo sa hapag-kainan.
“Long time no see, pare.”
nakangiting wika ng taong ‘yon.
* * * * * * * *
( Princess’
POV )
Napatingin
siya sa relo niya. 6:30 na pala. Hindi niya namalayan ang oras sa paglilibot niya. Ang
sabi ni Manang Fe, malapit lang daw ang dagat sa bahay kaya naisipan niyang
puntahan. Nakaupo siya ngayon sa puno ng niyog na natumba. Hinitay niyang
sumikat ang araw.
Nag-inat
siya at tumayo mula sa pagkakaupo. Pinagpag niya ang pedal niyang suot.
Nagsimula na siyang maglakad pabalik ng bahay. Isang minuto pa lang siyang
naglalakad ng mapansin niyang tila may sumusunod sa kaniya. Lumingon siya sa
likuran niya. Isang lalaking nakapamulsa ang nalingunan niya. Napahinto ito sa
paghakbang at napatingin sa kaniya. “Why?”
tanong nito. Wala man lang emosyon ang mukha nito.
Hindi
niya ito pinansin at nagpatuloy uli sa paglalakad. Lumiko siya may kanto.
Naramdaman niyang lumiko din ito. Huminto uli siya at nilingon ito.
Hindi
na siya nakatiis. “Teka, sinusundan mo ba ko?” tanong niya.
Kumunot
ang noo nito. “Okay ka lang, miss? Why
should I follow you? Pag-mamay-ari mo ba ang daanang ito para hindi ako dumaan
dito?” Bumaba ang tingin nito sa kalsada. “Wala namang pangalang nakalagay dito.”
Antipatikong
lalaki ‘to, ah!
“So, if you’ll excuse me, may
pupuntahan pa ko.” Naglakad uli ito at nilagpasan siya.
Humalukipkip
siya. “Ang
sabi ni Manang Fe, mababait daw ang mga tao dito. Hindi naman pala lahat.”
Nilakasan niya ang pagkakasabi no’n at sadyang pinadinig sa lalaking ‘yon.
Nilingon
siya nito ng nakakunot ang noo. “May
sinasabi ka?”
“Hindi naman pala
mababait ang mga tao dito.” matapang na sagot niya.
“Kasama ka don.” dagdag
nito. Naglakad na uli ito.
“Hindi ako taga dito
noh!” Mabilis din siyang humakbang, hindi para sumunod dito,
kundi para makauwi na. Pero laking gulat niya ng huminto din ito sa tapat ng
gate nila Aeroll. Nag-doorbell ito. Napalingon ito sa kaniya. Napansin siguro
nito na nasa likuran siya nito.
Kumunot
ang noo nito. “Ikaw yata ang sumusunod
sakin, eh.”
“Ako? Dito din kaya
ako—”
“O, andyan ka na pala, Princess.
Kanina ka pa hinahanap nina Harold. Akala nga, naligaw ka na.” Si
Manang Fe ang nagsalita mula sa nakabukas na gate. Napalingon ito sa lalaki.
Nanlaki ang mata ni Manang Fe. “Jed!
Ikaw ba yan?”
“Hello, Manang! Long
time no see.” bati ng lalaki. Nilingon siya ng lalaki. “See? Hindi
kita sinusundan.”
Humalukipkip
lang siya. Ito siguro ang tinidor na nahulog kanina.
* * *
AieshaLeeNote: At dahil magulo ang utak ng author ninyo, haha. Iba na po ang gaganap sa character nina CATH and HAROLD!! Si SONG HYE KYO & RAIN BI na po ang ga2nao sa character nila, mas bagay sila kasi parehas silang makulitt :)))) click --> CASTS!!
Si LEE DA HAE & LEE DONG WOOK na 1st choice ko sa charcter nila Cath & Harold, sila na po ang LEADING characters ko sa NEW STORY ko na FOLLOWING YOUR HEART
graBey aNg gwAPo ni jEd,,, si dOngwOok,,, kyAhaHa,,, aNg eXcitiNg na ng maNgyyri iM so vEry veRy suRe of it,,, hwAhEHe,,,
ReplyDeletesobrand na miss ko to!!! i super love it!!!
ReplyDeletetawa much sa trip ni harold!! grabe!! sumakit talaga ung tyan ko sa kakatawa!! hahaha..
at sino na itong spoon and fork?? jed and ung pinsan ni aerol i guess??