CHAPTER
30
( Princess’
POV )
Nasa hapag-kainan na sila. Si Aeroll na lang
ang hinihintay nila.
“Akala ni Princess,
sinusundan mo siya?” natatawang tanong ni lola kay Jed, na nasa
tabi niya.
“Yun pala parehas lang
kayo ng pupuntahan.” dugtong ni lolo.
“Opo. Napagkamalan pa
kong stalker.” sagot ni Jed. Nalaman niyang bestfriend
pala ito ni Aeroll. Bagay ang dalawa dahil pareho itong mga pilosopo at
antipatiko. She wondered kung paano mag-usap ang dalawang ‘yon.
Nilingon
niya ito. “Hindi
ko naman kasi alam na dito din ang punta mo.” sambit niya.
“Hindi ko din alam na
hindi ka taga-rito.” pang-gagaya
nito sa tono ng boses niya. Hindi man lang ngumiti ang loko. Ang damot!
“Teka, nasan na ba si
Prince? Bakit hindi pa bumababa?” tanong ni lolo.
“Tatawagin ko na po,
lolo.” Tumayo si Harold, pero bago ‘yon, tiningnan muna siya
nito. Pilyo itong ngumiti.
Kumunot
ang noo niya. Mukhang may kalokohan na
naman itong naiisip, ah.
Ilang
saglit lang ang lumipas ng bigla na lang siyang masamid. Sunod-sunod pa siyang
umubo. Mukhang may nakaalala sakin, ah.
“Okay ka lang?”
tanong ni Cath.
Tumango
lang siya. “I-inom
l-lang a-ako n-ng t-tubig. E-excuse m-me p-po.”
Dumeretso
siya ng kusina. At uminom ng tubig. Naubos niya ang isang baso ng madinig niya
ang malakas na boses ni Aeroll.
“Anong nangyari kay
Princess?!”
Kumunot
ang noo niya. Anong nangyari sakin?
Nasamid lang naman ako. Saka bakit parang may concern siyang nabasa sa
tanong nito.
Kasunod
ng tanong ni Aeroll ay nadinig niyang tumawa ng malakas si Harold.
Lumabas
na siya ng kusina. Nakita niyang nakatayo si Aeroll. Mukhang halos kakatapos
lang nitong maligo dahil tumutulo pa ang buhok nito. “Bakit?” tanong niya.
Napalingon
ito sa kaniya. Tumawa na naman si Harold. Masama ang tinging nilingon ito ni
Aeroll. “You…”
“Yes insan. Me.”
Nagtatakang
napatingin na lang siya sa mga ito. May nangyari
bang hindi ko alam? May tsismis ba akong nakaligtaan?
“Ano bang nangyayari sa
inyong magpinsan?” tanong ni lolo.
“Apo, gutom ka na ba at
sa sobrang pagmamadali mo baligtad pa ang damit mo? Nakakahiya sa bisita.” wika ni lola.
Napatingin siya sa damit ni Aeroll. Baligtad nga ang suot nitong damit.
Napalingon
si Aeroll kay Jed. Mukhang ngayon lang nito napansin ang kaibigan nito.
“Long time no see,
pare.” nakangiting bati ni Jed. Himala! Ngumiti siya. Mas gwapo pala ito kapag nakangiti. Pero
kahit ganon, mas gusto pa din niya si Aeroll. I mean, mas okay pa din si Aeroll. Pilosopo at antipatiko man
minsan, hindi ito tipid ngumiti katulad nitong Jed na ‘to.
“Pare! Kailan ka pa
bumalik?” Mabilis na lumapit si Aeroll sa tumayong si Jed.
Nagyakap pa ang mga ito.
Agad
na humiwalay si Jed dito. “Whoah! Masyado mo ba kong na-miss at talagang baligtad
pa yang t-shirt mo?” natatawang tanong nito.
“Kasalanan niyang Harold
na yan!” paninisi ni Aeroll sa pinsan nito.
“Malay ko bang…”
Tiningnan siya ni Harold.
“What?”
tanong niya. Para kasing may kinalaman siya sa pinag-uusapan ng mga ito, eh.
“Wala naman, Princess.”
nangingiting sagot nito.
“O sya, tama na muna
yan. Baligtarin mo muna yang damit mo, apo, at kakain na tayo.”
singit ni lolo.
Ang
akala niya ay aakyat sa kwarto si Aeroll para baligtarin ang tshirt nito. Pero
hindi, lumayo lang ito ng bahagya sa kanila bago nito hubadin ang tshirt nito,
binaligtad at isinuot. Nakita tuloy niya ang abs nito. Umiwas siya ng tingin. Ang yabang talaga. Ipagmalaki pa yung katawan.
Pero infairness, perfect abs.
Princess, ano yan hah.
saway ng isip niya.
“Nothing change huh. Ang
yabang mo pa din.” wika ni Jed.
Natatawang
nagkibit-balikat lang si Aeroll.
“Ikaw talaga apo, ganyan
din kaya ang katawan ko nung kabataan ko.”
“Ako din, ganyan din ang
katawan ko. Mas maganda pa dyan. Wanna see it?”
“Wag na, honey. After na
lang nating kumain, baka mawalan kami ng gana, eh.”
kontra ni Cath kay Harold.
Nagtawanan
sila sa sinabi nito.
“O sya. Tara na’t
magsikain na tayo at baka kung san pa mapadpad ang usapan natin. Mamaya na lang
tayo magkwentuhan sa hardin.” wika ni lola. “Umupo na kayo
ni Aeroll, Princess.”
Lumapit
na siya sa pwesto niya kanina sa tabi ni Jed nang unahan siya ni Aeroll.
Hinawakan nito ang upuan. “Dito ko.” wika nito.
Tiningnan
lang niya ito. Ang arte talaga kahit
kailan. Kung wala lang sila sa harap ng pagkain, nasagot na niya ‘to. Mamaya ka sakin.
Uupo
na sana siya sa tabi ni Jed sa bandang kaliwa nito ng magsalita uli si Aeroll.
“Dito ka.”
wika nito, sabay hawak sa upuang nasa tabi nito.
“Ano bang problema mo?
Kagabi ka pa.” bulong niya na ito lang ang makakadinig.
Nang kumakain kasi sila kagabi ng dinner, wala itong ginawa kundi ang inisin
siya. Hindi naman yung lantarang iniinis siya, pero parang nananadya itong
banggitin ang ’tagos’ word sa mga sinasabi nito. Kaya bilang ganti, tuwing
magsasalita siya, sinisingit niya ang ‘layo pa’ word para ipaalala dito ang
ginawa niyang pangti-trip dito.
“Wala naman.”
nakangiting sagot nito.
“Ehem!”
sabay silang napalingon ni Aeroll sa mga ito. Nakangiti ang mga ito at tila
natutuwa sa nakikita.
“Is she your girlfriend,
pare?” tanong ni Jed.
Nagkatinginan
sila ni Aeroll. May nabasa siyang kung ano sa mga mata nito pero hindi naman
niya maipaliwanag.
Umiwas
siya ng tingin. “No.”
Siya na ang sumagot. Umupo na siya sa tabi ni Aeroll.
“Pare? Umupo ka na.”
untag ni Jed kay Aeroll na nakatayo pa din sa likuran niya.
“Hah?”
“Anong hah?”
“N-no.”
mahinang sagot nito.
“Anong no? Ayaw mong
umupo? You’re acting weird, pare. Three years lang tayong hindi nagkita, lutang
ka na.”
“Ah, uupo ba? Akala ko…”
Umupo na din ito sa pagitan nila ni Jed.
“Akala mo ano, insan?”
tanong naman ni Harold.
“Wala. May kasalanan ka
pa sakin.” sagot ni Aeroll.
Hindi
na lang niya pinansin ang mga ito. Sumandok siya ng sinangag at nagugutom na
siya sa paglakwatsa niya kanina.
* * * * * * * *
Nandito
sila ngayon sa hardin nina Harold at Cath. Nasa loob sina lolo at lola. Nasa
verandah naman at nag-uusap ang mag-bestfriend na si Aeroll at Jed.
“Princess, may sasabihin
ako sa’yo.” wika
ni Harold.
“Ano ‘yon?”
“Alam mo ba kanina—aray
naman honey!” Piningot kasi ito ni Cath sa tainga nito.
Pinanlakihan
ito ng mga mata ni Cath. “Wag mo ng i-kwento.”
Inakbayan
ito ni Harold. “Okay,
sabi mo, eh.”
Kumunot
ang noo niya. “Ano
ba ‘yang sikretong malupet na ‘yan? Ba’t ayaw ninyong sabihin?”
“Wala ‘yon, bhest. May
ginawa lang kalokohan si Harold kanina.”
“Ba’t ayaw ninyong
i-share? Ang damot ninyo!”
Nagkatinginan
ang mga ito. Tumango si Cath kay Harold. “Pinagtripan ko kasi si Aeroll kanina nung
sinundo ko siya sa kwarto niya.” sagot ni Harold.
“Tapos?”
“Sinabi kong nawawala
ka.”
“What?”
Iyon ba ang naabutan niyang eksena kanina paglabas niya ng kusina?
“Ang lakas ng tawa ko ng
makita ko ang reaksyon ng mukha niya. Grabe talaga. Para siyang…ano..basta.”
natatawang wika nito. “Kulang na lang lamunin ako ng buhay lalo ng tawanan ko
lang siya.”
“Anong itsura niya
kanina, honey, ipakita mo nga kay bhest.” sulsol dito ni
Cath.
“Ganito oh.”
Nilakihan nito ang mga mata nitong singkit. Kasabay ng panlalaki ng butas ng
ilong nito. Ang lakas ng tawa nila ni Cath. Para kasing walang nangyari sa
mukha nito. Para lang itong di-maihi na ewan.
Sumimangot
si Harold. “Sige
lang, tawa pa.”
Habang
siya… Aeroll was so worried ng malaman
niyang nawawala ako. Iyon ang ibig sabihin
ng sinabi ni Harold. Bakit? Hindi naman—
Napalingon
siya sa gawi nina Aeroll ng makadinig siya ng sigaw ng babae. Deretsong yumakap
ito kay Aeroll. Aeroll lang ang tawag nito kay Aeroll ayon sa nadinig niya.
Kumunot ang noo niya. Ito siguro ang kutsarang nahulog kanina. Sino siya?
* * *
[Disclaimer: Photo/s in this chapter were edited by Aiesha Lee. Credit goes to the owner/s of the original photo/s used.]
Laugh trip ba? >>>Face to Face w/ Mang Doro
>>> CHAPTER 31 HERE
my gosh!! tawa much.. nice one harold!!
ReplyDeletehmn.. i felt nostalgic.. ganyan din ang ginawa ni aerol noon sa kanila princcess and harold.. selos much??? hahah..
whhooossshh!!! pamatay naman sa abs!! if i were her,baka di ko ma control self ko at ma harass ko si aerol ng wala sa oras.. hahah
maReraPe ko n yAng c aeRoLL ng di oRas eE,,, aNg gwApo at hOt nmAn kaSi taPos wAaaAaah mEi seLOs effEct pa,,, hwAaaAaaah,,,
ReplyDelete