CHAPTER
31
“Ba’t hindi
mo man lang sinabing uuwi ka na?” tanong niya kay
Jed. “Kailan
ka pa dumating? Sila Tita?” Nandito silang dalawa sa verandah habang
sina Harold ay abala sa pagkukulitan sa hardin.
“Kahapon
lang. Ako lang ang umuwi.” matipid nitong sagot.
Napailing
siya. Three years simula ng huli silang magkita, pero wala pa din itong
pinagbago. The same Jed pa din ito. Malihim. Tipid magsalita kapag tungkol sa
sarili nito ang pinag-uusapan.
Tuwing
nagbabakasyon sila dito nila Harold nung mga bata pa sila. Isa ito sa mga
kalaro nila. Malapit na magkaibigan kasi ang mga ama nila. May bahay din ito sa
Bulacan. At sa mismong village pa nila. Highschool siya nang tuluyang lumipat
ang mga ito sa Bulacan. Sa totoo lang, papa niya ang humikayat sa papa nito na
sa village din nila ito tumira. At dahil, magbestfriend ang mga ama nila. Ayun,
naging magkapitbahay sila.
Three
years ago nang mag-migrate ito sa America kasama ng parents nito. Three years
mang hindi ito umuwi, may communication pa din sila.
“Ikaw, how are you, pare?”
tanong nito.
“Eto gwapo
pa din.”
“Si
Princess.” Napalingon siya sa sinabi nito. Sa iba ito
nakatingin. Sinundan niya ang tinitingnan nito. Si Princess. Tumatawa si
Princess habang nakatingin sa nagkukulitang sina Harold at Cath. Napangiti siya
sa nakikita niya pero agad ding kumunot ang noo niya ng hindi pa din
nilulubayan ng tingin ni Jed si Princess.
“Hey!”
Kinalabit na niya ito sa balikat.
Napalingon
ito sa kaniya. Bahagya itong ngumiti. “Bat ganyan ang noo mo? Don’t tell me you’re jealous
because I’m staring at your Princess.”
Sabi
na nga ba, kapag hindi tungkol sa sarili nito ang pinag-uusapan, ang dami
nitong nasasabi.
“You’re
staring at her?”
“I’m just
kidding, pare. Napatingin lang ako sa kaniya ng madinig ko ang tawa niya. May
naalala lang akong bigla.”
Napangiti
siya sinabi nito. “Alam ko kung sino ang naaalala mo.”
“Wala akong
sinabing sino. May naalala akong ano.”
kaila nito.
“I know you,
pare. We’re bestfriends, right?”
“I know you,
too, pare. Matagal man tayong hindi nagkita. Kilalang-kilala pa din kita.”
Nilingon nito si Princess. “Finally. Magpinsan nga talaga kayo ni Harold. Lagi
kayong sabay sa mga bagay.”
Nakadinig
siya ng tunog ng motor. Napangiti siya. “And finally, nandito na din siya.” Sinabi sa
kaniya ni Harold kanina na tinext nito ang pandak na ‘yon at pinapunta dito.
Kumunot
ang noo nito. “Who?”
Bilang
sagot ay isang malakas at maingay na boses ang nadinig niya mula sa likuran ni
Jed. Isang babae ang lumitaw mula sa kung saan. Si pandak! Nakasuot pa din ang
helmet nitong color pink sa ulo nito. Hindi man lang tinanggal. Napailing siya.
Para talaga itong kabute at para itong si ‘the flash’. Ang bilis. Dere-deretso
itong tumakbo palapit sa kaniya. Naglambitin pa ito sa leeg niya.
“Na-miss kita, Aeroll!”
“Ang bigat mo,
ano ba? Hindi ako monkey bar, okay. And how many times do I have to tell you na
KUYA Aeroll. Not just Aeroll. And FYI, wala pang isang linggo ng huli tayong
nagkita. Kung maka-miss ka dyan parang ilang taon tayong hindi nagkita at
parang hindi tayo magkasama sa bahay.”
“Hindi ako mabigat. I’m
just twenty years old and you are twenty three. Two years lang po ang tanda mo
sakin.”
“Three
years.” pagtatama niya.
“Okay, one year, Aeroll.”
nakangiting wika nito. Ang kulit talaga!
Hindi pa din nito inaalis ang mga braso sa leeg niya. Hindi sinasadyang
napalingon siya sa gawi ni Princess. Nakatingin ito sa kanila. Sinenyasan siya
ni Harold ng ‘lagot ka’.
Lagot saan?
Parang nadinig nito ang tanong ng isip niya at itinuro nito si Princess. Napatingin
uli siya kay Princess. Nakakunot na ang noo nito.
Pilit
niyang tinanggal ang braso ni pandak sa
leeg niya. Pero ayaw nitong alisin.
“Yung surprise ko muna.
Sabi ni kuya Harold may surprise kayo sakin.”
Napangiti
siya. “Nasa
likuran mo.” Mabilis itong lumingon sa likuran nito.
“Jed!? Oh my God!”
malakas na bulalas nito. Mabilis itong lumayo sa kaniya at walang sabi-sabing
yumakap sa nakakunot-noong si Jed. “Na-miss
kita sobra! Sobrang-sobra!” Tumingala si pandak kay Jed. “Na-miss mo ba ko? Ang tagal na nating
hindi nagkita, ah.”
Napatingin
si Jed sa kaniya. Tinuro nito ang babaeng nakayakap pa din dito. “Is she…”
“Yes. The
one and only.” sagot niya. Kasabay niyon ay
tinanggal ni pandak ang helmet nito.
“Surprise to see me, Jed?
Ako din na-surprise sa surprise nila kuya Harold sakin.”
“Bat hindi
mo sinabing nandito siya?”
tanong ni Jed sa kaniya na parang hindi
nadinig ang sinabi ni pandak.
“Kailangan
ba?” balik-tanong niya. “Alam mo namang lagi namin siyang kasama
kapag nagbabakasyon dito.” Si Harold nga lang ang kasabay nitong
pumunta dito. Excited si pandak, eh.
“How did she
know I’m here?”
“Wala siyang
alam na nandito ka.”
“Kung ako na lang kaya ang
tanungin mo, Jed. Sasagutin kita ng bonggang-bongga. Kesa kay Aeroll, walang
kasusta-sustansya ang mga sagot niya. Si kuya Harold ang nagtext sakin na may
surprise daw siya sakin. I didn’t expect na ikaw ang surprise niya.” singit
ni pandak. “But you know what, I was—”
“Stop. Baka abutin
pa tayo ng magdamag sa sagot mo.” putol ni Jed sa
litanya ni pandak. Dahan-dahang inalis ni Jed ang mga braso ni pandak sa leeg
nito. Hindi niya napansin ang reaksyon ni pandak sa sinabi ni Jed dahil
nakatalikod ito. Napailing siya. Nothing’s change, mas lumala pa nga ata itong
si Jed ngayon.
“Hindi mo ba ako na-miss?”
tanong ni pandak.
“No.”
Binalingan siya ni Jed. “Mauna na ko, pare. Saka na tayo mag-kwentuhan.”
“Aalis na kami, Aeroll.”
paalam din ni pandak nang humarap ito sa kaniya.
“Me.”
pagtatama ni Jed.
“Yes, us.”
“Hindi ka pa
din nagbabago.”
“Oo naman. Ako pa din ‘to.
Mas gumanda nga lang. Mukhang ikaw ang nagbago.”
Hindi
na ito sinagot ni Jed. “Pare, saka na tayo mag-kwentuhan.” baling
nito sa kaniya.
Tumango
na lang siya. “Ingat.”
Humakbang
na ito paalis.
“Don’t worry, Aeroll.
Iingatan ko ang pare mo.” wika ni pandak sa kaniya.
“Umalis na
siya, pandak.”
“Matangkad na ako.”
“San banda?”
“Dito. Saka may motor ako,
maaabutan ko din ‘yon. By the way, where’s your Princess?”
Luminga ito.
Teka, paano niya nakilala
si Princess? Nilingon niya si Harold. Mukhang ito
ang may sala. Ang daldal talaga nito. Ano naman kayang pinag-kukuwento nito kay
pandak?
“Is that
her, Aeroll? Hi, Princess!” Kumaway pa si pandak kay
Princess. “I’m
Shanea! Harold and Aeroll’s beautiful cousin! Saka na tayo magchikahan,
susundan ko pa kasi si Jed.” Nangingiting tumango lang si Princess.
Tumakbo na si Shanea sa nakaparada nitong motor at pinaandar ‘yon. “Babayu, guys!
See you soon! Muah!” Nag-flying kiss pa ito.
Napangiti
na lang siya sa kakulitan ng pinsan niya. Oo, pinsan niya ang pandak na ‘yon na
nagngangalang Shanea. Hindi naman talaga ito pandak, dati lang, nakasanayan
lang niyang tawagin ito ng pandak bilang pang-aasar dito. Ang kulit naman kasi
nito. Aeroll lang ang tawag sa kaniya. Walang Kuya.
Sa
lahat ng pinsan nilang babae, ito ang pinaka-close nilang dalawa ni Harold.
Bata pa ito ng mamatay ang magulang nito sa isang car accident. Kapatid ng papa
niya ang mama nito. Magulang niya ang kumupkop kay Shanea at tumayong magulang.
Sa kanila na ito lumaki. Kaya kapatid na ang turing niya dito.
At
kung tatanungin ninyo kung ano ang relasyon ni Shanea kay Jed. Isa lang ang
masasabi ko, bata pa lang sila, lagi nang nakabuntot si Shanea kay Jed. Ang
hindi ko maintindihan, hindi naman magawang ipagtabuyan ni Jed ang pinsan ko
kahit halos mapatid na ang ugat ni Jed sa leeg dahil sa kakulitan nito.
Napalingon
siya kay Harold ng tawagin siya nito.
“Why?”
tanong niya.
“Diba
pupunta ka pa sa mga pinsan natin?”
“Oo, bakit?”
Ngumiti
ito. “Isama
mo si Princess.”
“Hah? Bakit
ako sasama?” react ni Princess.
Napangiti
siya. “Sige,
Prinsesa, pwede kang sumama.”
“Wala naman
akong sinabing sasama ako.” kontra nito.
“Bhest,
sumama ka na. Mababait yung mga pinsan ni Harold. Ang kukulit pa. Promise.”
“Eh, kayo?
Hindi kayo sasama?” balik-tanong ni Princess.
“Maliligo
kami sa dagat ni Harold. Saka kakapunta lang namin do’n kahapon. Magugustuhan
mo do’n. Ang cute ng baby ng pinsan nila.”
Napangiti
si Princess. “Talaga?”
Sumingit
siya. “At
hindi ka pwedeng maligo, Prinsesa, kasi meron—”
“I know!”
putol nito sa sasabihin niya. Tiningnan siya nito ng masama.
Kung nakakamatay lang ang
tingin, matagal na kong namatay sa tingin nito. Itinaas
niya ang kamay niya. “Okay! Basta sasama ka na.”
* * *
[ Photo/s in this chapter were edited by Aiesha Lee. ]
wOw, hwaHehE,,, kaSabaY n LuMaBas diN cNa Jed at sHanEa dtO,,, dUn nmAn s fOLLowiNg uR hEarT naKita ki cNa aerOLL at pRinCess,,, aNg saYa ng crOss oVer ng stOry mu,,,
ReplyDeletesi shanea!! haha..
ReplyDeletepag si princess nah,wala na talagang palag si aerol.. hahah.. anu cute talaga nila!..
ReplyDelete