Sunday, November 25, 2012

Love at Second Sight : Chapter 32


           CHAPTER 32                
( Princess’ POV )

“Naku naman, patay ako kay ate nito!” Kinuha niya ang phone niya sa bag at ini-on. Dala niya ang laptop niya. Pang-limang araw na niya dito sa Romblon pero ngayon lang niya binuksan ang e-mail niya. Nabasa niya ang message ng ate niya. Tinatanong kung bakit hindi siya nito makontak. Alam ng ate niyang nagbakasyon siya.


“Bakit, bhest?”


“Tumatawag pala si ate. Yung phone ko, limang araw ng naka-off. Baka kasi kontakin ako ni James kaya wala sa loob na ini-off ko. Ayoko siyang makausap.” Napahigpit ang hawak niya sa phone niya.


Tinapik siya ni Cath sa balikat niya. Nginitian niya ito. “Okay lang ako.” Then she heard someone’s knocking. “Bhest, may kumakatok.”


Lumapit si Cath sa pintuan ng room nila. Nireplayan naman niya ang e-mail ng ate niya. Nagdahilan na lang siya kung bakit naka-off ang phone niya.


“Ready na ba ang prinsesa?” Boses ni Aeroll ‘yon.


“Bhest, aalis na daw kayo sabi ng prinsipe mo.”


Napailing na lang siya. Nasa ibabaw siya ng kama at nilingon si Aeroll na nasa labas ng kwarto nila. “Saglit na lang. Susunod na ko sa baba.”


“Sino ba yang ka-chat mo? Boyfriend mo? Pwede namang mamaya muna siya asikasuhin. May lakad pa tayo kaya tumayo ka na diyan.”


Nagpanting ang tenga niya ng marinig ang salitang ‘boyfriend’. Huminga siya ng malalim. “Hindi na ko sasama.” Itinutok niya ang atensyon sa laptop niya kahit tapos na niyang i-send ang message na tinayp niya sa ate niya. Idagdag pa na may message din siyang natanggap mula kay James.


“What?!”


“Excuse me, bababa lang ako.” Lumabas na si Cath ng kwarto nila.


“You heard me. Mag-isa kang pumunta.”


“Ano bang problema mo?!” pikong tanong nito sa malakas na boses.


Kayong mga lalaki ang problema ko!!


Nabaling ang atensyon niya sa phone niya ng mag-ring ang phone ‘yon. Ang daming message na nagsipagdatingan. Halos puro kay James. Asking kung bakit hindi siya makontak. Kung ano ng nangyari sa kaniya. All in all, worried ito sa  kaniya.


Worried? May taksil pala na worried!


At ganitong may dalaw siya, masyado siyang emotionally. Namalayan na lang niya na tumutulo na ang luha niya.


“Princess...”


Tumalikod siya kay Aeroll at mabilis na pinahid ang mga luha niya.


“I’m sorry kung nasigawan kita. Tapusin muna ‘yang pakikipag-usap mo sa... sa kung sino mang kausap mo. Kanina pa naghihintay si Mang Kanor sa baba.”


“Sorry, I’m just ahm...”


“I know. Sumunod ka na agad sa ibaba. I’ll wait for you.”


“O-okay.”


Matagal bago niya nadinig na nagsara ang pintuan. Huminga siya ng malalim. “Okay ka lang diba? Okay ka lang. Erase. Erase. Erase. Wag mo ng isipin ang lalaking ‘yon. You’re here for your vacation so stop thinking.” kausap niya sa sarili niya.


Nakasuot siya ng contacts kaya yung dark glasses niya ang kinuha niya. Baka mahalata sa baba na kagagaling lang niya sa pag-iyak.



* * * * * * * *


“Matagal pa ba tayo?” tanong niya kay Aeroll. Nasa likod siya ng driver seat. Nasa likod naman niya nakaupo si Aeroll. Twenty five minutes na silang bumabyahe. At sa twenty minutes na ‘yon, pareho silang walang imik ni Aeroll. Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isip ni Aeroll at napakatahimik nito ngayon. Mukhang wala ito sa mood. Dahil ba sa nangyari kanina?


Five more minutes na lang at mapapanisan na talaga siya ng laway. Buti na lang at dala niya ang ipod niya at nakakapag-soundtrip siya.


“Another twenty five minutes.” sagot nito.


Ang tagal pa pala. Kaya pala sa halip na mag-motor kami, nagpahatid na lang kami kay Mang Kanor. Sinandal na lang niya ang ulo niya sa upuan niya. Tanghaling tapat na. Do’n na daw sila magla-lunch sa kamag-anak ni Aeroll. At dahil maaga siyang nagising kaninang umaga, dala na din ng lamig ng aircon sa loob ng van, nakakabinging katahimikan at nakaka-antok na kantang nakasalang sa stereo, hindi niya namalayang pumipikit na ang mga mata niya hanggang sa tuluyan siyang tangayin sa Lala land.


Nagising na lang siyang may marahang tumatapik sa pisngi niya.


“Hmm...”


“Wake up, Princess. We’re already here.”


“Hmm...”


Ang tapik sa pisngi niya ay naging haplos na. Mas lalo tuloy siyang hinihila ng antok.


“Tito, buhatin mo na lang po kaya siya.”


“Oo nga, Tito, parang si papa kapag nakakatulog si mama sa sofa.”


“O kaya Tito, i-kiss mo na lang siya. Parang yung si sleeping beauty.”


“Mukhang mas maganda yang iniisip mo, Riane. I-kiss ko na lang kaya ang prinsesa ng magising na.”


Ano ba yung nadidinig niya? Anong kiss? Nasa Lala land pa din ba siya? Mukhang nasa real world na siya. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata niya. Nakangiting si Aeroll ang namulatan niya.


“Kids, mukhang hindi ko na kailangang i-kiss ang prinsesa. She’s already awake.”


“Gising na siya!!!”


Saka lang siya napatingin sa tatlong nilalang na nasa loob ng van. Tatlong chikiting ang nakangiting nakatingin sa kaniya na para siyang isang organism na tinitingnan sa microscope.


“Hello po!!!” chorus na bati ng mga ito.


“Kanina pa po kayo ginigising ni Tito Aeroll. Ba’t ang tagal ninyo pong magising?” tanong ng batang babae.


Lumipat ang tingin niya kay Aeroll. Nakaupo ito sa tabi niya. Saka lang niya napansin na ang lapit nito sa kaniya. Umayos siya ng upo. Nakatulog pala siya kanina. Kanina pa ba sila nakarating dito? Ba’t hindi man lang siya ginising ni Aeroll?


“Sorry, kids. Pamangkin ba kayo ni Aeroll?”

 
“Opo!!!” chorus na sagot ng mga ito.


“Magkakapatid kayo?”


“Magpipinsan po!!!”


Nginitian niya ang mga ito. “Ang cu-cute ninyo naman.” Nilingon niya si Aeroll. “Kanina pa ba tayo nandito? Ba’t hindi mo ko ginising?”


“Mga fifteen minutes na. Ang sarap ng tulog mo kaya hinayaan muna kita.” Mukhang good mood na si Aeroll. Nakangiti na ito compared kaninang nasa byahe sila. Ano kayang nangyari at nagbago ang ihip ng hangin?


Napakamot siya ng noo. “Nakakahiya naman.”


“Okay lang. Tara na.” Inayos pa nito ng buhok niyang nagulo. Ano bang nakain nito?


“Ahm, Aeroll...yung ano...yung tungkol kanina...yung sa kwarto...ano kasi...ano...” Ano bang dapat niyang sabihin?


Hinaplos nito ang buhok niya. “Gets ko na. Gano’n talaga yung ibang babae pag may dalaw, masusungit. Pero dahil masungit ka na, mas dumoble pa.”


Sasagot pa sana siya kaya lang naunahan siya ng mga chikiting.


“Ano pong dalaw?”


“Masungit po kayo?”


“Ayy! Masungit pala si Tita. Bakit ang sabi ni Tito kanina, mabait daw siya?”


Nagkatinginan sila ni Aeroll. Nagkukuwento ito tungkol sa kaniya? Nginitian lang siya nito bago nilingon ang mga chikiting.


“Kids, bakit hindi kayo magpakilala sa Tita Princess ninyo? Mahilig siya sa mga bata. Kukuwentuhan niya pa kayo ng mga children stories. Mahilig din siyang magregalo tuwing pasko.”


“Talaga po?”


Pasimple niyang siniko si Aeroll. Ano bang pinagsasabi nito? Kinindatan lang siya nito.


“I’m Mariane, Tita Princess. I’m five years old. Ang nickname ko po ay Rhiane.” Hah? Five years old lang ‘to? Pero kung magsalita kanina parang mas matanda na sa edad nito.


“Sharwin po ang name ko. I’m six years old. Siya naman po si Russel.”


“Ako na, Shawi. Hindi naman ako, ikaw.” maktol ng isa. “I’m Russel, Tita. Seven years old. Cute na gwapo.” Mukhang may chikiting version sina Aeroll at Harold, ah.


“Anong cute na gwapo? Isa lang dapat.” kontra naman ni Sharwin na mukhang nickname ay Shawi.


“Tita, diba po cute na gwapo ako?” tanong ni Russel sa kaniya.


Pinisil niya ang pisngi nito. “Oo naman.”


“Ako po, Tita?”


“Of course, Shawi.”


“Eh, Tita, how about me?”


“Syempre, cute ka din, Rhiane. Super ganda mo pa.”


“Yehey!!!”


Nakuu naman! Ang sarap namang lapirutin ng mga pisngi ng mga chikiting na ‘to. Kung pwede lang, kanina ko pa ginawa. Ang cu-cute naman kasi, eh! Ang sarap panggigilan.


“How about me, Prinsesa? Cute na gwapo din ba ako?”


Napalingon siya kay Aeroll. Ang lapad ng ngiti nito habang nakatingin sa kaniya.


Tinapik niya ang pisngi nito. “Mukha kang pogi.”


“Talaga? Pogi ako?”


“I’m not yet done.”


“Alam ko naman yang idudugtong mo.”


“Ano?”


“Aside from pogi, cute na gwapo din ako.” Huh? Same lang naman ang mga ‘yon, ah. “At malakas pa ang sex appeal ko.”


“Sabi mo lang ‘yan. Hindi naman yan yung sasabihin ko.”


“Eh, ano?” Ang lapad pa din nga ngiti nito.


“Mukha kang pogi...”


“Ano nga?”


“Mukha kang pogita!!!!”


Napalingon siya sa mga chikiting ng sumabay din ang mga ito sa sagot niya. “Alam ninyo ‘yon, kids?”


“Opo naman po!!!”


Sabay pa silang nagtawanan ng mga ito. Si Aeroll naman, ang lapad ng simangot.


“Ewan ko sainyo! Tara na nga. Pinagtutulungan ninyo kong apat, eh.”


Lumabas na sila ng van kasunod ang mga bata. Nag-aagawan pang humawak sa magkabilang kamay niya ang tatlong chikiting. Mukhang mag-aaway pa ata.


“Aeroll.”


“Aanak-anak ka diyan ng tatlo tapos hindi mo kayang alagaan. Tapos hihingi ka ng tulong sakin?”


Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Gusto mong magkaanak ng tatlong bukol sa noo mo?”


“Ayoko nga. Rhiane, kay Titong gwapo ka na lang. Sakay kita sa likod ko, bilis.” Tumingkayad ng upo si Aeroll. Mabilis namang humiwalay sa kaniya si Rhiane at sumakay sa likuran ni Aeroll. “Kapit ka sa leeg ko, ah. Huwag kapit linta.” sabay lingon sa kaniya.


Pinapatamaan niya ba ko? Naalala niya tuloy yung eksena na nasa pool silang dalawa. Yung ayos nila. Kung ga’no kalapit yung mga katawan nila. Kung paano siya... Iniling niya ang ulo niya. Ano ba ‘yong iniisip ko? Erase. Erase. Erase.


Hinawakan niya sa magkabilang kamay si Shawi at Russel, humawak naman sa Russel sa isa pang kamay ni Aeroll.


“Prinsesa.”


“Hmm?”


“Para pala tayong one happy family nito. Ikaw ang mommy, ako ang daddy at ang mga makukulit na ‘to ang mga anak natin. Ang cute nating tingnan noh?”


“Magtigil ka nga—” Bumukas ang front door ng malaking bahay na nasa harap nila. Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil mula sa pintuan ay nagsipaglabasan ang ulo ng mga kamag-anak ni Aeroll.


“Nandito na ang girlfriend ni Aeroll!”


Hah? Girlfriend? Ako? Na naman?


Nilingon niya si Aeroll. Baka pakulo na naman nito ‘yon pero katulad niya ay gano’n din ang reaksyon nito. Napakamot pa ito ng ulo. When he looked at her, he gave her an apologetic smile na parang nagsasabing ‘sorry, wala akong alam diyan’.


Parang alam na niya kung sino. Si Harold ang may sala! Humanda siya sakin pag-uwi ko!


“Wow! You looked like a one big happy family!” Parang yung sinabi lang ni Aeroll kanina.


May naglabas pa ng camera. “Picture-picture.”


“Tita Princess, picture daw.” sabi ni Russel.


“Aeroll, lumapit ka pa sa girlfriend mo.”


Lumapit naman sa kaniya si Aeroll. “Sorry, ngayon lang kasi nakakita ng maganda ang kamag-anak ko kaya ganyan.” bulong nito.


“Sira!”


“Totoo naman, ah.”


“Maya na ang lambingan, tingin muna sa camera.”


“Nilalanggam na kami dito.”


Ang kulit nila! Ang lapad tuloy ng ngiti niya ng mag-flash ang camera. May pinagmanahan talaga sina Aeroll at Harold sa kakulitan. Walang dudang kamag-anak nga talaga ni Aeroll ang mga ito. At tama si Cath, mag-eenjoy siya sa company ng kamag-anak nina Aeroll. Ngayon pa lang, she feels at home na agad.


“Let’s go inside, Prinsesa.”


Nakangiting tumango siya.


* * *
Basahin ninyo muna yung Introduction sa mga hindi pa nababasa. [winks] 





4 comments:

  1. NICOLE!!! ^_______^

    'Gra' ba ang nickname ni Glenn?

    ReplyDelete
    Replies
    1. aTey, GRA po,,,, pAng-aSar Lng po kuNg GRO ang tWg LLo na kPag naGLaLandi aNg baKLita,,, hwaHehe,,,

      khit aNo nMan diN po itWag saKnYa gLeNn ryAn,,, wAg Lng dAw tLga iSamA apELido niA,,, hwAHehE,,,

      Delete
  2. namiss ko magbasa dito! ang dami ko na namiss. nywei, pacomment sandali.

    ReplyDelete
  3. awh!! sobrang na miss ko toh!! spbrang busy na kasi.. kaya ngayon lang ako nkapgcomment..

    for sure,i'll sleep w/ a smile painted on my lips.. super cute and NAKAKAKILIG talaga sila!!!!!!!!!! hndi ako mka get over!!!!!!.. hahaha.. ang wide din ng smile while reading.. u know nman,noon pa man,fan na ako ng dalawang toh..

    kahit pagod ako,okay lang.. nakakawala ng pagod ang mga stories dito.. mybe nxt week na ulit ako mkpag comment..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^