Sunday, December 2, 2012

Love at Second Sight : Chapter 33


CHAPTER 33
( Princess’ POV )

Alas-kwatro na ng hapon. Nauna nang umuwi si Manong Kanor. Ang sabi kasi ni lola Conchita, dito na daw sila matulog ni Aeroll. Hindi naman siya nakatanggi. Pa’no siya makakatanggi kung buong kamag-anak nito kanina kinulit siya na babalik ang mga ito mamaya para mag-inuman sila. Nag-sipag-uwian na ang mga ito. Malapit lang naman ang bahay ng mga ito.


Ang tanging nakatira sa bahay ay ang kapatid na lalaki ni Lolo Remedio at asawa nitong si Lola Conchita. Ang paboritong apo na lalaki ng mga ito na si Michael, thirty, ang asawa nitong si Cecille, twenty six years old at ang cute nilang baby girl na si Sarah, eight months pa lang ito.


Naiwan din ang tatlong chikiting. Nagpaiwan ang mga ito at siya ang kinukulit. Tinitirintas niya ang buhok ni Rhiane habang ginagawa namang kabayo nina Chawi at ni Russel si Aeroll. Nasa sala sila.


Nasa kwarto sina Lola Conchita at ang asawa nito. Nagpapahinga. Nasa kwarto din si Ate Cecille kasama ni Sarah. Pumunta ng palengke si Kuya Michael at namili ng ipupulutan nila mamaya. Mag-iihaw daw sila.


“Yatigidig! Yatigidig!”


“Ayoko na mga bubuwit. Pagod na si Tito. Pagpahingahin ninyo muna ko.”


Nagreklamo ang dalawang bata. Mula sa gilid ng mata niya nakita niyang may ibinulong si Aeroll sa mga ito.


“Ayan, tapos na!” Inabot niya ang salamin kay Rhiane. “Ang cute-cute mo, Rhiane!”


“Ang galing mo po, Tita Princess. Si mama kasi kapag tinitirintas yung buhok ko, gulo-gulo.” Nilingon siya nito. “Tita, turuan ninyo nga po si mama magtirintas, ah.”


Napangiti siya. “Magpatali ka na—Ayyyy!!!” Pa’no ba naman, bigla na lang siya kiniliti nina Chawi at Russel sa beywang niya. Malakas pa naman ang kiliti niya. At dahil maliit lang ang dalawang bata nagawa niyang umiwas.


“Ayoko na hah.” natatawang sabi niya habang umuusod palayo sa dawang bata. Kaya laking gulat niya ng hawakan siya ni Aeroll mula sa likuran niya. Hawak nito ang dalawang braso niya.


“Aeroll!” Pinanlakihan niya ito ng mata.


He smiled at her. “Namiss ko lang yung tawa mo kaya pagbigyan muna ko.”


Mahina ang pagkakasabi nito no’n, pero umabot ‘yon sa pandinig niya. Na-miss niya ang tawa ko?


“Go, kids.” udyok nito sa mga bata. 


“Ayo—” Kiniliti na siya ng mga bata. Nakisali pa si Rhiane. Hindi naman niya magawang maawat ang mga ‘to dahil hawak ni Aeroll ang mga braso niya.


“Hahahahaha!! Ayoko na!! Hahahaha!!” Hindi na tuloy niya namalayang halos nakasandal at nakasiksik na siya kay Aeroll sa kakaiwas sa mga bata.


“Hahahahaha!! Patigilin muna sila Aeroll!!”


“One minute.”


“Matagusan ako sa’yo nito! Kids, ayoko na! Stop it!”


“Kids, tama na daw.”


Nagsitigil naman agad ang mga bata. Binitawan na ni Aeroll ang mga brasso niya. Napahawak siya sa tiyan niya. “Grabe kayo! Ang sakit ng tiyan ko kakatawa.” Prente siyang sumandal sa kinasasandalan niya habang naghahabol ng hininga.


“Kids, pakikuha ng tubig si Tita Princess ninyo.” utos ni Aeroll sa mga ito. Nag-unahan namang nagtakbuhan ang tatlong bata sa kusina. Saka lang niya napansin na sa dibdib ni Aeroll na pala siya nakasandal ng haplusin nito ang ulo niya.


“Sorry.” Umalis siya sa pagkakasandal dito.


“Okay lang naman kahit habang buhay kang sumandal sakin.”


Napalingon siya dito. “Ano?!” Tama ba yung nadinig niya?


Napakurap ito. “Hah?”


“Ay ewan!” Mukang lutang ata ang utak nito.


“Okay lang naman kahit habang buhay kang sumandal sakin.”


Iniling niya ang ulo niya. Ano bang pinagsasabi nito? Napahawak siya sa tiyan niya. “Grabe, feeling ko puno yung napkin ko kakatawa kanina.” wala sa loob na sabi niya habang nakatuon ang isip sa sinabi ni Aeroll kanina.


“Edi magpalit ka ng napkin.”


Napalingon siya kay Aeroll.


“What? Ow! Don’t tell me wala kang baong napkin? Gusto mo ibili kita?” Nakangisi pa ‘to. Ang lakas talagang mang-asar ng mokong na ‘to!


Inabot niya ang throw pillow na nasa sofa sa likuran niya at binato sa mukha nito. Natatawang umilag ‘to. “Better luck next time, Prinsesa.”


Better luck next time pala, hah. “Aeroll, ano ‘yong gumagalaw na ‘yon?” Nilingon naman nito ang tinuturo niya. Kumuha ulit siya ng throw pillow at mabilis na binato sa mukha nito. Sapul!


“Aray, ah! Mapingasan mo yung mukha kong gwapo. Tsk, tsk.”


“Gwapo your face!”


“Buti naman sumang-ayon ka na gwapo talaga ako.” ngiting-ngiting sabi nito.


“That’s not what I mean, okay.”


“Kasasabi mo lang kaya.” Pero base sa pagkakangiti nito, nagets naman nito ang sinabi niyang gwapo your face. Yun nga lang, gusto lang siya nitong inisin.


Kumuha uli siya ng throw pillow at binato dito. Sapul!


“Nakakadami ka na, prinsesa, hah.” Binato nito sa kaniya ang throw pillow na binato niya dito. Gumanti din siya. Iyon ang naabutang eksena ng tatlong batang mukhang hindi nakakuha ng tubig.


“Sali kami!!!” Nagkanya-kanyang kuha ng throw pillow ang mga ito at nagkanya-kanyang batuhan.


“Aray!” Binato kasi siya ni Aeroll! “Akala mo, hah.” Gumanti din siya. Nakisali pa sa kanila yung mga bata. Para tuloy silang mga nakawala sa kural habang nagbabatuhan ng unan sa malawak na sala at nagtatawanan.


“Anong nangyayari???”


Sabay-sabay silang napalingong lima sa bumungad sa pintuan. Si Kuya Michael! May dala itong mga supot.


“Anong ingay ang nadidinig ko hanggang sa kwarto?” Si Lola Conchita! Kasunod nito sa Ate Cecille buhat si Sarah na gising na. Patay kaming bata kami!


“Ba’t ganyan ang itsura ninyo?” tanong ni ate Cecille.


Hindi man niya makita ang itsura niya, alam niyang gulo-gulo ang buhok niya dahil gulo-gulo din ang buhok ni Rhiane. Pati ang mga buhok nina Aeroll, Chawi at Russel. 


Tinuro siya ni Rhiane. “Si Tita Princess po kasi. Binato niya ko ng unan.”


“Hah? Ba’t ako? Si Aeroll kaya ‘yon.” Tinuro niya si Aeroll na hanggang tenga ang ngiti.


“It’s Russel’s fault.”


“It’s not my fault, Tito. Si Chawi kasi.”


“Hindi po ako ‘yon. Si Rhiane po.”


Para tuloy silang mga ewan na nagtuturuan. 


Rhiane --> Princess --> Aeroll --> Russel --> Chawi --> Rhiane


Kaya laking gulat niya ng magtawanan sina lola Conchita, Cecille at Michael.


“Akyat na ko sa taas. Ituloy ninyo lang ‘yang kasiyahan ninyo.” ngiting-ngiting sabi ni lola Conchita bago pumanhik sa taas.


“Ipasok ko lang ‘to sa kusina.” sabi ni Michael. Nilapitan nito si Cecille. “Hi baby, Na-miss mo si daddy?” kausap nito kay Sarah. Humagikgik lang si Sarah. “Namiss mo nga ako.” Inakbayan nito sa Cecille. “Tara sweetheart, samahan mo muna ko sa kusina at hayaan natin ang mga batang maglaro.” Tumuloy ang mga ito sa kusina.


“Kinabahan ako do’n, akala ko magagalit sila sa kaingayan natin. Nakakahiya.”


“Don’t be, Prinsesa. Mas malala pa dito ang kaingayan namin. Makikita mo mamaya.” Inalis nito ang buhok na tumatabing sa mukha niya. Sabay ngiti. “Better.”


Napatitig tuloy siya sa mga ngiti nito. Ba’t ganito yung nararamdaman niya? Ang gaan sa pakiramdam kapag ganitong nakikita niyang nakangiti si Aeroll. Sa kaniya.


“Ang sweet naman nila Tito at Tita.”


Napalingon siya kina Russel na todo ngiti habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Aeroll. Yung mga ngiti pa naman nito, nakakaloko.


“Umayos ka nga, Aeroll.” Lumayo siya dito. Sarap nitong batukan! Puro kalokohan, pati tuloy yung mga batang musmos nadadamay. Tumayo na siya at kinuha ang bag niya. “Punta lang ako ng cr.”


“Princess!”


Bigla siyang napalingon dito. Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa... sa bandang likuran niya?


Syete! May tagos siya?! Tiningnan niya agad ang likuran niya. Kaya laking inis niya ang wala naman siyang makitang tagos! Narinig niya ang tawa ni Aeroll. 


“Got you, Prinsesa.” natatawang sabi nito.


Tiningnan niya ‘to ng masama. Dinampot niya ang throw pillow na nasa paanan niya at binato dito. Malutong na tawa lang ang ginanti nito.


Tinalikuran na niya ito. Pero hindi naman niya mapigilang ngumiti sa mga kalokohan nito. Sa mga kalokohan nitong nakakapagpatawa sa kaniya. Ang weird pero this past few days, sa halip na isipin niya ang nalaman niya kay James, saglit niyang nakakalimutan ang bagay na ‘yon. At ngayong naalala naman niya, hindi na naman niya mapigilang mainis.


Pagbalik ko diyan sa Bulacan, magtutuos tayo, James!


Iyon ang napagdesisyunan niya kanina bago sila umalis ni Aeroll papunta dito.


* * * * * * * *

 
“Anong gusto ni baby? You want to play with Tita Princess?” kausap niya kay Baby Sarah. Buhat-buhat niya ‘to dahil abala sa kusina ang mommy nito. Ayaw naman nitong magpababa sa crib kaya nagpresinta siyang siya muna ang bumuhat dito. Nasa garden sila sa likuran ng bahay at nakaupo sa swing.


Humagikgik lang si Baby Sarah. Napahigikgik din siya.


“Bulaga!” Pinalaki pa niya ang mata niya.


Humagikgik uli ito.


“Nagulat ka ba, baby?”


“Hindi.”


Napalingon siya sa nagsalita. Si Aeroll ang nalingunan niya. Umupo ito sa swing sa tapat niya.


“Bagay sa’yo ang may hawak na baby, ah.”


Hindi niya ito pinansin. Kinausap niya si Sarah. “Baby, may nadinig ka bang nagsalita o guni-guni ko lang ‘yon? Mumu siguro ‘yon noh?”


Nagkataon pang itinaas-baba ni Sarah ang ulo nito. Ang lakas ng tawa niya. “You’re right, baby. Mumu nga ‘yon. Ang galing mo, ah.” Hinalikan niya pa ‘to sa ilong.


“Gwapong mumu naman.”


Dinedma pa din niya sa Aeroll. It’s her turn para inisin ito. Wahehe. “Hala, baby. Marunong pa lang sumagot ang mumu.”


“Malamang may bibig ako.”


“Nakakadinig din pala ang mumu, baby?”


“Malamang may tenga ko.”


Dedma pa din siya. Nilaro-laro na lang niya si Sarah. “Bulaga!”


“Weh, di naman ako nagulat.”


Sumagot pa talaga si Aeroll, eh, si Sarah ang ginugulat niya.


“Talaga hindi ka nagulat?” Kay Sarah pa din siya nakatingin.


“Hindi naman nakakagulat yung ginawa mo.”


Kay Sarah pa din siya nakatingin ng sumagot siya. “Eh, sa gagawin kong ‘to, malamang hindi ka lang magulat,” sabay apak sa paa nito. “,dahil baka magkaro’n pa ng lamay mamayang gabi dahil sa pagkamatay ng kuko mo.” Saka lang niya tiningnan si Aeroll. Nakadekwatro na ito habang hawak ang paa nitong inapakan niya.


“Prinsesa naman. Napaka-sadista mo talaga noh. Simula ng araw na magkita tayo hanggang ngayon, kung hindi mo ako sasaktan sa mga salita mong nakaka-offend sa kagwapuhan ko, parang gusto mo naman akong lumpuhin sa ginagawa mo.”


“FYI, wala akong natatandaan na may ginawa ako sa mga sinasabi mo.”


“Eh, ano ‘to?” Tinuro nito ang paa nito.


“Ano ka ba naman, Aeroll? Naturingang nurse ka, hindi mo alam ang tawag diyan. Syempre, paa. Alangan namang kamay?”


Natawa lang ito sa pamimilosopo niya. Tiningnan nito si Sarah na tahimik lang na nilalaro ang buhok niya.


“Pabuhat naman kay Sarah.”


“Okay.”


Inabot niya kay Aeroll si Sarah. Nabuhat na ito ni Aeroll pero nakakapit pa din ito sa buhok niya. Wala siyang choice kundi lumipat sa tabi ni Aeroll.


“Aeroll, tanggalin mo kaya yung kamay ni baby noh? Hindi yung tawa ka ng tawa diyan.” Ang gara kasi ng pwesto niya, eh. Ang lapit niya kay Aeroll. Naaamoy pa niya ang hininga nito dahil tawa ito ng tawa. Hindi naman sa mabaho, ang bango nga, eh. Nakikiliti lang siya pag tumatama sa mukha niya yung hininga nito.


“Baby, wag mong sabunutan si Tita Princess. Ang gulo na nga ng buhok, guguluhin mo pa. Ano pang magiging itsura niya no’n?”

 
“Magandang bruha!”Naalis naman niya ang kamay ni Sarah na nakakapit sa buhok niya. “Gusto na atang magpahaba ng buhok ni Sarah.” sabi niya.


“Ay naku, baby, wag kang gagaya sa Tita Princess mo.” kausap ni Aeroll kay Sarah.


Tiningnan niya ito ng masama. “At bakit?”


Nginitian siya nito bago iangat ang isa nitong kamay papunta sa ulo niya. Hinaplos nito ang ulo niya na tila inaayos ‘yon. At habang ginagawa nito ‘yon, ito na naman, nangyayari na naman. Yung puso niyang ewan na tila may naghahabulang mga kabayo sa bilis. Syete! Syete! Anong nangyayari?

 
Tiningnan nito si Sarah habang nasa ulo pa din nito ang kamay niya. “Basta baby, pag laki mo, make sure na ayos yung buhok mo pa lumalabas ka ng bahay hah. Alam mo kung bakit? Iku-kuwento ko sayo. Once upon a time, may isang bruhang babae na nakabanggaan ng isang gwapong lalaki. Tapos nagalit ang bruhang babae, sayang maganda pa naman. Eh, kasi naman yung buhok niya parang dinaanan ng bagyo.”


Teka! Ako ‘yon ah! Hinawi niya ang kamay nito na nasa ulo niya. “Magtigil ka nga diyan! Kung anong sinasabi mo kay Sarah.” Tiningnan niya si Sarah na walang malay sa nangyayari. “Baby, wag kang makikinig kay Tito, okay?”


Humagikgik lang ito. “Good, baby. Pa-kiss nga.” Nilapit niya ang mukha dito para halikan ito sa pisngi. Aabot sana kung hindi lang napayuko si Aeroll at humarang kay Sarah. Ang nangyari, sa pisngi ni Aeroll nag-landing ang kiss niya. Natutop niya ang bibig niya.


He grinned when he looked at her. “Ikaw ha? Nananantsing ka.”


“Ba’t humarang ka? Si Sarah yung hahalikan ko!”


“Kinagat kaya ako ng langgam.” Sabay turo sa paa nito.


“Langgam ka diyan!” Inirapan niya ito. Sabay baling ng tingin sa iba. “Ihian ka sana ni Sarah.” bulong niya.


“Prinsesa!”


“What?” Nilingon niya ito.


Nakangiwi ito. “Si Sarah.”


“You’re holding her.”


Napailing ito. Binuhat nito si Sarah palayo sa katawan nito. “Inihian niya ko.”


* * * 

3 comments:

  1. NaLoLoka tLga aq s dLawaNg tO,,, cAsuaL n usapAng naPkin LaNg,,, suMakit diN tyAn q kkTawa,,, grAbe,,,

    ReplyDelete
  2. at yieeeEeeehh,,, baGay tLga cLa,,,, pRa cLaNg moMmy at dAddY nA,,, kuLaNg n LnG ay maGkarOon n cLa ng aNak n saRiLi,,, aY naKo kaUng dLawa,,, kiniKiLig aq,,,, kYaaaaAaah,,,,

    ReplyDelete
  3. that's a sign!! nahuhulog na sya kei aeroll!! if she get confuse of her feelings,malamang inlove na yan..

    oh my gosh!!! ang sweet-sweet nila!!! haii,sana ganyan din si aeroll sa akin.. hahah,ambisyon lang teh??.. yun oh!! first kiss nila ata yun!!.. sayang sa cheeks lang.. hahaha..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^