CHAPTER
11
( Shanea’s POV )
Pasulyap-sulyap siya kay Jed habang kumakain sila sa
tapsilugan dito sa bayan.
“Bakit?”
tanong ni Jed na hindi man lang itinaas ang tingin sa kaniya.
Itinutok
niya agad ang atensyon niya sa kinakain niya. Ano ba ‘yan! Nahuli pa ko!
“Shanea?”
“Hmm?”
sunod-sunod siyang sumubo ng kinakain niya.
“May gusto ka bang
itanong kaya panay ang tingin mo sakin?”
Lihim
siyang napangiwi. Kailan pa natutong mangbuking ni Jed? Eh, dati lantaran kung
tingnan niya ito pero wala naman siyang comment na naririnig rito.
Huminga
muna siya ng malalim bago ito tingnan. Nakatingin pala ito sa kaniya. “Ahm...pwede
ba?”
Madami
kasi siyang gustong itanong dito. Katulad ng mga tanong niya kanina bago siya
lumabas ng gate, na akala niya hindi na siya magkakaron ng pagkakataon na
humingi ng sagot mula kay Jed. Gusto niya ng sagot. Kahit masaktan pa siya sa
sagot nito.
Teka,
masaktan? Bakit naman siya masasaktan? I
mean, gusto ko lang ng sagot. That’s it. Sa mga makukulit na katulad niya,
hindi siya makakatulog kapag hindi nasagot ang mga tanong niya. At ayaw niyang
mapuyat ng dahil do’n. ‘Yon lang ‘yon.
He
shrugged his shoulder. “Anything.”
“Talaga?”
“Magtanong ka na.”
Nagsimula na uli itong kumain.
“Bakit hindi ka man lang
tumawag sakin nung nasa America ka na?” Natutop niya agad ang
bibig niya. Syete! Ba’t ‘yon yung tinanong
ko?! Me and my big mouth!
Lihim
niyang tiningnan ang reaksyon ni Jed sa tanong niya. Napahinto ito sa pagkain
nito. Sa’n ito nakatingin? Sa mesa. Tagus-tagusan ang tingin nito sa mesa.
Naku pooo! Kandakasi naman, Shanea!
Yung pa—
“Pass.”
Hah? Ano daw?
“Next question.”
Nagsimula na uli itong kumain.
Hindi
man lang nito sinagot? Ay, erase! Erase! Erase! Okay lang ‘yon, ayaw na din
naman niyang malaman ang sagot nito. Kung ano man ang dahilan nito, it’s better
to stay that way.
She
cleared her throat. “Three years ka ng nasa America. Ba’t naisipan mong umuwi
ngayon?” Buong akala nga niya wala na itong balak bumalik ng Pinas.
Pero heto, nasa harap na niya ngayon si Jed.
Si
Jed. Si Jed. Si Jed.
Parang
dati lang, ‘Jed ko’ ang tawag niya dito.
“Pass.”
Kumunot
na naman ang noo niya. Pass na naman! Edi sana hindi na lang siya nito
pinayagang magtanong kung puro pass lang ang sagot nito!
“Next question.”
Next question, tapos hindi naman nito
sasagutin!
Next question na daw, Shanea.
singit ng kabilang isip niya.
Ano namang itatanong ko na sasagutin
niya ng matino?
Ba’t ako yung tinatanong mo? Diba
madami kang tanong sa kaniya kanina? sagot ng kabilang isip
niya.
Para naman san nga yung tanong ko kung
hindi naman niya sasagutin? Wa wents pa din.
Okay, bahala ka. Andyan na yung
opportunity, pinapalampas mo pa. sagot ng kabilang isip
niya.
Argh! Para na kong timang! Kinakausap
ko na yung sariling isip ko!
“Shanea.”
“Ano!!!”
Natutop niya ang bibig niya ng makita kung pa’no magsalubong ang kilay ni Jed.
Napatingin pa sa kanila yung ibang costumer. “Sorry! Sorry! May naalala lang kasi ko.”Akala ko kasi yung isip ko yung tumawag
sakin, eh.
She
sighed. Dumating lang si Jed,
nagkarambol-rambol na yung utak ko. I
think it’s better yet kung lumayo na lang ako sa kaniya habang maaga. Baka
hindi ko pa marendahan yung sarili ko at mas lalong magkagulo-gulo.
Tama!
Iyon ang tamang gawin niya! Tutal naman tapos na din siyang kumain.
“Are you okay?”
Hindi na magkasalubong ang kilay nito. He looked concern by the looks on his
face.
“Okay lang.” Tumayo ka na, Shanea. ’Yon nga ang
ginawa niya. “Una
na ko, Jed. Baka hinahanap na ko nina lola. Thanks sa libre, hah.” Wag na sanang masundan ‘to.
“Sabay na tayo.”
Tumayo na din ito.
What?!
Nanlata yung mga balikat niya. Parang gusto niyang ipadyak yung mga paa niya. “Hindi pwede!”
Kumunot
ang noo nito. “Why?”Napailing
ito. “Ngayon
na nga lang uli tayo nagkita after three long years, mukhang hindi ka pa
masaya.”
Aba’t! Ako pa daw yung hindi masaya?! Nag-init
tuloy ang ulo niyang sanay sa malamig. “Ikaw ang hindi masaya sa pagkikita natin kanina.
Remember your reaction when you first saw me after three long years? Hindi
maipinta ‘yang mukha mo! Kulang na lang na lang ipagtalukan mo ko palayo!
Kulang na lang sabihin mong hindi mo ko kilala! Feeling ko nga nagka-amnesia ka
na, eh dahil kulang na lang—“ Bigla siya nitong hinila palabas ng
Tapsigulan. Bakit? Pinagtitinginan na kasi sila ng mga tao do’n.
“Hindi pa ko tapos!”
Nagpumiglas siya sa pagkakahawak nito ng nasa tapat na sila ng motor niya.
Humalukipkip
ito. “Continue,
sweetie.”
Natameme
siya sa tinawag nito sa kaniya. Mahina ang pagkakasabi no’n ni Jed kaya hindi
niya alam kung sinabi nga ba ni Jed ‘yon. Did
he just called me sweetie? Did I heard it, right? Or it was just another
hallucination? Tama. Hallucination lang ‘yon. Oo. Tama.
“What now? Hindi ka pa
tapos diba sa speech mo? You were in ‘kulang na lang’ part on your speech.
Kulang na lang what ?”
“Tapos na ko.” Tinalikuran
na niya ito. “I’m
going home.”
“Your dear motorcycle is
here, Shanea.”
Argh! Nakakainis!
Bumalik uli siya. Umupo na siya sa motor niya habang nasa gilid lang niya at
nakatayo si Jed. Alam niyang nakatingin ito sa kaniya, kaya parang siyang ewan
na hindi maisuot ang susi sa key hole ng motor niya. Nakakainis naman kasi! Bakit ko ba sinabi ang mga ‘yon kanina?! Bakit?!
Bakit?! Bakit?!
Biglang
kinuha ni Jed ang susi mula sa kamay niya. “Ako na.”
“Akin na ‘yan!”
Inabot niya yung susi pero nilayo lang ‘yon ni Jed mula sa kaniya.
“I’ll drive.”
“This is mine.”
Itinuro niya ang motor niya. “I’ll drive.”
“Ayoko.”
Ayoko.
‘Yon ang favorite word ni Jed dati kapag may gusto siyang hingin dito at ayaw
nitong ibigay.
Nakakainis ka talaga, Jed! Why do you keep on reminding me of the past just by
your simple words?!
Wala
na siyang nagawa ng umupo din ito sa motor niya. Sa likuran niya. Ang ginawa niya,
bumaba siya at sa likuran nito umupo.
Nilingon
siya nito. “Shanea.”
Humalukipkip
siya. Iyan pang Shanea na ‘yan! Dati din pag sinasaway siya nito, sasabihin
lang nito ang pangalan niyang Shanea sa tonong seryoso. Alam na niya ang ibig
sabihin no’n. “Shanea!
Shanea! Shanea! Puro na lang Shanea!”
Yung
mukha ni Jed na hindi mo ma-explain kung naiinis ba, nagtataka o nakangiti.
‘Yon ang itsura ni Jed ngayon kaya ewan ba niya, mas lalo siyang nainis. “I want to go
home. Now!” Umiwas siya ng tingin.
“Then your wish is my
command. Kumapit ka lang.” Pinaandar na nito ang motor.
“Ahhhhhhhhh!” Sabay
kapit sa beywang ni Jed. Pa’no ba naman, bigla nitong pinaharurot ang motor.
Tinampal niya ang tiyan nito. “Nakakainis ka! What if kung nahulog ako?! Marami pa kong
pangarap noh!”
Binagalan
nito ang takbo ng motor. “Nahulog ka ba? Tingnan mo nga todo kapit ka pa sakin.”
“Hmp! Nakakainis ka pa
din!”
He
chuckled. “You
know what Shanea, dapat pala ganyan ka na dati. Madaldal ka? Oo. Makulit ka?
Oo. Matigas ang ulo? Oo.” May
kulang pa, Jed. Martir ako noon. Ng dahil sayo. “Pero may isang bagay kang hindi mo magawa
noon.”
“Ano?”
Hindi
na ito sumagot.
Tinampal
niya uli ang tiyan nito. “Nakakainis ka talaga hah!!”
Hindi
pa din ito umimik. Hindi na din siya umimik. Niluwagan na lang niya ang
pagkakayakap dito. Humawak na lang siya sa magkabilang balikat nito. Pero hindi
niya alam kung nananadya ba si Jed o ano, pinaharurot nito ang takbo ng motor.
Nangyari? Edi, napayakap na naman siya sa beywang nito.
“Nakakainis ka talaga!!”
“You don’t need to
repeat it, Shanea. Matagal ko ng alam na nakakainis ako.”
“Hmp!”
“Daan muna tayo sa
bahay. May pasalubong ako sa lolo’t lola mo.”
Tapos sakin, wala? Pinigilan
niya ang sumagot dahil baka kung ano na nama ang masabi niya.
“Hindi ko alam kung ako
lang ang nakakapansin nito.”
Hindi
siya sumagot.
“Mukhang nagkapalit tayo
ng ugali.”
Hmp!
Oo nga noh. Anong nangyari? After that scene sa Tapsilugan, naging ganito na.
“Ang sungit mo ngayon,
eh.”
Sumagot
na siya. “Ang
daldal at ang kulit mo naman!”
* * *
haLa merOn n pLaBg updaTe dtO,,, ngAun q LnG nkitA!!!!
ReplyDeletenaiiNis aq kEi jEd kaSi aNg LkiNg paAsa niA,,, grAbe, aKo uNg nssAktaN prA kei shAnEa eE,,, tAs maGttaNong purO PASS aNg sGot,,, waLa k bNg matinoNg pLiwanaG jEd,,, kaAinis ha,,,,,
ReplyDeleteperO paRt of me ang hindi riN maaLis ang kiLig dHiL s pinAggawa niA,,, aiiiiii,,,, perO dPat maGhiraP na xAh kEi shAnea,,,, maY pswEetie k pNg nLLmaNg sbihiN,,, uMayOs k jEd!!,,,,