CHAPTER
12
( Jed’s POV )
“Kamusta naman sina
Melba?” tanong ng lola ni Shanea. Mama niya ang
tinutukoy nito. Kararating lang nila at kabibigay lang din niya ng pasalubong
sa lola’t lolo nito. Nasa sala sila.
“Okay naman
po. Busy po sila ni papa sa negosyo. May mga chain of restaurants po kami sa
States.”
Nung
nasa States pa siya, tumutulong siya sa pagsusupervise ng mga negosyo nila.
Papa pa din niya ang namamahala. May iba siyang plano sa buhay niya. At alam
naman ‘yon ng papa niya. Bata pa naman siya kay pinagbigyan siya nito. Pero
darating ang araw na ipapamahala na din daw sa kaniya ng papa niya ang mga
negosyo nila. Mahirap talaga kapag mag-isang anak ka lang.
“Kaya pala ang ikaw lang
ang umuwi, iho. Ang tagal mo ding nawala, ah. Hindi katulad dati na kahit sa
loob ng isang taon, nadadalaw ka dito kahit na nasa Bulacan pa kayo nakatira.” sabi
ng lolo ni Shanea.
“Oo nga po.
Medyo naging busy lang po kaya ngayon lang nakauwi.”
Naging busy lang talaga siya sa pagtulong sa magulang niya sa pagpapalago ng
negosyo nila.
Bago
sila nag-migrate sa States ng parents niya, may negosyo talaga sila dito sa
Pilipinas. Chain of restaurants din. Kasosyo ng papa niya ang nag-iisang
kapatid nito na lalaki. Matagal na talagang balak ng papa niya na after niyang
grumaduate ng college, magmimigrate na sila sa States. At ang kapatid nito ang
mamamahala ng negosyo ng mga ito dito sa Pilipinas. At magtatayo ang papa niya
sa States. Natupad lang ‘yon three years ago ng tuluyan nga silang mag-migrate
sa States.
Madami
pa silang napagkwentuhan ng lolo’t lola ni Shanea. Habang si Shanea, ayun
nakatutok ang atensyon sa pinapanood nito. Hindi man lang nakikisali sa kanila.
Mukhang hanggang ngayon, wala pa din ito sa mood at mukhang naiinis pa din sa
kaniya. At naninibago siya. Hindi naman ito gano’n dati. Sabagay, mukhang
madami ng nagbago dito. Mali ang sinabi niya kanina na hindi ito nagbago. She
had changed a lot. Hindi man niya masabi kung ano ang mga ‘yon, ramdam niyang
may nagbago dito. Pero ang pagiging madaldal at masiyahin nito, andyan pa din.
He
should be happy right now, right? Pero bakit parang he felt...sad? Tama ba ang
desisyon niya? He sighed. Habang lihim niyang pinagmamasdan niya ngayon si
Shanea. A big part of him say yes, that he made the right decision. But some
part of him say no.
Iniwas
niya ang tingin kay Shanea ng bigla itong mapatingin sa kaniya. At inirapan
siya. Napangiting napailing na lang siya. Naalala niya ang nangyari kanina.
“Three years tapos
chocolates lang yung pasalubong mo sa kin?!” reklamo nito ng binigay niya dito
ang pasalubong niya ng makarating sila sa bahay niya.
“Favorite mo ‘yan diba?”
“Hindi ko ‘to favorite!”
“Edi akin na.” Babawiin na
sana niya ang chocolates na hawak nito.
“Binigay mo na ‘to tapos
babawiin mo, siguro napilitan ka lang ibigay ‘to sakin! Nakakatampo ka talaga!
Tara na nga, anong petsa na, hinihintay na ko nina lola!” Nagmartsang lumabas
ito ng bahay niya.
Napapailing na sumunod siya dito habang bitbit
ang pasalubong niya sa lolo’t lola nito. “Kung alam mo lang, Shanea. Kung alam
mo lang.”
At
iyon siguro ang pinagsisintir nito ngayon.
“Lolo, lola,
mauuna—” Napahinto siya dahil nakangiting
pinagmamasdan siya ng mga ito ng ibaling niya ang atensyon dito. At may kakaiba
sa mga ngiti ng mga ito. Para bang may ginawa siyang mali o kakaiba na hindi
niya alam. He cleared his throat.
“Uuwi ka na ba, iho?”
tanong ni lola.
“Opo,
magpapaalam na po ko.” Tumayo na siya.
“Apo, ihatid mo sa labas
si Jed. Ano bang pinapanood mo at kanina pa tahimik diyan? Hindi ka man lang
nakisali sa usapan namen. Hindi mo ba na-miss si Jed? Hindi ba’t close kayo
dati at para kang aninong panay ang sunod sa kaniya?”
Pinigilan
niyang mapangiti ng masamid si Shanea sa sinabi ng lola nito. Halatang sa lola
nito ito nagmana ng kadaldalan nito.
* * * * * * * *
( Shanea’s POV )
Pagdating nila ng bahay nila
kanina, binuksan niya agad ang tv. Hinayaan niya ang grandparents niyang
makipagkwentuhan kay Jed. Kung akala ng mga ito na nasa pinapanood niya ang
atensyon niya, nagkakamali sila. Pilit man niyang itutok ang atensyon niya sa
pinapanood niya, hindi naman niya magawa dahil bawat sabihin ni Jed naririnig
niya.
Tungkol
sa magulang nito, tungkol sa negosyo ng mga ito. Lahat-lahat. Pero sa lahat ng
‘yon, hindi man lang nasagot ang mga tanong niya. Dahil hindi naman natanong ng
grandparents niya kung bakit naisipan nitong umuwi ng Pilipinas. Argh!
Napalingon
siya sa gawi ni Jed ng maramdaman niyang may nakatingin sa kaniya. Hindi niya
alam kung bakit ito agad ang napagbintangan niyang nakatingin sa kaniya.
Alangan namang lolo’t lola niya? Inirapan niya si Jed.
Nakakainis
naman kasi ‘to! Chocolates ba naman ang pasalubong sa kaniya! Three years tapos
chocolate lang! Although favorite nga niya ang chocolate, pero bakit chocolate
lang?
Maya-maya
ay nadinig niyang nagpaalam na si Jed. Hindi siya kumibo pero nagulat siya sa
sinabi ng lola niya. Hindi lang nagulat, nasamid pa siya.
“Apo, ihatid mo sa labas si Jed. Ano bang
pinapanood mo at kanina pa tahimik diyan? Hindi ka man lang nakisali sa usapan
namen. Hindi mo ba na-miss si Jed? Hindi ba’t close kayo dati at para kang
aninong panay ang sunod sa kaniya?”
Nagmana
siya ng kadaldalan sa lola niya. At bago pa nito ibalik ang nakaraan, tumayo na
siya at hinila si Jed palabas ng bahay.
“Sige po.”
paalam ni Jed habang hila niya palabas.
Pero
bago sila tuluyang makalabas ng bahay nadinig pa niyang tinawag siya ng lola
niya. “Apo!”
Nasa
tapat na sila ng gate ni Jed. “Ingat ka.” Kinuha niya ang susi ng motor niya
sa bulsa niya. “Hiramin
mo muna.”
Umiling
ito. “Magpe-pedicab
na lang ako.” Uso pa din kasi sa kanila ngayon ang pedicab.
“Bahala ka.”
Ibinulsa niya uli ang susi. Saglit na kumunot ang noo ni Jed pero maya-maya ay
ngumiti na din ito. May kota ba ‘to ng ngiti ngayong araw kaya madalas niyang
makitang ngumingiti ‘to?
“Shanea...”
“Bakit?”
Umiling
lang ito.
“Bakit nga?”
“You want to
know?”
“Kung ayaw
mong sabihin okay lang.”
“Kulitin mo
muna ko bago ko sabihin.”
Kumunot
ang noo niya. “Wala
naman akong sinabing gusto kong malaman.”
“Kaya nga
kulitin mo muna ko bago ko sabihin sayo.”
Hinawakan
niya ang noo ni Jed. Mukhang wala naman itong sakit. “Okay ka lang ba? Diba kahapon ka pa
dumating? Mukhang may jet lag ka pa ata until now kaya ang kulit mo.”
Hinawakan
nito ang kamay niyang nasa noo nito. “Okay lang ako.”
Binawi
niya agad ang kamay niyang hawak nito pero ayaw naman nitong bitawan. Kaya ang
ginawa niya, pinitik ng malaya niyang kamay ang ilong nito. Prente, binitiwan
nito ang kamay niya.
“Aray, ah.”
“Yang ba ang
epekto ng America sa’yo? Ang kulit mo ngayon, ah.”
He
grinned. “Of
course not!”
Inirapan
niya ‘to.
“Ang sungit
mo talaga ngayon, Mero’n ka ba?”
“Hmp! Ewan
ko sa’yo! Ingat sila sayo pag-uwi mo.”
Tinalikuran na niya ito.
“Shanea!”
Naiinis
na nilingon niya ito. Nakakamot ito ng ulo habang tabingi ang ngiting
nakatingin sa kaniya.
“May
sasabihin ka pa ba?”
“Ano...”
“Anong
ano?!” Nakakainis talaga ‘to, ah. “Diyan ka na
nga!” Tuluyan na siyang pumasok ng bahay nila.
Wala
na sa sala ang lolo’t lola niya. Dumeretso siya sa cr para umihi. Kaya laking
gulat niya ng malaman niyang...
“Syete!
Mero’n ako!”
Hindi
naman sa ayaw niyang magkaro’n siya. May tagos na kaya yung short niya! At kaya
siguro siya tinawag ni Jed kanina kasi nakita nitong may tagos siya! Nakakahiya!
Kadalaga niyang tao!
Eh,
kasi naman irregular ang cycle niya. Hindi pa siya yung tipong sakitin ng puson
bago magkaro’n.
At
kaya siguro ganito ang mood niyang hindi niya maintindihan dahil ang dali
niyang mainis kay Jed kasi mer’on pala siya. Pero ang menstrual cycle nga ba
ang dahilan ng pagsusungit niya ngayon?
* * * * * * * *
Alas singko
ng hapon.
Alam
ninyo ang ginagawa niya? Nasa highway siya at nagda-drive ng dearest motor
niya. Tinext siya ni Aeroll kanina na kung pwede siyang sumunod sa mga ito.
Nagpunta ito kasama si Princess sa kamang-anak nila, sa side ng kapatid na lalaki
ng lolo niyang si Remedio Montelagro. Nakapunta na siya kahapon don kasama ang
kuya Harold niya, si ate Cath at ang lolo Remedio at lola Remedia niya.
Forty-five
minutes ang byahe papunta don. Pero dahil nakamotor siya, aabutin lang ng
thirty minutes sa kaniya ‘yon.
Nag-overtake
siya sa isang jeep na kung makapagpatakbo parang karo ng patay. Nakakainis pa
naman ang mga gano’ng magpatakbo. Ang bagal!
Malapit
na siya sa pupuntahan niya ng may madaanan siyang restaurant. Nakaramdam siya
ng gutom kaya nag-u-turn siya at bumalik sa restaurant na nakita niya.
Magte-take-out din siya.
Inabot
pa siya ng twenty minutes sa restaurant, fifteen minutes siyang kumain at five
minutes siyang nagpahinga.
Nasa
kalsada na uli siya ng may madaanan siyang bakery shop. Huminto uli siya para
bumili ng ibibigay sa tatlong cute niyang pamangkin. Syempre san pa ba
magmamana ng ka-cutan kundi sa kaniya. Wahehe.
At
sa halip na thirty minutes ay nandon na siya sa pupuntahan niya, inabot pa siya ng mahigit pa sa isang oras dahil sa mga stop over niya. May nadaanan pa kasi
siyang souveneir shop kanina kaya napahinto uli siya.
Nag-doorbell
siya ng makarating sa bahay. Nagtago siya sa gilid ng gate at hinintay ang
magbubukas. Alam niyang si Aeroll ang magbubukas niyon kaya gugulatin niya.
Hula lang naman niya.
Nang
magbukas ang gate ay sinabayan niya ng labas sa pinagtataguan niya. “Bulaga!!” Hindi
man lang nagulat yung taong bumungad sa kaniya.
“What took
you so long?! Kanina pa ko dito!” Magkasalubong ang
mga kilay nito.
MaY pEriod sCenEs diN cNa sHanea at jEd ktuLad nuNh kinA aeRoLL at pRincEss,,,, hwaHeHe,,,, at iKaw nMaN jEd, bKit cHocoLaTes ngA LNg,,, tSk,,,, nkAkakiLig peRo nkuKuLnGan aq s gingWa ni jEd,,, i waNt moRe,,,, aNo kYa kUng maGpkitA n c hiRo noH,,,
ReplyDeletei like this story! love ko si jed!
ReplyDeletehaha.. im like that too. masungit din ako pag red alert.. ewan ko bah.. bakit ganun..
ReplyDeletegusto ko ung ngkapalitan sila ni jed!!so that jed will know what it feels like to follow someone endlessly.. hihih..