CHAPTER
13
Jed’s POV
Nasa jeep siya. Papunta siya ng kabilang bayan.
Tinext siya ni Aeroll kanina na sumunod daw siya sa mga ito, kasama nito si
Princess. Ang sabi ni Aeroll tinext din nito sina Harold. May inuman daw
mamaya. Tutal naman, namiss din niya ang apat na tukmol na pinsan ni Aeroll,
pumunta din siya.
Nakatingin
siya sa labas ng jeep ng kumunot ang noo niya. Isang babaeng nakamotor na
kasunod nila ang umagaw ng pansin niya. Naka-helmet ito ng pink at kilala niya
ang helmet na ‘yon.
Shanea!
Tatawagin na sana niya ito ng bigla itong
mag-overtake sa jeep na sinasakyan niya at paharurutin ng takbo ang motor nito.
Shit!
Napasunod siya ng tingin sa motor nito. Sa isang iglap, ang layo na nito.
Parang nakikipag-karera kung magpatakbo! Wala talaga itong kadala-dala!
Tinawagan niya kaagad si Aeroll.
“Hello, pare! Tinext mo
din ba si Shanea na pumunta diyan?”
“Oo, bakit? Teka, ba’t
parang ang init ang ulo mo?”
“Nakita ko siya. Yang
pinsan mo, napakatigas ng ulo! Kung makapagpatakbo ng motor, parang hinahabol
ng kamatayan! Eh, siya yata yung naghahabol kay kamatayan kung magpatakbo, eh!”
He
heard him chucked over the phone. “Kaya pala mainit ang ulo mo, eh, kasi si Shanea.” Tumawa
pa ito.
“Ewan ko sayo!”
“Don’t worry, pare,
andito na yun maya-maya.”
“Yeah, right.”
Tinapos na niya ang usapan nila. Tinatawanan lang naman siya nito.
Ang tigas talaga ng ulo mo, Shanea!
You’re still that hard-headed girl before.
Forty-five
minutes ng byahe, nakarating din siya sa bahay ng Lola Conchita ni Aeroll.
Asawa ng kapatid ni Lolo Remedio. Medyo nakalimutan na niya ang papunta kaya
nanghingi siya ng directions kay Aeroll kanina.
Ando’n
na sina Cath at Harold pagpasok niya ng bahay.
“Ang tagal mo naman,
pare. Naligaw ka ba?”
“Hindi.” Kumunot
ang noo niya ng hindi makita si Shanea. “Wala pa din si Shanea?”
“Wala pa. Gumala pa
siguro.”
Mas
lalong kumunot ang noo niya. Umupo siya sa sofa. Dapat nandito na ‘yon, eh. “Si Aeroll?”
“Kakapunta lang sa likuran.
O, Princess ba’t iniwan mo si insan do’n?”
Napalingon
siya kay Princess na kakapasok lang ng bahay mula sa likuran.
“Ah, eh...ano kasi...kaya
niya na ‘yon. Puntahan ko lang si Sarah.” Ba’t parang may iniiwasan siya? Nilingon
siya nito. “Hi,
Jed!”
“Hello.”Umakyat
na ito si taas. Nilingon niya si Harold. “Si Sarah ba yung baby ni Kuya Michael?”
Pinsan nito ang tinutukoy niya na nakatira dito.
“Yap, yap, pare. Inggit
nga ako, eh. Gusto ko ding magka-baby.”
Siniko
ito ni Cath. “Nagpaparinig
ka ba?”
“Hindi naman, honey.
Tinatamaan ka ba?”
“Gusto mong tamaan?”
At
bago pa magkatamaan ang mga ito. “Puntahan ko lang si Aeroll sa likuran.” Sakto
namang pagtayo niya, bumaba ng hagdan si Michael. “Kuya!”
“Jed!”
Mabilis itong lumapit sa kaniya. “Kamusta
ka na? Long time no see, huh. Mas lalo kang gwumapo ngayon, ah. Kamusta ang
America? Puro kano pa din ba?”
“Puro Koreano, kuya.”
Natawa
lang ito sa sinabi niya bago balingan si Harold. “Maiwan ko muna kayo dito ng honey mo, Harold. Isama ko lang sa taas si
Jed.” Hinila siya nito. “Ipapakilala
kita kay Cecille. Ow, kilala mo na nga pala siya.” natatawang sabi nito.
“Sabi ko nga ba at kayo
din ang magkakatuluyan, eh. Pakipot ka pa dati.”
Tumawa
lang ito.
* * * * * * * *
Six thirty na. Wala pa din si Shanea!
Natapos
na ang kwentuhan nila ni Kuya Michael, wala pa din ito. Tapos na ngang mag-ihaw
si Aeroll, wala pa din ito. Umabot na ang kwentuhan nina Aeroll at Harold sa
kanunu-nunuan ng mga ito, wala pa din ito.
Nandito
sila sa sala. Ayaw naman niyang magtanong pa kina Aeroll kung nagtext si
Shanea. Nahahalata na siya at ayaw niyang pag-isipan siya ng kung anu-ano ng
mga ito. Nan madinig niyang may nag-doorbell mula sa labas.
“Si pandak na ata ‘yon.”
sabi ni Aeroll.
“Ako nang lalabas.”
“Paluin mo sa pwet.”
natatawang pahabol pa ni Harold
Pagbukas
niya ng gate. Sinalubong siya ng, “Bulaga!!”
Hindi
siya nagulat. Mas ito nga ang nagulat pagkakita sa kaniya.
“What took you so long?!
Kanina pa ko dito!”
“Jed? Anong ginagawa mo
dito?”
Teka,
hindi ba nito alam na tinext din siya ni Aeroll? Pero base sa reaksyon nito,
hindi siguro. “I
was invited here. Ikaw ang dapat kong tanungin. Sa’n ka nanggaling at ngayon ka
lang nakarating dito? Nakita kita kanina ng nasa jeep ako. Dapat mas nauna ka
pang makarating sakin dito. Ba’t ngayon ka lang? At bakit kung magpatakbo ka
kanina ng motor mo, para kang nakikipag-karera?”
* * * * * * * *
( Shanea’s POV )
“I was invited here.
Ikaw ang dapat kong tanungin. Sa’n ka nanggaling at ngayon ka lang nakarating
dito? Nakita kita kanina ng nasa jeep ako. Dapat mas nauna ka pang makarating
sakin dito. Ba’t ngayon ka lang? At bakit kung magpatakbo ka kanina ng motor mo
para kang nakikipag-karera?”
Nagulat
siya. Ba’t hindi man lang sinabi ni Aeroll na pupunta din pala ito dito?
Umiiwas nga siya diba? Tapos naalala niya pa yung nangyari kanina. Yung
nakitaan siya nito ng tagos sa likuran niya! Tapos kung makapagtanong pa ‘to
ngayon, parang itong pulis at parang may ginawa siyang krimen. Mukha bang
kriminal ang itsura niya?
Huminga
siya ng malalim. “May nadaanan po kasi akong restaurant kanina. Dahil gutom po ako,
huminto po ako, kumain at nag-take out.” Itinaas niya ang plastic na
hawak niya. “Tapos
may nadaanan po uli akong bakery kanina, bumili ako ng ipapasalubong kina
Russel. Natatandaan mo po ba sila? O baka hindi na? Sabagay tatlong taon ka
ding nawala dito, kaya baka hindi mo na din sila natatandaan.”
“Tapos may nadaanan pa
po akong souveneir shop kanina, may binili din po ako. Tapos may nadaanan po
uli akong shop, tapos may nadaanan pa po ako. Yun po ang dahilan kung bakit
naunahan mo kong makarating dito. At kung alam ko lang na paunahan palang
makarating dito, kanina pa ko nandito.”
Nagsalubong
ang mga kilay nito. “The way you said it, you sound sarcastic.”
Hindi
niya ito pinansin, pinagpatuloy niya pa ang speech niya. “At kaya po ako mabilis magpatakbo kanina,
kasi parang karo ng patay ang sinasakyan mong jeep. Saka pangarap ko po kasing
maging motorbike racer, eh. Questions answered, sir!” Iyon lang at humakbang
na siya papasok ng gate.
“Shanea!!”
Nilingon
niya ito. “What?
May isesermon ka pa ba?”
Mabilis
itong lumapit sa kaniya. Magkasalubong pa rin ang mga kilay nito. Napapikit pa
siya ng madiin at hinintay ang kung anong gagawin nito sa kaniya. Ininis niya
ata ito ng todo, eh. Baka matamaan na siya dito. Hanggang sa maramdaman na lang
niya ang kamay nito sa ulo niya. Unti-unti siyang dumilat. Hindi na salubong
ang mga kilay nito.
“Buti na lang nandito ka
na.”
Iyon lang ang sinabi nito bago ito naunang pumasok ng bahay.
She
sighed. Para na nitong sinabi na he was glad at walang nangyaring masama sa
kaniya. Jed naman, ba’t ganyan ka? Bakit
mo ‘to ginagawa? Sumunod na lang siya dito.
“Ba’t ngayon ka lang?”
bungad sa kaniya ni Aeroll, pagkapasok na pagkapasok niya.
“Pati ba naman ikaw?”
“Anong pati ba naman
ako?” Nilingon nito si Jed na nakaupo na sa tabi nito. “Ano bang
nangyari? Ba’t parang wala sa sarili si pandak? Ang sungit ata niya ngayon?”
Nilingon uli siya nito. “Mero’n ka ba?”
“Mero’n nga ako! Mero’n!
Mero’n! Mero’n! Mero’n!” Ginaya pa niya ang tono ng artistang
nagsabi ng line na ‘yon sa isang movie.
Napangiti
si Cath. Pumalakpak naman ang Kuya Harold niya. “Pang-famas ang drama, ah.”
Samantalang
si Aeroll nakangiwi siyang tiningnan. “Mero’n ka din?”
“Anong din? Bakit?
Mero’n ka din, Aeroll?”
Mas
lalo itong napangiwi. “Baliw! Anong tingin mo sakin may matris?”
“Mukha kang may matris.”
Nang mapansin niyang wala si Princess. “Si Ate Princess?”
“Bakit?”
Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses na ‘yon.
“Ate Princess!”
Nilapag niya ang mga bitbit niyang plastic. At tinakbo ito sabay yakap. “Ate!”
“Kung maka-ate at
maka-damba, wagas, ah. Close kayo? O feeling close lang?”
parinig ng Kuya Harold niya.
“Bakit?”
natatawang tanong ni Princess sa kaniya.
Kumalas
siya ng yakap dito. “Wala naman.” Napangiti lang ito. Nang may
maalala siya. “Teka,
nasa’n sina Russel?”
“Kanina pa tulog, eh.
Napagod kakalaro.”
“Ay, sayang, may
pasalubong pa naman ako sa kanila. Ay, alam ko na.”
Kinuha niya ang isang plastic na binili niya sa bakery. Saka hinila si Ate
Cath. “Ate
Cath, sama ka din. Do’n tayo sa likuran.”
“San mo dadalhin ang
honey ko?”
“At pa’no naman kami?”
dugtong ni Aeroll.
“Edi sumam—“
Sumingit
sa kaniya si Ate Princess. “Tayo na lang nila Cath, Shanea.”
Napatingin
tuloy si Aeroll dito. Umiwas naman ng tingin si Princess. Nagtaka tuloy siya. “Magkagalit ba
kayo?”
“Hindi.” -
Princess
“Ewan.” -
Aeroll
Sabay
na sagot ng mga ito. Napakamot tuloy siya ng ulo. Ang gulo nila, ah.
“Eh, kayo ni Jed,
Shanea? Ba’t parang hindi mo siya pinapansin? Himala ng himala. Ngayon na nga
lang uli kayo nagkita, nagdedemahan pa kayo. War din kayo?”
Ihagis
kaya niya ‘tong dala niya sa Kuya Harold niya. Kay tabil talaga ng dila kahit
kailan.
“Hindi.” -
Ako
“Ewan.” -
Jed
Sabay
pa silang sumagot. Huh? Bat ewan? Hindi naman sila war. Ano lang, medyo, basta.
Parang ang gulo. Hay ewan!
“Tara na nga mga ate sa
likuran at magtsismisan.” Hinila na niya ang mga ito.
* * * * * * * *
Inuman time. Anim na pinsan niya ang kasama nila.
Mga pinsan niya sa pinsan ng mama niya. Ilang taon lang ang tanda ng mga ito sa
kaniya, pero nakasanayang niyang sa pangalan lang niya tinatawag ang mga ito.
Mga kalaro naman kasi niya ang mga ito nung bata pa siya. Sadyang si Harold
lang ang tinatawag niyang kuya. Para na rin asarin si Aeroll.
Nandito
sila sa garden sa likuran ng bahay ng Lola Conchita niya.
= = =
A/N: Ganito ang seating
arrangement nila.
Jed –
Aeroll – Cath –
Harold – Kristine
Mai Xander
Allen
– Paulo – Shanea
–
Princess – Morris
= = =
Thirty
minutes pa lang silang nag-iinuman, may bagsak agad sa kanila. Ang pinsan
niyang si Morris, ang tahimik pero madaldal pag lasing na pinsan niya.
“Shanea.”
Nilingon
niya si Jed. “Bakit
na naman?” Kanina pa kasi ito gano’n, eh. Tawag ng tawag.
“Pang-ilan na ‘yan?”
“Isa pa lang.”
Napailing
lang ito.
Totoo
naman. Unang bote pa lang niya ito. Una’t kalahati. Wahehe.
“Eh, ikaw ba’t ayaw mong
uminom?”
Itinaas
nito ang bote nito ng hindi man lang nagsalita.
“Hmp! Wag mo na nga kong
kausapin. Hindi ka naman marunong sumagot.”
“Jed, tayo na lang ang mag-usap.”
singit ni Mai. “I don’t want to talk to
some weirdo at my right.”
Napalingon
siya sa right nito. Teka, nasa’n si Allen? Ang joker niyang pinsan. Ayun naman
pala, nasa tabi ni Ate Princess lumipat.
“Nadinig ko ‘yon, Mai. Gusto mong
ipainom ko sa’yo ‘tong alak ko na inixperiment ko? It tastes good, cuz.”
Si Paulo. May pagka-weird nga talaga ito. Kaya nga kasundo nito si Kristine na
weirdo din minsan, na ngayon ay kausap ni Xander, ang walking calculator na
pinsan niya.
Maarteng
ngumiwi lang si Mai. “Over my dead body.
I will not eat that alien thing noh!” May pagka-maarte talaga ‘to. At isa
pang napapansin niya, may gusto ito kay Jed! Matagal na niyang napapansin ‘yon.
Dati pa. Until now pa din! Ay!
Napakislot
pa siya ng lumagabog ang mesa. Napaangat ang tingin niya kay Aeroll. Ang sama
ng tingin nito kay... kay Ate Princess? Hmm... Bakit kaya?
“May kukunin lang ako sa
loob.” sabi
nito bago pumasok ng bahay.
“Anong problema no’n,
Kuya Harold?”
“Puso.”
Hindi
niya masyadong nadinig dahil kanya-kanyang tanungan din ang mga pinsan niya. “Ano uli?”
“Wala ng ulitin sa
bingi.” Kumuha
siya ng mani at binato dito. “Honey, oh. Inaaway ako ni Shanea.”
“Sa laki mo niyan,
honey, ikaw pa talaga ang nagsumbong, ah.”
“Oo nga. Damulag!”
Binato niya uli ito ng mani.
“Jed, oh. Si Shanea.”
Kay Jed naman ito nagsumbong na busy sa pakikipagkwentuhan kay Mai. Buti pa kay
Mai, sumasagot ito ng maayos, tapos sa kaniya. Hmp!
“Anong gagawin ko?”
tanong ni Jed dito.
“Ibitin mo ng
patiwarik.”
“Kung ikaw kaya ang
ibitin ko, Harold?”
“Whoah! Honey, did you
heard it? Kinampihan ni Jed si Shanea.”
“Wala akong nadinig.”
“At hindi ko kailangan
ng kakampi. Kaya ko ang sarili ko.” sabi niya. Napalingon
tuloy si Jed sa kaniya. “Si Wonderwoman kasi ako kaya hindi ko kailangan ng
kakampi. Sige na, continue na your chikahan with Mai.”
Kumunot ang noo nito. Asual. Walang bago.
Hindi
na nga niya maintindihan kung para sa’n ang pagkunot nito ng noo. Gulong-gulo
na siya! Hay buhay tinola na ‘yan! Unang araw pa lang nila ito, what more ang
mga susunod pang araw? Ayaw na niya! Iiwas na talaga siya dito!
“Even superheroes need a
buddy. Kaya nga may robin si batman, eh.”
“Kuya Harold, hindi ako
si batman, okay.”
“Ah, hindi ba? Mukha ka
kasing si batman.” Tumawa pa ito.
Binato
niya ito ng mani. “Mukha ka namang catwoman.” Binelatan niya pa
ito. Uminom siya ng alak pagkatapos. “Huwag ninyo kong kausapin, ah.”
“Gusto kitang kausapin,
eh.”
“Kuya Harold kasasabi ko
lang.”
“May bago sa’yo, Shanea.
Nasa’n ang kakulitan mo sa katawan?”
“Tinago ko sa baul. Ayaw
mo no’n, kuya, hindi ko kaya kinukulit. At hindi na kayo mabi-bwisit.”
“Hindi naman kami
nabi-bwisit, ah.”
“Pero ‘yon ang
nararamdaman ko.” Tss...Kaya ayaw niyang umiinom, eh. Kung
anu-ano ang nasasabi niya.
“Harold, tama na ‘yan.”
saway dito ng Ate Cath niya.
“May sinabi ba ko, honey,
na hindi maganda?”
“Shhh...”
Kumuha
na lang siya ng alak at deretsong tinungga. Nakita pa niya sa gilid ng mata
niya na nagtatakang nakatingin sa kaniya si Jed.
“Wag mo nga kong
tingnan.”
“Ayoko.”
She
sighed. “Alak
pa nga, Xander.” Magpapakalasing
ako.
* * * * * * * *
Wala na siyang paki sa paligid niya. Nahihilo na
siya. Iyon ang alam niya. Tiningnan niya ang relo niya. Tama ba yung oras na
nakikita niya? Malapit ng mag-eleven-thirty.
“Jed, can you please carry me inside
the house? Hindi ko na kayang tumayo at maglakad, eh. Inaantok na ko.”
Kumunot
ang noo niya. “Talagah,
Mai?” Kahit lasing na ang utak niya, alam niyang tumatagal ito sa
mga inuman. Mas mauuna pa silang bumagsak bago ‘to.
“Yes, my dear cousin.”
“Weh?”
“Matutulog ka na ba, Mai? Sabay na
tayo. Inaantok na din ako.” Hinila ito papasok ng bahay ni...
“Hihihihi... Wawa naman
Mai, palpak ang planoh. Tekah, Shino ‘yon humilah kay Mai?”
“Si Kris.”
“Huh? Shino yung
shumagot shakin?” Lasing na nga siya. Humagikgik pa siya,
bago abutin ang alak na nasa harapan niya. Kaya lang bakit gano’n? Ba’t parang
lumalayo. Unti-unti siyang lumingon sa katabi niya. Hawak na kasi nito ang bote
ng alak na inaabot niya. Pinasingkit niya ang namumungay niyang mata. “Huh? Jehd?
Ihkaw bah yan?”
“Yes.”
“Tekah, bhakit nasha
tabih kitah? Shi Ate Prinshesh ang katabih koh, ah.”
“Iyon si Princess.”
Itinuro nito si Princess.
“Bhakit nhandon sha?
Lhumiphat bah sha?”
“Ikaw ang lumipat dito.”
“Huh? Akoh? Ihkaw atah
lumipat ditoh, eh.”
“Nakipagpalit ka ng
upuan.”
Siya?
Nakipagpalit? She waved her hand. “Walah khong maintindihan sha shinashabi moh. Parang
ihkaw.”
“Parang ako?”
“Hihihihi... Yesh. Kashi
hindih kitah maintindihan. Ang guloh-guloh moh, Jehd.”
“Pa’nong magulo?”
“Shikret. Gushtoh moh
bah malaman? Shigeh, deal tayoh. Shashabihin koh shayo peroh ibibigay moh
shakin yang alak ko o hindi koh shashabihin shayo pag hindi moh binigay yang
alahk ko. Anoh?”
“Wag mo ng sabihin.”
“Hihihihi... Edih wag.
Akalah moh naman shashabihin koh shayo pag binigay moh yang alahk nah yan.
Hindih noh. Kahit lashing akoh, hindih akong madaldal. Naka-zip ang mouth koh.
Hihihihi... ang gaan-gaan ng uloh koh...”
“Shanea, matulog ka na.”
“Ayaw.”
Nang may maisip siya. “Shigeh, matutulog nah koh, peroh kuhah moh munah akoh ng
tubig.” Hindi ito kumilos kaya ipinatong niya ang ulo niya sa mesa.
Nahihilo na kaya siya. “Hayyy... bat ganyan kah, Jehd?”
“Bakit?”
“Hihihihi...”
Ang sayang malasing. “Shikret.” Nang mapahawak siya sa bibig niya
at sa tiyan niya. “Jehd, nashushukah nah koh.” nakangiting sabi
niya.
“What? Tapos nakangiti
ka pa.” Inalalayan siya nitong tumayo.
“Uhurp! Bilish, Jehd.
Ayokoh magshuka ditoh, patay akoh kay Lolah.” Napahagikgik siya
ng buhatin siya nito. “Wow! Parang bagong kashal.”
“Nasusuka ka ba o ano?”
“Nashushuka.”
“So be quiet. Baka
sukahan mo pa ako.” Nakarating na sila sa cr. Pumasok sila. Tamang-tamang
pagbaba nito sa kaniya, nasuka na siya. Buti na lang at shooter siya. Sakto sa
bowl.
“Uhuuurp... Uhuuurp...
Uhuuurp...” Sunod-sunod siyang dumuwal. Sa dami ba
naman ng kinain niya kanina. Umupo na siya.
“Kaya mo pa?”
Naramdaman niya ang kamay nito sa likuran niya. Umuklo ito sa tabi niya.
Umiling lang siya.
“Shushukah pa—uhuuurp...
Uhuuurp... Uhuuurp...” Habang hinahagod naman ni Jed ang ang
likuran niya. Hayyy...Naubos na ata lahat ng kinain niya. “Jehd...”
“I’m here...”
Isinandal niya ang ulo niya sa balikat nito. Parang hindi na niya kayang tumayo
pa. Hilong-hilo na siya. Pinikit niya ang mata niya. Nang maramdaman na naman
niyang maduduwal siya.
“Uhuuurp... Uhuuurp...
Uhuuurp... syete… ayoko na...”
“Tss. Huwag ka na ngang
maglalasing.” Naramdaman niyang may naghihilamos ng
tubig sa bibig niya. Kahit hilong-hilo na siya, hindi niya mapigilang ngumiti.
“Nasusuka ka pa ba?”
Umiling
lang siya. Feeling niya naisuka na niya ang lahat ng kinain niya.
“Magmumog ka.”
Sinunod
naman niya ang utos nito. Pero dahil latang-lata na siya, si Jed na ang
sumandok ng tubig gamit ang kamay nito at nilapit sa bibig niya. “Oh.”
“Labash nah tayoh...” After
niyang makapag-mumog.
“Hindi ka na nasusuka?”
“Sleepy...”
Ipinikit niya ang mata niya at isinandal sa dibdib nito.
“Okay.”
Naramdaman na lang niyang umangat siya mula sa pagkakaupo. Binuhat uli siya
nito. Nakakapit lang siya sa leeg nito hanggang sa maramdaman niyang ibinababa
siya nito. Tumihaya siya ng higa. Dumapa. Tumagilid. Hinawakan siya sa braso
nito. “Huwag
ka ngang malikot, mahihilo ka lang lalo, eh. Wait lang.”
Ilang
minuto lang ang lumipas ng maramdaman niyang may basang dumadampi sa mukha niya.
Idinilat niya ang isang mata niya. Nakaupo si Jed sa tabi niya at pinupunusan
ng basang bimpo ang mukha niya. Napangiti siya.
“Thank you...”
Bago ipikit uli ang mata niya. “Ang bait moh ngayoh, ah...”
“Matulog ka na.”
“Gushto koh... kayah lang...
umiikot yung paligid...para khong bolah...umiikot...”
“What do you want me to
do?”
Nakapikit
pa ding kinuha niya ang isang kamay nito at nilagay sa ulo niya. Pero ilang
saglit lang ng maramdaman niyang tumayo ito. Tumagilid siya ng higa. Hindi man lang niya ko pinagbigyan...
Pero
napangiti agad siya maramdaman niyang may humahaplos na sa ulo niya. Humarap
siya dito. “Jehd...”
“Hmm…”
Idinilat niya ang isang mata niya. Nakahiga ito paharap sa kaniya. Hinaplos
naman nito ang mata niya at pinapikit uli. “Matulog ka na, Shanea.”
“Opoh...”
“Wag kang magrereklamo
pag sumakit ang ulo mo bukas.” Habang hinahaplos ang ulo
niya.
“Hindih...”
Tuluyan na siyang dinala sa Dream land. Hindi na tuloy niya narinig ang huling
sinabi ni Jed.
*
* *
>>> CHAPTER 14 HERE
gusto ko mag-comment dito dahil naloka ako kay shanea! ang kulet! jhed ayaw niyah shumukah kaseh bakah pagahlitan sha ng lolah niyah! award naman!!! hahaha!!! kakahawah sha! XD XD
ReplyDeletehwAaaaHhhh,,, aNg cuTe ng shAneAng LaSing,,, hwaHehE,,,
ReplyDeleteang sweet ni jed!! bakit nag-iba ka na??? im starting to like you nah.. dapat lahat ng bagay,dinadaan sa maboteng usapan!! hahah..
ReplyDelete