A/N : LAST CHAPTER UD for this year. Till next year! muaaaahhhhhh!
CHAPTER
14
( Shanea’s
POV )
Naalimpungatan siya ng may kung anong bumagsak sa
beywang niya. Akala niya tuloy nananaginip lang siya ng mukha ni Cath ang
tumambad sa kaniya. Kamay nito ang nasa beywang niya. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay nito
dahil nakikiliti siya. Oo. Hanggang ngayon, ang lakas pa din ng kiliti niya sa
beywang. Kumilos si Cath, nagbago lang ito ng pwesto at humarap ng higa sa
katabi nitong si Harold.
Hindi
niya mapigilang mapangiti lalo na ng hapitin ni Kuya Harold si Ate Cath palapit
sa dibdib nito. Ang sweet talaga nila
kahit sa panaginip ko...
Tumalikod
siya ng higa kay Cath para lang magulat ng makita niya kung sino ang katabi
niya. At nakaharap pa sa kaniya.
Jed?
Diba nasa America ‘to?
Napangiti
siya. Ang ganda naman ng panaginip niya. At katabi pa niya si Jed. Parang totoo
talaga. Inangat niya ang isang kamay niya at pinasadahan ang noo, ilong at
bibig nito.
Mas lalo ka atang gumwapo sa paningin
ko, Jed. Kailan ka ba uuwi? O uuwi ka pa ba? Tutal naman dinalaw mo na ko sa
panaginip ko, lulubos-lubusin ko na, hah.
Dahan-dahan
siyang lumapit ng higa dito at sumiksik sa dibdib nito. Napangiti siya ng
hapitin siya nito at yakapin ng mahigpit. Tiningila niya ito. Napatingin siya
sa labi nito. Wala sa loob na inilapit niya ang mukha niya at hinalikan ito. Sa
mismong labi nito.
Alam kong tapos na ang kabaliwan ko
sa’yo. Three years, Jed. Pero kahit ngayon lang, pagbibigyan ko muna ang sarili
ko. Ang sabi ko dati, ikaw ang magiging first kiss ko. Hindi naman natupad ‘yon
dahil iniwan mo ko. Kaya ngayong dinalaw mo ko sa panaginip ko, tutuparin ko na
‘yon. Kahit sa panaginip man lang, matupad ko lang na ikaw ang maging first
kiss ko.
Napangiti
siya pagkatapos. At napahawak sa labi niya. Parang totoo talaga. Ipinikit niya
ang mga mata niya at ninamnam ang feeling habang yakap siya ni Jed. Kahit sa
panaginip lang.
*
* * * * * * *
( Jed’s POV
)
Bakit
parang may mabigat na nakapatong sa braso niya? Iminulat niya ang mga mata
niya. Tumambad sa kaniya ang mahimbing na natutulog na si Shanea. Ilang saglit
pa siyang natulala ng hindi mag-sink in agad sa utak niya ang pwesto nilang
dalawa. Nakaunan ito sa braso niya at nakasiksik sa dibdib niya habang
nakayakap naman siya dito.
Ilang
saglit siyang napapikit siya ng mariin. Bakit
ganito ang pwesto namen? Napahawak pa siya sa labi niya. Panaginip ko lang
ba ‘yong parang may humalik sakin? Iniling niya ang ulo niya. Naalimpungatan
lang siguro siya at kung anu-ano ang iniisip niya.
Dahan-dahan
niyang inangat ang ulo niya at tiningnan kung may gising na sa mga kasama niya.
Nakahinga siya ng maluwag ng makitang tulog pa ang mga ito. Sinilip niya ang
relo niya. Mag-aalas-syete na.
Napatingin
siya kay Shanea. Anong gagawin niyang kilos para maihiwalay ito sa kaniya ng
hindi ito magigising? Mahirap ng may makakita sa pwesto nila. Baka kung ano ang
isipin.
Dahan-dahan
niyang inalis ang ulo nito at maingat na ipinatong sa unan nito. Nakahinga siya
ng maluwag ng hindi ito magising, tumalikod lang ito ng higa at humarap kay
Cath.
Tatayo
na sana siya ng maramdaman niyang kumilos ang katabi niya at umupo. Si Aeroll. Shit! Nakita kaya niya ang pwesto namen ni
Shanea kanina?
Ilang
saglit siyang nakiramdam ng maramdaman niyang tumayo ito. Hindi naman siguro
nito nakita. Mamaya na muna siya babangon. Papalipas muna siya ng ilang minuto.
Kaya lang, two minutes pa lang ata ang nakakalipas ng marinig niya ang
sunod-sunod na ingay ng apat na tukmol na pinsan Aerol plus si Harold.
“Tang@^&! Ano ba ‘yang paa mo,
Morris James! Nasa mukha ko na! Ang sakit na nga ng ulo ko, amoy pa ng paa mo
ang bubulaga sakin!”
“Hmmm...shit naman! Bob Allen! Kung
makareklamo ka diyan! Yung pwet mo naman, nasa mismong tapat pa ng mukha ko!
Naman oh! Pa’no kung umutot ka? Para akong pinatay ng dalawang beses niyan, eh.”
“Speaking of dalawa, itong dalawang
binti mo, Alexander Jose, ginawang unan ang dibdib ko! Sosyal ng paa mo, ah.
Eh, kung iprito ko kaya ‘yan mamaya at ipaulam sayo?”
“Kadiri ka talaga, Jean Paulo! Kung
yang paa mo kaya ang ilaga ko at kung makapanulak sa likod ko, wagas. Pero okay
lang, mas lalo akong napapadikit sa honey ko.”
Napapailing
na bumangon siya. “Ang ingay ninyo. May natutulog pa.” Pero
parang wala namang narinig ang mga ito. Inayos na lang niya ang kumot ni Shanea
na nakapatong dito. Napatingin siya kay Harold ng mapansin niyang nakamasid ito
sa kaniya.
“Anong tingin ‘yan?”
Ngumisi
ito. “Anong
tingin ka diyan?”
“Kabisado ko pa rin
‘yang tingin mo, Harold.”
“Kung anong napapansin
mo diyan. Makatulog na nga muna uli.” Niyakap nito si Cath.
May
iba talaga sa tingin nito kanina, eh. Napapailing na tumayo siya at dumeretso
ng cr. Hindi kaya... Iniling niya ang ulo niya. Hindi naman siguro.
*
* * * * * * *
( Shanea’s
POV )
Naalimpungatan
siya
makarinig siya ng ingay.
“Magpapaalam lang ako kay Jed.”
Huh?
Anong pinagsasabi nito? “Nasa America si Jed noh!” Nakapikit na bumangon
siya. Ang tigas ng hinihigaan niya kaya lumipat siya ng kama niya. Maaga pa
naman kaya matutulog uli siya. Mamaya pa naman ang pasok niya ng Shahiro.
Hihintayin na lang niyang mag-alarm ang alarm-clock niya.
Hindi
niya alam kung ilang minuto o oras siyang nakatulog uli. Wala naman kasi siyang
narinig na alarm. At male-late na siya sa pagpasok. Pabalikwas siyang bumangon
para lang mapahiga uli ng sumigid ang kirot sa ulo niya. Napapikit siya ng
mariin. Idinilat niya ang mata niya.
Saka
lang nag-sink in sa utak niya na wala siya sa kwarto niya at hindi nakahiga sa
kama niya. Dahil nasa sala siya at nakahiga sa sofa.
Pinikit
niya uli ang mga mata niya. Nandito nga pala siya sa Romblon, sa bahay Lola
Conchita niya. Naalala niya agad ang nangyari kagabi kahit pa sumasakit ang ulo
niya. Gano’n naman siya, bihira lang naman siyang maglasing ng ganito. Sobrang
bihira pero pagkagising niya kinabukasan, naaalala niya agad ang nangyari ng
nagdaang gabi.
Nalasing siya! Binuhat siya ni Jed! Nasuka!
Inalagaan ni Jed! At pinatulog! At kung tama ang pagkaka-alala niya, katabi
niya itong natulog!
Teka!
Katabing matulog?
Napadilat
siya ng mata. Natutop niya agad bibig niya. Anak ng tinolang kalabaw! Katabing
matulog? Madiing niyang pinikit ang mga mata niya. Hindi panaginip ‘yon! Katabi
niya talaga si Jed kagabi! Niyakap niya! And worst, hinalikan niya. Sa labi!
Anak
ng anak ng tinolang kalabaw! Anong ginawa niya?! She just kissed Jed! Ang first
kiss niya!
Mas
lalo tuloy sumakit ang ulo niya sa nalaman niya. Dahan-dahan siyang tumayo at
dumeretso ng cr. Nasalubong pa niya ang Ate Cath niya.
“Goodmorning! Masakit
ang ulo?”
“Sobra, ate.”
“Ako din. Pasaway kasi
tayo.” Napangiti siya. “Sabay na tayong lumabas. Nasa likuran ata sila. Tayo na
lang palang tatlo nila Princess ang naiwang tulog.”
Hindi
niya napansin na silang tatlo na lang pala. Nakatuon ang pansin niya sa
panaginip kuno niya kagabi.
“Tara na, ate.”
“Hindi ka maghihilamos?”
“Wag na. Mamatay sila sa
amoy ko.”
Natawa
ito. “Baka
ma-turn-off niyan sayo si Jed.”
“Ate naman.”
She pouted. “Maka-pag-cr
na nga.”
*
* * * * * * *
“Goodmorning! What’s for
breakfast?” Salubong niya sa mga taong nasa garden at
nag-aalmusal. Kaya lang, parang may kulang. Wala si Kristine at si Mai. Ay, oo
nga pala. Ang sabi ni Kristine kagabi, may pasok pa daw ito ngayon kaya hindi
ito masyadong uminom. May pasok din si Mai, kaya lang ito yung tipong kaya pang
pumasok kinabukasan kahit galing ng inuman. Hindi uso dito ang salitang
‘hang-over’ na siyang nararamdaman niya ngayon.
Napatingin
siya sa bakanteng upuan. Sa tabi ni Jed. Sa tabi ni Kuya Harold. Sa tabi ni
Aeroll. Mag-iisip pa ba siya kung san siya uupo para lang lalong sumakit ang
ulo niya?
Malamang
si Ate Cath uupo sa tabi ni Kuya Harold. At malamang, maya-maya pagkagising ni
Ate Princess, sa tabi ‘to ni Aeroll uupo. Hindi naman pwedeng sa tabi siya ni
Aeroll umupo kahit tulog pa si Ate Princess. Naalala niya kasi ang nangyari
kagabi ng makipagpalit sa kaniya si Aeroll ng upuan. Nakainom na kasi si Ate
Princess at kinukulit na din ito ni Allen. Kaya binulungan siya ni Aeroll na
palit sila ng upuan. Pumayag naman siya, lalo na at nakikita niya ang mukha ni
Aeroll na parang susugod sa gyera habang nakatingin kina Ate Princess at Allen.
Hay... kailan kaya aamin si Kuya Aeroll?
Umupo
na siya sa tabi ni Jed. Sinadya niyang umiwas ng tingin dito lalo pa’t naaalala
pa din niya ang ginawa niyang paghalik dito, na akala niya parte lang ng
panaginip niya.
“Si Princess?”
tanong ni Aeroll. Hinayaan niyang si Ate Cath ang sumagot.
“Tulog pa din si bhest.
Ang sakit ng ulo ko.”
Tumayo
si Aeroll, nag-excuse at pumasok ng bahay.
“Inumin mo muna ‘tong
aspirin, hon. Ikaw kasi, eh. Hindi tuloy ako nakainom ng marami kagabi dahil
binabantayan kita. Ikaw, Shanea, hindi ba masakit ang ulo mo?”
“Hindi kuya. Ang tiyan
ko ang masakit dahil sa gutom.” Pero deep inside, parang
binibiyak ang ulo niya.
“Wag kang magrereklamo pag sumakit ang
ulo mo bukas.”
Iyon
ang huling naaalala niya na sinabi ni Jed bago siya tuluyang makarating ng
Dream Land.
Pasimple
siyang humawak sa sentido niya at diniinan ng daliri. Napapikit pa siya ng mariin.
Parang ayaw niyang kumain. Ng kanin. Na nakasanayan niyang breakfast sa umaga.
Gusto niya ng mainit sa sikmura. Gusto din niya ng kape.
“Lola? May noodles
kayong stock?”
“Mero’n sa kusina.”
“Yun na lang kakainin
ko.”
“Akala ko ba gutom ka?”
tanong ng Kuya Harold niya.
“Gusto ko ng mainit sa
sikmura, eh.”
“Itong kinakain ko, Shanea. You like?”
Napatingin
siya sa kinakain ni Jean Paulo. “Ano ‘yan?“
“Monay with Ketomasauce.”
“Ketomasauce?”
Pangalan pa lang, hindi na niya gusto. Lalo pa kung itong si Jean Paulo niya
ang gumawa.
“Short for ketchup, mang tomas and hot
sauce.”
Napangiwi
siya. Ano kayang lasa no’n? “At pano naging mainit sa sikmura ‘yan?”
Si
Allen ang sumagot. “Yung hot sauce, diba
mainit ‘yon? Kasi HOT sauce.” sabay tawa.
“Hehehe. Ang corny ng
joke mo, Allen.” Tumayo na siya nag-excuse sa mga ito.
Dumeretso siya ng kusina. Hinanap ang noodles at niluto. At habang hinihintay
na maluto, nagtimpla na muna siya ng kape. Hindi siya fan ng kape. Ayaw niya ng
kape. Nagkakape lang siya kapag ganitong may hang-over siya.
“Shanea.”
“Anak ng tinolang
kalabaw! Aray!” Napaso tuloy yung dila niya habang umiinom
ng kape ng magulat siya.
“Okay ka lang?”
“Jed? Anong ginagawa mo
dito?” Habang hindi niya alam kung ano ang gagawin sa napaso
niyang dila.
“Tapos na kong kumain.
Okay ka lang?”
“Napaso yung dila ko.”
“Patingin nga.”
Wala
sa loob na nilabas niya yung dila niya. “An takit, eh.”
Kaya
nagulat siya ng hipan nito ang dila niya. Take note, nilapit pa nito ang mukha
nito sa kaniya para mahipan lang ang napasong dila niya. Napatingin tuloy siya
sa lips nito. At naalala na naman niya ang nangyaring nakaw-halik kaninang
madaling-araw.
“Okay na. Hindi na
masakit.”
“Sure ka?”
“O-oo. S-sure na sure.
Teka, yung niluluto ko pala.” Dumistansya na siya dito.
“Aray!”
Ang shunga lang! Hinawakan ba naman niya
yung kaserola ng hindi gumagamit ng pot holder!
“Ano na naman ‘yan?”
Tinago
niya sa likuran niya ang kamay niya. “Ah, wala. Trip ko lang umaray.” Takte! Ano
bang klaseng dahilan ‘yon?
Kinuha
nito ang kamay niyang nakatago sa likuran niya. Napailing ito. “Napaso ka na
naman.”
“Ikaw kasi, eh.”
“Bakit ako?”
“Ginulat mo ko.”
“Nagulat lang kita ng
mapaso ka ng kape. Pero eto,” inangat nito ang kamay
niya, “hindi
naman kita ginulat para mapaso ‘to.”
“Ah, oo nga. Sabi ko nga
diba, nung napaso lang yung dila ko.” Binawi niya ang kamay
niya at tinalikuran ito. Naramdaman niyang umalis na ito ng kusina.
Nakahinga
siya ng maluwag. “Ang malas ko naman. Napaso na nga yung dila ko, napaso pa ‘tong kamay
ko, ang sakit pa ng ulo ko.”
“Mukhang may hang-over
ka pa kaya gano’n.”
“Ay!”
Humarap siya dito. “Jed naman! Akala ko umalis ka na?”
Kumunot
ang noo nito.
“Sinong nagsabing umalis ako dito? Kinuha ko lang ‘to.” Inangat nito
ang pat holder at nilapag sa kitchen table. Lumapit ito sa kaniya, hinawakan
ang kamay niya at dinala siya sa kitchen sink. Binuksan nito ang faucet at pinadaanan
ang kamay niyang napaso kanina.
“Mag-iingat ka kasi nang
hindi ka nasasaktan.”
“Kahit naman nag-iingat
ako, palagi pa rin akong nasasaktan.”
Nang
tingnan niya ito, nakakunot ang noo nito. Nginitian lang niya ito. Mukhang
pinag-isip niya ito sa huling sinabi niya. Totoo naman, eh. Kahit anong ingat
ang gawin ng isang tao, masasaktan at masasaktan pa rin siya. Part na ng buhay
ang masaktan.
“Shanea.”
“Bakit?”
Matagal
bago ito sumagot. “Wala naman. Masakit pa ba?”
“Medyo. Pero mawawala
din ang sakit niyan. Hindi ko lang alam kung kailan.”
Kumunot
na naman ang noo nito.
“Ayan na naman yang noo
mo. Kumukunot na naman.”
Napahawak
ito sa noo nito. Napangiti naman siya. Mukhang hindi ito aware sa pagkunot nito
ng noo. Mannerism na siguro nito ang gano’n kapag may hindi ito maintindihan sa
sinasabi niya o may ginawa siyang kakaiba na hindi din nito maintindihan. Just
like the old days.
Binawi
niya ang kamay niyang hawak nito. Pero hindi naman nito pinakawalan. “O-okay na yung
kamay ko.”
Kaya
napamaang na lang siya ng ipunas nito ang basang kamay niya sa laylayan ng
damit nito.
“Uy, Jed. May bimpo
naman—”
“Tuyo na.”
Binitawan na nito ang kamay niya. Kinuha nito ang pot holder, kumuha ng bowl at
isinalin ang niluto niyang noodles. Napaupo na lang siya sa upuang nando’n ng
ilagay nito sa mesa ang bowl ng noodles niya. May nilapag itong gamot sa tabi
ng bowl.
“Enjoy your breakfast.”
Iyon lang at lumabas na ito ng kusina. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa
kamay niyang napaso, sa noodles niya at sa gamot na iniwan nito. Para sa sakit
ng ulo ‘yon. Napangiti na lang siya at masiglang kumain ng breakfast niya.
$$$_____$$$$$$$$$$$$$$$_$$$_______$$$_$$$$$$$$$$
ReplyDelete$$$____$$$____$$$____$$$_$$$_____$$$__$$$_______
$$$____$$$___________$$$_$$$_____$$$__$$$_______
$$$_____$$$_________$$$___$$$___$$$___$$$$$$$$__
$$$______$$$_______$$$_____$$$_$$$____$$$_______
$$$_______$$$_____$$$______$$$_$$$____$$$_______
$$$$$$$$$___$$$_$$$_________$$$$$_____$$$$$$$$$$
i really like this chapter!! cross-over din to sa LASS eh..
ReplyDelete