Wednesday, December 19, 2012

This Gay's Inlove With You Mare : Chapter 4

A/N : LAST CHAPTER UD for this year. Till next year para sa more kabaliwan at kakulitan, hahaha. :)))))
I LOVE YOU guys! *fying kiss*


CHAPTER 4
( Regina Salazar’s POV )


First day of class pa din.


Nandito na ako sa classroom ko. Wala pa si prof kaya nakipagdaldalan muna ako kina Lyka at Kyla. Ang kambal ng tadhana. At parehas pang Fashion Design ang kinuhang course. Kaya nga madalas malito ang mga professors namin sa dalawa, pati mga classmates at schoolmates namen.


Halos lahat ng bagay, napapagkasunduan ng dalawa. From their favorites up to the clothes they wear. Isa lang ang pagkakaiba nila. Standards when it comes to boys. Goodboy-look ang type ni Lyka. Badboy-look ang type ni Kyla.


At dahil nga halos lahat ng bagay magkaparehas ang dalawa, trip nilang magpalit ng katauhan minsan. At ako lang ang nakakatama kung sino sa kanila ang totoong Lyka at Kyla, aside sa parents ng dalawa.


Madali lang naman para saking kilalanin kung sino sa dalawa ang totoong siya, dahil two years ko na din silang nakakasama. Si Lyka yung may aurang approachable. Si Kyla yung may aurang ‘ano lalapit ka pa!?’. At nakikita ko ang mga aura nilang ‘yon. Parang Hunter X Hunter lang noh? Wahehe. Pero kahit magkaiba nga sila ng aura, madalas nagpapalit sila ng katauhan kaya nalilito ang mga taong nasa paligid nila.    


And aside from Nic, sila ang best-of-friends ko dito sa university. Dahil Nursing ang kinuhang course ng best friend ko, sina Lyka at Kyla ang kasa-kasama ko dito sa school kapag hindi mag-jam ang schedule namen ni prenship. Pero mas madalas ko pa din talagang kasama ang bestfriend ko.


“Sabay na tayong mag-lunch mamaya.”


“What?!” chorus na tanong ng dalawa.


“Ayaw ninyo?”


“Eh kasi naman, kung hindi ka namen aayain at kung hindi kayo sabay ng oras ng lunch ni Nic,”


“Hindi ka sasabay saming mag-lunch, kaya nagtataka kami na ikaw ang nag-aya. For the first time.”


“War kayo ng bestfriend mo?” chorus na tanong naman nila. At sanay na ko. Kung hindi dudugtungan ng isa ang sasabihin ng isa, sabay na magsasalita ng dalawa. May mental telepathy ata ang dalawa at nababasa ang isip ng isa’t isa.


Sabagay, kami din ni kuya, parang ganyan din.


“Napag-isip-isip ko lang kasi na halos buong taon last school year, lagi akong nakabuntot sa kanila. Siguro naman ngayon, I have to give them space na silang dalawa lang. Pansin ko lang, para pala akong chaperone nila dati.”


“Ngayon mo lang napansin?”


“At ngayon mo lang talaga napag-isip-isip.”


“Sino naman ang nagbukas ang isip mo?”


Matagal ako bago sumagot. “Si Harry.”


“What?!” Chorus na naman sila.


“Si Harry!!” Impit na tumili pa si Kyla. Crush kasi niya si Harry. Dating niligawan ni Harry si Kyla. Pero dahil hindi nakapasa sa standard ng magkambal si Harry, ayun basted ang loko kay Kyla. Pero kahit gano’n, crush pa din daw ni Kyla si Harry. Ang gulo niya noh?


Kailangan kasing madistinguish ng kung sino mang manliligaw sa kambal kung sino si Lyka at Kyla sa dalawa. At wala pang nakakagawa no’n sa sinumang nanligaw sa dalawa. Ang nanliligaw kay Lyka, napagkakamalan si Kyla na si Lyka and vise versa. Laging gano’n ang nangyayari kaya katulad ko, NBSB din ang kambal, sila ang members ng NBSB club ko.


“As in Harry Pooter?” ulit na tanong naman ni Lyka.


Tumango ako.


“Weh?” 


“Di nga?”


Nilaro-laro ko ang daliri ko habang nakatingin do’n. “Kasi ganito ‘yon...” Hindi pa ako nag-uumpisa sa pagkukwento ng magtilian ang kambal na magkatabing nakaupo sa kaliwa ko. Hindi lang ang mga ito kundi ang mga classmate kong babae.


Napalingon tuloy ako sa tinitingnan ng mga ito.


(O_O)


Diosmiomarimar! Anong ginagawa niya dito?


“Don’t give me that look.” Sakin siya nakatingin so ako ang sinabihan niya. Nakakagulat naman kasi.


Nilingon niya ang mga classmates kong girls na impit na nagtitilian. Nakakunot na naman ang noo niya. “Stop that screaming, girls. Hindi tayo talo. Nakakapanindig-balahibo ang tilian ninyo. Jeez!”


“Ano daw???” chorus na tanong ng mga classmates ko, pati ng kambal na nasa kaliwa ko.


Hindi siya sumagot. He surveyed our classroom. Mukhang naghahanap siya ng mauupuan. Lumipat ang tingin niya sakin este sa tabi ko. Humakbang siya palapit. Bago pa ako nakapagtanong, umupo na siya sa katabi kong upuan.


“Dito ka uupo?”


“Nagtatanong ka pa, eh, nandito na ko.”


Kinalabit ako ni Kyla. “You know him, sis?”


“Wait lang, sis.” Nilingon ko uli ang katabi ko na abala sa pagtetext. “Fashion Design din pala ang course mo? Bakit hindi mo sinabi kanina? Edi sana sinabay na kita.”


“Close ba tayo para sabihin ko sa’yo?” Ni hindi man lang ako nilingon. Ang taray talaga nitong vhakler na ‘to!


“Madaming vacant, ah, bakit dito ka umupo sa tabi ko?”


“Tingnan mo nga ‘yang mga vacant.”


Tiningnan ko nga. Hmm... May vacant chairs pa sa tabi ng mga girls at dahil allergy nga daw siya sa girls, hindi pwede do’n. May vacant chairs pa naman sa tabi ng mga classmates kong lalaki. Oh, lalaki naman, ah. Ayaw niya ba sa mga lalaki? Onti nga lang ang classmates kong lalaki, eh. Mga tatlo, buti nga mga hombre talaga, hindi mga binabae.


“Lalaki naman ang makakatabi mo, ah. Hindi naman girls.”


“Yun nga, eh. FYI, may boyfriend na ko. At dito siya nag-aaral.”


(O_O) May boyfriend na siya?


“At seloso ang boyfriend ko. Mas gugustuhin pa no’ng kasama ko ang babae kesa lalaki.”


Kinalabit na naman ako ni Kyla. Pati ni Lyka.


“Sis! Pakilala mo naman samin si new classmate!”


“Oo nga!”


Pati tuloy yung mga classmate ko nakisabay din.


“Sino siya, Rehg?”


“Boyfriend mo?”


“Kaya lang, bakit parang mas mahinhin pa siya sa’yo?”


“Hindi niya boyfriend ‘yan noh!”


“Nadinig mo ba yung sinabi ni new classmate kanina nung nagtilian tayo. Hindi daw natin siya talo.”


“What did he mean by that? Gay siya?”


“What? Gay? Mahinhin siya, oo. Pero ang gwapo kaya niya.”


“Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapong bakla?”


At bago pa mapunta sa kung saan ang usapan ng mga classmates kong chismakers. Tumayo ako at nagsalita na.


“Shhh... Classmates! Quiet please!”


Tumahimik naman sila.


“He’s Glenn. And you’re right. Hindi kayo talo because he’s a gay.”


Kanya-kanyang react ang mga classmates ko.


“What?!”


“He’s gay?!”


“Sabi ko sayo, eh.”


“Sayang naman!”


“Shhh... Patapusin ninyo muna ang speech ko, okay?”


Tumahimik uli sila. Nang may kumalabit sakin. Si Glenn. I smiled at him. 


“What do you think you’re doing?”


“Chilax ka lang diyan, okay. Pinapakilala lang kita sa kanila.” Hinarap ko uli ang mga classmates kong naghihintay sa speech ko.


“Itigil ninyo na rin ang pagpantasya sa kaniya dahil taken na siya. Yap. May boyfriend na siya.”


Magrereact sana uli sila pero inunahan ko na silang magsalita. “Hep! I’m not yet finish. One more thing, allergy siya sa mga girls. Ayaw niyang may lumalapit sa kaniyang mga girls. Kasi feeling niya natatalbulgan natin ang beauty niya.”


“REGINA!!!” Mukhang asar na si Glenn! Matatapos naman na ang speech ko. Wait lang.


“Eh, gusto kong lumapit sa kaniya, eh.” sabi ng isang classmate ko.


Gusto pala hah. “Kung ready kang ma-jombag ang feslak mo. Go, girl! Madami siyang alam na martial arts kaya be ready.” Syempre gawa-gawa lang ko yung huling sinabi ko.


Sumimangot si classmate. 


“Eh, bakit ikaw katabi niya, eh babae ka?” tanong ng katabi nito.


Hmm... oo nga noh! Bakit tumabi sakin si Glenn eh allergy siya sa girls. And I still remember the words na sinabi niya kanina.

 
“Stay away from me.”


Tapos, siya pa tong lumapit sakin ngayon. Pero teka, yung sinabi niya kanina, 


“At seloso ang boyfriend ko. Mas gugustuhin pa no’ng kasama ko ang babae kesa lalaki.”


Iyon nga yon, kaya mas pinili niya tumabi sakin. Pero teka uli, bakit sakin kung may vacant chairs naman sa tabi ng ibang girls?


Nilingon ko si Glenn. Magkasalubong ang mga kilay niya habang nakatingin sakin, pero dedma lang ako.


“Oo nga. Tama sila, bakit sakin nakatabi ka kung pwede namang tumabi ka sa kanila?”


Nawala ang pagkakasalubong ng mga kilay niya. Maya-maya ay ngumisi siya. Hmm... Hindi ko gusto ang ngisi ng vhakler na ito, ah.


“Babae sila.”


“Babae din ako.” Sabay turo sa sarili ko.


“You? Mukha kang TOMBOY.”


Ang lakas ng tawanan ng mga classmate kong bruhilda.


“Kaya pala wala ka pa ding boyfriend hanggang ngayon, eh.”


“Tomboy ka pala, sis.”


Mas lalong lumakas ang tawanan ng mga classmate ko. Bwisit tong kambal na ‘to, ah. Ginatungan pa talaga ang sinabi ni Glenn!


Nilingon ko si Glenn na ngiting-ngiti. Tomboy pala, hah. Nginitian ko siya. Umupo na ko. At walang sabi-sabing humawak sa braso niya at sumandig sa balikat niya.


Naramdaman kong parang nanigas ang katawan niya. Maya-maya, “Hey!” Pilit niyang tinatanggal ang kamay kong nakapalupot sa braso niya.


Tiningala ko siya. “What? TOMBOY naman ako diba? Hindi ako BABAE, so pwede akong dumikit sa’yo ng ganito.”


Nawala ang ngiti nito. “Umayos ka nga! Makita tayo ng boyfriend ko!”


Hindi ko siya pinansin. Nilingon ko ang mga classmates ko. “Bagay ba kami, classmates?”


Nagtatawanang nagsagutan ang mga classmates ko.


“Lesbian?”


“At gay?”

 
“YES na YES!!!”


= = = = = = = =


“Anong tinutunganga mo diyan?”


Isa sa kambal ang nalingunan ko. Umupo siya sa tabi ko. Nandito ako sa lobby. Wala kaming klase. Wala ang prof namin. “Where’s Lyka?”


“Si Kyla ba ang tinutukoy mo?”


“You are Kyla. Where is your twin Lyka?”


Umismid ito. “Nakakainis ka naman. Nakipagpalit na nga ako ng bag kay Lyka, ginaya ang ayos ng buhok niya. Pati sapatos, nakipag-palit ako. Tapos, nakilala mo pa rin ako.”


“Ako pa lokohin mo.” Nagpangalumbaba uli ko at pinagmasdan ang dalawang taong kanina ko pa tinitingnan bago dumating si Kyla.


“Nasa library siya.”


“Ah...” Sa dalawang kambal, mas laman ng library si Lyka. But it doesn’t mean na tamad na si Kyla, parehong matalino ang dalawa. Bestfriend nga lang talaga ni Lyka ang mga libro.


“Ah ka diyan.”


“Eh...Ih...Oh...Uh...”


“Para kang timang. Sino ba kasing tinitingnan mo?”


”Wala naman.”


“Yun naman pala. Ang ‘yong loveteam na si Gra kasama ng real boyfriend niya.”


Tama siya. Di-kalayuan sa mesa namen, nakaupo si Glenn at ang boyfriend niyang si Gio, third year tourism student. Kanina pa ako nakatingin sa dalawa.


Loveteam kami ni Glenn.


Love team kasi simula ng araw na sabihan ako na tomboy ni Glenn, and that was THREE WEEKS AGO, nabuo ang ‘ReGra’ love team sa loob ng klase namen. Loveteam daw ng lesbian and gay sa university namen. Oo, university, dahil kumalat ang loveteam namen sa ibang course. Hindi ko alam kung pano’ng kumalat ng gano’n. Mga tsismosa talaga ang mga classmates ko. Syempre, dedma lang ako.


Akala ko nga susugurin ako ng sampal ng boyfriend ni Glenn. Pero iba ang nangyari, naging close kami. Hindi ko naman kasi alam na si Gio na ‘Bi’ pala na kaibigan ni kuya ang boyfriend ni Glenn. Ang liit talaga ng mundo. Sa dami ng pwedeng maging boyfriend ni Glenn, si Gio pa. At dahil close kami, humingi ng pabor sakin si Gio. Bantayan ko daw si Glenn sa mga majajanding lalaki na aaligid-aligid sa boyfriend niya. Hayy... ginawa pa kong instant body guard. Pero okay lang, malaya kaming nagkukulitan ni Glenn. 


Napangiti ako. Ako lang pala ang araw-araw na nangungulit sa kaniya. Idagdag pa na blockmate ko siya. Wala namang magawa si Glenn sa kakulitan ko. Minsan napipikon na siya at iiwan na lang ako bigla. Minsan, sinasagot ako. Minsan naman parang gusto na akong jombagin sa sobrang daldal ko daw. Kung anu-ano daw ang sinasabi ko. Kung pwede daw manahimik muna ako kahit ilang saglit.


Napangiwi ako ng maalala ko na naman ang name ng loveteam namen. 


ReGra!!! Ang bantot naman kasing pakinggan. Mga timang talaga yung mga classmates ko.


“Nakakahalata na talaga ako sa’yo, Rehg.”


Nilingon ko si Kyla. “What do you mean?”


“May gusto ka ba kay Glenn Monteverde?”


Tinakpan ko agad ang bibig niya. “Shhh...Ang ingay mo.”


Tinanggal niya ang kamay ko. “So, totoo nga?”


Todo iling ko. “Of course not. Ba’t naman ako magkakagusto sa kaniya? Sa isang vhakler pa? Hindi pa dumadating ang prince charming ko noh! Na-trapik pa.”


She just shrugged her shoulders. “Natanong ko lang. Masyado kasi kayong close, eh. Sabagay, ikaw lang pala ang feeling close sa kaniya.” Tumayo na ito. “Pupunta ako sa library. Sama ka? One hour pa naman bago yung next class natin.”


Umiling lang ako. “Malamig sa library. Dito na lang ako.”


“Okay, bahala ka. Madurog lang ang puso mo diyan.”


“Umalis ka na nga! Ikaw ang durugin ko diyan, makita mo.”


“Yah, as if magawa mo.”  Bago ako iwan. 


Mag-isa na naman uli ako. Ipinatong ko ang dalawang braso ko sa mesa at ipinatong don ang baba ko habang nakamasid kina Glenn at Gio.


Buti pa si Gio, may Glenn. Sana ako din. Hayy...


Nang dahan-dahang mapalingon sa gawi ko si Glenn. Nagtama ang mga mata namen. Nginitian ko siya. Sinimangutan lang niya ako.


Napalingon din sakin si Gio. Nginitian niya ko sabay senyas na lumapit ako sa kanila. Tatanggi ba ko? Kinuha ko ang bag ko at mabilis na lumapit sa kanila. At dahil may pagka-clumsy din ako minsan katulad ng bestfriend kong si Nic.


Buuuuuuuugggggggg!


“Okay ka lang, Rehg?”


Nakangiwing nilingon ko si Gio na nakalapit na pala sakin. Sinubukan kong tumayo pero napaupo lang uli ako. Masakit na nga ang wetpu ko, mukhang na-sprain pa ata ang paa ko dahil sa pagkatipalok at pagkadulas ko. Hanubayan! Nginitian ko si Gio. “Okay naman.” 


“You’re not, okay.” Si Glenn ang nagsalita na nasa tabi na din ni Gio. Tiningnan niya ang kanang paa ko na hawak ko at pinisil pa.


“Ouch!” Tama bang pisilin pa, eh, ang sakit na nga!


“Gra naman, wag mong pisilin.” saway ni Gio dito.


Nginitian ko silang dalawa. “Okay lang ako, promise! Tingnan ninyo.” Sinubukan kong tumayo. Kaya lang hindi keri ng paa ko. Buti na lang at naalalayan ako ni Gio. Nakataas ang kanang paa ko. Masakit kapag binaba ko.


Nang tingnan ko si Glenn. Ang sama ng tingin niya sakin. O mas tamang sabihing ang sama ng tingin niya sa kamay ni Gio na nasa beywang ko. Nakuupoo! Nagseselos si vhakler! Bisexual kasi si Gio kaya siguro feeling ni Glenn, baka magkagusto din sakin si Gio. Sabagay, gwapo naman talaga si Gio. Kaya lang, heller! Kung mag-bo-boyfriend ako, yung straight para sure akong never kong makakaribal ang isang lalaki. 


“Okay lang ako, Gio. Pwede mo na akong bitawan.”


“Ako nang bahala kay Regina, Gio. May klase ka pa diba? Baka ma-late ka.”


“Oo nga pala.” sabay tingin sa relo nito. “Five minutes na lang. Ikaw na ang bahala sa kaniya, Gra.”


Lumapit si Glenn samin si Gra. Pigil ang hininga ko ng halikan ni Glenn sa cheek sa Gio. Do’n pa talaga sa pisngi ni Gio kung san ako malapit. Tiningnan pa ko ni Glenn na parang nagsasabing ‘He’s mine. So Back-off!’


Hindi na ako naka-reklamo ng si Glenn na ang umalalay sakin. Mahigpit niyang hinawakan ang beywang ko. 


“Sorry, Rehg. Kasalanan ko. Hindi na sana kita tinawag kanina.”


“No, Gio. It’s my fault. Ang clumsy ko kasi. Hindi—”


“Pumasok ka na, Gio. Baka ma-late ka pa.” putol ni Glenn sa sinasabi ko.


“Sige. Pakidala na lang sa clinic si Regina, Gra.” Hinaplos pa ni Gio ang pisngi ko. May pagka-sweet talaga ‘to kahit kailan. Ang bait pa. Sana naging lalaki na lang siya. “I hope you’ll be okay, Rehg.”

 
Tumango lang ako. 


“Kaya ko na, Glenn.”


Hindi siya umiimik. Nakatingin lang siya sa papalayong si Gio. 


“Glenn! Huyoo!”


Impit pa kong napatili ng bigla na lang niya akong buhatin.


(O_O)


“Uyy! I can...I can walk.”


“Kailangan talagang maglambingan pa kayo sa harap ko ni Gio!?”


“Hah?” Waah! Nagseselos siya!? “Naku...hindi...ano kasi...” Putakte! Baka mamaya bigla na lang niya akong bitawan sa inis sakin.


“Uyy, ang sweet naman ng Regra love team.”

 
“May pabuhat-buhat pang nalalaman.”


“Hindi kaya magselos si Gio niyan sa inyo?”


Mga epal talaga ‘tong schoolmates ko! Hindi ko naman sila kilala. Sino ba sila? Makipagkilala muna kaya sila sakin bago ko sila payagang tuksuhin kaming dalawa ni Glenn. Wahehe.


Nang mula sa kung saan ay bigla na lang sumulpot at humarang sa harap namen si kuya!  

“WHAT DID YOU DO TO MY SISTER?!”  


Yung tingin niyang parang sasapak ng tao. Gano’n ang tingin ni kuya kay Glenn!!


= = =

8 comments:

  1. hala!!! ang pogi much ng boylet ni glenn na si gio... enebenemen!!! iba na talaga mga pogi ngayon, sa pogi rin may gusto! bakit sila pa? kaiinggit much lang! pero buti na lang may ReGra couple! euhahahahaha!! kilig much~

    at ayan na si kuya... umepz pa siya! overprotective lang? lels~ XD

    ReplyDelete
  2. ang gwapo ng boyfriend ni glenn!
    sana isa sa kanila ang jowa ko noh!

    ReplyDelete
  3. CuTe niLa LykA and kyLa,,, prAng cLa unG kaMBaL s ouRan hs hOst cLuB n nappLit pLagi ng ideNtitY,, tAs c reGina LnG nkkAaLam,,,,

    And poGi nmAn ng bOyfriEndni gLEnn,,, kiniKiLig anG baKLita kEu giO,,, siNUngaLngAL q ngA sBi q c reGina aNg paRtner niA,,, ayUn ntAuhAn,,, hwAhEHe,,,,

    ReplyDelete
  4. laughtrip!!!


    ░░░░░░░████████░░░░░░░░█████████░░░░░░
    ░░░░░██▓▓▓▓▓▓▒▓▓██░░▓█▓▓▓▓▒░▒▒▓▓██░░░░
    ░░░██▓▓▓▓▓▓▓▓▓▒░▓▓███▓▓▓▓▓▒▒▒░░▒▓▓█▒░░
    ░░██▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▒▒▓▓█▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▒░░▓▓█░░
    ░▒█▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓██▓██▓▓▓▓▓▓▓▓▓▒░░▓▓█░
    ░█▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▒░▒▓█▒
    ░█▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓█░░█░░█▓▓▓▓▓▓▓▓▓▒░░▓██
    █▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓░░░░░░░█▓▓▓▓▓▓▓▓▓░░▓▓█
    █▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓░░░█░█░░▒▓▓▓▓▓▓▓▓▓▒░▓▓█
    █▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓█░░▒█░██░░▓▓▓▓▓▓▓▓▓▒▒▓▓█
    █▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓█░░░░░░░░▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▒▒▓██
    █▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓██░░▒█░░░█▓▓▓▓▓▓▓▓▓▒▓▓█░
    ▒█▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓█▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▒▓▓█░
    ░█▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓█▒░
    ░██▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓█▓▓▓▓▓▓▓▓▓█░░
    ░░█▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓█▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓█░░░
    ░░░█▓▓▓▓▓▓▓▓▓█▓▓▓▓▓███▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓█▓░░░
    ░░░░█▓▓▓▓▓▓▓▓▓████████▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓██░░░░
    ░░░░▓█▓▓▓▓▓▓▓▓██▒▒▓▒▒▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓██░░░░░
    ░░░░░░█▓▓▓▓▓▓▓▓█▒▒▒▒█▓▓▓▓▓▓▓▓▓██░░░░░░
    ░░░░░░░██▓▓▓▓▓▓▓▓██▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓██░░░░░░░
    ░░░░░░░░██▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓██░░░░░░░░
    ░░░░░░░░░░█▓▓▓▓▓▓███▓▓▓▓▓▓▓█░░░░░░░░░░
    ░░░░░░░░░░░██▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓██░░░░░░░░░░░
    ░░░░░░░░░░░░░██▓▓▓▓▓▓▓▓▓█░░░░░░░░░░░░░
    ░░░░░░░░░░░░░░░██▓▓▓▓▓██░░░░░░░░░░░░░░
    ░░░░░░░░░░░░░░░░▒█▓▓██░░░░░░░░░░░░░░░░
    ░░░░░░░░░░░░░░░░░░▓█░░░░░░░░░░░░░░░░░░

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
    2. ang laking puso naman nito. :)))

      Delete
  5. the twins are like the counterpart of "jigger and trigger samaniego twins" of SRC series.. feel ko lang..hehe

    ang super good looking nman ng unusual couple na to!!! inggit much lang ang peg ko! dapat sa akin mapunta ang isa sa kanila!! hahah..

    i dont know how to say this, but kinikilig ako sa ReGra loveteam!!! and i dnt know why.. hahah.. uh-oh!! here comes trouble!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. That Samaniego twins ang inspiration ko sa character nung KAMBAL :) I just LOVE them so much! ^_______^



      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^