Saturday, January 12, 2013

This Gay's Inlove With You Mare : Chapter 5

CHAPTER 5
( Regina Salazar’s POV )

“WHAT DID YOU DO TO MY SISTER?!”


Teka. Galit ba si kuya? Parang hindi naman ata.



“Kuya, chillax ka lang, okay. Yung butas ng ilong mo lumalaki.” natatawang sabi ko.



Tiningnan niya ko ng masama. “I’m not talking to you, Regina! I’m talking to him!” Okay. Tinawag niya ko sa neymsung ko. Seryoso nga si kuya.



Kinalabit ko si Glenn na tahimik lang habang buhat ako. Hindi ba siya nangangawit? “Uy, tinatanong ka ni kuya.” Hindi siya sumagot kaya ako nang sumagot. “Kuya, wag ka kasing sumigaw. Mukhang natakot sa’yo si Glenn kaya tuloy natameme na. Pwede ka namang magsalita ng maayos hindi yung—”



“Regina!!”



“Okay.” Nilingon ko si Glenn. “Sumagot ka na kasi.”



“Paano ako sasagot, eh, lagi kang nakasingit?”



“Sasagot ka din pala, eh.”



“Regina!”



“Oo na po, kuya.”



Tiningnan ni Kuya si Glenn. “You. Why are you carrying my sister? May balak ka bang kidnapin siya? Sorry to say. Mahirap lang kami.”



Grabe naman ‘tong si kuya. Kidnapin agad? Mukha bang kidnaper si Glenn? At ito namang si Glenn. Hindi man lang sumgot. Basta na lamang niya akong binaba. Wala sa loob na naiapak ko tuloy ang may injury kong paa. Napasalampak na naman ako sa semento. “Aray naman, yung paa ko.”



“Anong nangyari sa paa mo?” tanong ng kuya ko.



“Hindi ba halata? Na-sprain yung paa ko.”



 Binalingan ni kuya si Glenn. “Ba’t mo naman siya binababa?”



“Now, you know kung bakit ko siya buhat kanina.” sagot ni Glenn.



Napakamot ako ng ulo. “Alam ninyo para kayong sira.” Sabay silang napalingon sakin. Ikaw, kuya. Kanina tinanong mo kung bakit ako buhat ni Glenn. Tapos nung binaba niya ko, magtatanong ka kung bakit niya ko binaba. Ano ba talaga, kuya? At ikaw Glenn, pwede mo naman sabihing may injury yung paa ko, hindi yung basta mo na lang akong binaba. Para kayong mga timang na dalawa. Wala ba kayong—”



“Shut up!!” chorus na saway ng dalawa.



Napanguso ako. “You know what guys, I don’t like it when someone tells me to shut up.  May bibig ako kaya magsasalita ako hangga’t gusto ko. Lalo na’t nasa katwiran ako.” Napangiti ako. “Bakit ngayon ko lang naisip? Mag-shift kaya ako ng course. Parang mas bagay sakin ang lawyer. What do you think, kuya?”



“Mas bagay sa’yo ang magtinda sa palengke.”



“Mas bagay din sa’yo ang mag-buhat ng baboy sa palengke.”



Napailing na lang si kuya. Binalingan niya si Glenn. “You better take my sister to the clinic bago pa lumala ang tama niya sa utak.” Tumango si Glenn. Lumapit si kuya dito at may kung anong ibinulong. Tumango lang si Glenn. Pagkatapos ay nilingon ako ni kuya. “Mukha kang palaka.”



“Mukha ka namang tsonggo.”



“Umayos ka, Regina.” sabi nito bago kami iwan ni Glenn.



“Uy, Glenn.” tawag ko sa kaniya. Nakatingin lang kasi siya kay kuyang papalayo na. 



“Teka, may gusto ka ba kay kuya?”



Saka lang niya ko tiningnan. “Anong sabi mo?”



Nginitian ko lang siya. Sinubukan kong tumayo. “Aray!”



“Tss...” Nilapitan niya ko at binuhat uli. “Anong sabi mo kanina?” tanong niya habang papunta kami ng clinic.



“Joke lang ‘yon’noh. Alam ko namang si Gio lang ang love mo. Kaya lang hindi ka ba kinakabahan?”



“At bakit?”



“Kasi ang gwapo ng jowa mo. No offense meant, gwapo ka din naman. Kaya lang diba Bi siya? Paano kung mainlove siya sa isang babae?”



“Bakit? May gusto ka ba sa kaniya?”



“Hah? Wala, ah. Yung ibang babae ang tinutukoy ko. Sa’yong-sa’yo na si Gio mo.”



“Buti naman.”



“Kaya wag ka ng magselos.”



“I’m not.”



“Okay. Sabi mo, eh.”



“Ba’t parang hindi ka naniniwala?”



“Syempre sa isang relasyon, may selosan.”



“I trust him the way he trust me.”



Napangiti ako. “Kainggit naman kayo.”



“Hindi ba kayo sweet ng boyfriend mo?”



Kumunot ang noo ko. “Boyfriend? Sino?”



“Yung laging nakasunod sa’yo.”



“Ah, si Harry ba? Hindi ko boyfriend ‘yon noh. Isa ko lang siyang taga-hanga. Yun nga lang hindi marunong umintindi.”



“Parang ikaw.”



“Oy, hindi ako gano’n, ah. Teka, magkakilala ba kayo ng kuya ko?”



“Gio introduced your brother to me.”



“Ah. Eh, ano ‘yong binulong niya sa’yo kanina?”



“Wala.”



“Mero’n, eh.”



“Pa’no mo naman nasabing mero’n eh hindi mo nga narinig.”



“Kaya nga hindi ko narinig kasi bulong. At kaya nga ako nagtatanong kasi hindi ko narinig.”



“Wala siyang binulong. Tapos.”



Nasa clinic na kami. Nilapag niya ko sa isang kama. Lumapit ang nurse samin. “Anong nangyari?” Kumunot ang noo nito. “Teka, diba ikaw din yung babaeng hinimatay at dinala dito nung first day of school?” Nilingon nito si Glenn. “At ikaw din yung bumuhat sa kaniya no’n?”



“Oo. Ako ang malas na ‘yon.” He sat on a chair. “Mukhang na-sprain yung kanang paa niya dahil sa katangahan niya.” Ouch! Ang sakit naman no’n! “May tranquilizer ba kayo diyan? Pwedeng pakitarakan ang babaeng ‘yan. Pakidamihan ng doses para matagal ang epekto.”



Nagkatinginan kami ng nurse at natawa. Kulang na lang kasi sabihin niya na tumahimik na ko habang buhay.



“Walang nakakatawa.” Inis na sabi ni Glenn.


= = = = = = = =



“Kamusta ang pilantod?” Napaangat ang tingin ko mula sa binabasa kong horror novel. Nandito ako sa sala namin.



“Anong ginagawa mo dito?” Binalik ko ang tingin sa binabasa ko. Malapit ng magparamdam yung multo sa kwento.



“Napadaan lang.” Umupo siya sa tabi ko.



“Tatlong bayan mula sa inyo hanggang dito. Napadaan ka nga lang.” Nag-umpisa ng magparamdam ang mga multo. Ito ang exciting part ng kwento.



“Mayaman naman ako kaya marami akong pamasahe.”



“Where’s your beloved car?” Nagbagsakan na yung mga kaserola at kawali sa kusina kung sa’n nando’n ang bidang babae.



“Simula ng magtransfer ako samin, hindi na ko pinagamit ng kotse ni papa. Nakakainis! Wala ba silang tiwala sakin?”



“Kawawa naman. Takot na takot siguro siya.” Wala sa loob na na sabi ko.



“Ako kawawa? Nah! At mas lalong hindi ako takot sa papa ko.”



Napalingon ako sa kaniya. “Hah? Hindi naman ikaw yung tinutukoy ko.” Inangat ko yung librong binabasa ko. “Nagsimula na kasing magparamdam yung multo sa kwento. Tapos nabagsakan pa ng kawali sa ulo yung bida. At yung bida, halos maihi sa takot.”



Napakamot ito ng ulo. “Hind ka naman pala nakikinig sakin. Nasa’n na ba yung kuya mo?”



“KUYA!!!!!!!! NANDITO SI KING!!!!!!!!”



“Kailangang sumigaw, Rehg?”



“NANDYAN NA!!!!!!!!”



“Tss...Kambal nga talaga kayo ni Rylie. Ang hilig ninyong magsigawan.”
Ilang saglit lang ng bumaba na si kuya. “Kanina ka pa?”



“Hindi. Kanina pa.”



“Sira ulo!”



“Sa’n kayo pupunta?” tanong ko.



“May date kami ng kuya mo. Sasama ka?”



Siniko siya ni kuya. “Anong date ang pinagsasabi mo? Suntok gusto mo?” Tiningnan ako ni kuya. “Saka hindi pwedeng sumama si pangit. Pa’no makakagala ‘yan? Naputulan na nga ng paa, eh.”



“Kung putulin ko ang mata mo?”



“May gano’n ba? Baka dukutin.”



“Pag sinabi kong mero’n. Mero’ng gano’n.”



“Ewan ko sa’yo. May saltik ka na naman. Tara na nga, ‘tol.”



Tinutok ko uli ang atensyon ko sa binabasa ko.



“Hoy, pangit!” Paglingon ko, nasa pintuan pa din si kuya.



“Bakit?”



”Wag ka ng magkakalat. At linisin mo ‘yang kalat mo, hah. Pagbalik ko at nandyan pa din ‘yan, ikaw ang ihahagis ko sa labas ng bahay or much better, ikaw ang ilalagay ko sa sako at ihahagis sa dadaang dump truck dito satin.”



Binato ko siya ng throw pillow na iniwasan naman niya.



“Kasasabi ko lang na wag kang magkakalat.” Binato niya pabalik ang throw pillow. Tumama pa ‘yon sa ulo ko.



“Lumayas ka na nga, Kurimaw!”



“Mag-linis ka ng kalat mo. Ba-bye, pangit!” Umalis na si kuya.



Napatingin ako sa kalat na sinasabi ni kuya. Yung juice na natapon sa tiles. Yung mga chips na nakakalat sa center table at sahig. Yun lang naman. Kalat ba ‘yon?



Wahehe. Nakakahiya mang sabihin, medyo makalat nga ako. Makalat pag nagluluto sa kusina. Hindi pa ako biniyayaan ng talent sa pagluluto kaya nasusunog ang mga niluluto ko. Makalat sa mga gamit ko sa kwarto. Pero mas okay na yung gano’n dahil alam ko kung san ko iniiwan ang mga gamit ko. At mas nakakapag-aral ako ng mabuti. Iyon ay kung sinipag nga akong mag-aral. Wahehe.



Napatingin uli ako sa mga kalat ko. Bahala na si kuyang maglinis nito. Tutal, masipag naman siya. Lumipad ang tingin ko sa kanang paa kong may benda. Napangiti ako. “Sinong may sabing hindi ako pwedeng gumala?”


= = =




5 comments:

  1. i haVe a feeLing n mEi feeLings n c gLen foR rHeg,,, wALa Lng kSi kniKiLig aq skNiLa eEhh,,, aT ang kuLit nLa ng kuYa niA ha,,, atEy, updAte p pO pLs,,,

    ReplyDelete
  2. hwahaha!!! ang daldal ni regina!!! parang ako lang in real life eh... >___<

    ReplyDelete
  3. Kailan kaya magiging ganap na lalaki na yang si Glenn??

    ReplyDelete
  4. This is interesting. Bakla si Hyun Joong. Update pa po. :)

    ReplyDelete
  5. haha.. ang salbahe talaga ni glenn.. tama ba nmang bitiwan ung babae.. mei HD pa ata siya kai rylie.. haha.. kakainggit talaga sila ni gio!.. mahuhulog ka rin kay regina! makikita mo..

    im like that too.. makulit,walang cooking skills,topakin at makalat.. mareremember mo nga kung saan mo nilagay pg medyo makalat.. haha.. twin sis ko ba tong so regina?..haha

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^