Saturday, January 19, 2013

This Gay's Inlove With You Mare : Chapter 6

CHAPTER 6

( Regina Salazar’s POV )

“Ano ba naman ‘yan! May pilay na nga yung paa niya. Nagawa pang pumunta dito ng mag-isa.”


“Pinagbawal na ba ang pagpunta dito ng mga may saklay? Ang sabihin mo, inggit ka lang sa legs niya. Ang itim kasi ng sa’yo.”


“Epal ka din ‘no? Tara na nga.”


Napangiti na lang ako sa mga narinig ko. Napatingin ako sa suot ko. Naka-maong short lang kasi ako. Hindi ko na nagawang magpantalon kanina dahil mahihirapan lang akong suutin ‘yon.


Nandito ako ngayon sa mall. Gamit ko ang saklay ko. O diba? Sinong may sabing hindi ako pwedeng gumala? Not me, ofcourse. Ang kuya kong kurimaw lang.


Buti na lang at sabado ngayon. Hindi ko kailangang umabsent sa school dahil sa nangyari kahapon sa paa ko. At dahil nainggit ako sa date ng kuya ko at ni King, gagala din ako. Yun nga lang, solo date. At tuwing nandito ako sa mall, isa lang naman ang unang pinupuntahan ko.


Arcade.


Maglalaro ako ng basketball.


Pumunta na ko do’n at bumili ng token. Buti na lang at may isang vacant sa basketball. Lumapit ako do’n. Sinandal ko ang katawan ko sa harapan. Nilagay ko sa gilid ang saklay ko. Bahagya kong tinaas at tinukod ang tuhod ko sa harapan ng nilalaruan ko.


*insert coin*


*start*


Let the game begin.


*shoot*


*shoot*


*shoot*


*shoot*


*shoot*


“Ang galing mo naman, Miss.”


“Partida pa. May pilay pa siya.”


Napalingon ako sa dalawang nagsalitang ‘yon. Dalawang estudyanteng lalaki ang nalingunan ko. College din ang mga ito na nag-aaral malapit dito sa mall base na din sa suot ng mga ito na uniform na kilala ko.


“Thanks. Nag-cutting kayo ‘noh?”


Tinutok ko uli ang atensyon ko sa paglalaro ko.


*shoot*


*shoot*


*shoot*


*shoot*


*shoot*


“Hindi, ah. Vacant namin ngayon.”


“Wala ka bang kasama?”


“Wala.” Hindi lumilingong sagot ko. Isang bola na lang ang ishu-shoot ko. At kapag na-shoot ko ‘to, ang unang taong makikita ko ang prince charming ko.


“Eh, sino yung nakatingin sa’yo kanina pa?”


“Hah? Sino?” Napalingon tuloy ako sa kanila. Medyo nawala tuloy yung balance ko. At dahil dyan, matutumba ako.


Syete! Pag hindi ko ‘to na-shoot, hindi ko na makikita ang prince charming ko.


Sinubukan kong i-shoot yung bola bago pa ko tuluyang matumba.


*shoot*


“Yes!” Na shoot nga, matutumba naman ako. Pipikit na lang sana ako at hihintaying tumama ang wetpu ko sa sahig ng arcade ng...


“Got you.” May humawak sa balikat ko. Hindi kami nagtagpo ng sahig ng arcade. Buti naman.


Naalala ko ang sinabi ko kanina.


Kapag na-shoot ko ‘to, ang unang taong makikita ko ang prince charming ko.


So, sino sa dalawang lalaking malapit sakin kanina ang nasa likuran ko?


“Tara na, pare. Male-late na tayo. Bye, miss.”


Huh? Wala sa kanilang dalawa? So, sino ‘tong nasa likuran ko? Unti-unti akong lumingon para lang magulat. Mukhang hindi siya pwedeng maging prince charming ko, princess pa kamo at ako ang prince charming.


“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.


“Ikaw ang dapat kong tanungin. Anong ginagawa mo dito?”


“Wala kasi akong magawa sa bahay kaya nandito ako. Ikaw? Wala ka ding magawa sa bahay ninyo?”


“Sa condo ko.”


“Wow! Sosyal! Condo. Samin naman palasyo. Haunted palace nga lang.” Umayos ako ng tayo at napahawak sa braso niya. Bahagya pa siyang lumayo. Natawa tuloy ako. “Don’t worry. Hind ko pipisilin ‘yang muscles mo. Baka majombag muna ko, eh. Edi sayang lang ang feslak ko pag nagkataon.” Naghanap ako ng mauupuan. “Paki-alalayan naman ako do’n, oh. Nakakangawit tumayo kapag isang paa lang ang gamit.” Inalalayan niya kong umupo sa tapat ng isang video game. “Yung saklay ko, naiwan do’n.”


“Ang dami mong utos.” reklamo niya pero kinuha pa din niya yung saklay ko at inabot sakin.


Nginitian ko siya. “Thank you, Glenn.”


“Bakit ba kasi nandito ka?”


“Eh kasi ng—aray!!!” Alam ninyo ba kung bakit ako napa-aray? Yung lalaki kasi na naglalaro sa tabi ko, tumayo at walang habas na inapakan niya yung paa ko. Tumagal pa ng three seconds ang sapatos niyang parang barko sa laki sa ibabaw ng paa ko. At parang walang nangyaring tumalikod na lang. Ni hindi man lang nag-sorry! Ang hungyango na ‘yon!


“Anong nangyari? Bakit parang maiiyak ka?”


Oo. Mangiyak-ngiyak na ko sa sakit. Ang hungyangong ‘yon! “Yung lalaki kasing ‘yon.” Tinuro ko yung lalaki sa tapat ng token booth. “Inapakan niya yung paa ko. Ang sakit kaya. Ni hindi man lang nag-sorry. Kung itong may injury kong paa ang inapakan niya, hahampasin ko siya ng saklay ko.”


Yumuko si Glenn at hinawakan ang paa kong namumula. Kaya laking gulat ko ng...


“Hey you!” Tinawag niya yung lalaki kanina.


“Sino daw?”


“Ikaw ata yung tinatawag.”


“Ikaw na naka-brown.” Turo ni Glenn sa lalaki.


“Bakit?”


“You just stepped on her foot.”


“Alam ko. Yun lang ba?” Aba’t! Ang hungyangong ito! Alam naman pala!


Nakita kong sumeryoso yung mukha ni Glenn. Oo. Yun lang. You just stepped on her right foot which happened to have an injury na kahapon lang nangyari. Paano kung lumala ang injury niya sa paa? Paano kung tuluyan na niyang hindi mailakad ang paa niya? Dahil LANG naapakan mo siya. What will you do?”


Over naman ‘tong si Glenn. Hindi agad makalakad? Pero ang ipinagtaka ko ay yung boses niya. Para kasi siyang lalaki, eh. Para siyang totoong lalaki.


“H-hindi ko alam na naapakan ko siya.”


“Hindi mo alam? Kasasabi mo lang kanina na alam mo.”


“S-sorry, pare.”


“Say sorry to her.” Hinawakan pa ni Glenn yung ulo ko na parang bata.


“S-sorry, miss.” Mabilis na umalis ang lalaki.


Binalingan ako ni Glenn. “At ikaw, ano ba kasing pumasok sa isip mo at pumunta ka dito sa mall? Nakita mo na ngang may injury ka, nakuha mo pang gumala.”


“Hep! Hep! Uulitin ko na naman ba ang sinabi ko kanina? Wala nga kasi akong magawa sa bahay. Nabo-bore na ko. Wala kong makausap kaya naisipan kong pumunta dito. At hindi ako gumala, okay. Nandito lang ako sa arcade at naglalaro. Nakita mo ba kanina? Na-shoot ko lahat ng bola. Ang galing ko ‘no? Humanga nga sakin yung dalawang lalaki kanina.”


“Kaya sila humanga sa’yo...” Tumingin siya sa legs ko. ”...dahil nakabuyangyang ang legs mo.”


Natawa ako. “Buyangyang talaga? Inggit ka naman sa legs kong maputi.” Kinunutan niya ko ng noo. “Syempre joke lang ‘yon. Teka, may napansin ako kanina. Nung sinermunan mo kasi yung lalaki, parang lalaking-lalaki ka talaga.”


“I’m a theater actor. Kaya madali lang sakin na mag-aktong lalaki. Madalas kasi, lalaki ang role na ginaganapan ko.”


Wow! Talaga? Bukod pala sa gwapo at macho, magaling din itong umarte. Nice. Ano pa kayang malalaman kong talent niya sa susunod na mga araw?


“Ang galing mo naman. At dahil magaling ka, anong ginagawa mo dito sa mall?”


“Anong connection no’n?”


“Wala. Ano ngang ginagawa mo dito?”


“Mamamalengke.”


“Talaga? May palengke na pala dito. Ba’t ngayon ko lang nalaman? Sama naman 

ako.”


= = = = = = = =

A/N: Gaano ba ka-close sina Nicole at Rylie? Hmm... 
a. Close
b. Super-duper close
c. Super-super to the highest level closeness
d. all of the above

HAHAHAHA!! Just read and see! :)))))


( Nicole Francisco’s POV )

Kabababa ko lang ng jeep. Naglalakad na ko papunta samin. Kinuha ko ang payong sa bag ko. Ang init kasi. Kakatapos lang ng duty ko. Hindi ako nasundo ni Kiro katulad ng nakasanayan ko dahil dumating daw ang daddy niya from the States.


“Uuummmwaaahhh...” Hindi ko na tinakpan ang bibig ko ng humikab ako. Wala namang makakakita. Siesta time ngayon ng mga tao. “Uuummmwaaahhh...” Inaantok na talaga ko. Ang dami ko pang pagod. Ang dami kasing pasyente sa ER. Sa emergency room pa ako na-assign ths week. Toxic na, ngarag pa.


“HOY!!!”


Napahinto ako sa paglalakad. Kumunot ang noo ko. Ang pagtawag na ‘yon! Lumingon ako. Wala namang tao. Naghahalucinate lang siguro ako. Lalakad na sana uli ako ng...


“HOY!!!” Teka. Hindi ako naghahalucinate. May naririnig talaga ko. Lumingon ako sa likod ko. Wala pa din. Sa kaliwa ko. Wala din.


“HOY!!!” Sa kanan ko nanggagaling. Pag-lingon ko, gate lang ng isang bahay ang nakita ko.


“HOY BULAG!!! NANDITO SA TAAS!!!” Inangat ko ang tingin ko. At agad na napasimangot sa nakita ko. Samantalang siya, ang lapad ng ngisi habang nakatingin sakin. Kaya hindi ko siya makita kanina dahil nasa veranda siya ng second floor ng bahay at nakaharang ang payong ko kanina.


Ano naman kayang ginagawa ng bwisit na ‘to sa bahay na ‘to?


Tiningnan ko ang bahay. Saka ko lang naalala. Dito nga pala ang tumatambay ang bwisit na ‘to. Wala kasing nakatira sa bahay na ‘to maliban sa barkada ni bwisit. Ang magulang ng barkada nito ay nasa States. Itong bahay na ‘to ang tinatawag na H.O ng mga ito. H.O as in Hide-Out. Duh! Parang mga sindikato.


“Hello pulots! How’s the future nurse?”


Inirapan ko siya. “Hello yourself!”


Tinawanan lang niya ko. “Mukhang wala ka sa mood ngayon, ah. Bakit? Nakapatay ka ba ng pasyente?”


Aba’t! “Kung ikaw kaya ang patayin ko ng mabawasan naman ang mga sanggano dito sa lugar natin?”


“Mukha bang sanggano ang mukha ito? Mukhang model pa kamo.”


“Ang yabang mo talaga kahit kailan.”


“Ano? Mayaman?”


“Grrr! Bwisit ka!”


Tinawanan lang niya ko! Bwisit talaga!


“Nasa’n yung sundo mong si Kirochan?”


“It’s KIRO!”


“Ah, Kirochan.”


Hay naku! Bakit ba kasi ako nakikipag-usap sa bwisit na ‘to? Makaalis na nga!


“Hep! Hep! Wag kang aalis!” Pag-lingon ko sa kaniya, nanlaki na lang ang mata ko ng makita ko siyang mahulog. Mula sa second floor ng bahay!


“ARAY!!!” Kinabahan ako. Oh My God! Anong nangyari?


Lumapit ako sa gate at kinalampag ‘yon. “Rylie!!!”


“Nicole ang sakit...” Wala bang tao dito sa bahay na ‘to? At wala man lang nakarinig?


“Wag kang gagalaw, okay.”


“Hindi ko na kaya...” Syete! Kahit Bwisit na bwisit ako sa lalaking ‘yon, hindi ko maiwasang mag-alala. Nahulog lang naman siya mula sa second floor ng bahay! Baka  ngayon, bali na yung ibang buto niya o may labas ng buto sa kaniya. Baka pumutok na yung ulo niya.
Kinuha ko ang phone ko para itext ang pinakamalapit na ospital samin para magpadala ng ambulance dito kaya lang pagtingin ko sa phone ko, low batt! Ang malas naman! Naghanap ako ng pwedeng akyatan para makapasok sa loob.


“Nic...”


“Nandyan na ko.” Nagsimula na kong umakyat sa gate. Sisigaw na din sana ko para makahingi ng tulong sa kapit bahay ng—


Bumukas yung gate. At lumabas ang mukhang kinaiinisan ko. Walang galos. Walang sugat. Buong-buo. “Anong ginagawa mo dyan? Member ka ba ng akyat bahay gang?” Nakangisi pa ang bwisit!


Pinagtripan na naman niya ko! Bakit ko ba nakalimutan na hilig niyang tumalon mula matataas na lugar? Na nagkaro’n siya ng training sa mga gan’on. Hindi ko alam ang tawag sa training na ‘yon. Basta ang alam ko, parang yung mga stunts na ginagawa ng mga stunt man. Yung buwis-buhay.


At ngayon, hindi ko alam kung maiinis ako o sasakalin siya sa bwisit! Pero, alam ko. Naiiyak na ko sa inis! Naiinis na bumaba ako. Dinuro ko siya. “BWISIT KA!” Kinuha ko ang payong ko at nagmartsa paalis. Sinundan niya ko.


“Nag-alala ka ba, pulots?”


“WAG MO KONG SUNDAN! At kahit pa malasog ‘yang buto mo, I DON”T CARE!”


“Nag-alala ka nga. Wag ka ng mahiya. Sabihin muna.”


GRRRRRR!!!!! Huminto ako at hinarap siya.


“Teka, umiiyak ka ba?”


“Hindi!”


“Pero, nag-alala ka?”


“Yes.”


Nakita kong ngumiti siya. “Wow! Si Nicole Francisco? Nag-alala sakin? Should I be honored?”


“Nag-alala nga ako. Pero hindi sa’yo. Kundi para sa sarili ko. Baka kasi tuluyan na kitang dalhin sa impyerno kapag hindi ka pa umalis sa tabi ko!”


“Baka naman sa langit?” Ngumiti pa siya ng pilyo.


Ang bastos! Kumukulo na ang dugo ko. This guy is the worse jerk I’ve ever known in my entire life!!! Kung sanay lang akong mangarate, kinarate ko na siya!!!\


“Oh, mali yang iniisip mo, pulots. What I mean is hindi ako bagay sa impyerno, mas bagay ako sa langit. At baka umiyak ka pag nawala ako.”


“Hindi ako iiyak! Ako pa ang sasagot sa kape ng burol mol!”


Nakita kong natigilan siya. “Gusto mo na ba kong mamatay?” Teka, tama ba ang nakikita ko sa mga mata niya. Nasasaktan ba siya? Huh! As if! “Don’t worry, pulots. Matagal pa ang buhay ko. Kaya hindi ka iiyak.” Sabay ngisi ng loko. Ang ngising kinaiinisan ko! Sinasabi ko na nga ba! Ang galing talagang umarte nito!


“Ito ang tandaan mo, Mr. Rylie Salazar! Pag dumating ang araw na makita kitang bug-bog sarado sa kalsada, I will never ever help you. Never. Yan ang tandaan mo!”


Sumeryoso ang mukha niya. “Don’t worry hindi darating ang araw na ‘yon. Baka, nakakalimutan mo, magaling ako sa martial arts.”


Alam ko ang bagay na ‘yon. “Na sana lang, magamit mo sa araw na ‘yon.” Tinalikuran ko na siya.


“Pulots, magkwentuhan pa tayo!”


“Don’t follow me, okay!”


“Pag daan mo sa bahay namin, pakisabihan si pangit na linisin niya yung kalat niya sa sala! Pagdating ko at nando’n pa din ‘yon, talagang isasama ko siya sa dump truck na dadaan! Don’t worry, natutulog ‘yong mga tropa niyang multo kaya pwede kang pumasok ng bahay!”


Bwisit! Alam kasi niya na takot ako sa multo. At naaalala ko pa din ang araw na ‘yon ng datnan ko siya sa loob ng bahay na suot ang haloween costume niyang si Kamatayan. Sobrang takot ang na-feel ko no’n.


“Rylie, ‘tol! Anong ginagawa diyan?”


Napahinto ako at napalingon. Si King ang nakita ko di-kalayuan, kasama ang ibang barkada niya. May dala silang plastic. At beer ang laman. Napaismid na lang ako.


“Oh, Hi Nic! Long time no see, huh!” bati sakin ni King. Hindi ko siya binati dahil naiinis ako. Tinalikuran ko lang sila. “Mukhang badtrip si Nic, ah.” Narinig ko pang sabi ni King.


“Mero’n kasi siyang dalaw.”


“Pa’no mo nalaman?”


“She told me.”


Bwisit talaga ‘tong Rylie na ‘to! Huminto ako at nilingon sila. Tiningnan ko sila ng masama. Relax lang, Nicole. Tatanda ka niyan.


“Bwisit!” I murmured. Bigla ko na lang silang tinalikuran. Hindi ko tuloy nakita ang bike na paparating. Nakaiwas naman ako kaya lang may kung anong tumama sa braso ko na matulis. Hindi ko na lang ‘yon pinansin.


“Sorry, ate.” Bata yung nagda-drive.


“Anong sorry?! Tara nga dito at ng mapingot kita!” Papalapit samin si Rylie. Mukhang natakot yung bata kaya nagdrive pabalik.


“Ano na namang problema mo? Pati bata papatulan mo!”


Hindi siya sumagot. Tiningnan lang niya ko mula ulo hanggang paa. Ano na naman kayang tumatakbong kalokohan sa isip niya? Nilingon niya si King. “Tol, may piso ka ba diyan?”


“Marami. Bakit?”


“Pautang ng piso.”


May hinagis si King kay Rylie. “Dalawang piso na ‘yan pag binalik mo.”


“Kahit limang piso pa.”


Nilingon ako ni Rylie. Kinuha niya ang kamay ko at nilagay yung piso. Kumunot ang noo ko. “Anong gagawin ko dito?”


“Ano bang ginagawa sa piso? Pinambibili diba? Ano bang ginagawa sa sugat? Tinatapalan diba? Ano bang pwedeng ipantapal sa sugat na halagang piso? Kahit mga bata, alam ‘yan. Nursing ka kaya alam mo ‘yan. Maliban na lang kung habang tinuturo sa klase ‘yon, puro na lang si Kirochan ang tumatakbo sa isip mo.”


Mas lalong kumunot ang noo ko sa pinagsasabi niya.


“Ano pang hinihintay mo? Pasko? Matagal pa ang pasko. Kumilos ka na nga diyan. Wala ka na ngang dugo, mababawasan ka pa ng dugo. Don’t worry, mabait naman ako, eh. If ever na magka-tipo tayo ng dugo. Ido-donate ko sa’yo ng madagdagan naman ang dugo mo. Ang payatot mo naman kasi. Mag-pataba ka nga.”


Tinalikuran na niya ko at pumasok ng bahay ng barkada niya. At ako? Napatingin na lang ako sa pisong binigay niya sakin.


“Ano bang ginagawa sa piso? Pinambibili diba? Ano bang ginagawa sa sugat? Tinatapalan diba? Ano bang pwedeng ipantapal sa sugat na halagang piso?”


Sugat? Wala naman akong sugat, ah. Tsinek ko yung katawan ko, yung braso ko. Ayun! May sugat nga ako sa kanang braso ko. Ito siguro yung sumabit sa bike kanina.


At itong pisong ‘to? Pambili ko ng band-aid?


Naku! Ang haba ng sinabi niya tapos band-aid lang pala ang tinutukoy niya. Pati si Kiro dinamay niya! At sinong hindi mauubusan ng dugo pag nakaharap ang isang bwisit na katulad niya? At anong payatot? Bwisit talaga ‘yon! Pwede naman niyang sabihing may sugat ako at bumili ako ng band-aid, hindi yung kung anu-ano pang-aasar ang sinabi niya.
Sabagay, knowing him, hindi niya ipapakitang nag-aalala siya sa iba. Teka, nag-aalala ba ang sinabi ko. Eh, hindi naman siya nag-alala sakin, eh. Nang-asar pa kamo.


Napatingin ako sa pisong pambili ko daw ng band-aid. Hay naku! Madami akong band-aid sa bahay noh! Inis na tinapon ko sa kalsada ang piso. Tumalikod na ko. Pero agad ding binalikan ang pisong hinagis ko. Ang sabi ni mama, bawal daw mag-aksaya ng pera kaya kukunin ko ‘to.


“PULOTS!!!”


Napatingin ako sa bahay kanina. Nando’n na ulit sa second floor ng bahay si Rylie at kumakaway pa. Nag-peace sign pa ang bwisit! Kung pispisin ko kaya ang pagmumukha niya?!


“Mahulog ka sana!” inis na bulong ko. Mabilis akong naglakad pauwi samin.


= = =

5 comments:

  1. teka lang, una akong magko-comment sa pov ko. ahahaha!!! maka-'KO' naman ako, f na f ko diba? ayun~ kinikilig ako kay glen!!! puchanginabols naman!!! bakla ba talaga yan? lalaking lalaki na siya sa imahinasyon ko eh!!! ahahaha... XD

    at natawa ako dun sa nakabuyangyang ang legs~ shetemax! at ang lakas ng loob magmall samantalang injured ang lola mo!!!

    nobela na yata 'to... pero hindi pa ako tapos mag-comment. pending muna ang part 2 after kong basahin yung pov ni nicole...

    ReplyDelete
  2. hala!!! ang cute ni rylie~!!! bagay na bagay sila ni nicole! ayiiiieh~ ako ay kinikilig ng bongga para kay pulots eh! tapos yung si king din, betchiwariwaps ko siya!!! hwahahaha!!! nagkakasala ako kay glen~

    ReplyDelete
  3. ang pasaway lang.. carry pa rin kahit injured na at ang sexy pa ng lola mo.. hahah.. oh?selos siya sa legs!! ako nga rin eh.. parang hindi lumabas ung pagiging vakloosh niya sa chappy na to! which is good kasi kinikilig ako!!! hahaha..

    0_0 he's so cute!!! si kiro ung sinasightsung ko eh.. peron ang cute talaga ni rylie.. naku nicole.. magbaon ka na ng maraming self control.. tatanda ka sa konsumisyon kei rylie.. haha..

    ReplyDelete
  4. omygosh! nkktawa nmn pla cna pulots pti c riley! ito nmng c nicole, nde p b gets yang ibig sbihin ng pangungulit nia sau? ayiiiie!!!!

    ReplyDelete
  5. ang bongganess! ang cute nung dalawa!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^