Saturday, January 19, 2013

Love at Second Sight : Chapter 40

CHAPTER 40
( Aeroll’s POV )

Mula sa mall na pinagkitaan nila ni Cath, sumakay sila ng tricycle papunta sa subdivision kung sa’n ‘to nakatira. Nag-baon na lang siya ng damit at nagpalit sa hospital kanina.


“Nandiyan pa si bhest?” narinig niyang tanong sa kung sino mang kausap nito. “Ah, okay. Pauwi na ko.”


Nakapasok na sila sa subdivision. “Malayo pa ba?”


“We’re here.” Bumaba sila ng tricycle. Matapos makapagbayad ay nag-doorbell ito sa isang bahay. Para siyang excited na bata habang naghihintay.


 Maya-maya ay lumabas na ang hinihintay niya. His Princess with her messy and tangled hair, carrying a white cat.


Mukhang nagulat itong makita siya base na din sa panlalaki ng mata nito. Nabitiwan pa nito ang pusa nito. Hindi niya mapigilang pagmasdan ang mukha nito. How he miss her so much. Kung hindi lang nagsalita si Cath, malamang hindi na niya napaigilan ang sarili niya at nayakap ito.


“Hello, bhest! Mukhang magulo ang mundo natin, ah.”


Hindi rin niya mapigilang mag-comment sa buhok nitong magulo. Nothing change, huh. “Cath, sigurado ka ba sa bahay na pinuntahan natin? Mukhang bahay ‘to ng mangkukulam. Ng magandang mangkukulam.”


* * * * * * * *


( Princess’ POV )

“Cath, sigurado ka ba sa bahay na pinuntahan natin? Mukhang bahay ‘to ng mangkukulam. Ng magandang mangkukulam.”


“Sigurado ako, Aeroll. Parang hindi ka sanay. Laging magulo ang buhok niyan. Gotta go. Iwan na kita dito. Bye, bhest.”


“A-nong gina...Anong ginagawa mo dito?” Iyon lang ang lumabas sa bibig niya. Hindi na nga niya napansin na umalis na si Cath. Para lang siyang estatwa sa kinatatayuan niya.


“Hindi mo ba ko papapasukin?” Nilagpasan siya nito. Saka lang siya natauhan. Sinundan niya ito. Pumasok na ito ng bahay niya!


“What are you doing here?”


Hindi ito sumagot. Nilibot lang nito ang tingin sa living room. “Nice home.” Lumapit ito sa display table sa tabi ng bintana. May kinuha itong picture frame. Napangiti ito.


Saglit siyang natigilan. Ang ngiti nito. Bakit parang maiiyak siya ngayong nakita niya uli ang ngiting ‘yon? Aning-aning talaga siya!


“Ang cute mo pala nung bata ka. Para kang lalaki.”


Mabilis siyang lumapit dito at kinuha ang picture frame niyang hawak nito. “What are you doing here?”


Tinalikuran siya nito. Dumeretso ito ng kusina niya. Ba’t ba hindi siya nito sinasagot?


“Iniinis mo ba ko?! Tinatanong kita! Anong ginagawa mo dito?!”


“Wala bang makakain dito? Nagugutom na ko.”


“Aeroll!!!” Sobrang naiinis na siya! Sumulpot na lang itong bigla sa bahay niya. Hindi nito pinapansin ang tanong niya at dinidedma lang siya! At siguro, sa sobrang bwisit dito ngayon, sa sobrang stress niya nitong nakaraang araw ng dahil din dito, hindi niya namalayang napaiyak na siya.


“Princess...” Dahan-dahan itong lumapit sa kaniya. Umangat ang kamay nito at pinunasan ang luha niya.


Okay. Inaamin niya. Namiss niya ito. Namiss niya ang feeling na safe siya kapag nasa tabi niya ito. She miss this guy so much!


At habang nakatitig siya sa mga mata nito. She realized one thing. Na mahal niya si Aeroll! Bakit ba masyado pa niyang pinahirapan ang sarili niya kahit nung nasa Romblon pa lang, alam na niyang she was falling for him? Siguro dahil natatakot nga siya. And still, technically, she was still in a relationship. Ano ngayon ang gagawin niya?


At si Aeroll? May gusto din ba ito sa kaniya? Pa’no kung wala. Ang mga pinapakita nito sa kaniyang sweetness no’n baka ginagawa din nito sa ibang babae. Diba nga sabi ni Harold, dakilang playboy ito. Mas lalo tuloy siyang napaiyak.


“Aeroll...”


He held her face with his two hands. “I’m sorry.” Hanggang sa maramdaman niyang yakap na siya nito. “Oo na. Namiss din kita kaya wag ka ng ngumalngal diyan.” Pinalo niya ang dibdib nito. “Aray!”


“Hindi kita na-miss, okay. Feeling mo naman.” umiiyak niyang sabi.


“Fine. Basta na-miss kita.” Humigpit ang yakap nito sa kaniya. “I miss you so much.”


Aeroll...


They just stayed that way. Holding each other.


Hindi niya alam kung ilang minuto silang gano’n ng maramdaman niyang hinahaplos nito ang ulo niya. “Princess?”


“Hmmm...”


“Tinatamad ka lang bang magsuklay o talagang wala kang suklay dito sa bahay mo? May suklay ako, gusto mo?”


“Aeroll!” Tiningala niya ito. “Kung suklayin ko kaya ‘yang pagmumukha mo?!”


Tinawanan lang siya nito. “Na-miss ko din ‘yang pagsusungit mo.”


“Kahit—” Biglang may kung anong tunog na umepal kaya napahinto siya sa litanyan niya.


Humiwalay ito sa kaniya. “Ano ‘yon?”


Napangiwi siya at napahawak sa tiyan niya. “Tiyan ko ‘yon.”


Kumunot ang noo nito. “Hindi ka pa kumakain?”


* * * * * * * *


“It’s past twelve already, ba’t hindi ka pa kumakain?”


“Magluluto—” Umepal si sinok. Katatapos lang niya kasing umiyak kanina. Gano’n talaga siya. “Magluluto na sana ko ng dumating kayo.”


Nandito sila sa kusina at nagluluto. Ito pala. Nag-pi-prito ito ng manok. Nagtalo pa sila kanina kung sino ang magluluto. Masyado lang itong mapilit kaya hinayaan na niya, besides, nagugutom na talaga siya. At take note, hindi na magulo ang buhok niya. Tiningnan niya ang niluluto nito. “Sanay ka—“ Sinok na naman. “—palang magluto.”


“Hindi lang ako puro kagwapuhan noh.”


Sasagot na sana siya ng sinukin na naman siya.


“Can you please get me a glass of water?”


“Nauuhaw ka?”


“Hindi.”


Kumuha pa rin siya at inabot dito.


“Drink it.” sa halip ay utos nito.


“I’m not thirsty.”


“Para mawala ‘yang sinok mo.” Napatingin siya sa basong hawak niya. “Pero bago mo lunukin, pisilin mo muna ang ilong mo kasabay ng paglunok mo ng tubig. Do it three times.”


Ginawa nga niya ang pinagagawa nito. Lumipas ang isang minuto, hindi na nga siya sininok. Napangiti siya. “Ang galing. Wala na siya.”


“Sabi ko sa’yo, eh.”


[ A/N : Kung wala kayong water, there is another way para mawala ang sinok mo. (a) Huminga ka ng malalim. (b) Hold your breath as long as you can. (c) Breath out. ]


“Okay talaga kayong mga nurse noh, ang dami ninyong alam.”


“Madami pa kaming dapat na malaman.”


Riiing! Riiing!


Phone niya ‘yon. Kinuha niya sa bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag. Number lang pero sinagot pa din niya. “Hello. Sino ‘to?”


“It’s me, sweetheart.”


“James!” Napalakas ang boses niya. Napalingon tuloy siya kay Aeroll. Nasa nilluluto pa din nito ang atensyon nito. Tumalikod siya dito.


“I’m sorry if I did’nt contact you. Masyado lang akong naging busy.


“Okay lang. You changed your number?”


“I lost my phone yesterday. Nasa bahay na ko ngayon. Kakauwi ko lang kanina.”


Buti naman. Aalis na sana siya at sa living room ito kakausapin ng may pumigil sa kaniya. Paglingon niya, hawak ni Aeroll ang kamay niya.


“Just a minute, James.”


“Okay.”


Nilayo niya ang phone sa kaniya. “My hand, Aeroll.” mahinang sabi niya para hindi marinig ni James ang usapan nila.


“I’m holding it.” hindi lumilingong sagot nito.


“Pupunta lang ako ng living room. I’m talking to someone.”


“You’re talking to James, I know. I heard it.”


Natigilan siya. Paano nito nalaman ang pangalan ni James? Sa pagkakatanda niya, wala siyang nabanggit dito. At mukhang may alam ito tungkol sa kanila ni James. Si Cath! Si Cath ang nagdala dito sa bahay niya. Malamang si Cath din ang nagsabi dito ng tungkol kay James.


Bhest naman!


Pilit niyang binawi ang kamay niyang hawak nito. “Aeroll.”


“Dito ka lang.”


“Pero...”


Saka lang siya nito nilingon. “Please?”


Wala na siyang magawa ng matitigan niya ang mata nito. “Okay.”


Ngumiti ito. Pero hindi katulad ng ngiti nito. Parang ang lungkot ng ngiti nito. Anong kayang problema?


“Can you?” Inangat niya ang kamay niyang hawak nito.


“No.” Tinutok na nito ang atensyon sa niluluto nito.


She sighed. Bahagya na lang siyang tumalikod dito bago kausapin si James. “James? I’m sorry. Si...” Napalunok siya. “Si Miming kasi.” Aware kasi siyang hawak ni Aeroll ang kamay niya kaya hindi siya makapag-isip ng dahilan.


“It’s okay. So, can I see you now? Pupunta ako diyan.”


“Pupunta ka dito?!” Naramdaman niyang humigpit ang hawak ni Aeroll sa kamay niya.


“Ba’t parang nagulat ka? I miss you so much, sweetheart. It’s been weeks. I want to see you. Madami akong pasalubong sa’yo.”


“Diba kakauwi mo lang? Why don’t you take a rest first? Tomorrow na lang tayo magkita.” Teka! Bakit gano’n? Wala siyang maramdamang galit kay James ngayong kausap niya ito? Siguro, naiinis lang, pero hindi gano’n ka-intemse.


She heard him sighed. “Okay, if that’s what you want.”


“Pupuntahan na lang kita sa office mo tomorrow.”


“Talaga?” Mukhang nagulat ito. Bihira lang kasi siyang pumunta sa office nito. Bilang na bilang.


“Oo.” Naramdaman niyang humigpit pang lalo ang hawak ni Aeroll sa kamay niya. Napangiwi na siya. Nilingon niya si Aeroll na nakakunot-noong nakatingin sa kaniya.


masakit’, she mouthed. Sabay taas ng kamay niyang hawak nito.


‘sorry’, he mouthed backed. Lumuwag ang pagkakahawak nito sa kamay niya.


“So, see you after lunch, sweetheart?”


“Yes. See you after lunch.” Saktong pagpatay niya ng phone, nilingon niya si Aeroll. She gasped. Bigla na lang kasi nitong hinila ang kamay niyang hawak nito. “Aeroll!” Yakap na siya nito.


Humigpit pang lalo ang yakap nito sa kaniya. “I love you.”


Nanlaki na lang ang mga mata niya sa sinabi nito. Tama ba ang nadinig niya?


“I love you, Princess.”


* * *


.

3 comments:

  1. ganda ng update! satisfied ako sa mga nabasa ko ngayon araw! lahat ng mga paborito ko updated!

    ReplyDelete
  2. ang bilis ng UD ah.. hindi tuloy ako nabibitin.. hahaha.. oh my gosh! james is already home.. paputukan na yan ng bala! hahaha..

    O_O loading.. O_O loading.. ting! he finally admit it!!! waaaahhh!!!! super kilig talaga!!!! lalo na ung sa kitchen scene!!!

    ReplyDelete
  3. ayan n c james!!!!!!!!! waaaaaaaaah!!!!!! tama c ate demi, pputukan n ng bala yan!!!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^