Friday, January 25, 2013

Love at Second Sight : Chapter 41

CHAPTER 41
( Aeroll’s POV )

“I love you, Princess.”


There. Nasabi na niya.



Sa totoo lang, wala naman talaga siyang balak na sabihin ‘yon ngayon. Hindi pa dapat ngayon. But hearing Princess talking to that stupid guy, parang gusto niyang agawin ang phone mula dito kanina at isama niya sa pini-prito niyang manok.



Naiinis siya. Kanino? Kay Princess. Bakit ganito’ to? How can she managed to talked to that guy na parang walang ginawang kasalanan ang lalaking ‘yon diyto? Bakit siya? May masabi lang siyang hindi maganda, katakot-takot na irap at pangbabara ang nakukuha niya mula dito! It’s unfair!



Isip-bata na kung isang bata. Pero naiinis talaga siya!



Pero mas nangingibaw ang... ang... ang...



“Aerol...”



Nangingibabaw ang selos.



Unti-unti siyang humiwalay dito. Kita niya sa mukha nito ang pagkagulat.



“A-anong s-sabi m-mo?” tanong nitong nabubulol pa.



“I love you.”



Mas lalong nanlaki ang mata nito.



“I admit, at first I didn’t like you. Halos isumpa ko pa nga na kahit ikaw pa ang pinakahuling babae sa mundo, I would never ever like you. Paanong hindi ako maiinis sa’yo, kung anu-ano ang pinagsasabi mo sakin. Kung anu-anong pambabara ang sinabi mo sa bawat sinasabi ko, sinong hindi maiinis? Lalo ng sinabi mong hindi ako gwapo! Jeez! Ikaw lang ang tanging babaeng nagsabi na hindi ako gwapo.”



“And then I saw you the second time, let me rephrase, I saw a woman at the bus terminal. I saw her cying. And that moment, isa lang ang pumasok sa isip ko. That I want to protect her, that I don’t want to see her cry anymore. Ang weird pero ‘yon ang naramdaman ko. Ang weird din dahil hindi ko man lang nahalata na ang babaeng ‘yon at ikaw ay iisa. You did’nt wear your glasses that day. Nakalugay din yung buhok mo. You’re not that messy-tangled-hair woman I saw at the mall.”



“From that moment, ginulo mo na ang mundo ko. You slowly creep inside my heart ng hindi ko namamalayan. I still remembered ng sinabi mong sensitive ako, you’re wrong. Sensitive ako pagdating sa’yo, sensitive ako sa nararamdaman mo. Ayaw kong nasasaktan ka. Kaya the day that I realized that I had fallen in love with you, mas pinili kong lumayo sa’yo. Because I know that I can’t have you because you’re already belong to someone. So, what should I do? Aagawin ba kita sa kaniya? Magtatapat ba ko sa’yo? I don’t know. I really don’t know. Kaya mas pinili kong umiwas. Mas pinili kong kalimutan ang nararamdaman ko. Ang sabi ko, makakalimutan din naman siguro kita. Kaya nga hindi na ko sumabay sa inyo pag-uwi.”



“Pero kinabukasan pagkagising ko, ikaw agad ang naisip ko. And then I told to myself, hindi kita kayang kalimutan. Para lang akong sira sa ginawa kong pag-iwas sa’yo. Para kong tanga. Ang gulo ko.”



“Sumunod agad ako sa inyo. I even called Harold and Cath to ask your phone number, you’re address. Pero hindi nila sinasagot yung tawag ko. One week akong parang tanga sa kakatawag sa kanila. Thanks God, naawa naman sila sakin. And then, may nalaman ako. About you and that guy, that you caught him that day that I saw you crying. Siya pala ang dahilan kung bakit ka umiiyak ng araw na ‘yon.”



“Mas lalo kong naguluhan kung ano ba ang dapat kong gawin. But there’s only one thing I wanted to do. And that is to see you. Because I really miss you so badly. I miss you like hell. Baka sakaling malaman ko ang dapat kong gawin pag nakita na kita.”



“Wala naman talaga kong balak na magtapat sa’yo ngayon. Dahil ayoko lang na maguluhan ka. Pero...” Nakuyom niya ang kamay niya. “When I heard you talking to that guy over the phone, I felt I might lose you if I didn’t tell you this.”



He sighed. “I was... I was jealous. You heard me? I was jealous! And I was pissed off! Bakit gaano’n ka?! Bakit gano’n ka makipag-usap sa kaniya na parang wala siyang ginawang mali sa’yo?! You just caught him with another girl! For pete sake!”



Sa sobrang haba ng sinabi niya, dalawa lang ang reaksyon ni Princess. Her eyes widen with her mouth slightly opened.



At habang pinagmamasdan ito, isa lang ang gusto niyang gawin ng mga oras na ‘yon. And that is to…



He slowly bent his head to hers and caught her lips half opened.



Their SECOND KISS.



- F L A S H  B A C K -



Naalimpungatan siya ng may kung anong sumiksik sa leeg niya. He opened his one eye. And there he saw Princess comfortably nuzzled in his neck. Idinilat na niya ang isa pa niyang mata at hinawi ang buhok nitong tumatabing sa mukha nito.



He smiled.



At habang pinagmamasdan ito, one thing hits him.



He just came into a realization that this woman sleeping beside him is the same woman he wanted to see as he opens his eyes every morning and as he closes his eyes at the end of the day.



Now he knows kung bakit gano’n na lang ang mga kinikilos niya kapag nasa malapit lang ito.



Kung bakit masyado siyang nag-aalala dito.



Kung bakit ayaw niyang nakikitang malungkot ito.



Kung bakit natitiis niya ang pambabara nito.



He’s indeed inlove with this woman.



He smiled.



He caressed her cheek.



Her eyes.



Her nose.



Her lips.



At parang may magnet na naglalapit sa mga mukha nila. Sa mukha niya palapit sa mukha nito.



The next thing he knew, his lips was on her lips.



Their FIRST KISS.



He closed his eyes. I love you, Princess.



He was about to let go of her lips when…



Princess was kissing him back.



Idinilat niya ang mga mata niya. She was sleeping! And maybe, she was dreaming! At bago pa siya mademonyo, siya na ang lumayo dito.



Ano ka ba naman, Aeroll! Baka nakakalimutan mo, may boyfriend ‘yang hinalikan mo! paalala ng konsensya niya



“Shit!” Natampal niya ang noo niya. Nilingon niya si Princess na ang himbing pa rin ng tulog. “I’m sorry...” he murmered as he caressed her cheek.



Dahan-dahan niyang inalis ang ulo nitong nakapatong sa kaniya at ipinatong sa sariling unan nito. Umupo siya at kumuha ng isa pang unan. He placed it between them para iyon ang yakapin nito. Mahirap na. Baka abutin pa sila ng umaga na gano’n ang pwesto nila. Napatingin siya sa wall clock. It’s five am already.



Nilingon niya si Princess. Inayos niya ang kumot nitong nakapatong dito. Umayos na din siya ng higa. He placed his two hands at the back of his head.



What now, Aeroll? Ngayong inamin mong inlove ka na sa kaniya at alam mong may boyfriend siya, ano na ngayon ang gagawin mo? tanong ng kabilang isip niya.



Ano nga ba? Hindi din niya alam.



Nilingon niya si Princess na ngayon ay yakap na ang unan nito habang nakaharap sa kaniya.



“Dapat sa’yo laging may unang katabi. Tatandaan ko ‘yan. Mahirap na. Baka sa susunod na matulog ka sa ibang bahay, mangyakap ka na lang kung sinong katabi mo. Gusto ko ako lang.” bulong niya dito.



Para namang hindi siya nayakap ng boyfriend niya. singit ng kabilang isip niya. He sighed.



“Maybe I should just let you go. What do you think?” kausap niya dito.



“Yes...”



Kumunot ang noo niya. Sleep talk again. He sighed. “Okay. Susundin kita.”



With his one hand, he reached for her hair and caressed it.



Ma-miss ko ang magulong buhok mo na ‘to.



- E N D  O F  F L A S H B A C K -




* * * * * * * *




( Princess’ POV )


Narinig niya ang lahat ng sinabi ni Aeroll. Rinig na rinig ng dalawang tenga niya. He’s inlove with me! We both have the same feelings!



“I was... I was jealous. You heard me? I was jealous! And I was pissed off! Bakit gaano’n ka?! Bakit gano’n ka makipag-usap sa kaniya na parang wala siyang ginawang mali sa’yo?! You just caught him with another girl! For pete sake!”



Nagseselos siya kay James?!



Hindi siya makapag-react. Anong sasabihin niya? Kaya para siyang tangang nakatingin lang dito. Ang hindi niya inaasahan ay ang sunod na ginawa nito. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya ng halikan siya nito.



Anong gagawin niya?



Nagtanong pa siya, eh, kusa namang pumikit yung mga mata niya. His lips were warm and soft. Bakit parang mas malambot pa sa labi niya? Teka, ano ba’tong pinagsasabi niya? Bakit ba kailangan niyang ianalyze kung mas malambot pa ang labi nito sa kaniya? Ang weird talaga niya!



When his lips started to move. Syete! Tuluyan na siyang nawala sa sarili niya. Hindi na siya makapag-isip. All she want to do is to kiss him back. And that was she did. She kissed him back. Sa halik niya binuhos ang nararamdaman niya para dito. Hindi niya kasi alam kung masasabi niya ‘yon dito pagkatapos nito.



It feels like eternity when he finally let go of her lips. They were both gasping for air. Ang lapad ng ngiti nito. “Whoah! That was...”



Tinakpan niya ang bibig niya. Nakakahiya! Feeling niya namumula na ang mukha niya. Hindi lang feeling dahil ramdam niyang namumula talaga siya. Tinakpan niya ang mukha niya sa hiya.



“Princess...” Todo-iling ang ginawa niya. Narinig niyang napabuntong-hininga ito. “Nasasaktan ako sa reaction mo. Feeling ko kinakahiya mong hinalikan mo ko.”



Kinakahiya? “N-no.” Hindi pa din niya inaalis ang kamay sa mukha niya.



“Then look at me.”



Napabuntong-hininga siya. Gusto niyang tingnan ang mukha nito at sabihing mahal niya ito. Pero bakit siya naduduwag? Kailan pa siya naging duwag? Marami siyang iniisip ngayong sinabi nitong mahal siya nito. Sa totoo lang, tuwang-tuwa siya. Gusto na nga niyang mag-tumbling sa tuwa.



Pero si James? Si James na alam niyang may kasalanan sa kaniya. Pero parang ang lumalabas ay siya pa ang may ginawang kasalanan dito? Yun ang nararamdaman niya ngayon. She felt guilty. Pero kasalanan ba niyang mainlove siya kay Aeroll ng higit pa kay James?



Naramdaman niyang inalis ni Aeroll ang kamay niya sa mukha niya. Nakayuko pa rin siya. He lifted her chin. Umiwas siya ng tingin. “Look at me.” utos nito. Sinunod naman niya ito.



“I love you.”



“Aeroll...”



He sighed. “Eto ang ayaw kong mangyari. Ang maguluhan ka.” sabi nito. So, alam nitong naguguluhan siya. Hinaplos nito ang pisngi niya. “I didn’t told you that I love you because I want you to choose me over him. But...” Huminto ito. Bakit parang iba naman ang sinasabi ng mata nito? Bakit parang ang gusto nitong sabihin na ito na lang ang piliin niya? “But the kissed we’ve shared...para kasing...we both...” He sighed. “Never mind.”



You’re right, Aeroll. I love you, too... Masasabi ko din ‘yon sa’yo pero hindi pa ngayon.



Humiwalay na ito sa kaniya. “Kumain ka na.” Iniba na nito ang topic. Parang ayaw na nitong pag-isipin pa siya at mas lalo pang maguluhan. “Tapos na kong magluto.” Kumuha ito ng plate at nilagay do’n ang prinito nitong manok.



“Aeroll?” May gusto pa siyang itanong dito.



“Why?” hindi lumilingong tanong nito.



“Yung mga...” She cleared her throat. “Yung mga bagay na ginawa mo para sakin nung nasa...” She cleared her throat again.



Nilingon siya nito. “Sa’yo lang, Princess. Sa’yo lang ako nag-alala ng gano’n. Ikaw lang ang pinayagan kong sigaw-sigawan ako at bara-barahin ako. Ikaw lang ang pinayagan kong sungitan ako. At ikaw lang din ang babaeng minahal ko ng ganito. Sa’yo lang gumulo ang mundo ko. Nahawa na ata ko sa magulo mong buhok.”



Napangiti siya sa sinabi nito. Napangiti din ito.



“Pwedeng ako naman ang magtanong?”



“Ano ‘yon?”



He cleared his throat. “Ginawa mo ba kong...”



“Ano?”



“Nung nasa probinsya tayo, tama bang isipin kong naging malapit tayo? Ano kasi...ginawa mo ba kong...” Napabuntong-hininga ito. Tinitigan siya nito. “Ginawa mo ba kong panakip butas dahil sa nahuli mo si...yung lalaking ‘yon?”



Sa totoo lang, dapat mainis siya sa tanong nito. Pero hindi. Hindi siya nainis dahil habang nakatitig siya sa mga mata nito, parang nakabase sa sagot niya ang buhay nito.



“Princess?”



“Hindi.” mabilis niyang sagot.



Napangiti ito. Napangiti din siya.



“Can I call you now ‘Prinsesa’?”



“Prinsesa.” ulit niya. Namiss niya ang pagtawag nito sa kaniya ng gano’n. Nakangiting tumango siya.



“Kumain ka na, Prinsesa. Baka mangangayat ka na.”



“Ikaw?”



“Kumain na ko. Aalis na din ako.”



“Aalis ka na?”



Ngumiti ito ng pilyo. “Gusto mo pa ba kong mag-stay dito?”



Inirapan niya ito. “Umalis ka na nga!”



“Aalis na nga ko. Pero...” Lumapit ito sa kaniya. Malapit na malapit.



“Teka!”



Tumawa ito. “Wala naman akong gagawin sa’yo, ah.”



Wala nga. Pero kanina, mero’n. Baka mawala na naman ako sa sarili ko, eh.



Hindi na siya nakaiwas ng yakapin siya nito. “Mag-iingat ka bukas, okay.”



“Hah?”



“Magkikita kayo bukas, diba?”



“Ah, oo.”



“Hindi na uli kita tatanungin kung bakit gano’n ka makipag-usap sa kaniya kanina.”



“Aeroll...”



“I understand. Wala akong karapatan.” He sighed. “Nakapagdesisyon na ko kung anong gagawin ko.” Tiningala niya ito. Nginitian siya nito. Hinaplos nito ang pisngi niya. “Hiwalayan mo man siya o hindi.” Nilapit nito ang mukha sa kaniya. She felt his lips against her forehead. “Aagawin kita sa kaniya.” He kissed her forehead. “Dahil ako lang ang nag-iisang gwapong prinsipe na nababagay sa prinsesang tulad mo.”



* * *



1 comment:

  1. grabe nman! ang haba ng speech ni aerol!! parang state of the nation address lang ni pinoy ah... hahah.. 2nd kiss pala nila yun? naka damoves na pala si aerol sa kanya nung mgkatabi sila natulog nung pkgtapos ng party noon.. eeeehhhhh!! kilig mats!!

    she cant help it na talaga ,aagawin daw siya eh!! hahah ang cute nun..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^