Friday, January 25, 2013

Love at Second Sight : Chapter 42

CHAPTER 42
( Princess’ POV )

Saglit siyang lumingon sa mall na nadaanan niya. Napangiti siya. Yun ang mall kung sa’n sila unang nagkita ni Aeroll.


“Hiwalayan mo man siya o hindi. Aagawin kita sa kaniya. Dahil ako lang ang nag-iisang gwapong prinsipe na nababagay sa prinsesang tulad mo.”



Lumapad ang ngiti niya ng maalala ang sinabi nito kahapon. “Gwapong prinsipe daw. Ang yabang talaga!” nangingiting tinutok niya ang atensyon sa kalsada.



Nang bigla siyang mapa-preno. Yung kotse kasi sa unahan niya, bigla na lang nag-preno. Buti na lang at suot niya ang seatbelt niya, kung hindi, untog ang ulo niya sa manibela. Mabilis siyang bumaba ng kotse niya para sitahin ang driver. Tinted ang kotse kaya inilapit niya ang mukha niya sa salamin. Una niyang napansin ay ang tattoo sa braso nito. Naka-jacket na may hood at naka-dark sunglass ang lalaki. Nakatagilid pa ito kaya hindi niya mabistahan ng mukha nito. “Hoy! Bumaba ka nga diyan!” Saglit na lumingon ang lalaki sa kaniya pero hindi pa din niya nakita ang mukha nito dahil bigla din siyang napaatras nang basta na lamang paharurutin nito ang kotse. Muntik pa nga siyang matumba.



Nanlaki na lang ang mata niya ng makita ang dahilan kung bakit. May nakahigang lalaki na sakay ng motor sa kalsada. Nabangga ito ng kotse! Parang may kung anong bumundol na kaba sa dibdib niya. Parang flash back na bumalik sa alaala niya ang nangyari sa kanila ng papa niya. Pinikit niya ng mariin ang mata niya. Matagal na ‘yon, Princess.



May babaeng lumapit sa lalaking duguan sa kalsada. Kumunot ang noo niya, namumukhaan niya ito. “Saklolo!! Yung asawa ko!!”



“Ate Aiza?”



Nilingon siya nito. “Princess! Yung asawa ko!” Napatingin siya sa asawa nito. Iniwas niya agad ang tingin niya.



“T-tatawag po ko ng ambulansya.” Binalikan niya ang phone sa kotse niya. Isang tao ang pumasok sa isipan niya. Tinawagan niya ito. Nagri-ring lang ang phone nito.



“Answer the phone, please.”



Beep!



“Hel—”



“Aeroll!” Hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito. “Naka-duty ka ngayon diba? We need an ambulance now!”



“What?! Anong—”



“Malapit dito sa mall kung sa’n tayo unang nagkita.” Putol niya sa iba pang sasabihin nito. “Sa may intersection.” Napatingin siya sa kapitbahay niyang hysterical na umiiyak. “M-may naaksidenteng...lalaking sakay ng motor.” Napalunok siya.



“Copy that. Prinsesa, okay ka lang ba?”



“O-oo. Bilis.”




* * * * * * * *




Nasa labas sila ng operating room. Sinamahan niya si Aiza. Nasa probinsya ang pamilya nito kaya wala itong makakasama. Nasa ibang bansa naman ang pamilya ng lalaki. Parang ate na niya ito kaya sinamahan niya ito dito. Kanina pa ito hysterical na umiiyak. Buti nga ngayon, kumalma na.



“Princess...”



“Bakit, ate?”



“Samahan mo naman ako sa chapel.” Tumango siya. Inalalayan niya itong tumayo. Dumeretso sila ng chapel at nagdasal. Ilang minuto pa lang siyang nakaupo ng may humawak sa balikat niya.



“Prinsesa.” Dahan-dahan siyang napalingon sa likuran niya.



“Aeroll.”




* * * * * * * *




( Aeroll’s POV )


“Let’s go, pare.” Katatapos lang ng duty niya.



“Pupunta pa ko sa OR.”



“Ow, that girl? Yung kasama nung asawa ng naaksidente kanina? Siya na ba ang bago mo? Paano na niyan si Chariz? Sayang off niya ngayon. Mukhang may mabo-broken-hearted na naman ng dahil sa’yo.”



“Sira ulo! There’s nothing going between me and Chariz.” Iniwan na niya ito. Mula sa ER, dumeretso siya sa OR. Pero wala sa labas ang pakay niya. Sinubukan niyang pumunta sa chapel malapit do’n. Napangiti siya ng makita ito katabi ang isang babae. Dahan-dahan siyang lumapit dito. Hinawakan niya ang balikat nito.



“Prinsesa.” mahinang tawag niya dito. Napalingon ito sa kaniya.



“Aeroll.” Hinawakan niya ang kamay nito at inakay ito palabas ng chapel. “Anong ginagawa mo dito? Naka-duty ka diba?” tanong nito. Hindi niya ito masyadong nakausap kanina. Tinanong lang niya kung okay lang ito, tumango lang ito. Pero ramdam niyang hindi.



“Tapos na ang duty ko.” Hinaplos niya ang pisngi nito. “Okay ka lang ba talaga?” tanong niya.



“Okay lang. Medyo...” Nilibot nito ang tingin sa paligid nila. “Ayoko lang kasi ng amoy ng ospital... Ayoko lang makakita ng namamatay... Ayoko dito...” Nilingon siya nito. “Naiintidihan mo ba yung gusto kong sabihin?”



“Naiintidihan kita.” May iniiwasan ito kaya ayaw nito dito. Iniiwasan nito ang mga ala-alang pilit nitong kinakalimutan.



Pilit itong ngumiti. “Thank you.”



“Kung ayaw mo dito? Bakit nandito ka ngayon?”



“Dahil walang kasama si Ate Aiza. She’s my neighbor. Mabait siya sakin. Para ko na siyang ate at kuya ko naman ang asawa niya. Kailangan niya ng makakasama lalo na ngayon. Malayo ang pamilya nila dito. Kailangan niya ko.”



“You’re so brave, Prinsesa.” Ang tapang talaga ng prinsesa niya.



Sumandal ito sa ding-ding. “Matapang ba talaga ko o nagpapanggap lang na matapang? Minsan, hindi ko na rin alam. Hindi na ko tumapak ng ospital simula ng mamatay sina papa at mama. Nung college ako, nasa ibang bansa si ate. If ever na magkasakit ako, walang mag-aalaga sakin. Kaya I made sure na hindi ako magkakasakit, kahit simpleng sipon pa ‘yan. Dahil ayokong pumunta ng ospital. Dahil alam kong maaalala ko lang sila mama at papa.”



Sabi ko na nga ba. Hinawakan niya ang kamay nito.



“All my life, pilit kong iniiwasan ang mga bagay na alam kong makakasakit sakin. Kaya hanggang ngayon, hindi pa din ako maka-move on sa nangyari sa magulang ko. Sa nangyari sakin. Dahil never ko talagang hinarap ang mga ‘yon. Kaya maski sa panaginip ko, sinusundan nila ko. Kaya sa bawat bagay na may kinalaman sa kanila, nasasaktan agad ako. I always felt scared.”



Kaya pala madalas sa tuwing may pagkakataon na marinig niya itong nag-i-sleep talk, tinatawag nito ang magulang nito. At ang mga bagay na kinatatakutan nito na nalaman niya habang kasama niya ito. Lahat ng ‘yon. He understands her. And he’s willing to help her.



Nilingon siya nito. “Kaya sabihin mo, matapang ba talaga ako na pilit iniiwasan ang mga bagay na dapat matagal ng tapos kung matagal ko ng hinarap? Tell me, Aeroll.”



He sighed. “Come here.” Hinatak niya ang kamay nito palapit sa kaniya. Hanggang sa tuluyan na niya itong yakapin.




* * * * * * * *




( Princess’ POV )


She closed her eyes while he was hugging her. “Hindi masusukat ang katapangan ng isang tao dahil lang kaya niyang harapin ang mga problema niya. Matapang ka, Prinsesa. Dahil nagawa mong kayanin ang lahat ng nangyari sa’yo.”



Humigpit ang yakap nito sa kaniya. “Dapat lang na sanayin mo ang sarili mo sa mga bagay na may kinalaman sa kinatatakutan at iniiwasan mo. Slowly, you will learn to get ovet with that. And I’m willing to help you, Prinsesa. You just have to trust me.”



Matagal bago siya sumagot. “Whenever you hug me like this, I feel nothing but security. I feel safe. I feel like no one will hurt me. Nawawala ang takot ko.”



“Then maybe we can stay like this forever, what do you think? Nakakangawit nga lang.”



Hindi niya mapigilang mapangiti sa sinabi nito. Natatawang humiwalay siya dito. “Ugok!”



Napangiti ito. “At last, ngumiti ka na din.”



“Thank you.”



“You’re very much welcome, Prinsesa.” Yumukod pa ito. Nagkangitian pa sila. ”You know what, napapansin ko. Marunong ka ng mag-thank you ngayon.”



Kumunot ang noo niya. At napangiti. Oo nga. Samantalang nung una sila este the second time they saw each other, asar na asar ito sa kaniya dahil hindi man lang daw siya marunong mag-thank you. “Biruin mo, may natutunan din pala ko sa’yo.”



“Ano namang tingin mo sakin? Bad influence?”



“Oo. Puro ka kasi kayabangan.”



“Puro ka naman kasungitan.”



“Heh!”



Riiing! Riiing!



Phone niya ‘yon. Kinuha niya sa bulsa niya. Syete! Si James ang tumatawag. Nakalimutan niya na papunta siya ngayon do’n. Napatingin siya kay Aeroll na nakakunot-noong nakatingin sa kaniya. Tumalikod siya at sinagot ang tawag.



“Sweetheart, where are you?”



“Ahm...” Napalunok siya. Humakbang pa siya palayo kay Aeroll. Pero ito namang si Aeroll, hinawakan na naman ang kamay niya para pigilan siya.



“Sweetheart?”



Hinayaan na lang niya si Aeroll. “I can’t make it today. May emergency na nangyari.”



“What happened? May nangyari ba sa’yo?”



“Hindi sakin. Someone I know na malapit sakin. Tomorrow na lang tayo magkita.”



“Okay. Sasabihin ko din sanang hindi kita mami-meet ngayong lunch. So, see you tomorrow then?”



“Yes, see you tomorrow. Bye.”



“Nagtataka talaga ko. How can she manage to talk to him like nothing happened? At ang sarap sapakin ng lalaking ‘yon.” Kumunot ang noo niya. Napalingon siya kay Aeroll. Para kasing may sinabi ito na hindi naman niya masyadong nadinig.



“May sinasabi ka ba?”



Seryoso ang mukha nito. “Wala.”



“Aeroll.”



He waved his hand. “Don’t mind me.”



“Pero...”



Ngumiti na ito. Pinisil nito ang ilong niya. “Wala nga sabi.” Nangingiting umiwas siya.



Napatingin siya sa loob ng chapel. “I hope her husband will be safe.” Grabe kasi yung nakita niyang itsura ng lalaki kanina. Parang wala ng buhay.



“I hope, too, Prinsesa. Teka, have you seen the incident?”



“Not exactly the incident. Bigla na lang kasing huminto yung kotse sa unahan ko. Bumaba ako para sitahin yung driver. Lumingon pa nga siya sakin pero hindi ko naman nakita yung mukha niya dahil bigla rin niyang pinaharurot paalis yung kotse niya. Nakahood at sunglass pa siya kaya hindi ko talaga maalala ang mukha niya. Pag-alis niya saka ko lang nakita na may nabangga siyang motor.”



“Have you seen it’s plate number?”



“Oo. Teka...” Pilit niyang inalala yung plate number. Nakita niya ‘yon dahil  do’n napatutok ang mga mata niya ng mapa-preno siya sa kotse niya. Aha! Kinuha niya ang phone niya at tinayp do’n ang plate number ng kotse. Baka makalimutan pa niya.



“Princess.” Napalingon siya sa likuran niya.



“Ate Aiza.” Hinawakan niya ang kamay nito. “Punta na po tayo sa labas ng OR.” Tumango ito. Napalingon siya kay Aeroll. Sumunod lang ito sa kanila. Hindi na niya naipakilala ang mga ito sa isa’t isa. Saka na muna.



“Uuwi ka na ba?” mahinang tanong niya dito.



Ngumiti ito. “You want me to stay here?”



Hindi siya sumagot. Gusto sana niyang sabihing ‘oo’, pero nahihiya siya. Isa pa alam niyang pagod ito sa duty nito.



“I’ll stay here, Prinsesa.”



“You’re tired, right? Katatapos lang ng duty mo.”



“Makita lang kita, isama na ang magulo mong buhok, nawawala na ang pagod ko.” He winked.



* * * * * * * *



( Author’s POV )


Pumasok sa isang lumang warehouse ang isang pulang kotse. Mula sa kotse ay bumaba ang isang lalaking naka-jacket na may hood. Inalis nito ang sunglass nito. Sinalubong ito ng dalawang lalaking naka-black-suit.



“Nasa loob si master.” sabi ng isang lalaking sumalubong dito.



“Okay.”



Pumasok sila sa nag-iisang silid sa loob ng warehouse.



“Nandito na po siya, master.” pag-bibigay alam ng isang lalaki sa amo nito.



“Nagawa mo ba ang pinagagawa ko?” bungad na tanong ng taong nakaupo sa swivel chair na nakatalikod sa kanila sa malaking boses.



“Yes, master. Sa ginawa ko sa kaniya, hindi na siya mabubuhay pa.”



“Walang nakakita sa’yo?”



Matagal bago sumagot ang lalaki. “Wala, master.” Pero ang totoo, inaalala nito ang babaeng lumapit kanina.



“Give him the money.” utos ni ‘master’ sa mga tauhan nito. Binigay ng isang tauhan ang suitcase sa lalaki. “Tandaan mo. Ito na ang huli nating pagkikita.”



“Yes, master.” Pero ang totoo, hindi pa talaga nakikita ng lalaki ang tinatawag nitong master dahil sa dalawang beses nitong nakausap ang ‘master’, nakatalikod lagi ito sa lalaki.



“Umalis ka na.”



Hinatid ng dalawang tauhan ang lalaking naka-jacket palabas. Pero sa halip na sumakay ito sa pulang kotse nitong gamit kanina, sumakay ito sa kotseng puti na siya talagang kotse nito.



Samantala, sa loob ng silid kung nasa’n si ‘master’.



“Master.”



“Balita?”



“May babae pong lumapit kanina sa kotse ni—“



“Nakita niya ang mukha ng lalaking ‘yon?!?” sa mataas na boses.



“Hindi ko po sigurado...”



“Binabayaran kita hindi para sa sagot na hindi sigurado!!!” Dumagundong ang boses ni ‘master’ sa apat na sulok ng silid. “Ikaw ang nagrekomenda sa lalaking ‘yon kaya siguraduhin mo lang na hindi tayo sasabit!”



Yumuko ang lalaki. “Opo, master. Ako na pong bahala.”



“At isa pa, siguraduhin ninyong wala ng buhay si Rod Ferrer.”



“Yes, master.”



* * *

2 comments:

  1. kahit ako takot sa hospital.. hehe.. ang weird ko talaga..

    kelan ka ba lalabas james ha? at ng prepare ko na ang operation "kill the bastard-jerk named james"!! hahha.. so meanie..

    ano itey??mei bagong aksyon sa LSS!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^