Friday, January 25, 2013

Following Your Heart : Chapter 18

CHAPTER 18
( Shanea’s POV )

Nagmamadaling sinubo niya ang huling kutsara ng sinangag. Nabilaukan pa siya.


“Wag kang magmadali.” sabi ng mamita niya.



“Katakawan kasi.” pang-aasar ni King.



Uminom kaagad siya ng tubig, pagkatapos ay tumayo na siya. “Papito, Mamita, alis na po ko. Male-late na po ko.”



“Maaga pa, ah.”



“Hindi po makakapasok si Hiro. Susunduin po niya ang ate niya sa airport.” Dapat last two weeks pa habang nasa bakasyon siya nakauwi ang ate nito. Na-delayed lang.



“Ingat ka sa byahe.”



“Sige po.” Kinuha niya ang bag niya sa living room at lumabas ng bahay.




* * * * * * * *




“Goodmorning ma’am, Shanea!”



Nginitian niya ang mga ito. “Goodmorning!” Dumeretso siya ng office. Madami pa siyang office works na gagawin. Hindi niya alam kung ilang minuto o oras na siyang nasa loob ng office ng may kumatok.



“Come in.”



Narinig niyang bumukas ang pinto. “Ma’am...”


Napaangat ang tingin niya sa ginagawa niya. “May problema ba, Nadine?” She’s one of the waitresses. Mahigit kalahating taon na itong nagta-trabaho dito sa Shahiro. Ka-edad lang niya din ito. Working student ito. She’s smart and beautiful, parang siya. Wahehe. Kabaligtaran nga lang. Tahimik lang ito at mahinhin kung kumilos.




Kinagat nito ang daliri nito. “Kasi po...”



May problema nga. Pag ginagawa nito ang mannerism nitong ‘yon, alam niyang kinakabahan ito, it means may problema nga. Tumayo na siya at lumabas ng office.



“Sa employee’s locker room po.”



“Sige, ako ng bahala dito.”



“Yes, ma’am.” Umalis na ito. Samantalang siya, dumeretso sa employee’s locker room. Kakatok na sana siya ng makarinig siya ng pagsasagutan sa loob. Out of curiousity, idinikit niya ang tenga niya sa pinto.



“Tama bang makipaglandian ka sa costumer?” ( Cool lang )



“I’m not malandi! I’m just being nice, okay!” ( Pasigaw )



“Being nice ba ang tawag mo do’n? To the point na ibigay mo ‘yong number mo sa kaniya?”



“He’s my former classmate, okay!”



“Pero hindi tama yung ginawa mo. You know the rules here. Pag oras ng trabaho, oras ng trabaho. One month ka na dito, bakit hindi mo pa rin natututunan ‘yon?”



“And who the hell are you para pangaralan ako?! You’re not my boss here!”



“Ako lang naman ang lalaking pakakasalan mo.”



Silence.



“What are you talking about?! It’s not true!”



“It’s true, Zelinn.”



“No!” Hanggang sa makarinig siya ng kung anong bumagsak. Pumasok na siya sa loob bago pa magkabagsakan ang mga gamit do’n. Sabay na napalingon ang dalawa sa kaniya.



“Ma’am...”



She smiled. “I’m not your boss for now. Kaya mga ate at kuya, ano pong problema?” Napatingin siya sa sahig. Lasog-lasog ang phone.




“Look what he did, Shanea? My dearest phone!” She’s ZELINN IYA YU. Cousin of Hiro. She’s TWENTY SIX years old. College graduate but still unemployed until now. A typical RICH SPOILED BRAT. One month na itong nagta-trabaho dito sa Shahiro bilang WAITRESS. Napilitan itong magtrabaho dahil pinutol daw ng daddy nito ang atm account nito pati ang allowance nito. Nakatira lang din ito sa isang apartment. Mukhang napuno na talaga ang daddy nito dito kaya pinarusahan ito ng ganito.




“Ako ba ang naghagis niyan? Hindi ba ikaw?” He’s KERBIN VINCENT ROBLES JR. Preferred to be called as Kevin. He’s THIRTY years old. Bago pa lang nagsisimula ang Shahiro, ito na ang CHEF nila. Anak ito ng kaibigan ng daddy ni Hiro. May pagka-STRIKTO ito. At MASUNGIT.



“But you’re the reason why I did that! You just told me that I’m going to marry you! It’s not true, right? You’re just kidding me!”



 “I’m not. Kahit itanong mo pa sa daddy mo.”



“No!” Nagpapadyak pa si Zelinn.



Umpisa pa lang na magtrabaho si Zelinn dito, para na itong mga aso’t pusa kung magbangayan. Ang pagkakaiba lang, cool lang makipag-bangayan si Kevin, samantalang halos lumabas na ang litid sa leeg ni Zelinn.



Hindi rin siya makapaniwalang si Kevin ang tinutukoy ni Zelinn na ipapakasal daw ng daddy nito dito. Mukhang hindi rin ini-expect ni Zelinn na si Kevin ang pakakasalan nito.



Matagal ng magkakilala ang dalawa ayon sa kwento ni Hiro. At bata pa lang, hindi na daw magkasundo ang mga ito. Tapos ngayon, itong dalawa ang itinakdang ikasal. Naku, baka maghalo ang bala’t sa tinalupan pag nagkataon.



“I can’t believe it...” Dahan-dahan itong napaupo sa sahig. Kinuha nito ang screen ng phone nitong nahiwalay na sa iba parts. “My phone...” Nagsimula na itong umiyak. “Yung mga text ni mommy ko...it’s all gone...”



Ngayon lang niya ito nakitang umiyak ng ganito. Napalingon siya kay Kevin. “Kuya...” Sinenyasan niya itong lumabas muna. Tumango lang ito bago lumabas.



Nilapitan niya si Zelinn. “Zelinn...” Ayaw kasi nitong nagpapatawag ng ate. Feeling daw nito matanda na daw ito.



“Shanea...” Yumakap ito sa kaniya. She understands her. Patay na kasi ang mommy nito college pa lang ito. At ang mga text na sinasabi nito ay ang huling text ng mommy nito dito bago mamatay. Sinong nag-kwento? Ang madaldal na si Hiro. Kaya gano’n nito iniingatan ang phone nito na ngayon ay lasog na lasog na. Okay sana kung sa sim card na naka-save, pero sa phone memory daw.



“I didn’t mean to throw my phone...I was just pissed off to Kevin. Hindi ko sinasadya...” Patuloy lang ito sa pag-iyak. Habang siya, hinahagod lang ang likod nito. Anong sasabihin niya? Na okay lang ‘yan and don’t worry? Baka masampal lang siya nito.



Nakarinig siya ng katok. Si Kevin ang nalingunan niya, kasama nito si Nadine. “Ma’am, may naghahanap po sa inyo.”



Pero paano si Zelinn? “Ako ng bahala sa kaniya.” sabi ni Kevin. Dahan-dahan siyang humiwalay kay Zelinn at tumayo. Nilapitan ito ni Kevin.



“Don’t touch me!”



“I’m not touching you. I’m just giving you this.”



“What am I gonna do with you’re damn phone?!”



“Sa’yo na ‘to.” Kinuha naman ni Kevin ang lasog-lasog na phone ni Zelinn sa sahig.



“Don’t touch my phone!”



“Ang lasog-lasog mong phone.” Mas lalo tuloy umiyak si Zelinn. “Give me weeks. Ibabalik ko sa’yo ‘to ng buong-buo together with your mother’s messages.”



Napangiti siya. Mabait din naman ‘tong si Kevin. Mabait na masungit. Parang si Jed. Speaking of Jed, one week na simula ng huli silang magkita nito. At ‘yon ay nung umuwi sila galing Romblon. Kamusta na kaya ‘yon?



“You can’t!”



“Parang hindi mo ako kilala. I can do that. And by the way, starting today, you are officially my fiancee.”



“What?!”
“Hindi ka na din titira sa bulok mong apartment. You are going to live in my condo.”



“Live in?!”



“Anong live in ang pinagsasabi mo diyan? Makikitira ka lang.”



“No!”



“Ma’am...” Napalingon siya kay Nadine na hinihintay pa rin siya.



“Let’s go.” sabi niya.



“Sila po?” Sabay turo kina Kevin at Zelinn na ngayon ay nagbabangayan na naman.



Binulungan niya ito. “Malaki na sila. Kaya na nila ‘yan. Tutal naman, ikakasal din sila soon.”



“Ikakasal?”



Nginitian niya ito. “Yes. Let’s go.” Lumabas na sila ng locker room.



“Ma’am, nasa office na po yung bisita ninyo.” sabi nito.



“Sino?” Binuksan niya ang office niya.



“Si Mr.—“



“Jed!” Anong ginagawa niya dito?



* * * * * * * *




( Jed’s POV )


Lumabas siya ng bahay at dumeretso sa pakay niya. Habang naglalakad, hindi niya maiwasang pagmasdan ang paligid niya. Madami na ding nagbago sa loob ng tatlong taon. Napahinto siya ng mapadaan siya sa isang kanto. Napangiti siya nang may sumingit sa alaala niya.



- F L A S H  B A C K -



Kagagaling lang niya sa bahay ni Aeroll at ngayon ay pauwi na. Nang mapatingin siya sa kabilang side ng kalsada. Kumunot ang noo niya ng mapansin ang isang batang babae na patalon-talon pa habang naglalakad. Hindi sana niya ito papansinin kaya lang, hindi niya mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ito. Para kasing ang saya-saya nito.



Tumikhim siya ng malakas ng mapansin niyang para siyang tangang nakangiti. Syempre, bata ‘yan kaya masaya. Gano’n naman talaga ang mga bata diba?



Hahakbang na sana siya ng makita niyang nadapa ito. Napakamot siya ng ulo. Lampa naman nito. Lumapit siya dito.



“Bata, okay ka lang?”



Umangat ang tingin nito sa kaniya. “May sugat ako, eh.” Itinuro nito ang tuhod nito.



Kumunot ang noo niya. Diba pinsan ka ni Aeroll?” Anong ginagawa nito dito? Wala ba itong sundo?



Tumango lang ito. “Yung sugat ko.” Itinuro uli nito ang sugat nito. Kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at itinali sa tuhod nito. “Salamat. Bakit kilala mo si Aeroll?” tanong nito.



“Aeroll?” Walang kuya? So, tama nga ang nadidinig niya kapag nasa bahay siya ni Aeroll at tinatawag nito si Aeroll na walang kasamang kuya. Anong trip nitong batang ‘to?



“Oo. Si Aeroll. Bakit kilala mo siya?”



Huh? “Hindi mo ba ako namumukhaan?”



Nilapit nito ang mukha sa mukha niya. “Hindi, pero ang gwapo mo.” nakangiting sagot nito.



Nilayo niya agad ang mukha dito. Ano ba naman ‘tong batang ‘to, ang bata pa lang, alam na agad ang ibig sabihin ng gwapo. “Kaibigan ako ni Aeroll. Madalas akong magpunta sa bahay ninyo.”



Nilapit na naman nito ang mukha sa kaniya. “Hindi ko talaga matandaan. Madami kasing bumibisita kay Aeroll sa bahay. Puro boys. Pero mas madami ang girls. Madalas nasa kwarto lang ako. Sabi kasi ni mamita, huwag ko daw kukulitin sina Aeroll at ang mga kaibigan niya. Masunurin ako kaya sinusunod ko si mamita.”



Napakamot siya ng noo. Ang dami nitong sinabi. “Ang daldal mo.” So, talagang hindi siya nito matandaan? Sabagay, pag nasa bahay siya nila Aeroll, bihira niya itong makita.



“Sabi nga nila.” Inamin pa talaga nito. “Anong pangalan mo?”



“Kuya Jed.”



“Jed..Jed..Jed..”



“Kuya Jed.” madiing sabi niya.



“Shanea ang maganda kong pangalan, Jed.”



Wala ba sa vocabulary nito ang salitang Kuya? “It’s KUYA Jed. Grade four ka pa lang diba?” Iyon ang hula niya.



“Grade five.”



“Grade five ka, third year high school ako. Dapat kuya ang itawag mo sakin.”



“Ah..” Nagbilang ito sa daliri nito. “Grade five, grade six, first year, second year, third year.” Tiningnan siya nito. “Tatlong taon lang tanda mo sakin.”



“Apat.”



“Dalawa pala.”



Huminga siya ng malalim. Mauubusan ako ng dugo sa batang ‘to. Ang hirap umintindi o sadyang makulit talaga. Sobrang kulit na, napakadaldal pa. “Tama nga si Aeroll, napakakulit mo.” bulong niya. “Tumayo ka na dyan.”



“Buhat mo ko sa likod. Masakit ang paa ko.”



Ano ko? Yaya ng batang ‘to? Saka gusto ko ng umuwi. Tatawagan ko pa si Sofia. “Ayoko. Maglakad ka na lang. Malayo pa sa bituka ang sugat mo. Mauuna na kong umuwi.”



“Pero…hindi ko alam ang bahay ko.”



Kumunot ang noo niya. “Hindi mo alam?”



Napakamot ito ng ulo. “Nakalimutan ko kung saan, eh.”



Feeling niya pinagloloko lang siya nito, eh. Malabong hindi nito alam ang bahay nito. Nakauwi nga ito ng mag-isa, eh. Pero, sige. Pagbibigyan niya ito. Ngayon lang dahil hindi na siya didikit sa batang ‘to. Baka tuluyan ng maubos ang dugo niya sa kakulitan nito. “Alright. Follow me.”



Tumayo na ito. “Talaga? Pwede kitang sundan?”



Mas lalong kumunot ang noo niya. Bakit sobrang saya nito sa sinabi niya? Parang itong batang binigyan ng maraming candy. “Oo, sundan mo lang ako at huwag mo akong sasabayan. Ayoko ng madaldal na kasabay. Sa likod ka lang.”



Ngumiti ito. “Okay, Jed.”



Tumalikod na siya at naglakad pabalik ng bahay ni Aeroll habang nakasunod naman sa kaniya si Shanea. Hanggang sa makarating sila ng bahay nito, nakasunod lang talaga ito sa likuran niya. Masunurin naman pala.



“Dito ka na.” sabi niya. Nilingon niya ito. Pero paglingon niya umikot lang ito sa kaniya, napaikot din siya. Ngiting-ngiti lang ito habang umiikot sa kaniya. Hinayaan na lang niya ito sa trip nito. Pero siya ang nahihilo sa ginagawa nito.



“Shanea, stop it. Mahihilo ka niyan.” saway niya dito.



Huminto naman agad ito at nginitian siya. Lumapit ito sa gate at humarap sa kaniya. ”Jed, may ibibigay ako sa’yo.” Mukhang wala na siyang magagawa sa paraan ng pagtawag nito sa kaniya.



“Ano ‘yon?”



“Lumapit ka muna.” Lumapit nga siya. “Yuko ka. Hindi kita maabot, eh.” Nagtataka man ay yumuko pa din siya. “Thank you, Jed, kasi pinayagan mo kong sumunod sa’yo.” bulong nito sa tenga niya. Ang hindi niya inaasahang susunod na gagawin nito ay paghalik nito sa pisngi niya. Napaderetso siya ng tayo.



“Pwede ba ulit kitang sundan bukas at sa isang bukas at sa isa pang bukas at sa marami pang bukas?” Napatango na lang siya. “Yehey!” Hindi na siya nakapag-react ng makita ang saya sa mukha nito.



Hanggang sa makapasok ito ng gate, nakatayo lang siya. Napahawak siya sa pisngi niya. “Sira ulong batang ‘yon, ah.” Hindi niya mapigilang mapangiti. “Ang kulit.”



Nang marealize niya ang huli tanong nito.



“Pwede ba ulit kitang sundan bukas at sa isang bukas at sa isa pang bukas at sa marami pang bukas?”



Napatampal siya sa noo niya. Ano ba yung ginawa ko? Para ko na ding sinabi na araw-araw niya kong kulitin.



Pero ng maalala niya ang reaksyon nito ng pumayag siya. Ang saya sa mukha nito. Hindi niya mapigilang mapangiti. Nakakahawa kasi ang ngiti nito. Pero ng mapansin niyang para siyang tangang nakangiti, tumikhim siya ng malakas.



“Okay lang. Kaya ko naman i-tolerate ang kakulitan ng batang ‘yon. Tingnan natin kung uubra siya sa kasungitan ko.”


- E N D  O F  F L A S H B A C K –



Napangiti siya. So, ako ang may kasalanan kung bakit ako sinusundan ni Shanea noon? Ba’t ngayon ko lang narealize ang bagay na ‘yon?



Nagsimula na uli siyang maglakad. At habang naglalakad siya, parang nararamdaman niyang sumusunod sa kaniya ang batang Shanea hanggang sa makarating siya sa bahay na pakay niya. Lumingon siya sa likuran niya na parang ini-expect na nando’n si Shanea. Umikot-ikot pa siya na parang nakikita niyang umiikot din ito.



Nang biglang bumukas ang gate. Mukhang magtatapon ng basura ang matandang babae. “Sino po sila?” tanong nito. Mukhang hindi siya nito namukhaan. Nang may sumilip sa likuran nito.



“Manang, nasabi ninyo pa kay Aeroll na—” Napatingin sa kaniya ang babae. Saglit na kumunot ang noo nito hanggang sa magliwanag ang mukha nito. “Jed?!”



Napangiti siya. “Long time no see, Tita!”



Pinapasok siya nito sa bahay at nakipag-kwentuhan. Nasa trabaho na ang asawa nito. Umalis daw si King. Nasa hospital duty si Aeroll. Pumasok na din daw sa trabaho si Shanea. Nasabi nitong na-kwento nga daw ni Shanea na nagkita sila sa Romblon. Kinamusta nito ang mga magulang niya. Mahigit isang oras din ata siyang nag-stay ng magpaalam na siya.



“I have to go, Tita. Paki-kamusta na lang po ko kay Tito. May aasikasuhin pa po ko sa QC.”



“Sa QC?”



“Yes, Tita. Bakit po?”



“Naiwan kasi ni Shanea yung phone niya sa pagmamadali kanina.”



Nabanggit na ni Shanea sa kaniya nung nag-kwento ito na sa QC ito nagta-trabaho bilang manager sa isang restaurant. “Sa’n po ba sa QC? Idadaan ko na lang po.”


* * *




2 comments:

  1. grabe,kahit ako nahahawa na sa kakulitan at sa kadaldalan ni shanea.. hahah.. if i'm going to have a sister like her,mabilis akong tatanda dahil sa konsumisyon..

    ReplyDelete
  2. Kulit ni Shanea. Haha, kakatuwa!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^