Friday, January 25, 2013

Following Your Heart : Chapter 19

CHAPTER 19
( Shanea’s POV )

 “Ma’am, nasa office na po yung bisita ninyo.” sabi ni Nadine habang nakasunod sa kaniya.


“Sino?” Binuksan niya ang office niya.



“Si Mr.—“



“Jed!” Anong ginagawa niya dito? How did he know this place? Wala naman akong binanggit sa kaniya. Nilingon niya si Nadine. “Ahm, Nadine, you can go back to your work now.” Aside from being a waitress, para na ding secretary ang trabaho ni Nadine dito, pansin niyo?



“Yes, ma’am.” Lumabas na ito.



Huminga muna siya ng malalim bago harapin si Jed. Umupo siya sa tapat nito. “How did you know this place?”



“Your mamita told me.”



“Si mamita? Galing ka sa bahay?”



“Kanina.”



“Anong ginawa mo do’n?”



“Wala lang.” Umikot ang tingin nito sa office niya hanggang sa huminto ang tingin nito sa bandang likuran niya. “You lied to me.”



Hindi na niya kailangang lingunin ang tinitingnan nito. Picture nila ni Hiro na naka-frame ang tinitingnan nito. Kuha ‘yon ng buksan nila ang Shahiro. “Of course not. Totoo naman na manager din ako dito sa Shahiro.”



“Shahiro. Nice name, huh. Hindi mo nabanggit na co-owner mo din pala ang bestfriend mo dito.” May diing sabi nito sa salitang bestfriend.



“I thought it was not that important.”



“Yeah right. Not important.”  Ano bang problema? Tumayo na ito. “I have to go. I just drop by to give you this.” May kinuha ito sa bulsa ng pantalon nito. “You forgot your phone.” Nilapag nito sa table niya ang phone. Hindi niya napansing naiwan niya pala sa bahay kanina ang phone niya.



“Thanks. Nakalimutan ko sa pagmamadali kanina.” Tumayo na din siya. “Aalis ka na?”



“May dahilan ba para mag-stay pa ko dito?”



Okay. Sanay na siya sa kasungitan nito kaya hindi na lang niya papansinin. Tiningnan niya ang relo niya. Tanghali na pala. “Kumain ka na ba?”



“Yes.”



“Gano’n ba? Sige, ingat ka na lang.” Lumapit siya sa table niya at umupo. Marami pa siyang tatapusing paper works. “Just close the door when you leave. Tanghali na pala. But I have so much things to do.” Hahawakan pa lang niya ang ballpen ng may umagaw no’n. Pag-angat niya ng tingin, “Jed?” With his favorite expression: Knotted forehead.



“You’re not yet taking your lunch? It’s almost twelve. Kumain na muna tayo.”



Napangiti siya. Gumana ang pangongonsensya niya kanina. Oo. Drama lang niya ‘yon. Wahehe. Galing talaga niya. “Talaga? Sasabayan mo ko? Tapos ka ng kumain diba?”



“I lied. Hindi pa din ako kumakain.”




* * * * * * * *




“Shanea, is that you’re boyfriend?” Napalingon siya sa likuran niya. Si Zelinn ang nalingunan niya. Katatapos lang nilang magsara ng Shahiro.



“No. Kababata ko lang siya.” Kanina pa siya kinukulit nito tungkol kay Jed.



Dumaan si Kevin sa gilid nila. Inirapan ito ni Zelinn. “Yang mata mo, Zelinn. Baka magulat ka na lang paggising mo, duling ka na. Ayoko ng duling na fiancee.” sabi ni Kevin dito.



“Whatever! Don’t talk to me!” Nilingon siya nito. “I have to go, Shanea.” Tumango lang siya. “And I’m not your fiancee!” baling nito kay Kevin. Nagmartsa na ito palabas.



“Ikaw? Hindi ka pa ba uuwi?” tanong sa kaniya ni Kevin.



Tiningnan niya ang relo niya. Mag-aalas nuebe na. “Uuwi na din, kuya.”



“Mauuna na ko.”



“Sige.” After niyang i-check ang buong restaurant, lumabas na din siya. Nilock niya ang exit door kung saan siya dumaan.



“The first time I saw you, I was walking down the street, saying dubadibidibidambididu. I stepped on a stone and you came after me. Saying dubadibidibidambididu. You looked good. You looked—“ Napahinto siya sa pagkanta niya. Kumunot ang noo niya. Ano bang kanta yung kinanta niya? Bigla na lang kasing lumabas sa bibig niya, eh.



Naglakad na siya habang inaalala kung anong kanta ‘yon. Teka! Oo nga! Yun nga ‘yon! Napangiti siya ng maalala kung anong kanta ‘yon. Yun ang kantang kinompose niya para kay Jed nung highschool siya. Pinalitan niya yung lyrics ng isang kantang hindi na niya maalala yung title. Tungkol ang kantang ‘yon nung bata siya at nilapitan siya ni Jed ng madapa siya. The first time na makita niya ito dahil hindi niya talaga ito napapansing pumupunta sa bahay nila.



“Bakit ang tagal mo? Kanina pa ko nilalamok dito, ah.”



Napaangat ang tingin niya sa isang kotseng nakaparada sa tapat ng Shahiro. Nagulat siya ng makita si Jed na nakasandal sa labas ng kotse. “Anong...anong ginagawa mo dito?” Hinihintay niya ba ko?



He opened the door at the passenger seat. “Get in.” utos nito.



“Hah?”



Napailing ito at nilapitan siya. Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya. Pinapasok siya nito kotse. Ilang saglit lang ay nasa highway na sila. Saka lang niya naiisip na magsalita. Humarap siya dito. “Sinundo mo ba ko?”



“No.”



“Sabi ko nga, oo.” Napalingon ito sa kaniya. “Hindi pala.” Tinapik niya ang dashboard ng kotse nito. “So, kailan mo binili ‘tong kotse mo?”



“Bago pa ko umuwi dito sa Pinas, kinontak ko na ang pinsan ko na hanapan niya ko ng kotse, para pagdating ko wala na kong aasikasuhin dito.”



 “Ah, sang hotel ka nag-iistay?”



“Why?”



“Wala naman. Nagtatanong lang. Kung ayaw mong sagutin, okay lang din.” Nilibot niya ang tingin sa kotse nito. “Nice car, huh. Gusto ko na ding magka-kotse. Kaya lang nag-iipon pa ko. Gusto sana kong bilhan nila mamita, kaya lang ayoko.”



“Why?”



“Gusto ko kasi sa pera ko manggaling ang ipambibili ng kotse ko. My very own car. Yung color pink.” Napangiti siya at inimagine ang magiging future car niya. “Hmm...wala pa palang natutupad sa mga wish ko, ah. First, to have my own car. Second, to have my own house. Third, mag-tour around the world.”



“You’re still young. Matutupad mo din ang mga ‘yan.”



“Right.” Umayos siya ng upo at lumingon sa bintana ng kotse. Napangiti siya. “Ay, may natupad pa din pala.”



“Ano?”



“Tour around the Philippines. Although, hindi ko pa talaga nalilibot ang buong Pilipinas.”



“Sinong kasama mo?



“Si Hiro. Nung nag-aaral pa kami, pag may time at maisipan lang naming mag-out of town, gora agad kami. Nakaka—” Napatakip siya sa tenga niya at napalingon kay Jed. “Uy! Hinamaan mo naman yung music! Kung gusto mong magparty-party, pumunta tayo ng bar!” malakas na sabi niya. Makabasag-ear drum kaya. Tinodo ata nito ang volume.



He lowered the volume. Nakakunot noong tiningnan niya ito. Masama ang timpla ng mukha nito. “May problema ka ba?”



“Wala. Baka ikaw mero’n?” masungit na tanong nito.



“Mas lalong wala akong problema.” May mood swings na naman ito. “Teka, nasa’n na nga ako sa kinukuwento ko? Ah, yung nga diba, pag naisipan namin ni—”



“Can you please keep your mouth shut!!!”



Napakislot siya sa kinauupuan niya sa lakas ng boses nito. “Jed...galit ka ba? May ginawa na naman ba ko?”



Hindi ito sumagot. Napabuntong-hininga lang ito. Umayos siya ng upo. May sinabi ba kong kinainis niya? Nagku-kuwento lang naman ako, eh. Gusto ko lang naman ibalik yung dati, pero mukhang...



Napahawak siya sa gilid ng mata niya. Syete! Bakit parang maiiyak ako? Kandakasi naman, sinigawan niya ko! Buti sana kung may ginawa kong mali. Wala naman, ah. “Please, stop the car.” Hininto naman nito. “Sana hindi mo na ko sinundo kung sisigawan mo lang ako. Oh! Hindi mo nga pala ko sinundo diba?” Tinanggal niya ang seatbelt niya pero pinigilan siya nito. Nilingon niya ito.



“I’m sorry.”



“Okay lang. Mukhang wala ka na naman sa mood.” Tuluyan na siyang bumaba ng kotse nito. Sakto namang may bus na dumaan na pa-byahe sa kanila. Pinara niya agad ‘yon at sumakay. Umupo siya sa tabi ng bintana.



“Shanea! Wait!”



Nilingon niya si Jed. Nasa labas ito ng kotse nito. Nakita niyang inis na sinabunutan nito ang buhok nito. Umayos na siya ng upo. Napanguso siya. Ano ba kasing problema niya? Bakit niya ba ko sinigawan? Hindi man lang niya inisip na pagod ako sa trabaho tapos sisigawan niya ko.



Kinuha niya sa bag niya ang ensaymada na binili niya kanina sa suki niya. Hmp! Makakain na nga lang.



* * * * * * * *




“Jed?! Anong ginagawa mo dito?” Pagbaba niya kasi ng bus, yung kotse nito ang sumalubong sa kaniya. Nang maalala niyang inis siya dito. Nilagpasan niya ito.



“Shanea!” Sinundan siya nito. “Wait!” Hinawakan nito ang kamay niya. Napahinto tuloy siya.



“Bakit?” tanong niya. “Sisigawan mo na naman ba ko?”



He sighed. “I’m sorry.”



“I’ll forgive you kung sasabihin mo sakin kung bakit mo ko sinigawan kanina.”



Matagal bago ito sumagot. Mukhang pinag-iisipan pa nito kung sasabihin nito sa kaniya ang dahilan. “Isang beses ko lang ‘tong sasabihin, okay.” Tumango siya. “Ayoko lang na naririnig—Brrrrrrrrrrruuuuuuummm...”



“Anong ayaw mong marinig?” May dumaan kasing motor sa gilid nila. Alam ninyo yung motor na ang ingay ng tambutso pag pinaharurot. Iyon ang dumaan kaya ang narinig lang niya sa sinabi ni Jed ay ‘ayoko lang na naririnig’.



“I told you. Isang beses ko lang sasabihin ‘yon. And I said it already.”



She pouted. “Ang daya mo naman!”



“Okay. Ganito na lang. Dadalhin kita sa kahit anong lugar na gusto mo dito sa Pilipanas, just forgive me.”



“Talaga?” Umandar ang pagiging isip bata niya.



“Yes. Anywhere you want.”



“Gusto ko sa kuta ng abu sayaff. I really want meet them in person. Pwede mo ba kong dalhin do’n?”



“Saan?!”



Natawa siya sa reaksyon nito. “Joke lang.” Sabay peace sign niya. “Gusto ko sa Enchanted Kingdom. Huling punta ko do’n ay nung bago ka umalis.”



“Talaga? Hindi ka pa ulit nakakapunta do’n?”



Kumunot ang noo niya. “Bakit parang ang saya mo?”



He cleared his throat. “Okay. Pupunta tayo tomorrow ng Enchanted.”



“Tomorrow agad?” Anong araw ba bukas? Oh! Sunday bukas! Tamang-tama, hindi siya pumapasok ng Sunday sa Shahiro.



“Hindi ako pwede this coming week. Magiging busy na ko sa business na itatayo namin ng pinsan ko.”



“No, okay. Free ako tomorrow.”



“Ahm, hindi ka na galit sakin?”



Nginitian niya ito. “Hindi naman ako galit. Nainis lang ako. Wag mo na ulit akong sisigawan, okay. Immune na ko sa kasungitan mo, pero ang sigawan mo ko na parang galit ka, hindi ako sanay. Mas okay pa ngang hindi mo ko kinikibo, eh.”



“Shanea...”



Nginitian niya ito. “Teka, anong ginagawa mo dito? Sinundan mo ko noh?” biro niya.



Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya pabalik ng kotse nito. “Oo. Sinundan nga kita.”



Napanganga siya sa sinabi nito. Buti na lang at nauuna ito sa kaniya, hindi nito nakita ang pag-nganga niya. Tinikom niya ang bibig niya. Sinundan niya ko? Tama ba ang nadinig ko? Sinundan ako ni Jed hanggang dito! Parang maiiyak siya sa sinabi nito. For the first time in her life, nagawa siyang sundan ni Jed!



Sumakay siya sa passenger seat. Ito naman sa driver seat. “Dito din kasi ang daan ko.”



Napalingon siya dito. “Hah? Dito din?”



“We’re living on the same subdivision.”



Nagulat siya. “Teka, kailan pa? Saka sa’n do’n?”



“Yesterday. Same house.”



“Same house?”



“Hindi binenta nila papa ang bahay namin dati. Pinarentahan lang.”



At dahil sa sinabi nito, bumalik ang luha niyang tutulo na dapat kanina. So, hindi niya ko sinundan? Asa pa ko. Hayyy...teka, teka. Hinintay niya ko dito, ah.



Napangiti siya.



Ano namang nginingiti-ngiti mo diyan, Shanea? Remember! singit ng epal niyang isip.



Agad niyang pinitik ang noo niya. Aray!


* * *

3 comments:

  1. uy beb, ginawaan ko pala ito ng cover photo na nakapost ngayon dun sa fb page natin ha! ^^

    ReplyDelete
  2. ang ganda nga ng shahiro.. nagseselos si jed kay hiro!!hohoh.. sige lang shanea,inisin mo pa.. remember?he's still not paying after what he did to you years ago.. haha,ang sama ko lang.. ang cute kaya ng newly lovebirds.. crush ko kaya si daniel! here he played the role as 'kevin'..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^