CHAPTER
20
( Shanea’s POV )
“Wow!”
Nilibot niya ang tingin sa paligid niya. “Parang ang tagal na simula ng pumunta ko dito, ah. Space
shuttle ang una nating sakyan, Jed.” Nilingon niya ito. Napakamot
siya ng kilay. “Ang
bagal mo naman, Jed. Bilisan mo namang maglakad.”
“Mabilis na
kong maglakad. Ikaw ang tumatakbo.”
“Sabi ko nga.”
Paatras siyang humakbang pabalik dito. “Space shuttle tayo, ah.”
“Ayoko. Sa
horror house tayo.”
Nanlaki
ang mata niya. “Horror
house?” Todo-iling ang ginawa niya. “Ayoko do’n. Space shuttle na lang tayo.”
“Horror
house.” Napalingon ito sa kaniya. “Hanggang
ngayon ba, takot ka pa din ba sa multo?”
“Hanggang
ngayon ba, takot ka pa din bang sumakay sa mga rides na maka-tanggal bituka at
maka-iwan ng puso sa ere?”
“Hindi. Pero
sa horror house tayo.”
“Jack en poy
na lang tayo. Sa bawat rides na sasakyan natin, magja-jack en poy tayo. Ang
manalo sa bawat jack en poy, siya ang magde-decide kung sa’n tayo sasakay.
Deal?”
Matagal
bago ito sumagot. “Okay. Deal.”
“Game! Jack
en poy! Holi—Oh! Hindi pa ko tapos, Jed.”
Nag-gunting na kasi ito, eh.
“Pwede bang
jack en poy na lang? Wag mo nang kantahin.”
“Ay! hindi
pwede! Yung buong kanta ng jack en poy gusto ko.”
“Pinagtitinginan
na tayo ng mga tao, eh.”
“Hayaan mo
sila. Ready na, bilis!”
Napakamot
na lang ito ng ulo. “Okay. Ikaw na lang ang kumanta.”
“Jack en
poy! Holiholihoy! Sinong matalo siyang unggoy!”
Her
: Bato
Jed
: Bato
Tabla
kaya inulit uli nila.
“Jack en
poy! Holiholihoy! Sinong matalo siyang unggoy!”
Her
: Bato
Jed
: Gunting
“Yes!
Hahaha! Nanalo ako! Ang galing ko talaga! Space shuttle tayo.”
*
* * * * * * *
“Ano, Jed.
Kaya mo pa?”
“Oo naman.”
“Hindi ka na
ba takot sumakay sa mga rides?”
“Sinong
nagsabing takot ako?”
“Ba’t nung
pumunta tayo dito three years ago kasama sila Aeroll, wala ka man lang sinakyan
na rides? Natatandaan ko pa ‘yon, ah. Ang sabi ni Aeroll, takot ka daw sumakay
sa mga rides.”
“Ayoko lang
at wala kong gana. Niloko ka lang ni Aeroll no’n.”
“Bwisit
talagang Aeroll na ‘yon, ah. Eh, bakit sumama ka pa samin no’n?”
“Bantay mo.”
“Bantay ko?”
“Yes.”
“Talaga?”
“Bantay mo
dahil kasama nila Aeroll at Harold ang mga girlfriends nila no’n. May utang ako
sa kanila kaya pinakiusapan nila ko.”
Hmp! Akala ko naman
binantayan talaga ko.
“Kumain ka
na diyan.” Tiningnan nito ang relo nito. “Huling jack en
poy na lang at uuwi na tayo.”
“Hah? Last
na lang?”
“Halos lahat
ng rides nasakyan na natin. Masyado nang late, ba-byahe pa tayo pauwi.”
“For sure,
mananalo na naman ako.” Simula
kasi kanina, siya ang panalo sa jack en poy nila. Lagi itong talo.
“Let’s see.”
Matapos
kumain at makapagpahinga ay nag-jack en poy na uli sila.
“Jack en
poy! Holiholihoy! Sinong matalo siyang unggoy!”
Her
: Papel
Jed
: Papel
Tabla
lang. Ulit.
“Jack en
poy! Holiholihoy! Sinong matalo siyang unggoy!”
Her
: Gunting
Jed
: Gunting
Tabla
lang. Ulit.
“Jack en
poy! Holiholihoy! Sinong matalo siyang unggoy!”
Her
: Bato
Jed
: Bato
Napakamot
siya ng ulo. “Ano
ba naman ‘yan! Laging tabla. Baka bukas pa tayo matapos nito, ah. Ako na lang
ang magde-decide kung sa’n tayo sasakay.”
“Mag-jack en
poy tayo.”
“Naman!”
“Ako ang
kakanta ng jack en poy.”
“Talaga?
Ikaw?”
“Yes.”
“Okay.” Ano kayang itsura nito
habang kinakanta ‘yon? Hahaha! Parang hindi bagay!
“Jack en
poy! Holiholihoy! Sinong matalo siyang unggoy!”
At
dahil nakatuon ang atensyon niya sa pagkanta nito. Hindi niya pinag-isipan ang
gagamitin niya sa papel, bato at gunting. Hindi niya kasi mapigilang
mapabungisngis.
Her
: Bato
Jed
: Papel
“Talo ko!”
“Panalo ko!”
“Pinagbigyan
lang kita ‘noh. Kawawa ka naman kasi kanina, lagi ka na lang talo. Sa’n tayo?”
“Sumunod ka
lang sakin.” Naglakad na ito. Habang siya
nakangiting nakasunod dito. Deja vu. Iyon ang naramdaman niya. Parang dati lang
ang eksenang ito. Nauuna si Jed habang nakasunod lang siya dito. At dahil
engrossed siya sa pagmumuni-muni niya, hindi niya namalayang huminto na si Jed.
“Aray!”
Nabunggo pa siya sa likuran nito.
“Kung
sa’n-sa’n ka kasi nakatingin, eh. We’re here.”
“Nasa’n
na—Waaaaah! Horrroooor hooousssseeee!”
Tinakpan nito ang bibig niya sa lakas ng boses niya.
“Shanea
naman.”
Inalis
niya ang kamay nito sa bibig niya. “B-bakit d-dito?” Umatras siya ng hakbang. “Sa iba na
lang, Jed. Sa space shuttle na lang uli para masaya. O kaya sa wildriver. O
kaya...umuwi na lang tayo.”
Hinawakan
nito ang kamay niya. “Ako ang nanalo, kaya ako ang masusunod. Dito tayo.”
“Pero...”
Napalunok siya.
“No more
buts.” Hinila na siya nito papasok ng bwisit na
horror house! Good luck sa kaniya!
*
* * * * * * *
“Jed! Wag mo
kong bibitawan, ah!” Habang todo-kapit siya sa
braso nito. Sila ang pinakahuli sa pila. Papasok na sila ng horror house.
“O ikaw ang
wag bibitaw sakin. Ang higpit ng kapit mo, eh.”
“Kasi naman,
bakit dito pa?” Nasa loob na sila ng horror house. “Wait lang,
Jed! Wala kong makita!” Hanggang sa makarinig siya ng tilian ng mga
nauna sa kanila. “Aaaaaaaaahhhhhhhh!!!!!”
“Shanea
naman! Wala pa nga, nakatili ka kaagad!”
Nagsimula
na itong maglakad habang siya kapit-linta sa braso nito. “Jed! Balik tayo, naiihi ako.”
“Nakaihi ka
na bago tayo pumila.”
“Nauuhaw
ako—Aaaaaaaahhhhhhhh!!!” May lumitaw na white lady
sa gilid niya. “Ayoko
na!!!” Napapikit siya. “Ayoko na!!!” Muntik pa siyang mapatid sa
paghila kay Jed.
“Bungad pa
lang tayo! Ano ba!”
“Aaaaaaaaahhhhhhhh!!!” May bumagsak na putol na ulo sa harap
niya. Sa leeg na ni Jed siya kumapit. “Aaaaaaaahhhhhhhh!!!” Tapos yung background
sound pa sobrang nakakatakot at nakakagulat! Pinikit niya ng mariin ang mga
mata niya.
“Nasasakal
ako, Shanea!” Sa braso nito siya uli humawak.
“Yung puso
ko Jed!!! Naiwan ko ata!!! Aaaaaaaahhhhhhhh!!!”
“Gusto mong
balikan natin?”
“Ayoko na!!!
Nandito na pala!!!”
“Bilisan mo kasing
maglakad!”
Saktong
idinilat niya ang mata niya may sumulpot na kapre sa gilid niya. “Aaaaaaaaahhhhhhhh!!!”
Pinikit niya ng mariin ang mata niya. “Bakit ba laging sa gilid ko kayo lumalabas!!! Sa gilid
naman ni Jed!!!”
Narinig
niyang natawa si Jed. “Ikaw ang trip nila, eh!”
“Wag mo nga
kong pagtawananan!!! Aaaaaaaaahhhhhhhh!!!”
Kahit nakapikit siya, naramdaman niyang may humawak sa braso niya. “May humawak sa
braso ko Jed!!!”
“Kukunin ka
na ata nila!”
“Aaaaaaaaahhhhhhhh!!!
Ayoko sumama!!!” Hindi na siya sa braso nito humawak.
Tuluyan na siyang yumakap sa beywang nito. “Ayoko na!!! Uwi na tayo!!!”
“Uuwi na
talaga tayo after this!”
“Aaaaaaaaahhhhhhhh!!!
Jed, may humawak sa braso ko!!! Yung kapre!!! Yung kapre!!! Natatakot na ko!!! Naiiyak
na ko!!!”
Natawa
ito. “Ako
lang ‘yon, okay!” Naramdaman niyang niyakap siya nito habang patuloy
pa din sila sa paglalakad.
“Huhuhuhu...natatakot
na ko...” Sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito
habang naiiyak na siya.
“Umiiyak ka
ba?”
“Labas na
tayo, Jed...”
Inangat
nito ang mukha niya at pinahid ang mga luha niya. Nakapikit siya kaya hindi
niya nakikita ang mukha nito. “Mga tao lang din ang nagpapagalaw ng mga ‘yan. Mga tao
lang din ang may suot ng costume na nakikita mo.”
Todo-iling
ang ginawa niya.
“Ayoko pa din!!!”
“Bahala ka
diyan! Magulat ka na lang, iba na ang nakayakap sa’yo!”
Hinigpitan
niya ang yakap dito. “Wag mo kong iiwan dito!!!”
Naramdaman
din niyang humigpit ang yakap nito sa kaniya. “Hind ko gagawin ‘yon, okay.”
At
dahil yakap siya nito habang naglalakad sila at habang nakapikit siya dahil
ayaw talaga niyang dumilat, sa halip na matakot ay parang na-block out sa isip
niya ang background sound na naririnig niya. Heartbeat lang ni Jed ang
naririnig niya kasabay ng heartbeat niya. Napangiti siya. Bakit gano’n? Parang
sabay nang beat ang mga puso nila?
“Shanea.”
“Hmmm?”
Para naman akong nakahiga sa kama nito.
“Pwede ka ng
bumitaw.”
“Yung mga
kapre.”
“Nasa labas
na tayo. And people are staring at us.”
Idinilat
niya ang mga mata niya. Oo nga. Nasa labas na sila. At nakatingin na sa kanila
ang mga tao. Bat ba hindi niya napansin? Napatingala siya kay Jed. At sa pagkakayakap
niya dito.
Tugudug! Tugudug!
“Sorry.”
May pinahid ito sa pisngi niya. “Hindi na uli tayo papasok ng kahit na anong horror
house.”
Okay lang. Basta ikaw ang
kasama ko.
Napakurap
siya. Teka! Ano ba ‘yong sinabi niya? She cleared her throat. Humiwalay siya
dito.
“Ang sakit ng katawan ko, ah.”
Habang hinihilot nito ang mga braso nito.
“Sabi ko
naman sa’yo, ayoko sa horror house, eh.” Tingnan mo tuloy ang nangyari sakin.
“Nakapasok
na tayo saka ka pa magrereklamo? Last na ‘to. Let’s go home.”
Hinawakan nito ang kamay niya. Pero agad din niyang binawi. Nagtatakang
napatingin ito sa kaniya.
“Pupunta
lang ako ng restroom. Hintayin mo na lang ako dito, ah.”
Tumalikod
na siya ng magsalita ito. “Okay ka lang ba?”
Nilingon
niya ito. “Oo
naman. Napagod lang ako kasisigaw. Naubos tuloy ang energy ko. Gusto ko ng ice
cream, Jed. Bilihan mo naman ako, oh. Pagbalik ko dapat mero’n na, ah.”
Napatango
na lang ito. Mabilis na siyang naglakad papunta ng restroom. Nag hindi na niya
ito matanaw ay huminto siya at umupo. Napahawak siya sa dibdib niya. Ito na naman po siya. Nag-iingay na naman si
heart. Kandakasi naman! Hayyy...
Pinitik
niya ang tatlong beses ang noo niya. “Aray!!!”
hahaha.. laugh trip talaga tong si shanea.. ayiiehh!! sabay tsansing kay jed ah.. hahah..
ReplyDelete