CHAPTER
21
( Shanea’s POV )
“Anak ng
tinolang kalabaw!” Napakislot siya sa
kinauupuan niya ng biglang kumulog kasabay ng kidlat. Itinaas niya ang dalawang
paa niya sa upuan ng kotse ni Jed at niyakap ang tuhod niya. “Makakauwi ba
tayo nito?” Ang lakas kasi ng ulan sa labas. Sobrang trapik pa.
Hindi pa sila nakakalabas ng Laguna nito. Tiningnan niya ang relo niya.
Maghahating gabi na. Kanina pa sila sa kalsada.
May
kinuha ito sa dashboard ng kotse nito. “Tawagan mo si Tita o si Tito.” Phone nito ang
inaabot nito. Naiwan niya kasi ang phone niya kaya hindi niya matawagan ang
mamita niya. Kinuha niya ang phone nito. “Sabihin mong stranded tayo dito.”
Idinial
niya ang number ng mamita niya. Maya-maya ay may sumagot na sa kabilang linya.
Ang Papito niya ang sumagot.
“Papito, si
Shanea po ‘to.”
“Nasa’n na
kayo ni Jed? Ang lakas ng ulan dito.”
“Laguna pa
po. Ang lakas din po ng ulan dito. Naipit pa kami sa trapik.”
“Pakausap
kay Jed.”
Nilingon
niya si Jed. “Kausapin
ka daw ni papito.” Kinuha nito ang phone sa kaniya.
“Tito, si
Jed na po ‘to.” PAUSE. “Opo.” PAUSE. “Opo.” PAUSE.
Nilingon siya nito. “Sige po. Ako ng bahala sa kaniya.” PAUSE. “Tito!”
“Uy! Bakit?”
sabay kalabit dito. “Anong sinabi ni papito?” Hindi siya nito
pinansin.
“Iuuwi ko po
siya, Tito.” PAUSE. “Sige po, Tito. Salamat po.”
Nilapag na nito sa dashboard ang phone.
“Uy! Bakit?
Anong sinabi sa’yo ni papito?”
“Wag daw
kitang itanan.”
Napalingon
siya sa bintana. Si Papito talaga!
“Dito na daw
tayo magpalipas ng gabi.”
Napalingon
siya dito. “Dito
sa kotse mo?”
Nilingon
siya nito. “Maghahanap
tayo ng pwedeng tulugan.”
*
* * * * * * *
Inilibot niya ang tingin sa kwarto
na inupahan nila ngayong gabi. Maliit lang ‘yon. Pero malinis naman.
“No choice
tayo. Last room na ‘to. Masyadong malakas ang ulan sa labas para maghanap pa
tayo ng iba na mas malaki at mas komportable dito. Sa kama ka na matulog. Ako
na sa sahig.”
Nilingon
niya si Jed na nakapameywang habang pinupunasan ang basang buhok nito. Nabasa sila kanina pagbaba
nila ng kotse. “Hindi
naman ako nagrereklamo. Pwede ngang sa kotse na lang tayo.”
“Hindi
komportableng matulog do’n.”
May kinuha itong spare towel at inabot sa kaniya. “Maligo ka muna. May baon kang damit diba?”
“Ikaw muna.
May baon ka ding damit diba?”
Napakamot
ito ng noo. “Shanea.
Gabi na at pagod na rin ako.”
“Sabi ko
nga, maliligo na ko.”
Kinuha niya ang towel dito at dumeretso ng
banyo. Nakapagsabon na siya at nakapag-shampoo ng maalala niyang naiwan niya sa
ibabaw ng kama ang back pack niya.
“Jed!”
“I know.
Nasa tapat ng pintuan ng banyo ang bag mo.”
“Thank you!” Binuksan
niya ng bahagya ang pintuan at inabot ang bag niya. Nakaunderwear na siya ng
may kung anong malamig na kumapit sa likuran niya. “Aaaaaaaaahhhhhhhh!!!”
Nakarinig
siya ng katok sabay ng pagbukas ng pintuan ng banyo.
“Anong nangyari? Bakit—” Natigilan
ito at napakurap habang nakatingin sa kaniya. Sa katawan niya! Dahan-dahan
siyang napatingin sa tinitingnan nito. Natutop niya ang bibig niya. Naka-bra’t
panty lang naman siya!
“Jed!”
Mabilis itong umiwas ng tingin. Sa kisame ng banyo ito tumingin. Umatras siya
at mabilis na kinuha ang towel na nakasampay sa likod niya. Sa pagmamadali niyang
makuha ang towel, nadulas pa siya. “Aray!!!” Ang
tanga ko talaga! Nilapitan naman agad siya ni Jed. “Waaah! Wag kang lalapit! Sa taas ang
tingin!”
Hindi
nito pinansin ang sinabi niya. Maygaligaliwaw!
Nakita na naman niya ang katawan ko! “Ano ba kasing pinaggagawa mo?!” Tinulungan
siya nitong tumayo. At gusto na niyang lumubog sa kinatatayuan niyu. Ito na ang
kumuha ng towel at ibinalot sa katawan kaniya. Buti na lang at malaki ang
towel. Umabot ‘yon sa kalahati ng hita niya. Hinawakan nito ang kanang braso
niya.
“Aray!”
Iniwas niya ang braso dito.
“Anong
nangyari sa braso mo?”
“Tumama sa
tiles kanina.” nakangiwing sagot niya.
Napailing
ito bago siya alalayang lumabas ng banyo. “Kahit kailan ka talaga, Shanea!” inis na sabi nito.
“Kasalanan
ko naman?!” Padabog na umupo siya sa kama habang
hawak ang towel na nakabalot sa kaniya. “Ako na nga nasaktan, ako pa ang may kasalanan?! Ako na
naman?! Ako na naman?! Pwede bang yung tiles na lang ang sisihin mo?!”
“Bakit ba
kasi hindi ka nag-iingat?!”
“Bakit ba
kasi pasok ka na lang pasok ng banyo?! Hindi pa nga ko tapos magbihis, eh!” Humiga
siya sa kama at nagtalukbong ng kumot. Nakita
na niya yung katawan ko, nadulas pa ako. Ang malas ko naman. Waaaahhh!
Matagal
bago ito sumagot. “I’m sorry. Narinig kasi kitang tumili kaya napapasok na
ko.”
Hindi
siya sumagot.
“Shanea.”
“Matutulog
na ko.” Nakakahiya
talaga!
“Magbihis ka
muna. At magpatuyo ka ng buhok.”
“Pagkapasok
mo ng banyo saka ko magbibihis.”
Hindi
na ito sumagot. Narinig na lang niyang nagsara ang pintuan ng banyo. Saka lang
niya inalis ang kumot na nakatalukbong sa kaniya.
Nakakainis ka talaga,
Shanea! Nakita na ni Jed ang katawan mo! Ang tanga mo talaga! Nakakahiya!
Impit siyang tumili sa unan niya. Tumayo siya at lumapit sa salaming nando’n.
Inalis niya ng bahagya ang towel na nakabalot sa kaniya. Halos makita na niya ang katawan ko sa suot ko, eh! Nagpapadyak
siya. Hay naku!
Lumapit
siya sa bag niya at kinuha ang sleeveless at short na baon niya. Nang akmang
susuotin niya ang short niya ay napangiwi siya ng gamitin niya ang kanang braso
niya. Masakit ‘yon. Mukha wala namang pilay. Nalamog lang. Sana lang. Patay
siya sa papito at mamita niya kapag nagka-pilay siya.
Isinuot
niya ang short niya gamit ang isang kamay niya. Nang ang sleeveless shirt na
niya ang susuutin niya ay napangiwi siya. Ano
ba namang gabi ‘to? Okay na sana, eh. Pinilit niyang isuot ang sleeveless niya
kahit napapangiwi na siya sa sakit ng braso niya. Saktong naisuot na niya ng
marinig niya ang pagtawag ni Jed.
“You’re
done?”
“Oo.”
Nag-indian seat siya sa sahig habang nakatapat sa electric fan, habang
pinapatuyo ang buhok niya. Ramdam na niya ang antok ngayong nahahanginan pa
siya. Maya-maya ay narinig niyang nagbukas ang banyo. Hindi siya lumingon.
Nahihiya pa rin kasi siya, eh. Ibang usapan na ‘yong makita ang katawan niya ng
iba. Kahit si Jed pa!
“Hindi ka ba
nilalamig sa suot mo? Nakatapat ka pa sa electric fan.” sita
nito.
“Makapal ang
balat ko, eh. Kasing kapal ng kalabaw.”
“Shanea.”
“Okay lang
ako.”
Matagal
bago ito nagsalita. Mula sa gilid ng mata niya ay nakita niya itong umupo sa
gilid ng kama. “I’m
sorry kanina. Hindi ko naman sinasadya na makita ang katawan mo. Nakasuot ka
naman ng—”
“Alam ko!” singit
niya agad dito. Tumalikod siya ng upo dito. Kailangan
talagang niyang ipaalala?
Napapikit
na siya ng maramdaman niyang may pumatong na kung ano sa balikat niya. Kumunot
ang noo niya. Pagtingin niya sa balikat niya, nakita niyang jacket ‘yon. Jacket
ni Jed! Paglingon niya kay Jed, nakita niya na itong nakahiga sa kumot na
nakalatag sa sahig. Hindi niya alam kung nakapikit na ito o hindi. Pasimple
siyang umusad palapit dito, sinilip niya ang mukha nito. Nakapikit na ito.
Susundutin sana niya ang ilong nito ng bigla itong magsalita.
“Shanea.”
Napangiti
siya at mabilis na bumalik sa tapat ng electric fan. Ang lakas talaga ng pakiramdam. Napatingin siya sa jacket na
nakapatong sa kaniya. Nakangiting isinuot niya ‘yon.
*
* * * * * * *
( Jed’s POV )
Fifteen minutes na simula ng
humiga siya sa kumot na nilatag niya sa sahig habang pinakikiramdaman si
Shanea. Akala siguro nito tulog na siya. Dahan siyang bumangon para lang
makitang nakahiga na ito sa sahig. Napailing na lang siya. Mukhang nakatulugan
nito ang pagpapatuyo sa buhok nito.
Lumapit
siya dito. Napangiti siya ng makitang ang himbing ng tulog nito. Dahan-dahan
niya itong binuhat at inilipat sa kama.
“Hmm...”
Tumagilid ito ng higa paharap sa kaniya. Namaluktot pa ito.
Napailing
siya. “Kasing
kapal daw ng kalabaw ang balat. Sinong niloko mo?” Izinipper niya
ang jacket niyang suot nito nang mapatapat siya sa dibdib nito. Naka-sleeveless
lang kasi ito kaya... Napalunok siya. Parang replay na bumalik sa alaala niya
ang nangyari kanina sa banyo ng makita niya itong... He cleared his throat.
Ano ka ba naman, Jed! Ano
ba ‘yang iniisip mo?
Kinumutan
na niya ito at pinagmasdan. “Masasabi ko din sa’yo, Shanea...” Hinaplos
niya ang buhok nito bago bumalik sa higaan niya. Kaya lang, hindi pa siya
nakakapikit ng may marinig siya. Natampal niya ang noo niya.
“Shanea
naman.”
Mukhang
sobrang napagod ito kanina sa amusement park kaya ang lakas ng HILIK nito.
Kinuha niya ang unan niya at itinakip sa tenga niya. Makatulog sana ko.
*
* * * * * * *
( Shanea’s POV )
“Jed, bakit
parang inaantok ka pa? Hindi ka ba masyadong nakatulog?”
Kanina pa kasi ito hikab ng hikab habang nagda-drive. Pauwi na sila nito.
Tiningnan
lang siya nito pero hindi ito sumagot. Nagkibit-balikat na lang siya. Tumingin
siya sa bintana. Umuulan pa rin pero hindi naman masyadong malakas. “May bagyo
siguro. Sabagay ilang lingo na lang, June na. Pasukan na naman. Kailangan ko na
pa lang mag-enroll.”
“Enroll?”
Nilingon
niya ito. “Yap.
Mag-aaral ako ng culinary arts.”
Tumango-tango
lang ito, nang mapahikab na naman ito.
Napangiti
siya. “Ang
cute mo namang humikab, Jed.”
“Ikaw.”
“Anong ako?”
“Ang ingay
mong matulog.”
“Ano?
Nagsasalita ba ko habang tulog?”
“Hindi.”
“Eh, ano?”
Natutop niya ang bibig niya nang may ma-realize siya. “Don’t tell me?” Humilik ba ko?
Tumango
ito.
Nag-peace
sign siya dito. “Sorry,
Jed. Hindi ka pala nakatulog sa hilik ko. Hindi naman talaga ko humihilik, eh.
Isang beses, isang taon lang.” Nang may maalala siya. “Teka, nakatulog
ba ko sa sahig kagabi?”
“Ewan ko.”
Kumunot
ang noo niya. “Sa
pagkakatanda ko kasi, nagpapatuyo ako ng buhok ko, eh.” Napangiti
siya. “Binuhat
mo ko noh?”
Hindi
ito sumagot.
“Silence
means yes.” Mas lalong lumapad ang ngiti niya. “Thank you,
Jed.”
“Ang payat
mo pero ang bigat mo.”
“Mabigat
kasi ang mga buto ko.” Humalukipkip siya. “Aray!” Nahawakan
niya yung kanang braso niya. Syete!
Mukhang napilayan nga ko. Kanina pa ‘to masakit.
“Bakit?”
“Hah? Wala.
Pinulikat lang yung paa ko.” Hindi niya pwedeng
sabihin dito na napasama ang tama ng braso niya. Sesermunan na naman siya nito
panigurado. Na kesyo hindi siya nag-iingat. Bla-bla-bla.
Pagdating
na lang niya ng bahay, dederetso siya ng ospital. Mag-iisip na lang siya ng
dahilan kung anong nangyari sa braso niya. Kailangan niyang galingan ang arte
niya mamaya. Dapat yung pang-famas.
Aha! Alam ko na!
AnG kULit ng jEdnEa,,, kkaKiLig!!! At cONfirMed!!!! iNLuv n tLGa aq kEi jEd,,,
ReplyDeletehaha,binibiro din pala sila ng papito niya.. siguro,boto din yun kay jed..
ReplyDeletemgkasama silang natulog!! ,my gass! good thing she's not naked!! haha.. hndi nawala ung puri niya.. katangahan much lang shanea.. clumsy talaga and sort of a klutz.. hehe