Thursday, February 7, 2013

Following Your Heart : Chapter 21

CHAPTER 21
( Shanea’s POV )


“Anak ng tinolang kalabaw!” Napakislot siya sa kinauupuan niya ng biglang kumulog kasabay ng kidlat. Itinaas niya ang dalawang paa niya sa upuan ng kotse ni Jed at niyakap ang tuhod niya. “Makakauwi ba tayo nito?” Ang lakas kasi ng ulan sa labas. Sobrang trapik pa. Hindi pa sila nakakalabas ng Laguna nito. Tiningnan niya ang relo niya. Maghahating gabi na. Kanina pa sila sa kalsada.



May kinuha ito sa dashboard ng kotse nito. “Tawagan mo si Tita o si Tito.” Phone nito ang inaabot nito. Naiwan niya kasi ang phone niya kaya hindi niya matawagan ang mamita niya. Kinuha niya ang phone nito. “Sabihin mong stranded tayo dito.”


Idinial niya ang number ng mamita niya. Maya-maya ay may sumagot na sa kabilang linya. Ang Papito niya ang sumagot.


“Papito, si Shanea po ‘to.”


“Nasa’n na kayo ni Jed? Ang lakas ng ulan dito.”


“Laguna pa po. Ang lakas din po ng ulan dito. Naipit pa kami sa trapik.”


“Pakausap kay Jed.”


Nilingon niya si Jed. “Kausapin ka daw ni papito.” Kinuha nito ang phone sa kaniya.


“Tito, si Jed na po ‘to.” PAUSE. “Opo.” PAUSE. “Opo.” PAUSE. Nilingon siya nito. “Sige po. Ako ng bahala sa kaniya.” PAUSE. “Tito!”


“Uy! Bakit?” sabay kalabit dito. “Anong sinabi ni papito?” Hindi siya nito pinansin.


“Iuuwi ko po siya, Tito.” PAUSE. “Sige po, Tito. Salamat po.” Nilapag na nito sa dashboard ang phone.


“Uy! Bakit? Anong sinabi sa’yo ni papito?”


“Wag daw kitang itanan.”


Napalingon siya sa bintana. Si Papito talaga!


“Dito na daw tayo magpalipas ng gabi.”


Napalingon siya dito. “Dito sa kotse mo?”


Nilingon siya nito. “Maghahanap tayo ng pwedeng tulugan.”



* * * * * * * *



Inilibot niya ang tingin sa kwarto na inupahan nila ngayong gabi. Maliit lang ‘yon. Pero malinis naman.


“No choice tayo. Last room na ‘to. Masyadong malakas ang ulan sa labas para maghanap pa tayo ng iba na mas malaki at mas komportable dito. Sa kama ka na matulog. Ako na sa sahig.”


Nilingon niya si Jed na nakapameywang habang pinupunasan ang  basang buhok nito. Nabasa sila kanina pagbaba nila ng kotse. “Hindi naman ako nagrereklamo. Pwede ngang sa kotse na lang tayo.”


“Hindi komportableng matulog do’n.” May kinuha itong spare towel at inabot sa kaniya. “Maligo ka muna. May baon kang damit diba?”


“Ikaw muna. May baon ka ding damit diba?”


Napakamot ito ng noo. “Shanea. Gabi na at pagod na rin ako.”


“Sabi ko nga, maliligo na ko.” Kinuha niya ang towel dito at dumeretso ng banyo. Nakapagsabon na siya at nakapag-shampoo ng maalala niyang naiwan niya sa ibabaw ng kama ang back pack niya.


“Jed!”


“I know. Nasa tapat ng pintuan ng banyo ang bag mo.”


“Thank you!” Binuksan niya ng bahagya ang pintuan at inabot ang bag niya. Nakaunderwear na siya ng may kung anong malamig na kumapit sa likuran niya. “Aaaaaaaaahhhhhhhh!!!”


Nakarinig siya ng katok sabay ng pagbukas ng pintuan ng banyo. “Anong nangyari? Bakit—” Natigilan ito at napakurap habang nakatingin sa kaniya. Sa katawan niya! Dahan-dahan siyang napatingin sa tinitingnan nito. Natutop niya ang bibig niya. Naka-bra’t panty lang naman siya!


“Jed!” Mabilis itong umiwas ng tingin. Sa kisame ng banyo ito tumingin. Umatras siya at mabilis na kinuha ang towel na nakasampay sa likod niya. Sa pagmamadali niyang makuha ang towel, nadulas pa siya. “Aray!!!” Ang tanga ko talaga! Nilapitan naman agad siya ni Jed. “Waaah! Wag kang lalapit! Sa taas ang tingin!”


Hindi nito pinansin ang sinabi niya. Maygaligaliwaw! Nakita na naman niya ang katawan ko! “Ano ba kasing pinaggagawa mo?!” Tinulungan siya nitong tumayo. At gusto na niyang lumubog sa kinatatayuan niyu. Ito na ang kumuha ng towel at ibinalot sa katawan kaniya. Buti na lang at malaki ang towel. Umabot ‘yon sa kalahati ng hita niya. Hinawakan nito ang kanang braso niya.


“Aray!” Iniwas niya ang braso dito.


“Anong nangyari sa braso mo?”


“Tumama sa tiles kanina.” nakangiwing sagot niya.


Napailing ito bago siya alalayang lumabas ng banyo. “Kahit kailan ka talaga, Shanea!” inis na sabi nito.


“Kasalanan ko naman?!” Padabog na umupo siya sa kama habang hawak ang towel na nakabalot sa kaniya. “Ako na nga nasaktan, ako pa ang may kasalanan?! Ako na naman?! Ako na naman?! Pwede bang yung tiles na lang ang sisihin mo?!”


“Bakit ba kasi hindi ka nag-iingat?!”


“Bakit ba kasi pasok ka na lang pasok ng banyo?! Hindi pa nga ko tapos magbihis, eh!” Humiga siya sa kama at nagtalukbong ng kumot. Nakita na niya yung katawan ko, nadulas pa ako. Ang malas ko naman. Waaaahhh!


Matagal bago ito sumagot. “I’m sorry. Narinig kasi kitang tumili kaya napapasok na ko.”


Hindi siya sumagot.


“Shanea.”


“Matutulog na ko.” Nakakahiya talaga!


“Magbihis ka muna. At magpatuyo ka ng buhok.”


“Pagkapasok mo ng banyo saka ko magbibihis.”


Hindi na ito sumagot. Narinig na lang niyang nagsara ang pintuan ng banyo. Saka lang niya inalis ang kumot na nakatalukbong sa kaniya.


Nakakainis ka talaga, Shanea! Nakita na ni Jed ang katawan mo! Ang tanga mo talaga! Nakakahiya! Impit siyang tumili sa unan niya. Tumayo siya at lumapit sa salaming nando’n. Inalis niya ng bahagya ang towel na nakabalot sa kaniya. Halos makita na niya ang katawan ko sa suot ko, eh! Nagpapadyak siya. Hay naku!


Lumapit siya sa bag niya at kinuha ang sleeveless at short na baon niya. Nang akmang susuotin niya ang short niya ay napangiwi siya ng gamitin niya ang kanang braso niya. Masakit ‘yon. Mukha wala namang pilay. Nalamog lang. Sana lang. Patay siya sa papito at mamita niya kapag nagka-pilay siya.


Isinuot niya ang short niya gamit ang isang kamay niya. Nang ang sleeveless shirt na niya ang susuutin niya ay napangiwi siya. Ano ba namang gabi ‘to? Okay na sana, eh. Pinilit niyang isuot ang sleeveless niya kahit napapangiwi na siya sa sakit ng braso niya. Saktong naisuot na niya ng marinig niya ang pagtawag ni Jed.


“You’re done?”


“Oo.” Nag-indian seat siya sa sahig habang nakatapat sa electric fan, habang pinapatuyo ang buhok niya. Ramdam na niya ang antok ngayong nahahanginan pa siya. Maya-maya ay narinig niyang nagbukas ang banyo. Hindi siya lumingon. Nahihiya pa rin kasi siya, eh. Ibang usapan na ‘yong makita ang katawan niya ng iba. Kahit si Jed pa!


“Hindi ka ba nilalamig sa suot mo? Nakatapat ka pa sa electric fan.” sita nito.


“Makapal ang balat ko, eh. Kasing kapal ng kalabaw.”


“Shanea.”


“Okay lang ako.”


Matagal bago ito nagsalita. Mula sa gilid ng mata niya ay nakita niya itong umupo sa gilid ng kama. “I’m sorry kanina. Hindi ko naman sinasadya na makita ang katawan mo. Nakasuot ka naman ng—”


“Alam ko!” singit niya agad dito. Tumalikod siya ng upo dito. Kailangan talagang niyang ipaalala?


Napapikit na siya ng maramdaman niyang may pumatong na kung ano sa balikat niya. Kumunot ang noo niya. Pagtingin niya sa balikat niya, nakita niyang jacket ‘yon. Jacket ni Jed! Paglingon niya kay Jed, nakita niya na itong nakahiga sa kumot na nakalatag sa sahig. Hindi niya alam kung nakapikit na ito o hindi. Pasimple siyang umusad palapit dito, sinilip niya ang mukha nito. Nakapikit na ito. Susundutin sana niya ang ilong nito ng bigla itong magsalita.


“Shanea.”


Napangiti siya at mabilis na bumalik sa tapat ng electric fan. Ang lakas talaga ng pakiramdam. Napatingin siya sa jacket na nakapatong sa kaniya. Nakangiting isinuot niya ‘yon.



* * * * * * * *



( Jed’s POV )


Fifteen minutes na simula ng humiga siya sa kumot na nilatag niya sa sahig habang pinakikiramdaman si Shanea. Akala siguro nito tulog na siya. Dahan siyang bumangon para lang makitang nakahiga na ito sa sahig. Napailing na lang siya. Mukhang nakatulugan nito ang pagpapatuyo sa buhok nito.


Lumapit siya dito. Napangiti siya ng makitang ang himbing ng tulog nito. Dahan-dahan niya itong binuhat at inilipat sa kama.


“Hmm...” Tumagilid ito ng higa paharap sa kaniya. Namaluktot pa ito.


Napailing siya. “Kasing kapal daw ng kalabaw ang balat. Sinong niloko mo?” Izinipper niya ang jacket niyang suot nito nang mapatapat siya sa dibdib nito. Naka-sleeveless lang kasi ito kaya... Napalunok siya. Parang replay na bumalik sa alaala niya ang nangyari kanina sa banyo ng makita niya itong... He cleared his throat.


Ano ka ba naman, Jed! Ano ba ‘yang iniisip mo?


Kinumutan na niya ito at pinagmasdan. “Masasabi ko din sa’yo, Shanea...” Hinaplos niya ang buhok nito bago bumalik sa higaan niya. Kaya lang, hindi pa siya nakakapikit ng may marinig siya. Natampal niya ang noo niya.


“Shanea naman.”


Mukhang sobrang napagod ito kanina sa amusement park kaya ang lakas ng HILIK nito. Kinuha niya ang unan niya at itinakip sa tenga niya. Makatulog sana ko.



* * * * * * * *



( Shanea’s POV )

“Jed, bakit parang inaantok ka pa? Hindi ka ba masyadong nakatulog?” Kanina pa kasi ito hikab ng hikab habang nagda-drive. Pauwi na sila nito.


Tiningnan lang siya nito pero hindi ito sumagot. Nagkibit-balikat na lang siya. Tumingin siya sa bintana. Umuulan pa rin pero hindi naman masyadong malakas. “May bagyo siguro. Sabagay ilang lingo na lang, June na. Pasukan na naman. Kailangan ko na pa lang mag-enroll.”


“Enroll?”


Nilingon niya ito. “Yap. Mag-aaral ako ng culinary arts.”


Tumango-tango lang ito, nang mapahikab na naman ito.


Napangiti siya. “Ang cute mo namang humikab, Jed.”


“Ikaw.”


“Anong ako?”


“Ang ingay mong matulog.”


“Ano? Nagsasalita ba ko habang tulog?”


“Hindi.”


“Eh, ano?” Natutop niya ang bibig niya nang may ma-realize siya. “Don’t tell me?” Humilik ba ko?


Tumango ito.


Nag-peace sign siya dito. “Sorry, Jed. Hindi ka pala nakatulog sa hilik ko. Hindi naman talaga ko humihilik, eh. Isang beses, isang taon lang.” Nang may maalala siya. “Teka, nakatulog ba ko sa sahig kagabi?”


“Ewan ko.”


Kumunot ang noo niya. “Sa pagkakatanda ko kasi, nagpapatuyo ako ng buhok ko, eh.” Napangiti siya. “Binuhat mo ko noh?”


Hindi ito sumagot.


“Silence means yes.” Mas lalong lumapad ang ngiti niya. “Thank you, Jed.”


“Ang payat mo pero ang bigat mo.”


“Mabigat kasi ang mga buto ko.” Humalukipkip siya. “Aray!” Nahawakan niya yung kanang braso niya. Syete! Mukhang napilayan nga ko. Kanina pa ‘to masakit.


“Bakit?”


“Hah? Wala. Pinulikat lang yung paa ko.” Hindi niya pwedeng sabihin dito na napasama ang tama ng braso niya. Sesermunan na naman siya nito panigurado. Na kesyo hindi siya nag-iingat. Bla-bla-bla.


Pagdating na lang niya ng bahay, dederetso siya ng ospital. Mag-iisip na lang siya ng dahilan kung anong nangyari sa braso niya. Kailangan niyang galingan ang arte niya mamaya. Dapat yung pang-famas.


Aha! Alam ko na!


2 comments:

  1. AnG kULit ng jEdnEa,,, kkaKiLig!!! At cONfirMed!!!! iNLuv n tLGa aq kEi jEd,,,

    ReplyDelete
  2. haha,binibiro din pala sila ng papito niya.. siguro,boto din yun kay jed..

    mgkasama silang natulog!! ,my gass! good thing she's not naked!! haha.. hndi nawala ung puri niya.. katangahan much lang shanea.. clumsy talaga and sort of a klutz.. hehe

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^