Monday, February 18, 2013

Following Your Heart : Chapter 22


CHAPTER 22
( Shanea’s POV )

Nakarinig siya ng katok. “Shasha.”


Lumingon siya mula sa pagkakayuko sa file cabinet. Nandito siya ngayon sa Shahiro. “Bakit, Hiro?”


“Wala lang.” Umupo ito sa gilid ng table.


“Weh? Mero’n, eh.” tanong niya habang naghahalungkat sa cabinet. Ang hirap talaga kapag hindi ka kaliwete tapos hindi mo magamit ang kanang kamay mo.


“Ano ba talagang nangyari sa braso mo?”


“Diba sinabi ko na? Nadulas ako sa banyo kahapon. Kaya nga hindi ako nakapasok, eh.” Hindi na muna siya pinapasok ng mamita niya.


“Hindi, eh.”


Napalingon siya dito. “I’m not lying.” nakangiting sabi niya.


“You are.”


Yes, I am. Pero syempre hindi ako aamin.


- F L A S H  BA C K –

Hinatid niya si Jed sa labas ng bahay matapos nitong kausapin ang mamita at papito niya. “Bye, Jed. Ingat ka sa byahe, ah.”


“Dyan lang ako sa kabilang block.”


“Sabi ko nga, dyan ka lang sa malapit.”


“Pumasok ka na.”


“Okay. Saka ko na ibabalik ‘tong jacket mo, ah. Peram muna.”


“Ba’t parang—


Umatras siya palayo dito. Mukhang napansin nito ang mukha niya. “Ba-bye, Jed!”


Saglit na kumunot ang noo nito bago lumabas ng gate nila. Saka lang nawala ang ngiti niya at napalitan ng ngiwi. Pumasok na siya ng bahay. Nasa sala pa ang mamita at papito niya.


“Papasok ka ba?” tanong ng papito niya.


“Opo, papito. Akyat na po ko at magbibihis pa ko.”


“Ba’t ganyan ang mukha mo?”


Nakapag-isip na siya ng idadahilan niya kung sakaling mapansin ng mga ito ang mukha niyang distorted na ata. “Tumama po sa gate yung paa ko. Ang sakit.”


“Mag-ingat ka kasi.”


“Opo.” Umakyat na siya ng kwarto niya. Hinubad agad niya ang jacket na suot para lang mapangiwi ng todo. Kasabay ng panlalaki ng mata niya. “Oh my God!” Ang braso niya! Parang kulay talong na yung part ng braso niyang tumama sa tiles kagabi ng madulas siya sa banyo.


Hindi na niya magawang maligo. Nagbihis na lang siya at tiniis ang sakit ng kanang braso niya. Pagbaba niya ng sala, naabutan niya ang kasambahay nila. “Manang, si mamita po?”


“Umalis saglit. Pumasok na din ang papa mo.” Napahinto ito sa ginagawa nito. “Okay ka lang ba, Shanea?”


“O-okay lang po.”


“Goodmorning!”


“OUCH!!” Napahiyaw siya sa sakit ng tapikin ng kung sino man ang braso niya. Paglingon niya, si King ang nalingunan niya. “Ano ba!”


“Parang tinapik ka lang, eh.”


“Masakit ang braso ko...” nakangiwing sabi niya.


“Shanea? Okay ka lang ba? Bakit parang namumutla ka?”


“P-pwede bang...pakitawag ako ng tricycle, King? P-pupunta ako ng hospital...” Ang sakit-sakit na ng braso ko!


“Bakit?Anong gagawin mo sa ospital?"


“Mamamalengke..."


 "Ano nga?"


"N-nadulas ako sa banyo kanina. T-tumama ‘tong braso ko...”


“Ipagda-drive na lang kita.”


* * * * * * * *


“Ano ba talagang nangyari sa braso mo?”


“Kuya, nadulas nga siya sa banyo kanina. Paulit-ulit?” Si King ang sumagot.


 Tapos ng asikasuhin ang braso niya. To make the long story short, sermon ang inabot niya kay Aeroll pagdating niya ng ER kung sa’n ito naka-duty. Nurse ito sa hospital na pinuntahan nila ni King.


Naka-sling ang braso niya ngayon. Ilang araw lang naman bago niya pwedeng tanggalin ang sling na ‘yon sabi ng doctor. In short, medyo masama ang lagay ng braso niya. Medyo lang naman para sa kaniya. At dahil ‘yon sa hinayaan lang niya ang braso niya at hindi agad dinala sa hospital.


Pero syempre, ang alam nilang lahat, kanina lang siya nadulas sa banyo. Doctor lang na umasikaso ang sinabihan niya kanina. At ngayon, kinukulit siya ni Aeroll.


“I’m not talking to you, King. Sinabihan ka na ni papa na wag ka nang gagamit ng kotse diba?”


“I know. Alangan namang pabayaan ko si Shanea kanina na mamatay sa sakit?”


Hindi nakakibo si Aerol. “Iwan mo muna kami, King.”


“Okay. Lilibutin ko muna ‘tong buong hospital. By that time siguro, tapos na kayong mag-usap.” Pasipol-sipol na umalis ito.


Binalingan siya ni Aeroll. “Ano ba talagang nangyari sa braso mo?”


“Nadulas ako sa banyo kanina.”


“Bakit naman namaga ng gano’n at kasing kulay na ng talong kanina?”


“Hindi ko alam , eh. Bakit nga ba, Nurse Aeroll?”


Napailing ito. “Magkasama kayo ni Jed kahapon diba?”


“O-oo.”


“What happened yesterday?”


“Ang dami naming sinakyan na rides, Aeroll! Tapos pumasok pa kami sa horror house! Grabe, takot na takot talaga ko! Pero all in all, sobrang saya! Sana nga sumama kayo ng prinsesa mo. Pati nina Kuya Harold at Ate Cath.”


“I’m not asking about that.”


“Eh, ano?”


“You know what I mean.”


“Hindi, eh.”


Hindi na ito nagtanong pa. Nakahinga siya ng maluwag. Ligtas na ko! Yey!


“Lagot ka kina mama.”


Patay!

- E N D  O F  F L A S H  B A C K –


“Shasha.”


“Hah? Ano uli ‘yon, Hiro?”


“Kung ano talagang nangyari sa braso mo?”


“Nadulas nga ako.” Na totoo naman. Edited nga lang kung kailan siya nadulas.


Sumeryoso ang mukha nito. “The truth.”


May alam ba ‘to? “Ano kasi...”


“Hindi mo naman kailangang sabihin. Alam na alam ko.”


Hindi na siya nakasagot hanggang sa umayos ito ng tayo at lumapit sa pintuan para lumabas.


“Hiro.”


Hindi ito lumingon. “Kailan ka pa nagsinungaling, Shanea?”


“Hindi naman...” Iyon na lang ang nasabi niya dahil lumabas na ito ng office. Nakagat niya ang labi niya. “Galit kaya siya? Hindi ako sanay na galit siya.”


“Got you.” Napalingon siya sa pintuan. Nakabukas na ‘yon. At kita niya si Hiro na tawa ng tawa.


“Wala ka talagang magawa.” Pero nakahinga siya ng maluwag. Akala niya, totoong nagdududa na ito sa dahilan niya.


“Hahahaha... Pwede na ba kong pumasang artista? Tanggapin ko na kaya yung offer sakin ng mga talent scout na lumalapit sakin?”


“Sige, tanggapin mo na. Nang dalhin ka lang nila sa patay-sindi.”


“Patay-sindi?”


“Kunwari pa ‘to. Parang hindi alam.”


Maarteng niyakap nito ang sarili nito. “Oh My God, Shasha! Wag mo ngang i-pollute ang utak ko.”


“Matagal ng pollute ang utak mo.”


“Na ikaw ang dahilan.”


Ang lakas ng tawa niya. “Kapal ng mukha mo!”


Tawa pa sila ng tawa ng marinig nilang may kumatok.


“Sino ‘yon?” tanong nito.


“Baka yung talent scout na hinihintay mo. Dadalhin ka na ata sa patay sindi.”


“Teka, gwapo pa ba ko?”


“Mukhang ka pa ring kwago.”


“Kwago?”


“Gwapo pala.”


Binuksan na nito ang pintuan sabay sabing, “Dadalhin mo na ba ko sa patay sindi?”


Pigil ang tawa niya ng makita niya si Nadine sa labas ng pintuan. Kita niya ang pamumula ng mukha nito.


“Sir...”


“Nads, I‘m just kidding.” Pansin ninyo? Mahilig magbigay ng nickname si Hiro sa mga tao sa paligid nito. Kung siya ay Shasha. Si Nadine ay Nads. Nilingon siya nito. “Si Shasha kasi.”


“Why me?”


“Sabi mo dadalhin ako sa patay-sindi ng talent scout.”


“Mukha bang talent scout si Nadine?” Binelatan niya ito.


Napakamot ito ng ulo bago balingan si Nadine. “I’m just kidding, Nads.”


“Okay lang, Sir.”


“Ano nga palang kailangan mo?”


“May naghahanap po kasi kay Ma’am Shanea.”


“Sino?” Napatayo siya sa pagkakaupo niya at lumapit sa nakabukas na pintuan.


“Si Sir Jed po.”


As if on cue, lumitaw si Jed mula sa gilid. Nakatago pala ito kaya hindi niya ito nakita kanina. Mukhang hindi rin ito napansin ni Hiro.


“Jed.” Nakatingin ito sa braso niya. Patay!


“Can i talk to her for a while?” tanong nito kay Hiro.


Tiningnan muna siya ni Hiro bago sumagot. “Oh, sure. Dito na lang kayo mag-usap sa office, lalabas na lang ako.” Lumabas ito sabay akbay kay Nadine. “Tayo na lang ang mag-usap, Nads.”


“Sir...”


“Tatangapin mo na kasi yung offer ko na maging secretary ko pag pumasok na sa school si Shasha this June.”


Nawala ang pagkakaakbay ni Hiro kay Nadine dahil tinanggal ‘yon ng napadaang si Zelinn. “Tsansing ka naman Sir Hiro.” Napalingon ito sa gawi nila ni Jed. “Hi, Jed.”


Tinanguan lang ito ni Jed.


Nagkibit-balikat si Zelinn bago balingan si Hiro. “Ako na lang ang kunin mong secretary, Sir Hiro.”


“Ayoko.”


“And why? I’m you’re cousin.”


“Yes, you are my cousin. But still business is business.”


“So, you are telling me that I’m not qualified for the position?”


“Yes.” Si Kevin ang sumagot na bigla na lang sumulpot sa kung saan.


Napailing na lang siya. Mukhang mahabang debate na naman ang mangyayari. Binalingan niya si Jed. “Let’s talk inside.” Sumunod naman ito sa kaniya.


“Why didn’t you tell me na masama ang pagkakatama ng braso mo nung linggo?” bungad agad nito matapos isara ang pintuan.


“Let me correct that. Kahapon ako nadulas. At paano mo nalaman ang nangyari sa braso ko? Manghuhula ka ba?”


“I’m serious here.”


“Seryoso ako. Kanino mo nga nalaman? Ah, sa bestfriend mo noh?”

 
* * * * * * * *


( Jed’s POV )

Kausap niya ang pinsan niya tungkol sa business na itatayo nila nang mag-ring ang phone niya. Nag-excuse muna siya sa pinsan niya bago sagutin ang tawag.


“Hello, Aeroll. Bakit?”


“Did I disturbed you? May itatanong lang sana ko.”


“Okay lang. Ano ba ‘yon?”


“About Shanea.”


Napaderetso siya ng tayo. “About her? Why? Anong nangyari?”


“Magkasama kayo nung Sunday diba. May nangyari ba sa kaniya? Nadulas ba siya? Or tumama sa kung saan yung braso niya?”


Nadulas. Naalala niyang nadulas nga ito. “Why, pare? Anong nangyari sa braso niya?”


“Dinala siya sa hospital ni King kahapon. Kung nakita mo lang yung itsura niyang putlang-putla at ang itsura ng braso niyang tumama sa kung saan. Halos mamaga na at kulay talong na.”


“May fracture ang braso niya?”


“Buti na lang wala. Pero hindi man lang niya nalapatan ng first-aid. I didn’t believe her when she told me na kahapon lang nangyari ‘yong nadulas siya. She’s lying. Pati kina mama nagsinungaling siya. Hindi ako sanay na magsinungaling si Shanea. So, I just want to ask you. Anong dahilan at natiis niya ang sakit magdamag hanggang umaga at hindi sinabi sa’yong sumasakit na ang braso niya?”


“I...I don’t know.” He sighed. “Tatawagan na lang kita, pare.” He hanged up the phone.


Shanea!! Ano na namang ginawa mo?! Why didn’t you tell me na sumasakit na pala ang braso mo?!


Nagpaalam siya sa pinsan niya at pinuntahan si Shanea sa Shahiro. Naabutan pa niya itong nakikipagtawanan sa kung sino. Dahil abot hanggang labas ng office ang tawanan ng mga ito. Kumunot ang noo niya mabosesang lalaki ang katawanan nito. Hindi na siya nagtaka ng makitang si Hiro ang kasama nito sa loob ng office.


May gana pa talagang tumawa ng tumawa!             


Lumabas ng office si Hiro. Pinapasok naman siya ni Shanea.


“Why didn’t you tell me na masama ang pagkakatama ng braso mo nung linggo?” tanong agad niya pagkasara ng pintuan.


“Let me correct that. Kahapon ako nadulas. At paano mo nalaman ang nangyari sa braso ko? Manghuhula ka ba?”


May gana pa talagang magbiro. “I’m serious here.”


“Seryoso ako. Kanino mo nga nalaman? Ah, sa bestfriend mo noh?”


“It doesn’t matter. Bakit hindi mo sinabi sakin na sumasakit na ang braso mo nung nasa byahe tayo?”


* * * * * * * *


( Shanea’s POV )

“Hindi naman masyadong masakit. Ilang araw lang kaya ‘to. Saka okay na ko.” nakangiting sabi niya.


“Hindi ‘yon ang point ko.”


“Eh, anong point mo?”


“Can you please stop acting like you don’t know what I’m talking about?!!!”


Nawala ang ngiti niya. “Sinisigawan mo na naman ba ko? That’s my reason, Jed kung bakit hindi ko sinabi sa’yo. Dahil sisigawan mo na naman ako!”


Mas lalong nagsalubong ang mga kilay nito. “Dahil ayaw mo lang na sigawan kita kaya natiis mo yung sakit?!”


“Oo! Kesyo ang tanga ko. Kesyo hindi ako nag-iingat. ‘Yon na naman ang sasabihin mo!”


“Ano bang klaseng dahilan ‘yan?!”


“’Bakit? May iba't ibang klase ba ng dahilan?”


Matagal bago ito sumagot. “Binilin ka sakin ni Tito. Ano na lang ang sasabihin niya pag nalaman niyang hindi ko man lang napansin ang nangyari sa braso mo? Paano kung na-fracture na pala ang braso mo, tapos hindi mo man lang sinasabi sakin?”


“So, si papito lang pala ang dahilan kaya ka nagagalit sakin ngayon?” Nasaktan siya. Hindi pala ‘to nag-aalala sa nangyari sa braso niya. “Don’t worry, Jed, walang silang alam. Kaya wag ka nang magalit. Hindi ka nila mapapagalitan katulad ng ginagawa mo sakin ngayon.”
 

Napailing ito. “Hindi kita maintindihan.”


“Kailan mo ba ko naintindihan? Three years na ang lumipas pero ganyan ka pa rin sakin. Konting mali ko lang, sermon agad ang inaabot ko sa’yo. Sawang-sawa na ko sa panenermon mo.”


“Dahil hanggang ngayon, para ka pa ring batang mag-isip.”


“Ayaw mo naman pala ng ugali kong isip bata, eh. Edi okay. Simula ngayon, wag ka ng lalapit sakin.”


“Anong...” Halatang nabigla ito sa sinabi niya. Maski siya nabigla din.


“Huwag mo na kong lalapitan.” Pinanindigan na niya ang una niyang sinabi.


Ang sama ng mukha nito bago walang sabing tinalikuran siya. Nanghihinang napaupo na lang siya sa couch ng tuluyan itong makalabas.


“Isa lang naman ang gusto ko, Jed, eh...” Hindi niya mapigilang mapaiyak. “Gusto ko lang naman na mag-alala ka sakin... Hindi yung sinisigawan mo agad ako...”

 * * *



4 comments:

  1. ((Maka-Jed ako for Shanea))

    ((Pero nakakainlove si Hiro))

    ((He's so cute))

    ReplyDelete
    Replies
    1. JedNEa diN aq,,, sAatin n LNg c hiRo noH,,, hwAhehE,,,

      Delete
    2. anong saatin na lang?? ibigay nyo na lang sakin si fafable hiro! mas bagay kami! hahah ^_ peace* he is so damn adorable!!!

      Delete
    3. haha, demi, sis, lahat na kinuha mo ah, sino ba talaga sa kanila? hahaha ^______^

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^