Monday, February 18, 2013

Love at Second Sight : Chapter 46


CHAPTER 46
( Princess’ POV )


 Ilang minuto pa lang simula ng makatulog si Aeroll. Habang siya nakatutok ang mga mata sa laptop niya. Patapos na siya sa nobela niya. Napakislot pa siya ng kumidlat ng malakas. Mas lalong lumalakas ang ulan sa labas.


“Hindi ako makatulog.”


Nagulat pa siya ng biglang magsalita ang nakahigang si Aeroll sa tabi niya. Tiningnan niya ito. Nakapikit pa din ito. “Akala ko ba tulog ka na?”


“Sinong nagsabi?”


“Hindi ka na nagsalita kaya kala ko tulog ka na.”


Ano ba ‘yan! Buti na lang hindi ako nagsalita kanina habang kinukumutan ko siya.


“Ang totoo, inaantok na talaga ko. Hindi lang ako makatulog.”


“Bakit?”


Dumilat ito. “Dahil sa’yo.” Ngumiti ito. Para naman siyang namagnet sa ngiti nitong ‘yon. Hindi niya magawang umiwas ng tingin kung hindi lang uli ito nagsalita. “Sige na. Continue what you’re doing.” Pumikit uli ito.


“O-okay.” Tinutok uli niya ang atensyon sa laptop niya.


“Ang totoo, inaantok na talaga ko. Hindi lang ako makatulog. Dahil sa’yo.”


Iniling niya ang ulo niya. Concentrate on your work, Princess. Concentrate.


Okay.


Nagsimula na siyang mag-type. Ilang sentence na lang ang ita-type niya ng sa wakas ay natapos na din siya. Nakangiting ishinotdown niya ang laptop niya ng biglang...


“I miss you babe...”


Napalingon siya kay Aeroll. Nakapikit pa din ito. Hindi niya alam kung nagsalita lang ba ito o...


“Girl i know i been busy didn't get to talk
 But don't let your head play them games with your heart...”


He’s singing! At ang ganda...


“Its been a little crazy doing what i do
But i just cant wait to get home with you...”


Ang ganda ng boses nito! Partida pa dahil nakahiga ito. At dahil nga nakapikit ito, malaya niyang napagmamasdan ang mukha nito.


“I know its been hard me not being there
Baby i don't want you thinking that i really don’t care
And i know that your feeling like i'm being unfair
But your love is with me everywhere...”


Parang hindi niya naririnig ang malakas na ulan sa labas. Mas aware siya sa sa boses nito. Sa pagkanta nito. Sa lyrics ng kinakanta nito. Parang slow motion tuloy sa mga mata niya ang pagdilat nito.


Napalunok siya. Parang gusto niyang mainis! Mainis dito dahil ang ganda ng boses nito! And she was mesmerized by the way he sang that song she doesn’t even know. Kahit ano pang title no’n, basta ang ganda!


“When i dream i think of you
Breath i think of you
All day i think of you
Give all my love to you my PRINCESS
Swear it’s true all i do is think of you...”


[ A/N : Try ninyo pong pakinggan yung kinanta ni Aeroll. Madalas ko ‘yang i-iplay nung time na inamin na ni Aeroll kay Harold na na-fall siya kay Princess. I THINK OF YOU ang title by TAJ JACKSON. I changed the last part, it should be BABY BOO. Ginawa lang ni Aeroll na PRINCESS. ^____^]


Syete naman oh! Umangat ang kamay nito papunta sa mukha niya. “Mas lalo ba kong gwumapo sa paningin mo, prinsesa?” nakangiting tanong nito.


Dinaan niya sa biro ang nararamdaman niya. “Mas lalo kamong lumakas ang ulan sa labas. Mukhang magtatagal pa ang bagyo dahil—AYY!!” Biglang kumidlat ng malakas kasabay ng BROWNOUT! “...dahil sa boses mo.”


“Okay ka lang prinsesa?” Sa halip ay tanong nito. Bumaba ang kamay nito sa balikat niya.


“Okay lang.” Hindi niya ito makita sa dilim. “Hindi naman ako takot sa dilim.”


“May stock ka ba ng kandila dito?”


“Mero’n sa kusina. Ako ng kukuha.” Tatayo na sana siya ng pigilan siya nito.


“Ako na. Dito ka lang. Madapa ka pa.”


“Hindi ako lampa noh!”


“Basta ako na. Sa’n banda nakalagay?”


“Sa upper cabinet. Pinakadulo sa left side.”


“Okay.” Naramdaman niyang tumayo ito. Narinig pa niya itong napa- “Aray! Bwisit!” Mukhang tumama ang paa nito sa kung saan.


Natawa siya. “Sabi ko na sa’yo, ako na lang, eh. Kabisado ko ‘tong bahay kaya hindi ako madadapa kahit wala akong makita.”


“Ako na lang.”


“Bahala ka.”


“Meeooww!”


“Ano ba ‘yong naapakan ko?!”


“Ngumiyaw nga diba? Malamang pusa.” Tinawag si Miming. “Swishswishswish...” Mabilis naman na lumapit sa kaniya si Miming. Naramdaman niya ito sa tabi ng paa niya. “Sa’n ka naapakan, Miming? Masakit ba?”


“Inalala pa yung pusa.” Narinig niyang sabi ni Aeroll. “Muntik na nga kong kalmutin, pusa pa talaga yung inalala.”


“Mahal ko ang pusa ko.”


“Kung isama ko din kaya ‘yang ihagis sa labas ng bintana mo kasama ng laptop mo?”


“Subukan mo lang.”


Hindi na niya ito narinig na sumagot. Saka lang niya naalalang pwede niyang gamitin ang liwanag ng laptop niya. Bitbit ang laptop niyang ini-on niya, sumunod siya sa kusina.


“Kumanta lang ako, nag-brownout na. Eh, ang ganda naman ng boses ko...”


Napangiti siya sa pagmamaktol nito. “Aeroll.”


Nagulat pa ito ng mapalingon sa kaniya. “Kakagulat ka naman.”


Lumapit siya dito. Itinapat niya ang liwanag ng laptop niya sa cabinet. “O ayan. Kunin mo na yung kandila. Baka abutin ka pa ng siyam-siyam dyan., eh.”


“Pwede naman palang gamitin ‘to, pinahirapan pa ko...” bulong nito. “Gusto pa kong matalisod at makagat ng pusa niya...”


Napangiti siya. Nagpresinta pa kasi. “May sinasabi ka ba, Aeroll?”


“Wala. Nakuha ko na kako yung kandila.”


Dala ang kandilang sinindihan nito ay bumalik sila ng sala. Umupo ito sa tabi niya. “Hindi natin pwedeng iwang nakasindi ‘to pag matutulog na tayo. May pusa ka pa naman dito. Baka magising na lang tayo, tusta na tayo.”


“Kapag brownout dito at nagkakandila ko, pinapatay ko naman kapag matutulog na ko.” Napahinto siya ng marealize ang sinabi nito kanina. “Teka, anong matutulog tayo? Dito ka matutulog?”


“Oo.” Nagulat siya ng humiga ito sa hita niya. Humikab ito. “Papauwiin mo pa ba ko ng lagay na ‘to?” Pumikit ito. “Hindi ko na talaga kaya, prinsesa.”


“Ang alin?” Umangat ang kamay nito sa mukha niya. Napalunok siya. Ano naman kayang iniisip nito? Napunta ang kamay nito sa batok niya. “Ano na naman?”


“Wala naman akong gagawin, ah.” painosenteng sabi nito. Dahan-dahan nitong hinila pababa ang mukha niya. Hanggang isang danggkal na lang ang layo ng mukha niya dito.


“Aeroll.” Bakit ba kasi hindi niya magawang pumalag sa ginagawa nito?


“Wala akong gagawin.” Pinaningkitan niya ito ng mata. Nginitian lang siya nito. “I love you, Princess.” Kasabay ng pagpikit nito.


Inalis nito ang kamay  nito sa batok niya. Sa halip ay kinuha nito ang kamay niya at iniyakap sa bandang leeg nito. Akala ko hahalikan na naman niya ko.


Nawili ka naman, Princess. singit ng kabilang isip niya.


Hindi.


Hinayaan na lang niya ito. Napangiti siya habang pinagmamasdan ito. Hindi niya alam kung ilang minuto sila sa gano’ng ayos ng marinig niya itong mahinang naghihilik. Tulog na.


Pero sinubukan niya kung talagang tulog na nga ito. Pinitik niya ang ilong nito. Idinilat niya ang isang mata nito. Wa effect! Tulog na ang mokong.


Nang biglang may nag-ring na phone. Hindi sa kaniya ‘yon kaya malamang kay Aeroll ‘yon. Dahan-dahan niyang inabot ang phone nitong nakalagay sa center table para lang magulat sa tumatawag. Ang mama ni Aeroll! Hindi niya tuloy alam kung gigisingin ba niya si Aeroll o siya na ang sasagot sa tawag. Tiningnan niya si Aeroll. Naawa naman siya kung bubulabugin niya ang pagtulog nito. Napilitan tuloy siyang sagutin ang tawag ng mama nito.


“Aeroll! Where are you?” Hindi naman ang galit ang boses kaya nakahinga siya ng maluwag.


“Goodevening po.”


Matagal bago sumagot ang nasa kabilang linya. “Sino ‘to?”


“Ahm, kaibigan po ko ni Aeroll. Natutulog na po kasi siya.”


“Natutulog? Sa bahay mo?”


“Ay! Hindi po katulad ng iniisip ninyo. Ano po kasi...pumunta lang po siya kanina dito... I’m sorry po...kasalanan ko po...nag-alala lang po si Aeroll na dahil bagyo, wala pa kong kasama dito sa bahay... Ibig ko pong sabihin, mag-isa lang po kasi akong nakatira dito sa bahay kaya napasugod siya dito... Sorry po talaga... Gusto ko po sanang gisingin si Aeroll kaya lang mukha mo pa siyang pagod... I mean pagod po sa seminar na pinuntahan niya kanina. Sorry po talaga kung nag-alala kayo...”


Nakagat niya ang labi niya habang hinihintay ang sagot ng mama ni Aeroll. Naku patay! Baka nagalit.


“Is this Princess?” sa halip ay tanong nito.


“Po?” Bakit niya ko kilala?


“Si Princess na bestfriend ni Cath na girlfriend ni Harold?”


“Yes po. Paano ninyo po...” Paano nga ba siya nito nakilala?


“I heard so much about you, iha.” Sumaya ang tinig nito.


“Talaga po?” Sinong nagkukwento ng tungkol sa kaniya dito? Si Aeroll?


“Yes, iha. Nakwento ka sakin ni Harold.” Hindi pala si Aeroll. Si Harold daldal pala. “Pero hindi ibig sabihin na hindi ka din kinukwento ni Aeroll.”


Napangiti siya. “Talaga po?”


“Yes, iha. Naku, baka nakakaistorbo na ko. It’s already late. May I ask you a favor, iha?”


Kinabahan siya. “Yes po. Ano po ‘yon?”


“Pwede bang dyan muna patulugin sa bahay mo si Aeroll? Nag-aalala kasi ako kung uuwi pa siya. Delikado na sa daan dahil malakas ang ulan. Hindi pa niya dala yung kotse niya dahil iniwan niya kanina para hindi namin mahalatang umalis siya. Ang batang ‘yon talaga.”


“Sorry po talaga...”


“Naku, iha. Don’t be sorry. Okay lang ba sa’yo na dyan muna matulog si Aeroll? Goodboy naman yung anak kong ‘yon. May pagkapilyo lang minsan.”


Parang gusto niyang kumontra. Lagi kaya.


Hindi na siya nagdalawang-isip sa favor nito. Tutal naman, tulog na din si Aeroll. “Okay lang po.”


“Salamat, iha. O sige, ibababa ko na ‘to. I’m looking forward to see you soon.”


Napatingin na lang siya sa phone matapos magpaalam ng mama ni Aeroll. Napangiti siya bago tingnan ang natutulog na si Aeroll. “Mukhang mabait ang mama mo, ah. Namiss ko tuloy si mama.”


Ibababa na sana niya ang phone sa center table ng mag-ring uli ‘yon. May message na dumating. Hindi niya ugaling magbasa ng message ng iba pero na-curious siya ng makita ang name na nagregister sa screen.


‘You know how much I love you, Aeroll. Ikaw lang ang lalaking minahal ko ng ganito. By the way, thank you for the kiss yesterday.


Para siyang napako sa kinauupuan niya.


Parang huminto sa pagtibok ang puso niya.


Parangg naninikip ang dibdib niya.


Parang hindi siya makahinga.


Hindi lang parang, dahil nangyayari talaga.


Napahigpit na lang ang hawak niya sa phone ni Aeroll. Wala sa loob na in-erase niya agad ang message na nabasa niya.


Sino ang babaeng ‘yon?


Sino si Chariz?


The ‘I love you’.


The kiss.


Anong ibig sabihin no’n?


Nanggaling ba talaga si Aeroll sa seminar?


O...


Hindi niya alam pero mas lalong nanikip ang dibdib niya ng may biglang pumasok ng isip niya.


Dahan-dahan niyang inalis ang pagkakaunan ni Aeroll sa hita niya. Kinuha niya ang laptop niya at umakyat ng kwarto niya. Dahil madilim, muntik pa siyang madapa sa pagmamadali. Pagkasaradong-pagkasarado ng pintuan ng kwarto niya, napahawak agad siya sa dibdib niya.


Text lang ‘yong nabasa niya pero... “Bakit ganito? Ang sakit...”

* * *



3 comments:

  1. OUch,,, nSsaKtAn diN aq,,, aNg saKit s pkirAmdAm atEy hA,,, fEeL q c prinCess,,,

    ReplyDelete
  2. ayieeehh.. kilig much!!! naku hndi lang yan pilyo si aerol,mei pgkamanyak din pgdating kay princess.. hahaha..

    Chariz?? name pa lang,ang landi na ha.. hehe.. ouchie nman!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^