Monday, February 18, 2013

Love at Second Sight : Chapter 45


CHAPTER 45
( Princess’ POV )


Napakislot siya ng biglang kumidlat. Mula sa pagkakayuko sa laptop niya, napatingin siya sa bintana ng kwarto niya. Ang lakas ng ulan sa labas. Tatlong araw ng umuulan pero ngayon ang pinakamalakas. Ang sabi sa balita, may bagyo daw. Malapit na kasing mag-June kaya naglalabasan na ang mga bagyo. “Kailan ka ba aalis na bagyo ka, hah?
  

Bilang sagot ay kumidlat na naman.


“Nice answer, huh.”


Sinimulan niya uli mag-type ng nobela niya ng kumalam ang sikmura niya. Tiningnan niya ang relo niya, 9pm na. Isi-nave muna niya ang ginagawa niya bago bumaba sa kusina bitbit ang laptop niya. Nilapag niya ‘yon sa center table sa sala bago dumeretso ng kusina.


Bitbit ang pagkain niya, bumalik siya ng sala. Sa sala niya nakasanayang kumain simula no’ng college pa siya. Pwera na lang kung may kasabay siyang kumain, sa kusina siya kumakain.


“Miming...shwihshwihshwih...kain na tayo.” Hindi pa pala ito kumakain. Mukhang nagugutom na din ang alaga niyang pusa. “Nasa’n na kaya ‘yon?” Dati, isang tawag lang niya dito lumalapit na agad ito. “Shwihshwihshwih... Miming...” Mula sa labas ng bahay ay nakarinig siya ng ngiyaw. Lumapit siya sa pintuan at binuksan ‘yon. Biglang pumasok ang pusa niya. Napailing siya. “Anong ginagawa mo sa labas, Miming? Ikaw talaga, gabing-gabi na at may bagyo na, nasa galaan ka pa talaga.”


“Meeoow...” Lumapit ito sa paa niya.


“Nagugutom ka na ba?” Nilapag niya sa tabi nito ang kainan nito. “Kumain ka na. Pakabusog ka, hah.” Umupo na din siya sa sofa at nagsimulang kumain.


Halos katatapos lang niyang kumain ng may marinig siyang mag-doorbell sa labas ng bahay niya. Kumunot ang noo niya. “Sino kaya ‘yon? Si Cath siguro.”


Lumabas siya ng bahay para buksan ang gate ng makita niyang naka-lock pala ‘yon. “Ano ba ‘yan!” Ang lakas pa naman ng ulan. Kahit nakapayong siya, nababasa pa rin siya sa lakas ng hangin. Mabilis na pumasok uli siya ng bahay at kinuha ang susi. Bumalik agad siya ng gate. Kaya lang, hindi naman niya maisuot-suot. Tinangay pa ng hangin yung payong niya. “Bwisit naman, oh! Basa na ko!”


Sa wakas, nabuksan na niya yung gate.


“Cath naman, bakit—Aeroll!”


“Ba’t nagpapaulan ka?” kunot-noong tanong nito. Mabilis itong lumapit sa kaniya at pinayungan siya.


“Anong ginagawa mo dito? Akala ko—”


“Mamaya ko na sasagutin.” singit nito. “Trip mo bang maligo sa ulan?” Inakay siya nito papasok ng bahay niya matapos nitong isarado ang gate.


“May payong ako. Tinangay lang ng hangin.”


Napapalatak na lang ito. “Kumuha ka ng towel o kaya maligo ka na lang.” utos nito ng makapasok sila sa loob ng bahay. “Teka. Ngayon ka pa lang kumakain?” Nang mapansin nito ang pinagkainan niya.


“Tapos na.”


“Alam mo ba kung anong oras na?” kunot-noong tanong nito.


“Alas nuebe na.”


Napailing na lang ito bago lumapit sa kaniya at punasan ng kamay nito ang basang mukha niya. “Wag ka ngang magpapalipas ng gutom.”


Hindi ko lang namalayan yung oras. Busy ako, eh.” Tinuro niya yung laptop niya.


“Kahit na. Dapat kumakain ka sa tamang oras.”


Hindi niya mapigilang mapangiti sa panenermon nito.


 “Anong ngini-ngiti mo diyan?” Sabay dutdot sa ilong niya. Umiling lang siya. “Umakyat ka na sa kwarto mo. Magbihis ka na lang. Pagod ‘yang mata mo dahil for sure nakatutok ka na naman sa mahal mong laptop maghapon.”


“Okay.”


“Okay.” Pero hindi naman nito binibitawan ang mukha niya. Nakatitig lang ito sa kaniya.


“Aeroll. Aakyat na kako ko.” Siya na ang nagtanggal ng kamay nito sa mukha niya at mabilis na umakyat ng kwarto niya. Para siyang tangang nakangiti habang nagbibihis. Parang bata ako kung sermunan, ah.


Pagbaba niya ng sala, wala na ang pinagkainan niya. Wala din si Aeroll. Dumeretso siya ng kusina at nakita niya itong naghuhugas ng plato.


“Aeroll! Ako na dyan!”


“Ako na.”


Alam niyang hindi ito papaawat kaya hinayaan na lang niya ito. Sumandal na lang siya sa ref habang nakatingin sa ginagawa nito. Parang sanay na sanay itong maghugas ng plato, ah. Taga-urong siguro ito sa bahay nito.


“Prinsesa.”


“Bakit?”


“Pwede bang wag mo kong tingnan?”


“Bakit naman?”


Nilingon siya nito. “Baka kasi hindi ko na matapos ang ginagawa ko at...”


Kumunot ang noo niya. “At?”


Ngumiti ito ng pilyo. “Baka kasi...” Ngumuso ito.


“Sira ulo!” Dinampot niya ang basahan sa mesa at hinagis dito bago ito talikuran. Narinig pa niya ang tawa nito ng makarating siya ng sala. “Sira ulo talaga. Puro kalokohan.”


Nakangiting nag-indian seat siya sa sofa at kinuha ang laptop niya. Pinagpatuloy niya ang ginagawa niyang nobela kanina. Ipapasa na niya ‘yon tomorrow kaya kailangan na niyang tapusin. Saglit niyang nakalimutan na nasa bahay pala niya si Aeroll dahil sobrang nakatutok ang atensyon niya sa pagta-type. Gano’n siya kapag ganado siyang gumawa ng nobela niya, hindi niya namamalayan ang nangyayari sa paligid niya.


Napahinto lang siya sa ginagawa niya ng may biglang yumakap sa leeg niya mula sa likuran niya. Syete! Nandito nga pala si Aeroll! Nasa likuran ito ng sofa.


“Kanina pa kita tinatawag, ah. Ba’t hindi mo ko marinig? Mas malakas pa nga sa ulan yung boses ko.” nagtatampong sabi nito.


“Ano kasi...”


“Parang gusto kong ihagis ‘yang laptop mo, ah.”


“Aeroll!”


“Joke lang, prinsesa.” natatawang sabi nito. “Baka ako naman ang sunod mong ihagis sa labas ng bahay mo, eh.”


Hindi siya sumagot. Mas aware kasi siya sa mukha nitong nakadikit na sa pisngi niya. Ramdam niya ang paghinga nito. Parang tangang pinigilan niya ang paghinga niya. Kaya lang kinakapos na siya ng hangin kaya huminga na lang siya. Ng mabagal na mabagal. Kabaglitaran naman ng heartbeat niyang nag-uunahan naman sa pagtibok.


“Aeroll...” Kakapusin na ata ako ng hangin sa’yo.


Mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap nito sa leeg niya.


”I miss you.”


Napalunok siya. “Two days pa lang tayong hindi nagkikita.” May pinuntahan kasi itong seminar.


“Two days. But it feels like eternity. Alam mo bang hindi ako makapag-concentrate sa seminar na pinuntahan ko sa kakaisip sa’yo.”


Hindi niya mapigilang mapangiti. “Magkatext naman tayo, ah.”


“Yeah, right. Text lang. Text lang. No calls kasi hindi sinasagot ng isa dyan yung tawag ko.” pagmamaktol nito.


Natawa siya sa bigla. “Baka kasi pag sinagot ko yung tawag mo, mapauwi ka bigla dito.” pagbibiro niya.


Hindi ito sumagot.


“Uy! Joke lang ‘yon.” Gusto sana niyang humarap dito kaya lang hindi pwede, baka kung sa’n pa mapadpad at tumama yung mukha niya. Besides, ang higpit ng yakap nito sa kaniya.


“Totoo.”


“Hah?”


“Totoong mapapauwi ako dito pag narinig ko yung boses mo. Ano ba kasing pinakain mo sakin?”


“Ahm...Ano nga ba? Tuyo, itlog at kamatis.” Iyon ang kinain nila ng huli silang magkita two days ago. Hindi siya kumakain ng tuyo simula pagkabata niya pero napakain siya nito no’n. Masarap pala. Hindi niya tuloy mapigilang alalahanin ang araw na ‘yon.

 
- F L A S H  B A C K -

Nag-iisip pa siya ng lulutin niya for lunch ng dumating si Aeroll. Asual, kagagaling lang nito sa duty.


“Hindi ka pa kumakain?” tanong nito.


“Nag-iisip pa ko ng lulutuin, eh.”


Ngumiti ito. “Alam ko nang uulamin natin.”


“Uulamin natin? Makikikain ka?”


“Oo. Hindi pa ko kumakain, eh.”


May inilibas ito sa backpack nito. Napamaang na lang siya ng makitang tuyo, itlog na maalat at kamatis ang nilabas nito. Kumakain siya ng itlog at kamatis, pero ang TUYO! Never pa siyang kumain no’n sa tanang buhay niya. Ewan nga ba niya. Hindi naman siya maarte sa pagkain at kahit ano kinakain niya, pero ang TUYO, hindi talaga.


“Tuyo?” Sabay turo sa isdang tuyo.


“Yes, my princess. I heard from Cath na hindi ka pa daw kumakain nito.”


Tumango siya. “Yan ang kakainin natin?”


“Yes.”


Dumeretso ito ng kusina. Napasunod na lang siya dito. After ten minutes, nakahanda na yung lunch DAW nila. Tuyo at pinagsamang kamatis at itlog na maalat. Umupo siya sa harap ng dining table. Umupo naman ito sa katapat niyang upuan.


“Kain na.” Nagsandok ito ng kanin. Nilagyan din nito ang plato niya. Nagsimula na itong kumain habang siya nakatingin lang dito. Napansin siguro siya nito kaya napahinto ito sa pagsubo. “Naghugas ako ng kamay, ah.” Nagkamay lang kasi ito.


“Hindi naman ‘yon, eh.” Tumayo na siya at naghugas ng kamay niya. Pagbalik niya sa upuan, kumuha siya ng pinaghalong itlog at kamatis. Nagsimula na siyang kumain ng mapansin niyang ito naman ang nakatingin sa kaniya. “Bakit?”


Napailing ito. Hindi na lang niya ito pinansin. Gutom na siya kaya kakain siya. Sa pagkain niya tinutok ang atensyon niya.


“Prinsesa.”


“Hmm?” Pag-angat niya ng tingin, halos nakadunggol na sa mukha niya ang kamay nitong may lamang kanin at TUYO! Inatras niya ang mukha niya. “Bakit?”


“Eat this.” Tumayo pa ito sa upuan nito para mailapit sa bibig niya ang kamay nito.


“Ako na lang. May kamay naman ako.”


“Itlog at kamatis lang ang kinakain mo, eh. Eat this.”


“Ano ba kasing lasa niyan?”


Ngumiti ito. “Masarap. Sige na, prinsesa. Hindi ka magsisi.”


“Sige, kakain na ko niyan kaya ilayo mo na yang kamay mo sa mukha ko. Matapon pa ‘yan sakin.”


“Kung ayaw mo ‘tong matapon, kainin mo ‘tong nasa kamay ko.”


“Hah?”


“Nangangawit na ko, prinsesa.”


“Aeroll naman, eh!”


“Malinis naman ‘tong kamay ko, ah.”


“Hindi ‘yon!” Kakain lang naman siya gamit ang kamay nito!


“Eh, ano?” painosenteng tanong nito. Talaga nga naman!


“Okay. Okay. Nang matigil ka na.” Pikit matang sinubo niya ang pagkaing nasa kamay nito. Nakapikit pa din siya habang ngumunguya.


“Anong lasa?”


Ninamnam muna niya ang kinakain niya bago unti-unting dumilat. Napangiti siya. “Masarap pala siya.”


“Matikman nga din.” Dinilaan nito ang kamay na ginamit nito kanina ng subuan siya. “Ang sarap nga.” ngiting-ngiting sabi nito.


“Sira ulo!”


“Bakit? Masarap naman talaga diba?”


Tinutok niya ang atensyon sa pagkain niya. “Umayos ka nga, Aeroll. Pag ganitong gutom ako, nananapak ako ng tao.”


Hindi na ito sumagot. Kaya nakahinga siya ng maluwag. Sira ulo talaga! Kung anu-anong kalokohan ang naiisip. Para namang hindi yung tuyo ang sinabihan niya ng masarap, eh.


Eh, ano, Princess? singit ng kabilang isip niya.


Wala.


“Prinsesa.”


“Ano na naman?”


“Ba’t ayaw mong tumingin?”


“Kumakain ako.”


“May tuyo ka sa bibig mo.”


Pinunasan niya ang bibig niya.


“Mero’n pa, prinsesa.”


“Saan?”


“Let me.” Tumayo ito mula sa pagkakaupo nito. Lumapit ito sa kaniya sa pagitan ng table. Gamit ang kaliwang kamay nito ay hinawakan nito ang baba niya.


Napaatras ang mukha niya. “A-ako na lang, Aeroll.”


“Stay put.”


“Hah?” Hindi na siya napag-react ng mabilis na bumaba ang mukha nito sa kaniya. He gave her a deep, quick kiss. Pagkatapos no’n ay umupo na ito sa upuan nito na parang walang nangyari. At siya, napakurap na lang habang nakatingin dito. Ano ‘yon?


“Ang sarap.” Habang pilyong nakatingin sa kaniya.


Dahil sa sinabi nito, dumeretso ang takbo ng utak niya. “Anong sabi mo?”


“Ang sarap kako ng tuyong naiwan sa labi mo.”


“Sira ulo!”

- E N D  O F  F L A S H B A C K -


“Ang sarap noh?”


Napakurap siya ng bumalik siya sa kasalukuyan. “Masarap ang alin?”


“Ng tuyong kinain natin. Ano bang iniisip mo? May iba pa bang masarap do’n?”


Pinalo niya ang braso nitong nakayakap sa kaniya. “Tigilan mo nga ko sa mga kalokohan mo!”


“Ah, yung itlog at kamatis nga pala.” natatawang sabi nito.


“Aeroll, hindi ka pa ba titigil?”


“Titigil na po, mahal na prinsesa.” Inalis nito ang pagkakayakap sa kaniya. Parang gustong niyang magreklamo. Gusto niya itong lingunin pero pinigilan niya ang sarili niya. Naramdaman na lang niyang may humalik sa ulo niya. “Namiss talaga kita.”


Hindi niya mapigilang mapangiti. Me, too.


Lilingunin na sana niya ito ng bigla na lang itong tumalon mula sa likuran ng sofa paupo sa tabi niya. “Usod ka sa dulo, prinsesa.” utos nito na sinunod naman niya. Kumuha ito ng throw pillow na nilagay sa tabi niya at ginawang unan. Lumagpas ang paa nito sa sofa dahil matangkad ito.


“Grabe, ang dami kong antok.” Humikab pa ito.


Saka lang niya naalalang gabi na at bakit naisipan nitong pumunta sa bahay niya sa kabila ng binabagyo na nga ang lugar nila. “Ano nga palang ginagawa mo dito? Masyado nang late, ah. At ang lakas pa ng ulan.”


“Alam ko.” Pumikit ito. “Alam kong may bagyo. I’m just worried dahil wala kang kasama dito. Kakauwi ko lang kaninang 7pm. Ayaw akong payagan nila mama na umalis dahil nga sa lakas ng ulan...” Ngumiti ito. “...kaya tumakas na lang ako.”


“Aeroll!” Kasabay ng pagpitik ng noo nito.


Napadilat ito. “Aray naman!”


“Hindi mo ba alam na mag-aalala sa’yo ang mama mo?!”


Pumikit uli ito. “Nagtext naman ako na umalis ako.”


“Kahit na!”


Humikab ito. “Mamaya...muna ako sermunan, prinsesa. Iidlip lang...muna ko...”


Nanlaki ang mga mata niya. “Matutulog ka dito?!”


“Iid...lip.”


Mukhang pagod nga ito. Hindi naman niya ito pwedeng paalisin ng gano’n lang tapos ang lakas pa ng ulan. Siya naman ang dahilan kung bakit ito nandito.


Umakyat na lang siya ng kwarto at kumuha ng kumot. Mukhang nakatulog na talaga ito ng tuluyan ng kumutan niya ito. Hindi niya mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ito.


Sinugod mo ang bagyo para lang makarating dito. Because you’re worried na wala akong kasama. Kahit alam mo namang sanay na kong mag-isa. Kakaiba ka talaga.


* * *

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^