CHAPTER 7
~ RINOA'S POV ~
Nakaupo lang ako sa park kung saan ko huling nakita si Kuya na kinuha ng mga taong gustong kunin ako. Imbis na ako, si Kuya at mga best friends ko ang kinuha nila. Iyak lang ako nang iyak.. hindi ko mapigilan. Si Kuya na nga lang ang meron ako sa mga panahon na ito pero pati sya nawala na.Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala akong kwenta!
Pumunta ako ng hospital. Pinagtitinginan ako ng mga tao sa paligid dahil sa gulo-gulo ang itsura ko.. peo wala akong pakialam. Hindi naman nila alam eh.. Wala silang alam sa pinagdadaanan ko ngayon.
‘Mommy… Daddy… S-Sorry po.” Umiiyak na naman ako. “P-Pero promise ko… ibabalik ko si Kuya sa inyo. Sisiguraduhin kong ligtas sya.”
Nakapag-pasya na ako. Kung ito nga ang kapalaran ko tulad ng sinasabi nila Moira.. hindi na ako tatakbo para takasan ito. Gagampanan ko ang tungkulin na sinasabi nila. I will be the Saviour if it means saving my friends and Kuya Jay.
///
Naglalakad lang ako sa daan. Kailangan ko silang mahanap. Sila lang ang makakatulong sa akin. Kahit na sobrang gabi na, nagpatuloy pa din ako. Ang dilim na sa paligid at mga sasakyan na lang ang mga dumadaan.. Saan ko kaya sila mahahanap? Paano kung bumalik na sila sa sinasabi nilang mundo ng Ethanica dahil ayokong sumama sa kanila? Sana hindi pa huli ang lahat.
“Aw!” Napahawak ako sa noo ko nung may mabangga ako. Aray ah.. ang sakit nun. Ghad Rin! Ang tanga-tanga mo! Ang hina-hina mo! Bakit ka na naman umiiyak?!
“You must be more careful. You are stronger than this Rinoa.” Sabi ng isang boses sa harapan ko.
That voice….
I looked up at nakita ang matagal ko nang hinahanap.
“C-Cloud..”
Nakatayo sya dun habang nakapa-mulsa. Nakasuot na sya ng normal damit dito sa Earth. Hindi ko na alam kung anong iisipin.. pero nung makita ko sya, parang nabigyan talaga ako ng pag-asa.. parang hindi na ako nag-iisa. Tumakbo ako at agad ko syang niyakap at naramdaman ko naman na nagulat sya.
Nagsimula na naman akong umiyak. “Kinuha nila si Kuya at mga kaibigan ko..”
Naramdaman kong nilagay ni Cloud ang kamay nya sa may ulo ko at dahan-dahan yung pina-pat. Kahit na hindi sya nagsasalita, alam kong sinusubukan nyang pakalmahin ako.
“S-Sorry.. sorry kasi hindi ko kayo pinaniwalaan. Natatakot lang ako.. natatakot na harapin ang nakaraan ko na matagal ko nang nakalimutan..at takot din akong magkaroon ng napakalaking responsibility. Please Cloud.. help me.. tulungan mo ako.”
“Alam ko. Nandito lang ako. I will protect you.” Sabi nya bigla.
Napangiti nalang ako. “Handa na ako Cloud. Handa na akong harapin ang kapalaran ko.”
Tumango sya. “And we are ready to guide and protect you Rinoa.”
///
“RINOA!”
Nagulat ako nung bigla akong niyakap ni Moira pagka-dating namin sa condo unit na inuupahan nila dito. Lahat sila nandun.. sina Lark, Tidus, Eli at Moira. Tinanong ko kung bakit hindi sila nakapasok sa school for a couple of days, at ang sabi nila, may ginawa lang kasi kaya kailangan nilang umalis muna. Humingi sila ng tawad dahil wala sila para tulungan ako nung kinuha nila Alciony sina Kuya. Lahat sila nakangiti sa akin and I immediately felt bad. Na-guilty ako dahil napagsalitaan ko sila ng hindi maganda nuon. Syempre, humingi ako ng tawad sa kanila pero pinatawad nila ako kaagad at sinabing hindi ko kasalanan dahil hindi naman talaga dapat nila ako pinupwersa.
Nung gabing yun, dun na ako tumuloy sa kanila. Nag-kwento sila ng tungkol sa Ethanica at sa nakaraan ko na din. Ang totoo kong pangalan ay Rinoa Heartilly, anak ng dalawang tanyag na mandirigma at leaders ng Nsu clan sa Cyril (one of the four kingdoms of Ethanica and the keeping place of the Fire stone). Ang bracelet na hawak ko mula pagkabata ay binigay ng tunay kong ina at gawa yung maliit na red stone ay shard ng Fire stone. Sobrang labo pa din talaga.. ang daming mga informations na hindi ko maintindihan.
Basta ang alam ko lang talaga, ako ang chosen One para maging ‘Saviour and the Seeker’ o ang tinatawag nilang Ashtalica. Sila Cloud, Moira at Lark ay mga kababata ko noong nandun pa ako sa Ethanica.. Hindi ko na daw na-meet nun sina Tidus at Eli dahil wala pa sila nung mga panahon na nandun pa ako.
The Keeper o ang pillar ng Ethanica ang nagpadala sakin dito sa Earth nine years ago at tinanggal ang memorya ko to keep me safe temporarily. Nagulat ako at nalungkot nung malaman ko na namatay na pala ang parents ko dahil sa pagtatanggol ng mga tao. Sayang.. hindi ko na nga sila matandaan, wala pang paraan para makasama ko ulit sila :( Akala ko nung mga panahon na yun na bumalik man ako sa Ethanica, wala naman na akong maituturing na tunay na pamilya.. pero….
“Meron kang nakakatandang kapatid na lalaki, Rinoa.” Ang sabi ni Lark.
Si Kuya Jay ba ang tinutukoy nya?
Parang binasa naman ni Cloud ang nasa isip ko. “We are talking about your REAL brother. He is still alive.”
Nagulat ako. All my life, akala ko mag-isa na lang ako.. na wala akong tunay na kapatid kaya naging ka-close ko si Kuya Jayson. Pero ngayon, nalaman ko na meron pala akong kapatid.. isang kadugo. Para akong nabuhayan ng dugo nun.. bigla akong sumaya. I want to meet him! Pero…. Parang natatakot ako na ewan..
Paano kung nakalimutan na nya ako? Pano kung ayaw na nya sakin?
“Hinihintay nya ang iyong pagbabalik.” Cloud added.
Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi nya. My real brother is looking after on seeing me again. Ano kayang itsura nya? Gwapo kaya? Mabait? Waaaah! Excited na ako! ^___^
“G-Gusto ko syang makita.”
“You will. Very soon, Rinoa.” Ngumiti si Moira at niyakap ulit ako. “How I have longed for this day to come, my friend.”
Niyakap ko din sya.. So yung nawawalang kaibigan nya 9 years ago na kinwento nya sakin dati,. Di ko akalain na ako pala yun.
“Very soon than we expected.” Ang sabi ni Eli.
Tumango si Lark. “Aalis tayo kaagad sa pagbiyak ng kinabukasan.”
“Bukas?” Tanong ko. Sobrang lalim naman kasi ng sinabi nya.. >_<
“Oo.”
Nangako sila sa akin na tutulungan nila akong iligtas sina Kuya, Danica at Tania. Naniniwala ako sa kanila. I give my trust on them.
///
I woke up and leaned in to see my wrist watch. 3 am palang. Tumingin ako sa paligid ng madilim na kwarto. Kasama ko dito si Moira na ngayon ay mahimbing pa din na natutulog sa kama. Ang liwanag na nanggagaling sa buwan ang tanging liwanag dito. Unconsciously, tumayo ako at pumunta sa may bukas na bintana. I hummed a soft melody.
How many wonders are there in this world?
How can such magic do exist? Wizards? Faeries?
Naalala ko ang pinaliwanag nila sa akin kagabi bago matulog..
~FLASHBACK~
“Pero bago tayo umalis at pumunta ng Ethanica, kailangan mong malaman at maintindihan ang mga Talents.” Sabi ni Lark.
“Talents?”
“It is the powers that individual can use. Iyon ang tinatawag mong magic, tama ba?”
Tumango nalang ako.
“Hindi lahat ng mga naninirahan sa Ethanica ay may mga Talents. Obviously ang tawag namin sa kanila ay mga mortal o Untalents. Ang matataas ang degree ng mahika ay tinatawag na Specials. Kasama kaming lima doon. May iba’t ibang uri ng Talents.. such as beastspeaking which allows you to communicate with beasts using your mind alone. Mindreading, you can read people’s deeper thoughts, but of course hindi lahat. Merong mga Untalents na may natural mind shield at ang ibang Specials ay ginagawa nalang nila. Coercion, the ability to control one’s mind without them knowing. Empathy which allows you to understand one’s inner feelings. Meron pang futuretelling, healing at iba pa.
“Pero kami, bilang nasa 1st Class of the SOLDIER, kaya namin gamitin ang mga kapangyarihan na nasa upper level na katulad ng paglutang sa ere at pag-gamit ng power energy as a weapon. Pero hindi lang kami, dahil ang mga Specials katulad ni Alciony, nakakagamit din sya ng upper level ng Talents pero ginagamit nya ito sa kasamaan. At ikaw Rinoa, is aka din sa amin. Malamang mas malakas pa sa amin.. Isa kang Special at meron kang Talents.”
Wait… what? So meron deep inside me, meron din akong magic? *u*
“1st Class SOLDIER? Ano ibig sabihin nun? Ano ba ang SOLDIER?” Tanong ko sa kanila.
“SOLDIER is the elite fighting force of Cyril. Ang Cyril ang kingdom na kilala dahil sa lakas nito sa digmaan. Kumbaga, kumpara sa iba’t ibang mga kaharian, ang Cyril ang pinaka-malakas sa lahat. The members of SOLDIER are advanced super-warriors with superhuman strength, speed, and agility. SOLDIER members are divided in three classes: 1st Class, 2nd Class, and 3rd Class. 1st Class SOLDIERs are responsible for the most important (and usually most dangerous) missions, 2nd and 3rd Classes mostly assist the Cyril troops which consist of mortal warriors. At kaming lima, bilang 1st Class SOLDIERs, nandito kami sa isang napaka-importanteng misyon upang ibalik ang Ashtalica ng ligtas sa Ethanica.”
Napanganga nalang ako sa mga natuklasan ko. I was totally speechless! Nosebleed!! Di ko keri tong mga toh grabeey >_<
~ END OF FLASHBACK ~
Nilabas ko ang mobile phone ko at tinawagan si Lucas. Ang daddy nya ang nakasagot ng phone pero pinakiusapan ko sya na gisingin si Lucas dahil kailangan ko syang makausap.
<"Rin?"> Narinig ko ang boses ni Lucas sa kabilang linya.
"Lucas.."
Paano ko ba sasabihin sa kanya?
<"May balita ka na ba tungkol kay Tania?"> Tanong nya.
"O-Oo.."
<"Talaga?! Rin sabihin mo sakin! Nasaan sya??">
"L-Lucas pupuntahan ko sya at ililigtas. And no, you can't come."
<"Bakit?!">
"Ako lang ang pwedeng pumunta doon.. Mapanganib doon. Pero pinapangako ko na ibabalik ko sya ng ligtas. Kailangan mo kong paniwalaan dito Lucas. You trust me right?"
May maikling katahimikan then narinig ko syang nagsalita.
<"Oo naman. I believe in you.">
Napangiti ako.. kahit na alam kong hindi nya ako nakikita.
"Pwede ba akong humingi ng pabor? Habang wala ako dito, pwede ikaw muna ang bahala kina Mommy at Daddy?" Gusto kong maiyak.
<"Para naman aalis ka ng napakatagal!">
"Sa totoo lang, hindi ko alam kung kailan ako makakabalik."
Tumahimik na naman...
<"Oo naman sige. Wag kang mag-alala sa kanila.. Ako ng bahala."> He said at last.
"Thank you."
Pinatay ko na ang phone at nakahinga ng maluwag. At least kapag wala ako, alam kong magiging okay lang ang parents ko.
Bigla akong may naramdaman na mainit na pakiramdam sa may kamay ko. Nakita ko ang bracelet ko and to my surprise, it was glowing! The light shaped itself into a straight line. Parang may ibinibigay syang direksyon. Out of curiousity, lumabas ako ng condo at ngayon ay naglalakad na para sundan ang ilaw.
Hindi ako natatakot at hindi ko alam kung bakit. Sinusundan ko pa din ang ilaw at nakita ko nalang na nandito na ako sa park kung saan una kong nakita sila Cloud.
Dahan-dahan nawala ang ilaw. Yun na yun? Anong meron dito?
Naglakad ako sa may mga damuhan nang bigla akong kinilabutan. That was when I started to feel so uncomfortable. All I could hear was the sound from the crickets, the wind and my own heartbeat. It was accelerating..
Nagulat ako at napapikit bigla ng may lumabas na napakaliwanag na butas sa hangin. W-What.....
"RINOA WAG! WAG KANG LALAPIT DYAN!!"
Cloud....?
what happened!!!!!! *o*
ReplyDelete