Wednesday, February 20, 2013

Tale of Ethanica : Chapter 8

CHAPTER 8
~ Cloud's POV ~


Nandito ako sa labas ng gusali at nakahiga sa itaas ng puno habang pinapanuod ang mga bituin sa kalangitan. Isang maikling memorya ang pumasok sa isipan ko.



~ FLASHBACK ~

“Zack! Nasaan si ama?” Ang tanong ko sa nakakatanda kong kapatid. Siyam na taon ang tanda ni Zack sa akin.

“Hindi na sya babalik.” Ang sagot nya habang nage-ensayo ng kanyang espada.

“Bakit? Gusto ko syang makita!”

“Bata ka pa Cloud. Pero darating din ang araw na malalaman mo.”

Pitong taong gulang palang ako nung mga panahon na yun. Iniwan kami ng aming ama, at si ina nalang ang nag-alaga sa amin. Si Zack ay isang 1st Rank Warrior at kasalukuyang humaharap sa isang pagsubok para makapasok sya sa SOLDIER ng Cyril. Malakas syang mandirigma at sya ang nagturo sa akin kung paano makipaglaban.

“Zack gusto kong makita si ama!” Pagpupumilit ko sa kanya.

Ngumiti sya, ibinaba ang espada nya at binuhat nya ako pataas sa isang sanga ng puno.

“Woah! Ang taas ko! Dami ko din nakikita na mga tao!”

“Can you? Kung gusto mo, lagi kang umakyat dyan at kung suswertehin ka, baka makita mo si ama na isa sa mga naglalakad dyan.”

~END OF FLASHBACK ~


At simula nuon, nahilig na ako sa pag-akyat sa mga matataas na lugar. Five months ang nakakaraan nuon, umalis si Zack. Inabandona na nya ang pangarap nyang maging isang 1st Class SOLDIER. Iniwan nya kami at walang nakakaalam kung nasaan man sya. He just left; like what our father did.


Pero ang hindi ko inaasahan, bumalik sya five years ago. Bumalik si Zack at sa kaharian ng Cyril kami nagkita. Kaya sya nawala dahil hinanap daw nya ang ama naming pero nabigo sya. Akala ko magkakasama na ulit kami.. pero dun ako nagkamali. Isang grupo ng mangangalakal ang kasama ni Zack pero bigla silang in-ambush ng troop ng Adoyans. A guy named Sephiroth killed him.

Nakuyom ko ang kamao ko nang maalala ko lahat ng yun.


Nawala ang mga iniisip ko nang marinig ko ang pagbukas at sara ng pinto. Napatingin ako sa baba at nagulat nang makita si Rinoa na naglalakad palabas. Saan naman sya pupunta?


Nakita kong hawak-hawak nya ang kanyang armilla  at nakatingin lang ito ng diretso sa daan. Tatawagin ko n asana sya pero hindi ko na ito tinuloy. Gusto kong malaman kung saan sya patungo kaya sinundan ko sya.

Palakas nang palakas ang ihip ng hangin.. Nakatingin lang ako kay Rinoa na seryoso ang expresyon. Napatingin ako sa paligid at nakita na nasa isang pamilyar na lugar kami. Teka.. dito ang lagusan ah.

Papalapit si Rinoa sa may makakapal na puno kung nasaan ang lagusan. Ang alam ko naka-active yun. Don’t tell me she would go there…


Nagliwanag bigla sa harapan nya. Damn!



“RINOA WAG! WAG KANG LALAPIT DYAN!!” Sinigaw ko.


Napatingin sya sa akin. I saw her mouthed my name but it was too late. The light grew bigger and bigger behind her.


Tumakbo ako. Sana hindi pa huli ang lahat. Nahawakan ko ang kamay nya pero dahan-dahan itong nadudulas hanggang sa lamunin na sya ng liwanag. The light strongly shone and that was when darkness had entered me.



***

~ Rinoa’s POV ~


Ano to? Ang pakiramdam na ito.. napaka-pamilyar. Init ang dumadaloy sa buong katawan ko.

Binuksan ko ang mga mata ko.. a very clear sky was the first one I saw. Dahan-dahan nagbalik lahat ng mga nangyari.

Cloud!

Napaupo ako mula sa pagkakahiga at tumingin sa paligid. Nasa parang isang flower field ako. Madaming puno at mga bulaklak sa paligid. Nasaan ako?

“Cloud!” Tawag ko pero walang Cloud ang sumasagot. But it doesn’t make sense. Nandun din si Cloud nung lumabas ang liwanag. Nahawakan nya pa ang kamay ko pero bakit wala sya ngayon dito?

Tumayo ako at naglakad-lakad. Kahit isang tao wala akong makita..


Nagulat at natakot ako nang biglang gumalaw ang buong paligid. Holy shit! Lumilindol?!


Saglit lang ang lindol at ang ikinagulat ko naman ay ang pagbabago ng buong lugar. Wala na ako sa damuhan.. kundi nakatayo na ako sa isang maliit na hill at kitang-kita ang isang village. Ang nakakamangha pa eh yung itsura nung lugar eh parang pinaghalong ancient Chinese and European village (If that is even possible). Weird! Nagugulantang talaga ako sa mga nangyayari.. nasaan ba ako?!


Naglakad-lakad ako.. to my relief, may mga tao naman. Para akong nasa market at ang daming mga tao. Pero ang kakaiba lang eh hindi na sya parang modern day sa Earth.. para talagang nasa unang panahon ako at iba na ang mga damit nila.


Matanong na nga lang kung anong lugar ito. “U-Uhm.. excuse me!” Nilapitan ko yung middle aged woman na may dalang basket. Nagulat sya nung kinausap ko sya. “Ano pong lugar ito? Nasa Pilipinas pa din po ba ito?”


Hindi naman malaman nung ale kung anong sasabihin.. Para nga syang natatakot at nagmadali syang lumayo nang hindi man lang sinasagot ang tanong ko.


Ehhh? Ang rude nun ah! >__<


Sinubukan kong lapitan ang iba pa pero pare-pareho silang lumalayo.. Akala ko dahil hindi lang sila marunong mag-tagalog.. yung isang nilapitan ko, nag-English na nga ako, tumakbo pa palayo. Ano bang meron? Bakit parang takot sila sa akin?


Yung mga tao sa piligid, pinagmamasdam lang ako. May mga masasama kung makatingin, may mga naguguluhan at nagtataka, namamangha, nagugulat.. at kung ano pa. Ano bang problema nila? Ngayon lang ba sila nakakita ng isang dyosa na katulad ko?! >__< Okay, kidding aside. Walang time para magbiro ngayon Rin.


Napabuntong hininga nalang ako. Haaays..


At dahil naco-conscious ako sa mga titig nila, naglakad nalang ako nang mabilis palayo hanggang sa makita ko na ang end ng market. Naglakad ako papasok ng gubat..


Ano nang gagawin ko? T__T


Napatigil ako sa paglalakad nang may marinig akong boses.

Déjà vu?

Naaalala ko nung una kong nakita sila Cloud.. napaghinalaan ko pa silang gangsters nun.

Sinundan ko kung saan nanggagaling ang mga boses.


“Ang liit nito.” Sabi nung pinakamaliit na lalaki.


Nagtatagalog din pala sila eh!

“Hindi ito sapat para sa ating lahat. Maybe trade it for 2 golds?” Sabi naman nung isa. Take note, may Taglish din.


That accent…


Lumapit pa ako at nagtago sa may pinakamalapit na puno. May dalawang lalaki ang nandun.. may hawak silang maliit na kutsilyo at sphere.. isama mo pa ang kawawang rabbit na hawak nila.


Teka.. yung rabbit na yun.. mukhang pamilyar. Meron syang maliit na collar around its neck, shiny white fur and red eyes. Nyozaki! O__O


Sure akong si Nyozaki yun! Waaah anong gagawin ko?! Nasa panganib sya!


Umatras ako ng konti para makapag-isip ng kung anong dapat gawin para mailigtas sya. Hindi ako pwedeng basta-basta magpakita dun baka lalong magkagulo ang lahat. Aish!! Isip Rin! >_<


Nahinto ang pag-iisip ko nang biglang may narinig akong kaluskos mula sa likod.. pero bago pa ako makatalikod at tignan yun, may naramdaman akong isang matulis na bagay ang nakatutok sa leeg ko.


“Wag kang gagalaw.” Said a hoarse, deep voice behind me.   


 Uh-oh.




5 comments:

  1. c nyOzaki uNg rAbbit,,, mygEe, naiimAgine q xAh, supEr cUte,,, kAxo nSa pNganib n nmAn ba c riN,,, wAg nmAn snA,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^