Monday, February 18, 2013

My Valentine Date [One-Shot]


“My valentine date”
[ A Post-Valentine Special ONE SHOT STORY ]
By: Aiesha Lee 

A/N: Ahm, wala kong masabi..haha..epal lang. BELATED HAPPY VALENTINES na lang! ^___^ Dahil hindi ko naman naka-date ang labidabs kong si Lee Min Ho ng araw na ‘yon [feeling lang] hahaha... nag-inuman nlng kami ng mga friends ko. Uminom ng isang galong tubig! Hihihi…sana next valentine maka-date ko na si lee min ho, ayyyiiiih! HAHAHAHA! Oxa! Tomguts na ko! ENJOY READING na lang! *FYING KISSES* [pakisalo] (^_-)

= = =
“If something is worth the wait, they are more than willing to wait.”
= = =

[ ANDREA’s POV ]


Year 2012, February.


Hindi pa ako nakakapasok ng gate ng university namin, ang dami ko nang nakikitang flowers sa paligid ko. Hindi ko pinansin ang mga ‘yon. Dere-deretso lang akong pumasok sa loob ng university. Napailing na lang ako. Bakit? Kahit saan kasi ako lumingon, may mga lovers akong nakikita. Bumabaha ng chocolates. Bumabaha ng flowers. At kung anu-anong pakulo ng mga boys para sa mga girlfriends at special someone nila.


Ano bang mero’n ngayon?


Nagtanong pa ko. Once a year lang mangyari ‘yon. Kailangan ko pa bang sabihin? Alam ko namang alam ninyo. Kaya Happy Valentines Day na lang sa inyo.


February 14. Ang date na ‘yan na para sa iba ay sobrang special, but for me, it was just an ordinary day. Hindi dahil single ako kaya hindi special ang araw na ‘yan. Para kasi sakin, everyday should be a valentines day. Everyday should be special for you and your special one. Hindi yung kung kailan February 14, saka mo papaulanan ng chocolate at flowers ang special someone mo.


Hindi naman ako bitter dahil wala akong ka-date ngayon. Hindi ako naghahanap ng date. Mas lalong hindi ako naghahanap ng boyfriend. Wala kong time sa lovelife na ‘yan. Dahil nakatutok lang ang buong atensyon ko sa pag-aaral ko. Pinag-aaral kasi ako ako ng Tita ko kaya kailangan kong magpasipag. Hindi ako pwedeng magloko. Sabagay hindi naman ako maloko. Ako yung taong bahay-school lang ang alam. Wala akong alam sa lakwatsa na ‘yan.


Walang pakialam sa paligid na dumeretso ako sa locker ko. Wala akong pasok ngayon. Pumunta lang ako ng school dahil may nakalimutan akong libro na nasa locker ko.
Pagbukas ko pa lang ng locker ko, something catched my attention. A one stem rose with a small red piece paper attached on it. Iyon ang nakalagay sa ibabaw ng libro ko.


“Again.” Kinuha ko ang rose, pero agad din yung nawala sa kamay ko. Napalingon ako sa taong kumuha no’n.


“For the third time, can—”


“Akin na ‘yan.” Inagaw ko sa kaniya ang rose. Binasa ko ang nakasulat sa papel kahit parang alam ko na ang nakalagay do’n.


For the third time, can you be my valentine date?


Nakalagay din do’n ang name ng restaurant kung sa’n kami magkikita, pati oras. At mamaya na ‘yon. Napailing na lang ako. At walang sabing tinapon ang rose sa trash can na malapit.


“O, bakit mo tinapon? Sayang naman yung rose.” Kinuha niya ang rose sa basurahan at inabot uli sakin.


“Miggy.”


Siya ang neighbor/schoolmate/bestfriend ko. I met him before my first year in college. Dahil bagong lipat lang kami ng Tita ko, wala pa akong kilala. Sanay naman akong walang kasama, eh. Pero siya ang makulit na nakipagkilala sakin. Hindi ko nga maintindihan kung paano kami nagkasundo. Kabaligtaran ng ugali ako ang ugali niya. Tahimik lang ako, samantalang napakadaldal niya.


“Hindi ka ba naaawa sa taong ‘to?” tanong niya na ang tinutukoy ay ang taong nagbigay sakin ng rose. “This is the third valentines na inaya ka niya since your second year.”


Totoo ang sinabi niya. Second year ako ng makareceive ako no’n. “Hindi ko naman sinabing bigyan niya ko ng rose at ayain niya kong mag-date.” Kung sino man siya, wag na siyang umasang pupunta ko.


“But Andrea. Date lang naman ‘to, eh. Pagbigyan mo na.”


Hindi ko siya pinansin. Kinuha ko ang libro ko at iniwan siya. Sumunod naman siya sakin.


“Why don’t you try it? Just this once. Tutal naman, huling year na natin dito.” Ga-graduate na kasi sila this March.


“Ayoko.”


“Bahala ka. Pag nag-suicide ‘yang lalaking nag-aya sa’yo, konsensya mo na ‘yon. Tapos magugulat ka na lang, minumulto ka na niya.”


Hinarap ko siya. “Ayokong makipag-date, Miggy. I don’t know him. I don’t even know his face.”


Nginitian niya ako. The smile I... “Andrea, hindi kita pababayaan, okay.” Hinawakan pa niya ang pisngi ko. “Gusto mo samahan pa kita mamaya para masigurado mong hindi ka mapapahamak?”


“Wala ka bang date?”


“Syempre, mero’n. Ako pa mawalan.” Tama siya. Never siyang mawawalan ng ka-date. His one of the hearthrobs. Kahit hindi siya mag-aya, mga babae ang mag-aaya sa kaniya.


“May ka-date ka naman pala.”


“Bago ako pumunta sa date ko, ihahatid muna kita sa date mo.”


“Ayoko pa rin.” Naglakad na uli ako.


“Ganito na lang. Tayo na lang mag-date.”


Napahinto ako at napalingon sa kaniya. “T-tayo?”


“Yep!”


“May date ka diba?”


Napakamot siya ng ulo which makes him more cute. “Sa totoo lang, wala na. Inatake ng allergy ang ka-date ko. So, ano? Tayo na lang?”


Kaya pala. Inaaya lang niya ko dahil wala na siyang ka-date.


“Friendly date lang naman, eh. Para maranasan mo naman ang makipag-date.”


Para maranasan. Naaawa lang pala siya sakin. Just like the past valentines. “Wag na lang, Miggy.”


“Miggy!” May lumapit na babae sa kaniya. “I heard na wala ka ng ka-date? Tayo na lang.”


Tumalikod na ako at hindi na hinintay ang sagot niya. Pero parang nanadya na narinig ko pa rin ang sagot niya.


“Yeah, sure.”


Napapikit na lang ako.


“Andrea!” Hinabol ako ni Miggy. “Hindi na pala tayo pwedeng mag-date, may date na uli ako.” Narinig ko nga. “So, ano? Punta ka na ng date mo mamaya, hah? Ihahatid muna kita bago ako pumunta sa date ko. Just try it. Date lang naman ‘yon, eh. Ayaw mo bang malaman kung sino siya? Ako? Gusto kong malaman kung sino siya. Don’t worry, akong bahala sa’yo. I’ll make sure na hindi ka mapapahamak sa ka-date mo.”


“Okay.” Tutal naman huling taon ko na. Para hindi na niya ko kulitin ng ganito. Kung sino man ang lalaking nag-aya sakin, goodluck sa kaniya. Besides, gusto ko rin siyang makilala. Gusto kong malaman kung sino siya. Kung bakit niya ko napagtiyagaang ayain every valentine.


“Ayan! May ka-date ka na! May ka-date na tayong dalawa!” Inakbayan pa niya ko.


“S-sige. Uuwi na ko.” Lumayo na ako sa kaniya.


“Sabay na tayong umuwi. Tapos na ang klase ko.”


Sabay kaming lumabas ng university. “Andrea.” May inabot siya saking one stem na rose. Napatingin ako kay Miggy na nakangiti sakin.


“A-ano ‘yan?” P-para sakin?” Binibigyan ba niya ko ng bulaklak?


“Yung rose na binigay sa’yo ng long time secret admirer mo.”


“Ah...” Hindi ko kasi napansin yung naka-attached na sulat dahil kay Miggy ako nakatingin. Kinuha ko ang rose sa kaniya. Nang mula sa kung saan ay may sumulpot na grupo ng mga babae at hinila si Miggy.


“Wait lang, girls.” Kumawala siya sa kanila at nilapitan ako. “Mamaya na lang ako uuwi. Daanan na lang kita sa inyo mamaya pag ihahatid na kita sa date mo, ah.” At gaya ng nakasanayan niya, he kissed my forehead. “Ingat ka pag-uwi mo, Andrea.”


Sumama na siya sa mga babae.


At ako, napahawak sa noo ko. I sighed. Hindi pa rin talaga ko immune sa ka-sweetan ni Miggy.


Yes, I’m inlove with him. I’ve been loving him since that day I saw his smile. The smile of his that catched my heart.


Sad to say, I need to suppressed this feelings dahil alam kong hanggang kaibigan lang ang tingin sakin ni Miggy. Maraming babaeng nakapaligid sa kaniya. At sa mga babaeng ‘yon, alam kong ako ang hulng mapapansin niya.


Ayokong masira ang friendship namin. Because that friendship, that bond we have, is the most special thing in my life.


= = = = = = = =


“Andrea, nandyan na ang date mo sa baba.”


Nilingon ko ang tita ko. “Tita, hindi po siya ang ka-date ko. Ihahatid lang po niya ko.”


“Hindi ba? Sayang naman.”


“Tita.”


Nakangiting lumapit siya sakin. “I’m glad na makikipag-date ka na. You should be like other normal...I mean like other girls na ka-edad mo.”


“Mas gusto kong kaharap ang mga libro, Tita.” Humarap ako sa salamin. “Okay na po ba ang suot ko? Hindi po ba masyadong maganda.” Si Tita ang pumili ng damit na ‘yon. Mahilig siyang bilhan ako ng dress na hindi ko naman naisusuot.


“You looked beautiful, Andrea. Lalo na pag tatanggalin mo ang salamin mo sa mata.”


“I need this, Tita. Malabo na ang mata ko.”


“Dahil sa kakabasa mo ng libro maski sa gabi.”


Iniba ko na lang ang usapan. “Tita, I have to go. Baka mainip na si Miggy.”


“Kailan ba siya nainip sa paghihintay sa’yo?”


= = = = = = = =


Nasa loob na kami ng kotse ni Miggy. Tahimik lang siya sa tabi ko na pinagtataka ko. “Okay ka lang, Miggy? Ba’t ang tahimik mo?”


Saglit niya kong nilingon. Pagkatapos ay ngumiti na siya. “Okay lang ako. Kinakabahan lang ako sa date ko. Feeling ko hindi ako makakauwi ng buhay nito.”


Napangiti ako. “Puro ka kalokohan.” Binaling ko ang tingin ko sa bintana.


“Excited ka na ba?”


“Saan?”


“Sa date mo with your mysterious long time secret admirer.”


“Im not excited.”


“Bakit naman?”


Nagkibit-balikat siya. “Wala lang. Gusto ko na ngang umuwi, eh.”


“Ayaw mo ba siyang makilala?”


“Gusto naman. I just want to ask him kung bakit hindi niya ko tinigilan for three consecutive valentines.”


“Maybe he loves you.”


Natigilan ako sa sinabi niya. “Wag na kaya kong pumunta.”


Natawa siya. “I’m just kidding, Andrea. Natakot ka naman.”


“You know the reason why.”


Sumeryoso ang mukha niya. “Yah. I know.”


Pinagpalit kasi ng papa ko ang mama ko sa ibang babae. Araw-araw, nakikita ko kung paano sila magbangayan. Nakikita ko ang paghihirap ni mama. Kaya ang sabi ko sa sarili ko, hindi ako maiinlove kung masasaktan lang ako. Until I met Miggy.


“Hindi lahat ng lalaki katulad ng papa mo, Andrea. Hindi lahat, sasaktan ka.”


Hindi na ko sumagot.


= = = = = = = =


Nasa loob na ko ng restaurant at nakaupo sa isang sulok sa tabi ng glass wall. Habang si Miggy, nasa kabilang side ng kalsada habang nakatanaw sakin. Magkausap kami sa phone.


“Parang ang aga ko namang dumating. Ang tagal ko pang maghihintay dito.” reklamo ko habang nakatingin sa kaniya.


Nakita ko siyang ngumiti. “Five minutes ka lang maghihintay. Anong matagal do’n? Napakamainipin mo talaga. Pero pag kaharap mo ang mga libro mo, kahit abutin ka pa ng madaling araw sa pagbabasa, okay lang.”


“Palibhasa, kabaligtaran mo ko.”


“Andrea, if something is worth the wait. I’m more than willing to wait.”


“Oo na. Lahat na lang may dahilan ka.”


“Ikaw din naman.”


Hindi na ko sumagot. Hindi ko alam pero mas gusto ko lang siyang tingnan ngayon kahit nasa malayo siya. Ang weird.


“Uy! Natahimik ka na naman dyan?”


Umiwas ako ng tingin. Sa table ako tumingin. “Wala naman.”


Matagal bago ko siya narinig na sumagot. “Aalis na ko, Andrea.”


Saka lang ako napalingon sa kaniya. Bakit parang kinabahan ako ng sabihin niya ang mga salitang ‘yon? Parang gusto ko siyang lapitan ngayon. Dahan-dahan akong napatayo.


“Oh, sa’n ka pupunta? Dyan ka lang.” Napaupo uli ako. “I have to go, Andrea. Baka naiinip na yung ka-date ko. At masabunutan pa ko.”


Pinilit kong ngumiti kahit nasasaktan ako. Sana ako na lang. Pero hindi pwede.


“Ayan. Ngingiti ka dapat. Baka matakot sa’yo yung ka-date mo kung nakasimangot ka lang.”


“Oo na.”


“Aalis na ko, hah.”


“Ingat ka, Miggy.”


“Ikaw din, Andrea. Basta itext mo lang agad ako pag may ginawa sa’yong kalokohan ang lalaking ‘yan. Ipapahabol ko siya sa doberman ko.”


“I will.” I hanged up the phone. Itinutok ko ang atensyon sa table at hindi na hinintay na mawala sa paningin ko si Miggy. Nag-vibrate ang phone ko. Miggy is calling again. Bakit kaya? Ang kulit talaga. Sinagot ko ang tawag.


“Why?


“You looked beautiful today, Andrea.”


Hindi na ko nakasagot hindi lang dahil sa sinabi niya. Bigla din kasing namatay ang phone ko. Pagtingin ko, LOWBAT!


Napalingon ako kay Miggy. Sinenyasan ko siya na lowbat na ang phone ko. Pero yung puso ko, hindi na mapakali dahil sa sinabi niya.


Nakita kong tatawid siya ng kalsada. No! Sinenyasan ko siyang wag na. Baka kasi mahalata niya ang kulay kamatis kong mukha. Wala na kong nagawa dahil patawid na siya. Sa table na lang uli ako tumingin. Naku po!


Napaderetso lang ako ng upo ng makarinig ako ng sagitsit ng gulong. Agad akong napalingon sa kalsada. Hindi ko makita si Miggy! Kinabahan agad ako. Lalo na ng makarinig ako ng sigawan mula sa labas ng restaurant. Mabilis pa sa alas-kwatrong napatayo ako sa upuan ko. At dahil sa pagmamadali ko, nabangga ko pa ang isang lalaki.


“I’m sorry.”


“Andrea?”


Hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil nakalabas na ko ng restaurant. Isang kumpulan ng tao ang nakita ko. Mabilis akong lumapit sa kanila at sumingit para lang matulala. Natutop ko ang bibig ko.


Si Miggy! He’s lying on the ground. He’s bleeding! His head is bleeding for god sake! Nabanggga siya! Nabangga siya!


“MIGGY!!!” Nilapitan ko agad siya. Napasalampak ako ng upo sa tabi niya. Nilingon ko ang mga tao. “CALL AN AMBULANCE!!!”


“Miggy...” Nagsimula na kong umiyak. “Miggy…no…”


Unti-unti siyang dumilat. Pilit siyang ngumiti.


“I-im...s-sorry...”


“D-don’t talk, o-okay.”


It’s my fault! Kasalanan ko ‘to! Dapat hindi na ko pumunta sa date na ‘to! It’s my fault!!! Ano ba ‘tong ginawa ko?!


Inabot niya ang pisngi ko. “M-muk...hang masa...sabunu...tan a...ako ng ka...date ko...”


“W-wag ka ng m-agsalita...”


“D-don’t c...ry, And...drea...Ayo...kong maki...tang umii...yak ka...” Pumikit siya.


“Miggy naman...” Hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko.


“I’m so...rry if I...” Napaubo siya. “...ruined yo...ur date...” Unti-unting dumausdos ang kamay niya sa pisngi ko.


Nanlaki ang mga mata ko. “MIGGY!!!”


= = = = = = = =


ONE YEAR AFTER...


February 12, 2013


Lumabas na ko ng kwarto ko bitbit ang bulaklak. Naabutan ko sa sala ang tita ko.


“Dadalawin mo ba si Miggy?”


“Yes, Tita.”


Tuwing dadalawin ko si Miggy, sinusundot pa rin ako ng konsensya ko. Sana nakakausap ko pa rin siya ngayon. Sana may nangungulit pa rin sakin ngayon. Maraming sana...
Dumeretso na ko sa pakay ko. Hindi ‘yon kalayuan sa bahay namin. Naabutan ko pa ang mommy ni Miggy na nakabantay sa kaniya.


“Tita.” I kissed her on the cheek.


Nginitian niya ko. “Lalabas na muna ko.”


“Sige po.” Lumapit ako kay Miggy. Nilapag ko ang bulaklak sa tabi niya. “Hello, Miggy. Kamusta ka na?” Hinaplos ko ang mukha niya. “Kailan ka ba gigising? Hindi ka ba napapagod matulog? Gumising ka na, oh. Namimiss ko na ang boses mo.”


Still, no reaction from him.


Ganito ako lagi kapag dinadalaw ko si Miggy sa bahay nila. Yes, nakaligtas si Miggy sa aksidenteng nangyari one year ago. Nakaligtas siya pero na-comatose siya. Ang sabi ng doctor, pwede siyang magising. Posible siyang magising. Marami na akong narinig na mga comatose na patient na nagising after weeks of being in coma. Mero’n ding inabot ng ilang taon. Pero mero’n ding hindi na tuluyang nagising.


At sa case ni Miggy, ang tanging bumubuhay na lang sa kaniya ay ang life support na nakakabit sa kaniya. Mayaman ang pamilya ni Miggy kaya afford nilang nasa bahay siya.


Hindi ako nawawalan ng pag-asang magigising din siya. Ako at ang pamilya niya. Alam kong magigising din siya.


Ilang minuto ko pa siyang kinausap bago ko narinig ang pagtawag sakin ng mommy niya. “Andrea.”


“Bakit po, Tita?”


“Sa baba na tayo mag-usap.”


Sumunod ako sa kaniya. Nasa sala ang daddy ni Miggy.


“Nakapagdesisyon na kami. Ayaw na naming pahirapan si Miggy. Ayaw na rin naming mahirapan. We’re letting him go.”


Namanhid ang buong katawan ko.


Isa lang ang ibig sabihin no’n.


Hindi ko na siya makikita.


Hindi ko na siya mahahawakan.


Hindi na.


= = = = = = = =


February, 14, 2013


Nandito ako sa dating university na pinasukan ko. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito. Dito kasi ako dinala ng mga paa ko. Siguro dahil ito ang lugar kung saan marami kaming memories ni Miggy.


Hindi pa rin nagbago ang nakikita ko ngayong Valentines. Marami pa ring lovers sa paligid ko. Umuulan ng chocolates. Umuulan ng bulaklak.


Hindi katulad dati na ordinaryong araw lang ‘to para sakin, dahil ngayon ang araw na iiwan na ko ni Miggy. Bumalik sa ala-ala ko ang pag-uusap namin ng magulang niya.


“Nakapagdesisyon na kami. Ayaw na naming pahirapan si Miggy. Ayaw na rin naming mahirapan. We’re letting him go.”


Namanhid ang buong katawan ko.


Isa lang ang ibig sabihin no’n.


Hindi ko na siya makikita.


Hindi ko na siya mahahawakan.


Hindi na.


“At mamayang gabi na tayo magpapaalam sa kaniya.”


“Tita...Tito...” Alam kong wala kong karapatan na kumontra sa desisyon nila. WALA! Pero para kay Miggy, “...may favor po kong hihingin sa inyo.” Pinigilan kong umiyak. Hindi ako pwedeng umiyak. “Hintayin po natin siya.”


“Hanggang kailan, iha?”


Hindi ko na napigilan ang luha ko. “H-hanggang sa isang araw po...” Pinahid ko ang luha ko. “Alam kong babalik siya...” Imposible man ang sinasabi ko pero anong gagawin ko? Walang nakakaalam kung kailan giging si Miggy. Only God knows.


“Andrea...”


“Babalik siya satin...”


Huminga ako ng malalim bago tumingala sa langit. Hapon na ngayon. Wala pa akong tawag na natatanggap sa magulang ni Miggy na nagising na siya.


Pumikit ako at bumulong sa hangin.


“Please, Miggy. Bumalik ka na.”


Ganito ba ko kabaliw para umasang magigising siya ngayon? Pero gusto kong maniwala. Gusto kong paniwalaang magigising siya. Kahit imposible.


Naglakad na uli ako. Hanggang sa may tumawag ng pangalan ko. “Andrea!”


“Miggy.” Unti-unti akong lumingon sa likuran ko.


Niyakap niya ko. “Anong ginagawa mo dito? May kinuha kang records?”


Umiling ako. “Dumalaw lang, Eric.” Siya yung lalaking nakabangga ko sa restaurant ng araw na maaksidente si Miggy. Dito siya nag-aaral at third year na siya. At sa tuwing nagsasalita siya, naaalala ko si Miggy sa kaniya. Magkaboses silang dalawa. Katulad kanina, napagkamalan kong siya si Miggy. Nababaliw na nga ata ko.


“Gano’n ba? Pauwi ka na ba? Ihahatid na kita. Dadaan muna ko sa dean’s office. Hintayin mo na lang ako dito, hah.”


Tumango na lang ako. “Mag-iikot lang muna ko.”


“Alam ko naman kung sa’n ang favorite mong puntahan dito. Do’n na lang kita pupuntahan, hah.” Umalis na siya.


Naglakad na ko sa pakay ko. Kung sa’n naka-pwesto ang mga locker. Hindi na ‘yon ginagamit. Lumapit ako at pinasadahan ng daliri ang bawat locker hanggang sa mapahinto ako sa isang locker. Ang locker ko.


Binuksan ko ‘yon. Walang laman. Naalala ko tuloy dati na tuwing bubuksan ko ‘yon, bigla na lang susulpot sa gilid ko sa Miggy at mangungulit. Inalala ko ang lahat ng alaala naming dalawa. Lahat-lahat. Pero tumigil din na rin ako. Dahil masasaktan lang ako sa ginagawa ko.


Sinarado ko na ang locker ng may kung anong bumagsak sa harap ko. Parang may kung sinong naghagis no’n mula sa likuran ko.


Kumunot ang noo ko ng mapatingin ako sa sahig. Isang long stem red rose ang nakita ko. At pamilyar sakin ang nakikita ko ngayon. Ang pagkakaiba lang, walang papel na nakadikit do’n. Kinuha ko ang rose.


“Kung napansin mo, wala ng papel na nakadikit dyan.” Napaderetso ako ng tayo. “This time, ako na lang ang magtatanong para hindi na mapurnada ang date natin.”


Pause.


“For the fourth time, can you by my valentine date?”


Napahinto ako.


Ang tanong na ‘yon.


Unti-unti akong lumingon.


Nakangiti siya sakin.


Kung nananaginip man ako, ayoko ng magising.


“Long time no see.”


Pinigilan ko ang maiyak.


Totoo nga.


“Bumalik ka...”


“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Andrea.”


“Pero paanong ikaw…”

 
= = =
[ MIGGY’s POV ]
“The Truth Behind”


The first time I saw Andrea, nagbabasa siya ng libro habang naglalakad. Palabas ako ng bahay namin ng makita ko siya. Bago ang mukha niya sa village namin kaya naisip kong bagong lipat lang siya. Sa sobrang engrossed niya sa pagbabasa, hindi man lang niya napansing nakasunod ako sa kaniya. Buti na lang at nakasunod ako sa kaniya dahil muntik na siyang madapa sa humps na mukhang hindi man lang niya napansin. Nahawakan ko agad ang balikat niya.


“Ingat, ingat din miss pag may time.”


Unti-unti siyang lumingon sakin. “Pwede mo nang bitawan ang balikat ko.”


Ilang saglit akong natameme. Hindi man lang siya nag-thank you sakin. Binitawan ko na ang balikat niya. Umatras naman siya ng ilang hakbang palayo sakin. Mas lalong kumunot ang noo ko. Mabaho ba ko? Hindi naman dahil kakaligo ko lang. Mas lalong wala naman akong nakakahawang sakit. Lapitin kaya ako ng mga babae pati ng mga beki.


Walang paalam na tumalikod siya. Pero agad din siyang huminto at nilingon ako. “Thanks.”


I smiled at her. Marunong naman pala siyang mag-thank you.


“I’m Miggy. Anong name mo? Bagong lipat ka lang dito, right? Gusto mong i-tour kita?”


“No need. Kaya ko ang sarili ko. Ayoko din ng kasama.” Tumalikod na uli siya.


Do’n nagsimula ang lahat. Sa kabila ng pagpilit niyang ayaw niya ng kasama, lagi ko siyang sinasamahan. Wala din siyang nagawa dahil dakilang makulit ako. We became good friends, eventually as bestfriends.


Until that time. That time na makita ko siya sa ilalim ng puno ng mangga habang nagbabasa. Valentine’s Day no’n. First year college kami. Wala kasi siyang pakialam sa paligid niya habang nagbabasa. Parang yung libro lang yung nakikita niya. Hindi man lang niya napansing nasa tabi na niya ko. Kinalabit ko siya. Nagulat na lang ako ng matumba ang ulo niya sa balikat ko.


Gusto kong tumawa pero pinigilan ko. Kaya pala that day, she was wearing dark sunglass na hindi ko nakasanayan dahil lagi siyang naka-reading glass. Natutulog pala.
At habang pinagmamasdan ko siya, I just felt something inside of me. Napangiti ako. Kaya gusto ko siyang laging nakikita, kaya gusto ko siyang laging masaya, kaya iniiwasan ko na ang mga babaeng lumalapit sa paligid ko. DAHIL SA KANIYA. Because I love her.


Pero, alam kong hindi pwede. Priority ni Andrea ang pag-aaral niya. Besides, sinabi na niyang ayaw niyang mag-boyfriend dahil ayaw niyang masaktan katulad ng nangyari sa mama niya. But I wouldn’t hurt her. Hindi ako gagaya sa papa niya. Kaya ang sabi ko sa sarili ko, I’m willing to wait. Because she’s worth the wait. Kahit hindi ako sigurado kung may kalalabasan ba ang paghihintay ko.


Pero hindi ko mapigilan ang sarili kong iparamdam sa kaniya na mahal ko siya. Idagdag pa na wala na kong ibang babaeng kasama kundi siya. Maski ang mga barkada ko nagtatanong kung kami na ni Andrea. At ayokong mailang si Andrea. Ayoko siyang lumayo sakin. Kaya binalik ko ang dati. I mingled with the other girls. Nagka-girlfriend ako, but they were all just flings. Because all I want is Andrea.


Second year na kami. Valentine’s Day. Para kay Andrea, it was just an ordinary day. Nothing special. But I want to make this special day be special for her.


Inaya ko siya ng date. Pero hindi harapan. Nag-iwan ako sa locker niya ng rose with a note on it, saying ‘Can you be my valentine date?’ I just want to surprise her. Pero mukha hindi siya mahilig sa surprise dahil inindyan niya ko. Sabagay, he doesn’t even know na ako ‘yon.


Third year college. Valentine’s Day. Gano’n uli ang ginawa ko. Stiil, wala pa rin.


Fourth year college. Our last year in college. Valentine’s Day. Gano’n uli ang ginawa ko. Nag-iwan ako ng rose with a note saying, ‘For the third time, can you be my valentine date?’


Pero mukhang wala siyang balak pumunta. NA NAMAN! Bakit ba kasi hindi ko pa harapan sabihin sa kaniya? Pero kasi naman, kung anu-ano ang nasasabi ko, eh. Lalo na nung makita ko ang reaksyon ng mukha niya. Shit! Baka makahalata siya. Hindi pa ngayon. Saved by the bell, dumating ang schoolmate kong girl at inaya kong maging date. And there, she said ‘yes’ para iparinig kay Andrea. Pero ng makalayo si Andrea, sinabi ko sa schoolmate kong ‘I’m sorry. May date na pala ko.’


Ginamit ko na lang ang convinsing powers ko para pumayag si Andrea na pumunta sa date niya. Sinabi ko pang sasamahan ko siya sa date niya. At kung anu-anong pakulo pa ang sinabi ko para lang pumayag siya. And when she said ‘okay’. Napa-YES na lang ako sa isip ko.


Habang pauwi na kami, may kumpol ng babaeng humila sakin. Ayoko sana pero may pumasok sa isip ko kaya pumayag ako. Nang makasakay na si Andrea sa tricycle. Nagdahilan ako sa mga babaeng humila sakin. Dumeretso ako sa isang flowers shop. Umorder ako ng flowers para kay Andrea mamaya.


Nang sunduin ko si Andrea, I was mesmerized. She was so beautiful. Pinigilan ko lang ang sarili ko na sabihin ‘yon kaya tahimik lang ako sa loob ng kotse.


Nang makarating kami ng restaurant kung sa’n sila magkikita ng ka-date niya which was me na hindi naman niya alam. Gusto kong tawanan ang sarili ko, para kasi akong sira habang kausap si Andrea sa phone habang nasa loob siya ng restaurant at nasa kabilang kalsada naman ako. Ako yung ka-date niya, eh. Pero nasa labas pa rin ako at nakikipag-usap sa kaniya. Nagpaalam ako sa kaniya na pupuntahan ko na ang ka-date ko at baka masabunutan pa ko which was her dahil inip na ang mukha niya. We hanged up the phone. Pero ako naman ‘tong si makulit, tinawagan ko uli siya just to say ‘You looked beautiful. Andrea.’ Halatang nagulat siya sa sinabi ko dahil hindi siya nakasagot. Yung pala, nalowbat siya.


It’s about time. Kailangan ko ng puntahan ang ka-date ko. Kailangan ko na siyang puntahan. Nakangiting tumawid na ko ng kalsada.  At dahil na kay Andrea ang atensyon ko, hindi ko namalayan ang isang kotseng mabilis ang takbo. Naramdaman ko na lang na bumangga ang katawan ko at tumama ang ulo ko sa kung saan. Nakarinig ako ng sigawan. At ang huli ko na lang na naalala ay ang umiiyak na mukha ni Andrea.


Nagising na lang ako sa isang kwarto. Sa isang pamilyar na kwarto.


“Miggy! Gising ka na!”


Nakarinig ako ng kung anong nabasag. Paglingon ko nakita ko si mommy. “Inday, tawagan mo si Dr. Santos!”


Wala kong maintindihan. Ano bang nangyayari? Bakit nandito ako sa kwarto ko? Nasan si Andrea?


Parang fastforward ang mga nangyayari sa paligid ko. Nasa tabi ko si mommy st si daddy. May doctor na nasa tabi ko at kung anu-anong ginawa sakin. Parang test. Hindi ko alam.


“Everything’s normal.” Iyon lang ang narinig kong sinabi ng doctor dahil nakatutok ang atensyon ko sa mommy ko. Umiiyak kasi siya. Bakit? Okay naman ako. Ligtas na ko sa aksidente. Kaya lang, bakit nandito ako sa kwarto ko? Hindi ba dapat nasa ospital ako? Nasan ba si Andrea?


“Mommy…”


Lumapit siya sakin.


“You’re awake, Miggy.”


“Namiss mo ba ko...mommy? Saglit lang naman...akong nawala.. Pero bakit... bakit ganito ang... pakiramdam ko? Parang... ang tagal kong natulog?”


Si daddy na ang sumagot dahil panay pa rin ang iyak ni mommy. “Dahil one year kang na-comatose, anak.”


One year? Kaya nandito ako sa bahay dahil comatose ako? Parang hindi ako makapaniwala.


“Mamaya ko na ipapaliwanag ang lahat, Miggy. Mag-ipon ka muna ng lakas.”


Tumango ako. “What month... is it, Dad?”


“It’s February 13, Miggy.”


Isa lang ang pumasok sa isip ko. Si Andrea. “Don’t tell Andrea na gising na ko...”


= = = = = = = =


February 14, 2013


Nasabi na sakin ng parents ko ang lahat kahapon. Ayaw muna sana nila akong  palabasin. Sa flower shop lang ako pumunta, sinamahan na lang ako ni mommy. Nagpaiwan siya sa kotse. At habang papasok ako sa loob ng flower shop, may nasalubong akong lalaki. Kumunot ang noo ko. Isang taon man akong tulog, matalas pa din ang memory ko.


“Eric?”


Nagulat siya pagkakita sakin. “Miggy?! Gising ka na! Thanks God! I’m glad, pare! Alam na ba ni Andrea na gising ka na? For sure, matutuwa siya! I’ll call her!”


Pinigilan ko siya. “Don’t. I want to surprise her.”


“Okay.” Nginitian niya ko. “I’m very glad, pare. Hindi sumuko sa’yo ang kapatid ko.” Yes, kapatid siya ni Andrea. Half brother.


Ngumiti ako. “I know, pare. I know.” Nasabi na sakin nila mommy ang hiling ni Andrea na hintayin ang araw na ‘to. Sumuko na kasi sila sila mommy. Pero si Andrea, umaasa pa rin. Wala akong sama ng loob kina mommy. Alam kong nahirapan din sila. Sino nga ba ang nakakaalam kung magigising pa ba ko o hindi? Kung magigising man ako, kailan?


Nagpaalam na si Eric. May klase pa daw siya. Bumili lang daw siya ng bulaklak para sa girlfriend niya. Sa university na pinasukan namin ni Andrea nag-aaral si Eric.


Matapos makabili ng bulaklak, dumeretso kami ni mommy sa bahay ni Andrea. Pero wala si Andrea. Natuwa din ang Tita ni Andrea ng malaman na gising na ko. Kaya lang, hindi niya alam kung nasa’n si Andrea.


Nasa bahay na kami ni mommy ng makatanggap ako ng tawag mula kay Eric. Kinuha niya ang number ko kanina.


“Pare, nagkita na ba kayo ni Andrea?”


“No.”


“Nakikita ko siya ngayon. Nandito siya sa school.”


Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko. “Can you please make her stay there? Pupunta ko diyan.”


“Ako ng bahala.”


= = =


[ ANDREA’s POV ]


Ngayon nakwento na sakin ni Miggy ang lahat, malinaw na malinaw na. Mahal niya ko! Mahal ako ni Miggy! Napaiyak na ko ng tuluyan.


“Thank, Andrea. Alam kong mainipin ka. One year, pero hindi ka pa rin sumuko sakin.”


“If something is worth the wait, I’m more that willing to wait.”


Nginitian niya ko. “Line ko ‘yan, ah.”


“Hinihiram ko lang.”


Lumapit siya sakin. He cupped my face with his hands. Pinunasan niya ang mga luha ko. “Pwede mo na kong tanungin.”


“Tanungin?”


“Diba ang sabi mo noon pag nakilala mo na ang mysterious long time secret admirer mo, tatanungin mo siya kung bakit para siyang baliw sa kakaaya sa’yo ng date na iniindyan mo naman.”


“Naalala mo pa ‘yon?”


“Ako pa.”


“Diba ang sabi mo mahal mo ko kaya nagawa mo ‘yon?”


“Wala kong sinabi, ah.”


“Miggy!”


“I’m just kidding. Pero gusto ko pa ring sagutin ang tanong mo na  ‘yon. Because I love you, Andrea. I love you so much that I’m willing to wait for you no matter what it takes.”


Napangiti ako.


“Wala ka bang sasabihin sakin?”


“Sasabihing ano?”


Pinanlakihan niya ko ng mata. “I just said I love you.”


“Can you be my valentine date?” Sa halip ay tanong ko.


“Nasa’n ang sagot mo do’n?”


“Hindi pa kasi ako tapos, eh.”


“Okay. Continue.”


“Can you be my valentine date, FOREVER, Miggy?”


He kissed my forehead. “I miss you so much, Andrea.”


“Nasa’n ang sagot do’n?”


“Hindi pa kasi ako tapos, eh.”


Napangiti ako. “Okay. Continue.”


Nilapit niya ang mukha sakin. Nagdikit ang mga ilong namin. “I’m more than willing to be your valentine date forever, Andrea. Ang tagal ko atang naghintay. To the point na nakatulog na ko sa paghihintay sa'yo.”


I smiled. 

Miggy will be my valentine date.


Not just for today.


But forever.


- T H E  E N D -


A/N Part2: CAN YOU BE MY VALENTINE DATE FOREVER, LEE MIN HO? <3 Wait ko answer mo. Because if something is worth the wait, I’m more than willing to wait. :)))
Nyahaha! Andrea at Miggy lang ang PEG ^___^
Kaya ako hindi ako mawawalan ng pag-asa, makaka-date ko din si LEE MIN HO…
Sa panaginip. XD
Salamat sa pagbabasa. I hope you like it!



7 comments:

  1. Awww... NICE STORY :))

    ReplyDelete
  2. ayiiiEee,,, aNg swEet ni migGy,,, aNg sAraP tLga mAinLuv,,, mAy mppnaginipAn n nMaN aq ngAyoNg gAbi,,, hwaHehE,,,

    ReplyDelete
  3. HAHAHHAA :P Gusto ko yung part two!~~~ ^_____^

    ReplyDelete
  4. weeeew. ang sweeet :) hahahaha ang sarap naman mainlove :) hahaha feeling ko ako si andrea at si miggy yung crush ko :) hahahahahah nice story :))

    ReplyDelete
  5. i soo love this!!! ang cute!! napapangiti na lang ako..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^