CHAPTER 9
( Regina
Salazar’s POV )
“Kuya, nagkita ba kayo ni Gio?”
“Hindi, pangit. Bakit ba tanong ka ng tanong? Isang linggo mo
nang tinatanong ‘yan, ah.”
Oo. ONE WEEK na nga simula ng
mangyari ang halikan namin ni Glenn este pananantsing este...ano bang pwedeng
itawag ko don? Ah! Ang ACCIDENTAL KISS na ‘yon. One week na pero hindi pa rin
kami nagkikita ni Gio ng malaman ko mula kay Glenn na sinumbong niya ko sa
boyfriend niya.
“Wala naman. Teka, wala ka bang pasok?”
“Malamang may pasok ako noh. Nakapambahay nga lang diba? May
pumapasok ba na naka-boxer shorts at sando sa school? Malamang ako ang una noh?”
“Sinaniban ka ba ni Vice ganda, kuya? Bagay kasi sa’yo, eh.”
“Anong sabi mo?”
“Ang sabi ko mukha kang kurimaw. Diyan ka na nga.”
Lumabas na ko ng bahay namin.
“Ang pangit mo naman!”
“Pagkalat mo!”
= = = = = = = =
Papasok na ko ng gate ng SU ng
may kumalabit sakin. Nagulat pa ko ng makita ko si Gio sa likuran ko.
“Ba’t parang nagulat ka?”
“Hah? Ah, eh...wala naman.” Naku po! Tabingi ang
ngiti ko. “L-long
time no see, ah.”
“Oo nga, eh. Masyado lang busy sa OJT namin.”
Napansin kong masyadong seryoso ang mukha niya. Ito na ba ang eksena kung saan
sasabunutan na niya ko?
“M-may...may problema ba, Gio?” Talaga
nga naman! May gana pa akong magtanong noh? Syempre ako ang problema niya!
Naturingan na ngang ako ang taga-bantay niya kay Glenn, tapos gano’n ang nangyari.
Pero teka, bakit ba ako kinakabahan? Wala naman akong kasalanan, ah. Kasalanan
ng PAA ko at ng CLUMSINESS ko! At ng kaMACHOhan at kaGWAPuhan ni Glenn! Ang
apat na ‘yon ang may kasalanan! Basta ako, WALA AKONG KASALANAN! Ang galing mo
talaga, Regina! ^___^
“Mamayang lunch, pwede ba tayong mag-usap?”
“Hah? Bakit naman tayo mag-uusap? Wala naman akong—“
Tinakpan ko ang bibig ko. Muntikan na ko do’n, ah.
“Walang ano, Rehg?”
Diosmiomarimar! “Wala akong
dalang napkin.” Natakpan ko na naman ang bibig ko. Ano ba namang
klaseng dahilan ‘yon naisip ko?! “Wahehe. Joke lang ‘yon. May dala ko noh.”
“Hahahaha...”
“Huh? May nakakatawa ba sa sinabi ko?”
Nginitian niya ko. “Hindi mo ba
napapansin? You can easily brighten up someone’s day by just your words. By
just the way you talk. Minsan pa, kahit yung pinaka-awkward na bagay, kaya mong
lusutan dahil sa mga hirit mo.”
Awkward? Naalala ko tuloy yung
accidental kiss namin ni Glenn. Teka? Yun ba yung tinutukoy ni Gio? Naku!
“Kaya mong pagaanin ang lahat ng bagay na nasa paligid mo.
Katulad ngayon.”
Napalingon ako sa kaniya. “Katulad
ngayon? Kung may problema ka, Gio, pwede
nating pag-usapan ‘yan. Love life ba? Hindi ako magaling diyan pero pwede
tayong tumawag kay talk to papa sa radio.”
Napangiti siya sa sinabi ko.
Inakbayan niya ko habang naglalakad kami. “You know what, Rehg. You always find your way to make me
smile. Kung hindi ko lang nakilala si Gra, niligawan na kita.”
Napahinto ako. “Ano ba talaga,
lolo? Ano ba talagang type mo? Girl or boy?” May balak pa daw akong
ligawan? “Kasi
mas type ako ang straight na guy, eh. Kaya ngayon pa lang basted ka na. Ayokong
maging dalawa ang kaagaw ko noh. Kaagaw ko na nga ang babae, pati ba naman
lalaki? Wikikik aketch papayagan dyan.” Nakapagsalita tuloy ako ng
gay lingo.
Ngumiti lang siya pero hindi
niya ko sinagot. Ano ba talagang problema niya? Ayaw pa kasing sabihin, eh. “Mag-usap na
lang tayo mamayang lunch, Rehg.”
“Tungkol ba saan?” Hindi talaga ako mapakali
hangga’t hindi ko nalalaman kung anong pag-uusapan namin. “Tungkol ba kay...” Napalunok
ako. “K-kay
Glenn?”
“Yah.”
Confirm!
“Promise! Hindi ko talaga sinasadya! Aksidente lang ‘yon.”
“Anong hindi mo sinasadya? Anong aksidente?” Nagtataka niyang tanong.
“Ano kasi...”
“Ano, Rehg?”
“Gio!”
Sabay kaming napalingon ni Gio
sa likuran namin. Si Glenn! Lumapit siya samin. “Anong pinag-uusapan ninyo?”
Sakin siya nakatingin.
“Hah? Ah...eh...”
“Eh? Anong eh?”
Ah...eh... Pwedeng call a
friend? Nilingon ko si Gio. “Gio, ano daw yung pinag-uusapan natin?”
“We’re talking about the incident you just said. Ano nga uli
‘yon?”
Diosmiomarimar! Bakit si Gio pa talaga ang tinanong ko?
“Oh, about THAT incident.” Makahulugang ngumiti si
Glenn sakin. “Pinag-uusapan
ninyo na pala ‘yon.”
Isip-isip, Regina! “Ah, oo. Y-yung
natalisod ako sa h-hagdan.” Na totoo naman. “B-buti na lang at n-nakakapit ako kay...sa
h-handrail ng hagdan kaya h-hindi ako n-nagpagulong-gulong. A-ayun na ‘yon.” Bakit ba ko nabubulol? Hindi ko talaga talent ang
magsinungaling. “Pano
ba ‘yan, papasok na ko. Mauna na ko sa inyo, ah.” Baka
magkabuhol-buhol pa ang dila ko sa pagsisinungaling ko.
“Bakit hindi pa kayo magsabay ni Gra?”
Gio naman! Pero, hindi naman
ako makatingin sa kaniya ng deretso. “Ah, hindi na. Dadaan pa ko ng canteen, eh. Baka mainip
lang si Glenn sa paghihintay sakin.” Humakbang na ko patalikod. “Sige guys,
baboosh!”
Nilakad-takbo ko na ang
pagpunta ng canteen. Nakahinga lang ako ng maluwag ng hindi ko na sila matanaw.
Huminto ako at sumandal sa pader. “Buti na lang at nakawala ako sa kanila. Ang galing mo
talaga, Regina. High five nga dyan!” At parang ewan na pinag-appear
ko ang dalawang palad ko.
At dahil wala naman talaga sa
plano ko ang dumaan sa canteen, bumili na rin ako ng mangangatngat este
makakain. Cloud nine lang ang binili ko tapos lumabas na agad ako ng canteen. Nate-tempt
kasi akong bumili pa. Katakawan lang, eh.
“Regina.” Napalingon ako sa gilid ko.
Diosmiomarimar! Bakit nakasunod agad siya dito?
Nakapamulsang lumapit siya
sakin. Napalunok ako. “Anong ginagawa mo dito? Si Gio?”
Kumunot ang noo niya. “May balak ka
bang agawin sakin si Gio?”
Nanlaki ang mata ko. “Hah? WALA
NOH!” Anong pinagsasabi niya?
“Buti naman dahil hindi mo siya maaagaw sakin.”
“Bakit ko naman siya aagawin sa’yo?”
Tinalikuran niya ko. Humarap
siya sa puno ng mangga na nasa harapan namin. “I heard it.”
“What?”
“Na kung hindi niya ko nakilala, niligawan ka niya.”
Natutop ko ang bibig ko. “Narinig mo?”
“Yah.”
Na-hurt ba siya sa sinabi ni
Gio? “Ano
kasi...” Humakbang ako palapit sa kaniya. “Wag mong intindihin ‘yon, Glenn. Kahit
ligawan pa niya ko, hindi ko siya sasagutin dahil kayong dalawa na. Although
gwapo talaga siya, hah. Pero hindi ko talaga siya magugustuhan. Crush lang
siguro.” Uhm, parang parehas lang ‘yon, ah. Ah, basta!
Hindi niya ko sinagot.
Hinawakan ko ang manggas ng damit niya. “Glenn...wag ka ng magtampo.”
“I’m not.” Dahan-dahan siyang humarap sakin. “Bakit hindi mo
siya pwedeng magugustuhan? Because he’s a GAY?”
“Ahm...hindi naman sa gano’n. Lovable naman si Gio, eh. Kaya
lang, hindi ko talaga makita ang sarili ko na mainlove sa isang gay. They can
be my friends. Pwede pang bestfriends. Pero as boyfriend? No. Sa’n ka ba naman
nakakita ng prince charming na vhakler? Wala naman diba?”
“Ayan ka na naman sa prince charming mo na nag-eexist lang naman
sa mga fairy tales.”
“Oy, hindi, ah!” Tumingala
ako sa puno ng mangga. “Feeling ko malapit ko ng ma-meet ang prince charming
ko.” Napangiti ako.
“Feeling mo lang ‘yon.”
“Wag ka ngang epal.” Pumikit ako. Pag may nahulog na dahon sa punong ‘to
pagdilat ko, malapit ko na siyang ma-meet.
One...
Two...
Three...
Dilat.
Nanlaki ang mata ko.
Lumapad pang lalo ang mga ngiti
ko.
May nahulog na dahon! May bonus
pang isa.
Tumingala ako sa langit para
lang mapa- “aray!”
Napalingon ako kay Glenn. Pinitik niya ang noo ko, eh. “Ang sakit, ah.” Sabay himas ng noo ko.
“Umaga pa lang, nagde-daydream ka na agad.”
Humakbang na siya paalis. Sumunod naman ako sa kaniya.
“Bakit? May nagde-daydream ba sa gabi? Kaya nga DAYdream eh,
kasi UMAGA. Edi sana sinabi mong ganito, ‘Ano ka ba naman, umaga pa lang, nagna-nightdream
ka na agad.’ O diba? Mas okay pakinggan kesa sa sinabi mo.”
“Ang ingay mo.” Tinakpan niya ang tenga niya.
Maingay pala, hah. Nilapit ko
ang bibig ko sa tenga niya. “BLABLABLABLABLABLABLA!!”
“REGINA! ISA!”
“Dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu,
labing isa, labing...” Huminto na ko. Ang sama na kasi ng tingin
niya sakin. Baka sa halip na labing dalawa ang kasunod, mailibing niya na ko ng
buhay ng wala sa oras. Nagpeace sign na lang ako sa kaniya.
“Inaasar mo ba talaga ko?”
Nginitian ko siya. “Hindi, ah.” Binilisan
ko ang lakad ko para makasabay sa kaniya. Ang haba naman kasi ng biyas ng
lalaking ‘to.
“Wag ka ngang sumunod sakin.”
“Sinusundan ba kita? Ikaw nga ang sumunod sakin, eh.”
“Basta, wag mo kong sundan. Sa ibang way ka dumaan, wag kang
sasabay sakin.”
“Ayoko nga. Edi mas mapapalayo pa ko. Kung gusto mo, ikaw ang
gumawa ng suggestion mo. Tutal naman, suggestion mo ‘yon.”
Tiningnan niya ko ng matagal. Na
parang may iniisip na kung ano. Pagkatapos, nilapit niya ang mukha sakin. “Alam ko na
kung bakit gustong-gusto mo akong sundan.”
“Bakit?” sabay
taas ng baba ko.
A smile curved on his lips. “Dahil gusto mo
lang uli akong tsansingan. Tibo ka ba talaga para patulan ang bading na katulad
ko?”
Ano daw? Gusto ko daw siyang
tsansingan? Babaeng nagkagusto sa vhakler, tibo na agad? Grabe talaga mag-isip
‘tong vhakler na ‘to, ah.
“Natameme ka na dyan. Dahil ‘yon ang totoo, right? Kay sundan mo
pa uli ako, totoong tibo ka talaga. At kapag sinundan mo pa talaga ako, gusto
mo lang uli akong tsansingan, in other words, HA...LI...KAN.”
What da—Paano niya nahulaan?
Waaaah! Erase! Erase! I mean, paano niya nasabi ang bagay na ‘yon? Mukha ba
kong manyak? Hindi naman diba? Diba? Diba? Mukha ba kong tomboy? Hindi naman
diba? Diba? Diba?
Nagulat na lang ako ng wala na
pala sa harapan ko si Glenn. Naglalakad na uli siya. “Akala mo ba matataboy mo ako ng dahil sa
sinabi mo? Nah! Nah! Nah! Ako si Regina Salazar. Ang may hawak ng trono ng The
Most Makulit Person in SU.”[Stromberg University].
Ngiting-ngiting mabilis akong
sumunod sa kaniya. Agad akong kumapit sa braso niya ng makalapit ako sa kaniya.
Nagulat pa siya at napahinto. “Kasasabi ko lang diba?” Sabay alis ng kamay
ko sa braso niya na hindi naman niya maialis-alis dahil kapit-linta ang ginawa
ko.
“Sinabing ano? Wala akong narinig sa mga sinabi mo, eh.
Nag-de-DAYDREAM nga ako diba?”
Tiningnan niya ko katulad ng
tingin niya pag nakukulitan na siya sakin na parang gusto niya akong tirisin na
at the same time, parang gusto na niya akong ihagis mula sa rooftop ng school
building namin. “You’re
the most MAKULIT person I’ve ever met.”
Nginitian ko siya ng
pagkatamis-tamis. “I know, Glenn. I know.”
NKu, nAiiNLuv n tLga aq kEi gLenn dtO hA,,, nkkAawkwaRd tuLoy kpAg pinAguusaPan nMen s scHooL to kSi naiiCp nuNg ibA nMing cLassm8s c gLeNn ryAn uNg pinAg-uusApaN nMin,,, inStant cELebrity 2Loy anG bAkLita,,, hwAheHe,,,
ReplyDeleteparang si vander lang sya rito.. hahah.. akin na lang kasi si gio!! haha,inaagaw ko na tlaga lahat ng mga supporting actors..
ReplyDelete