CHAPTER 10
( Regina Salazar’s POV )
( Regina Salazar’s POV )
“Prenship, ang bilis ng araw noh?”
Nandito kami ng bestfriend kong
si Nic sa halamanan nila. Nakaupo kami sa loob ng kubo. Araw ng sabado ngayon
kaya patambay-tambay lang kami habang kumakain ng banana cue. Ayaw niya sa
bahay namin. Alam ninyo na. Takot sa multo si bestfriend.
Nilingon ako ni Nic. “Oo nga, eh.
Parang kailan lang pasukan pa lang. Tapos sa Monday, July na agad.”
“Speaking of July, malapit na pala ang birthday mo.”
“Sa August pa ang birthday ko, Rehg. Hindi July.”
“Oo nga. Sa August pa. Wala naman akong sinabing July, ah.”
Napakamot siya ng ulo na parang
naguluhan sa sinabi ko. “Teka, hindi ka pa ba uuwi?”
“Tinataboy mo na ba ko?”
“Hindi naman sa gano’n. Medyo lang.”
“Kararating ko pa lang, ah.”
“Kanina ka pa kaya dito. Gusto ko na ring maligo.”
Inamoy ko siya. “Mabango ka pa
naman, ah. Bakit maliligo ka kaagad?”
“Mababaho lang ba ang naliligo?”
“Oo. Gano’n ako, eh.”
Napangiwi
siya. “Syempre,
joke lang ‘yon noh. Edi naipon ang libag ko.”
“Kadiri ka talaga.”
“Joke nga lang, eh. Kaw talaga, parang hindi ka sanay sakin.”
“Kakaiba kasi ang takbo ng utak mo, eh. Paatras.”
“Gano’n talaga. Nabagok daw kasi ang ulo nung bata ko sabi ni
Tito Diosa.”
“Sinong may sabi?”
“Ako.”
“Ewan ko sa’yo. Umalis ka na nga. Aalis pa ko.”
Kumagat ako sa banana cue. “Sya ka ba
uuta? Anhari pa rana.”
“Ano?”
Nilunok ko muna ang kinakain
ko. “San ka
kako pupunta? Tanghali pa lang, ah.”
“Birthday ng father ni Kiro.”
“Himala ng mga himala. Diba laging out of the country ang daddy
niya? Sa’n daw gaganapin?”
“Sa isang resort.”
“Anong oras?”
“Mayang six pa.”
“Mayang six pa pala, eh. Bakit pinapauwi mo na agad ako?”
“Maglalaba pa ko, eh.”
“Bukas ka na lang maglaba.”
“Hindi pwede. Overnight ako sa resort.”
“Talaga? Pwede bang sumama?”
“Bawal ang maingay do’n.”
“Bakit? Patay ba ‘yong pupuntahan mo?”
“Regina!”
Nag-peace sign ako. “Joke lang.”
* I
was thinking about her... Thinking bout me... Thinking bout us... What we’re
gonna be? Open my eyes... It’s only just a dream... *
Ring tone ‘yon ng phone ko.
Bago ko sagutin ang tawag ay tinapat ko muna ‘yon sa buhok ni Nic.
“Anong ginagawa mo?”
“Baka kasi mag-chappy. Penge muna ang signal.” Kung
makikita ninyo kasi ang buhok ni Nic ngayon, gagawin ninyo din ang ginagawa ko.
Wahehe. Grabe naman kasi ang trip ng prenship ko sa buhok niya. Kung anu-anong
style ang ginagawa.
“Sira ka talaga.”
Nilayo ko na ang phone sa buhok
niyang mala-antenna bago sagutin ang tawag ni kuya. “Pangit! Anong petsa na? Wala ka bang balak
umuwi?” Bungad agad sakin ng
kuya kong kurimaw.
Kinalabit ako ni Nic. “Pasok na ko
bahay. Naiihi ako.”
Sinenyasan ko siya ng ‘sandali
lang’ habang pinakikinggan ang monologue ni kuya sa phone. “Dyan ka na kaya tumira kina pulots? Kanina
ka pa wala dito sa bahay! Uubusin ko ‘tong ulam dito sa bahay, makita mo!
Maglilinis ka pa ng kwarto mong parang tambakan ng basura! Umuwi ka na!”
“Okay, kurimaw.”
“Aba’t! Human—” END
CALL.
“Siguradong pikon na naman si kurimaw dahil pinatayan ko siya ng
phone.” Binulsa ko ang phone ko. “Ano, prenship? Pwede ba kong sumama sa
birthday party?” Walang sumagot sakin. Nilingon ko si Nic para lang marealize na wala na pala siya
sa tabi ko ng hindi ko napapansin. Napakamot na lang ako ng ulo. “Tingnan mo
‘yong taong ‘yon. Iniwanan na lang ako. Makauwi na nga lang. Mapapanisan lang
ako ng laway dito.”
= = = = = = = =
Nakatayo ako sa gitna ng room
ko habang nililibot ang tingin sa bawat sulok ng kwarto. Nagpameywang ako. “Sa’n ba ko
mag-uumpisa?”
Lumapit ako sa mini bookshelves
ko. Sinimulan kong ayusin ang mga librong wala sa ayos at basta ko na lang
sinuksok. Kaya lang, wala pa ko sa kalahati ng huminto ako. “Magugulo din
naman ‘to, eh. Papagurin ko lang ang sarili ko.”
Lumapit na lang ako sa study
table ko na puno ng libro, notebook at ballpen at kung anek-anek. Sinimulan ko
ng ayusin ang mga ‘yon ng mapahinto na naman ako. “Pag inayos ko ‘to, makakalimutan ko na
naman kung sa’n ko nilagay ang mga gamit ko. Mahihirapan pa ko. Kaya much
better kung ganito na lang ‘to.”
Lumapit na lang ako sa cabinet
ko. Pag bukas ko no’n, napangiwi ako. Para kasing dinaanan ng bagyo ang cabinet
ko. “Bakit
ganito ‘to? Sinong gumulo nito? Hindi kaya ang mga tropapips kong multo?”
Nang maalala kong naghalungkat nga pala ako dito dahil may hinahanap akong
gamit na tinago ko sa kung saan nung nakaraang linggo. “Bukas na nga lang ako mag-aayos.” Napakamot
ako ng baba. “Kaya
lang baka naman habulin ako ng plantsa sa dami ng gusot ng damit ko kapag
isinuot ko.” Pero agad din akong napangiti. “Anong ginagawa ng plantsa?”
Kaya ang kinalabasan ng general
cleaning sana ng kwarto ko, nagwalis na lang ako ng dumi sa sahig. Kinuha ang
trash can, at ishinoot ang mga kalat kong Payatas na ang makikinabang. Pagod na
humiga ako sa sahig ng kwarto ko pagkatapos. Oo. Napagod na ako ng lagay na ‘to.
Nakakapagod kayang mag-shoot ng kalat sa trash can tapos hindi ma-shoot-shoot.
Ilang beses ko pang inulit ‘yon para lang ma-shoot.
Tumitig ako sa kisame. At
pumikit.
“Ikaw
na muna ang bahala kay Gra.”
Napadilat ako, na parang epal
na sumingit sa isip ko ang sinabi ni Gio sakin kahapon. Para tuloy replay na
bumalik sa alaala ko ang pag-uusap namin.
- F L A S H
B A C K –
“I’m sorry, Gio. Hindi ko naman sinasadyang halikan si Glenn
nung isang linggo, eh. Aksidente lang ‘yon. Promise!”
Huminga ako ng malalim habang
nakaharap sa salamin. “Okay na siguro ‘yon.” I sighed. “Bakit naman
kasi kailangan kong magpaliwanag at mag-practice ng ganito? Para talaga kong
sira. Mukha namang walang alam si Gio sa accidental kiss na ‘yon, eh. Mukhang
pinagtitripan lang ako ni Glenn.”
*
May nagtext. Nagtext si Fafa Gio. May nagtext. Nagtext si Fafa Gio. *
Message alert tone ko ‘yon.
Boses ko ‘yon. Kinostomize ko lang ang bawat message alert tone ng mga nasa
contacts ko. Hindi naman lahat. Yung mga close ko lang. Katulad ni Gio. Para
alam ko kung sino agad ang nagtext sakin. Ang galing ko noh? ^_^
D2
ako sa Bahay Kubo, #3. I’ll wait you here.
Iyon ang text message ni Gio.
Ang BAHAY KUBO na tinutukoy niya ay KAINAN malapit sa school namin. Bahay kubo
dahil sa isang kubo ka kakain. Tapos napapaligiran pa ng iba’t ibang prutas at
gulay ang paligid. Pwede ka ngang mamitas kung gusto mo. Malaki ang space ng
Bahay Kubo at maganda pa ang ambience kaya hindi lang mga students ang kumakain
do’n. Dinadayo pa nga ng mga taga-ibang bayan ang Bahay Kubo. Na-feature na
‘yon sa isang morning show, eh.
So, ang dami na naman ng sinabi
ko noh? ^__^
Makapunta na nga ng Bahay Kubo.
Lumabas na ko ng restroom
habang kumakanta pa. “Bahay kubo, kahit munti, ang halaman doon, ay sari-sari.
Singkamas at talong, sigarilayas...”
= = = = = = = =
“Number three.” Nang makita ko ang kubo ay
lumapit agad ako. Nakita ko na si Gio na kinakawayan ako.
“Umorder na nga pala ko. May gusto ka pa ba?” tanong
niya ng makaupo na ko.
Oorder pa ba ko? Eh, ang dami
ng inorder ni Gio. “Kakatayin na ba ko?”
“Bakit?”
“Ang dami kasi ng inorder mo, eh. Diba gano’n ang mga pig?
Pakakainin ng pakakainin. Saka kakatayin.”
“Hindi ka naman pig, ah.” natatawang sabi ni Gio.
“Mukha na ba kong pig kapag ganito?”
Pinataba ko ang pisngi ko.
“Puro ka talaga kalokohan.” Pero sa totoo lang,
kinakabahan na ako sa pag-uusapan namin. “Let’s eat first.”
“Mamaya na, Gio. Sabihin mo muna kung ano ‘yong gusto mong
sabihin para mamaya wala ka ng sasabihin pagkatapos nating kumain.”
“Ano uli?” Sa bilis kasi ng pagsasalita ko, maski ako
walang naintindihan sa sinabi ko.
“Sabihin mo muna ‘yong gusto mong sabihin.”
“Kumain na muna kaya tayo?”
Umiling ako. “Hindi talaga
ko mapakali, eh. Sige na sabihin mo na.”
“Okay.” Huminga siya ng malalim kaya mas lalo
tuloy akong kinabahan. “It’s about you and Gra, about—“
“About me and Glenn?” singit ko.
“Not really. Tungkol talaga saming dalawa.”
Medyo nakahinga ako ng maluwag.
Pero... “Bakit
nasama ko kung tungkol naman pala sa inyong dalawa?”
“Later, Rehg. Sasabihin ko sa’yo kung bakit.”
“O sige, sige.” Bumalik
na naman ang kaba ko. “Continue...”
“Si Gra kasi. Parang may nagbago na sa kaniya. Parang hindi na
siya yung Gra na kilala ko, eh.”
“Pano’ng nagbago?”
“I don’t know. I can’t exactly pinpoint kung ano ang pinagbago
niya. Nararamdaman ko lang na mero’n. At kahit sinong tao, mararamdaman ang
nararamdaman ko sa taong mahal nila kapag may napansin silang kakaiba. And I’m
not manhid. Gra have changed.”
Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Seryoso ang usapan kaya hindi ako pwedeng magbiro ngayon. Itatago ko muna sa
baul ni lola ang makulit na si Regina. Serious dapat ang peg ko ngayon.
“Rehg...” Tatanungin na ba niya kung may napapansin
ko ako kay Glenn? “Wala ka bang napapansin kay Glenn?” Sabi ko
na nga ba.
“Sa totoo lang...” Lumunok muna ko. “...wala.”
Wala naman talaga diba?
Yumuko si Gio. Matagal bago uli
siya nagsalita. “Sa
totoo lang, hindi lang siya ang nagbago.”
PAUSE. “Pati
ako, nagbago.”
“Pati ikaw?”
Tiningnan niya ko. “Yah. Hindi ko
alam pero parang wala na yung feelings ko sa kaniya dati.”
Ano ba naman ‘tong vhakler na
‘to! Ang gwapo na nga ng jowabelles, nawala pa yung feelings niya kay Glenn?
Pero teka, nagbago daw? Hindi kaya... Tumikhim ako. “Don’t tell me, may iba ka ng gusto? Ako na
ba ang gusto mo? Hindi tayo talo, Gio, ah.”
Nangingiting umiling siya. “It’s not like
what you’re thinking. Wala akong ibang gusto.”
Pahiya onti ako. “Eh, bakit?
Anong nangyari? Why a sudden change?” Nagamit ko tuloy ang mga
inimbak kong english sa baul ko.
“I don’t know. Naguguluhan din ako. Mahal ko si Gra pero parang
may mali, eh. Hindi ko maintindihan.” Parang frustrated na
sinabuntuan niya ang buhok niya. Nakow! May tama na ‘to! Baka magulat na lang
ako, tumalon na siya sa rooftop ng school namin.
“Ako din, naguguluhan sa inyo.”
Nagpangalumbaba ako sa mesa. “Hindi kaya kailangan ninyo lang ng space. Baka
kasi...alam mo ‘yon...nasasakal na kayo sa relasyon ninyo.” O baka
naman may identity crisis ang vhakler na ‘to. Naguguluhan siya kung lalaki ba
talaga ang gusto niya o babae.
“Tama ka. Masyado nga siguro akong mahigpit sa kaniya.” Sinabi pa niya. Diba nga
ginawa niya kong PCB as in Personal Cute Bodyguard ni Glenn? “Rehg...”
“O?”
“Mawawala ako ng isang buwan.”
“WHAT? ISANG BUWAN?!”
“Yah. I’m gong to Africa.”
“Africa? Anong gagawin mo do’n? Panong pag-aaral mo?”
“Napili akong exchange student ng school natin. For one month
lang naman ‘yon. Okay na din ‘yon. Kailangan ko din ng isang lugar para
makapag-isip ng tungkol samin ni Gra. At the same time, madadalaw ko din ang
mother kong nakatira do’n.”
“African ang mother mo?” Wala sa itsura niya, hah. Baka
naman ampon siya?
“Nope. Nakapag-asawa siya ng African nung nag-wowork pa siya
do’n.” Hindi naman pala ampon. “Rehg...”
Base sa nakikita kong
expression ng feslak niya. May hihingin siyang favor sakin. Ganito din ang
feslak niya nung sinabi niyang bantayan ko si Glenn no’n, eh. “Ano ‘yon?”
Hinawakan niya ang kamay ko. “Ikaw na muna
ang bahala kay Gra.”
“Ako?” Na naman.
“Oo. Alam mo namang maliban sakin, sa’yo at kay Kiro, wala na
siyang ibang ka-close sa SU.” Unfriendly naman kasi ni
Glenn, eh. Parang kayang mabuhay ng walang kasama. Siguro kahit siya na lang
ang natitirang nilalang sa earth, kaya niyang mabuhay mag-isa.
“Pero bakit ako?” Uli.
“Alam mo namang iba ang course ni Kiro. Hindi ko pwedeng ibilin
sa kaniya si Gra dahil baka sabihin niya kay Gra. Kung sa’yo ko siya ibibilin,
alam kong hindi ka magsusumbong sa kaniya na pinapabantayan ko siya.”
Kasasabi ko lang kanina na baka
nasasakal na sila sa relasyon nila, tapos eto, may extension pa pala ang
pagiging PCB ko kay Gra. Walang tiwala si Gio kay Glenn. Yun ‘yon.
“Kaya mo ba, Rehg? Promise huli na ‘to. Dahil pagbalik ko from
Africa, aayusin ko na ang relasyon namin ni Gra. Please?”
Sino bang makaka-hindi sa feslak ni Gio? I
sighed. “Okay.
Ako ng bahala sa kaniya.” Effortless lang naman na bantayan si
Glenn, parang hindi ko naman siya binabantayan pag magkasama kami, eh. Saka
immune na rin ako sa ugali niya.
“Thank you, Rehg.”
“Basta yung pasalubong ko, ah. Gusto ko ng zebra. Gagawin ko
siyang pet. Teka, kailan ba ang alis mo?”
“This Sunday.”
“This Sunday na agad?”
“Yah.”
“Nasabi mo na ba kay Glenn?”
“Hindi pa. Mamaya ko na sasabihin.”
Ako pa talaga ang inuna niyang
sabihan. “Goodluck,
Gio.” This time, mas nakahinga
ako ng maluwag. Walang alam si Gio sa ‘accidental kiss’ namin ni Glenn. At
itatago ko na lang ‘yon sa baul ni lola.
Pinasadahan ko ng tingin ang
pagkaing nakalatag sa table. Kumalam ang sikmura ko. “Ahm, Gio. Pwede na bang kumain? Nagutom
ako sa usapan natin.”
- E N D
O F F L A S H B A C K -
Bumalikwas ako ng bangon mula
sa pagkakahiga sa sahig ng makarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto ko. “Sino ‘yan?”
“Nagtanong ka pa. Sino pa bang kasama mo dito sa bahay?”
“Mga multong gumagala dito sa bahay. Anong bang kailangan mo?”
“Tumatawag ang bestfriend mo. Sinagot ko na. Nakakarindi yung
ringtone mo, eh.”
Aw! Naiwan ko ang phone ko sa kusina
kanina matapos kong kumain. Binuksan ko ang pintuan. “Anong sabi niya?”
“Asual. Nakakabwisit daw ako. Nakakabwisit ba talaga ko?”
“Siya kaya ang tanungin mo.”
Tinapat niya ang phone ko sa
tenga niya. “Pulots,
nakakabwisit ba talaga ko?”
‘Bwisit ka! Ibigay mo sabi yung phone kay Rehg, eh!’
Sa lakas ng boses ni Nic sa
kabilang linya, kahit hindi naka-loudspeak ang phone ko, rinig ko ang sinabi
niya.
“O ano? Nasagot na ba yung tanong mo, kuya?”
“HINDI daw ako nakakabwisit.” Binigay niya ang phone
sakin at umalis na. Pasipol-sipol pa siya. “Ang pikon talaga ng betfriend mo! Kaya ang sarap asarin,
eh!”
Naiiling na sinarado ko uli ang
pintuan at humiga ng kama bago kausapin si Nic. “Hello, prenship! Napatawag ka? Kakakita
lang natin kanina diba? Namiss mo agad ako? Ang sweet mo talaga.”
“Pwede ba wag ka ng dumagdag? Bakit ba kasi kung sa’n-sa’n mo
nilalagay yang phone mo? Yung bwisit mong kapatid pa tuloy ang nakausap ko!
Panira talaga ng araw ‘yon kahit kailan!”
“Chillax ka lang, prenship. Ang wrinkles, remember?”
“Wala pa kong wrinkles noh!”
“Magkakaro’n ka pa lang. So, bakit ka tumawag? Pababalikin mo na
ba ko dyan? Tamang-tama, tapos na kong kumain at tapos na din akong maglinis ng
kwarto ko.”
“Sumama ka na mamaya.”
“Saan?” May
lakad ba kami? Parang wala naman akong matandaang usapan namin, ah.
“Sa birthday ng daddy ni Kiro. Diba gusto mong sumama?”
“Aw! Oo nga pala. Sorry naman, napagod ang utak ko kakalinis
kaya nakalimutan ko.”
“As if naglinis ka nga. Sinabi ko na kay Kiro na isasama kita.
Dadaanan ka na lang namin dyan sa inyo mamayang five-thirty SHARP. Formal ang
suot. Magpaalam ka na kay Tito Diosa. Do’n na tayo matutulog kaya magdala ka ng
extrang damit. Tomorrow morning ang uwi natin.”
Girl scout talaga ‘to kahit
kailan. Laging handa dapat. “Copy that, prenship. Sige na, ba-bye na. Maghahanap pa
ko ng long-long-long-long gown ko.”
“O sige. Bye.”
Lumapit agad ako sa cabinet ko
ng makarinig na naman ako ng katok. “Pangit!”
“Ano na naman?”
“Aalis ako. Late na ko makakauwi. Wag kang magkakalat dito sa bahay.”
“Ano kayang pwede kong suutin?”
Naghalungkat ako sa mga damit ko.
“Pangit! Nakikinig ka ba?”
“Oo.” Kahit hindi.
Nakarinig ako ng yabag
papalayo. Habang wala naman akong makitang pwede kong suutin. Hindi naman kasi
ako mahilig mag-gown, eh. Sa’n ko naman gagamitin ‘yon? “Ah! Alam ko na!”
Kinuha ko ang phone ko sa kama
at idinial ang number ni Tito Diosa. Wala akong alam sa kaartehan at kakikayan.
Pero ang DIOSABELLES, hindi lang mer’on, UMAAPAW pa kamo.
= = =
May ginawa kong one shot for Valentines, late na nga eh, haha, irr oh --> My Valentine Date [One-Shot]
>>> CHAPTER 11 HERE
me likes this chapter so much!
ReplyDeletem
ReplyDeletemAgbibreAk n yTa cnA giO at gLen,,, wiiiiEee, snA ngA pRa tiMe n ni reGina na LigAwan c gLen,,, hWahEHe,,, xAh tLga mAnLiLigaw eHh,,,
ReplyDeletegrabe!! kinakabag ako sa chappy na to! ang high lang!.. haha.. ow??iiwan na ko ni gio mylabs?? este si gra pala.. heheh..
ReplyDelete