CHAPTER
44
( Princess’
POV )
Naka-indian seat siya sa sofa habang nakaharap sa
laptop niya ng may bumungad na chocolates sa harap ng mukha niya. Hinawi niya
ang chocolates.
“Bhest naman. Nagta-type
ako dito. Ilapag mo na lang yang chocolates sa tabi ko at pwede ka ng umalis.
Katatapos lang natin magkwentuhan kaya magta-trabaho na muna ako.”
Halos
kakaalis lang ni Cath kanina, may chocolates daw itong padala ng tita nito from
States at bibigyan siya. Akala niya mamaya pa ito babalik, eh.
“Ang gara mo naman.”
Kasabay niyon ay tumabi sa kaniya. “Galing pa kong duty tapos papauwiin mo agad ako. Hindi
ka na naawa.”
Napalingon
siya sa kanan niya. “Aeroll!” Pero yumuko agad siya sa laptop
niya. “Anong
ginagawa mo dito? Paano kang nakapasok?”
“Kanina pa kaya ako
nag-do-doorbell, pero hindi ka lumalabas. I got worried. Akala ko kung anong
nangyari sa’yo. Nakabukas yung gate kaya pumasok na ko.”
“Busy lang ako sa nobela
ko kaya hindi ko narinig.” hindi tumitinging sagot niya.
“Madali ka pa lang
mapasok dito, eh. Mag-ingat ka nga sa susunod.”
“Okay.”
“Pasalubong mo.”
Kinuha
niya ang chocolates na hawak nito. “Thank you.”
“Ba’t ba nakayuko ka?”
“May ginagawa ako.”
“Hindi ka naman
nagta-type, ah.” Hinawakan nito ang baba niya. Umiwas siya.
“Prinsesa,
may tinatago ka ba?”
“May stiff neck lang
ako.”
Mukhang
hindi ito nakuntento sa sagot niya dahil umalis ito sa pagkakaupo nito at
tumingkayad sa harap niya. Tinakpan niya ang bibig niya. Inalis nito ang kamay
niya sabay angat ng mukha niya. “Shit! Anong nangyari sa labi mo?”
“Nauntog lang ako.”
Kasi
naman, pagdating niya ng bahay kahapon, natulog agad siya. Hindi na niya
nalagyan ng ice compress ang gilid ng labi niya. Gabi na siya nagising. Kaya pagtingin
niya sa salamin, medyo namamaga ang gilid ng labi niya. Halata pang may sugat
‘yon. Napamura nga siya ng wala sa oras. Parang gusto niyang suntukin si James
sa inis.
“Nagkita ba kayo ng
lalaking ‘yon kahapon?”
“Yes.”
“Anong ginawa niya
sa’yo?”
“Wala.”
Tumayo siya at dumeretso ng kusina. Sinundan siya nito. Kumuha siya ng tubig sa
ref at uminom. Napangiwi pa siya ng bumangga pa sa labi niya ang baso.
“Anong ginawa niya
sa’yo?”
Huminga
siya ng malalim bago humarap dito. “He’s not the guy in the picture.”
“What picture?”
Pinakita
niya dito ang picture sa phone niya at kinuwento kung paano niya nakuhanan
‘yon.
“It’s his twin brother.”
“You believed him?”
“Si Justine ang
nagsabi.”
“Justine?”
“His twin brother.”
“Then?”
“I still broke up with
him.”
“Why?”
“Basta nakipag-break
ako.” Kailangan talagang itanong kung bakit?
“His reaction?”
“Hindi niya matanggap.”
“Then?”
“He...”
“He what?”
Dahan-dahan itong lumapit sa kaniya. “What did he do to you?” madiin nitong tanong.
Napahawak
siya sa gilid ng labi niya. Naalala niya ang ginawang paghalik sa kaniya ni
James kahapon. At ang balak nitong— “He tried to...” Napalunok siya. “He kissed me.”
Hinawakan
nito ang labi niya habang nakatitig sa mga ‘yon. “Then?” Sabay titig sa mga mata
niya.
“W-wala na.”
“You’re lying.”
Umiwas
siya ng tingin.
“Did he touched you?”
Napalunok siya. Hindi siya sumagot. “Princess, I’m asking you.”
Tiningnan
niya ito. “Yes.”
“T*ng*na!!”
Napangiwi
siya. “Wala
namang nangyari, eh.”
“Pero sinaktan ka niya!
Look at your lips!”
“Okay lang ‘to. Gagaling
din ito.”
“Gagaling nga ‘yan. But
the memory of that damn man kissing you and touching you—”
“Wala ngang nangyari! He
just kissed me! Hiniga niya ko sa kama, he tried to touched me pero bago niya
magawa ‘yon, I kicked his—“ Natigil siya ng ma-realize niyang
sinabi na niya dito ang nangyari kahapon.
“What did you said?!
Pa’no kayong nakarating sa kama?!” Magkasalubong ang kilay
na tanong nito na parang mananapak ng tao.
“Aeroll, please. Wag mo
ng ipaalala. Nothing happened. End of the story.”
Marahas
na napabuntong-hininga lang ito at napabasabunot sa ulo nito bago siya iwan sa
kusina.
“Ano ba kasing ikinagagalit
niya? Wala naming nangyari, eh. Gagaling din naman ‘tong sugat sa labi ko.”
Pinalipas
muna niya ang limang minuto bago sumunod dito. Nakita niya itong nakaupo sa
lapag habang nakasandal sa sofa. Nakayuko ito. Umupo naman siya sa sofa,
itinaas ang dalawang paa niya habang yakap ang tuhod niya.
Silence.
“Does your lip hurts?”
“Medyo.”
Nilingon
siya nito. Umupo ito sa tabi niya paharap sa kaniya. Hinawakan nito ang balikat
niya at pinaharap siya ng upo dito.
Pilit
siyang ngumiti siya. “Okay lang talaga ‘ko.” Magkasalubong pa rin
kasi ang mga kilay nito.
He
sighed. “Can
I kiss you?”
“Hah?”
Hinawakan
nito ang labi niya habang nakatingin do’n. “Someone touches this lips aside from my lips.”
Tiningnan siya nito. “So, I need to disinfect your lips with my own lips para
gumaling agad ang sugat na ‘to. Can I?”
Syete!
Bakit naman kailangan pa nitong magtanong? Okay. Namumula na naman ang mukha
niya dahil sa sinabi nito. Kahit kailan talaga ‘to!
“You’re blushing.”
“I’m not.”
Inalis niya ang kamay nito sa labi niya. “Gagaling din ‘to.”
“Nah! Mas marunong ka pa
sa nurse. Ang sugat para gumaling, kailangang i-disinfect.”
“Then why do you have to
kiss me? Anong connection no’n?”
“Ang slow naman.”
“Slow ka diyan!”
Lumapit
ang mukha nito sa kaniya. “Alam mo ba ang naramdaman ko ng malaman kong hinalikan
ka niya, not in a nice way, huh?” Seryoso ang mukha nito. “Gusto ko
siyang sapakin.”
“Aeroll...”
“Simula ng araw na
mahalin kita, I promise to myself that I will protect you. At kahit sino pang
Poncio Pilato ‘yan, no one have the right to hurt my princess. So, I’m asking
you again. Okay ka lang ba talaga?”
Umiling
siya. “I’m
not.”
“Prinsesa...”
“It’s all my fault,
right? Kasalanan ko naman, eh. Hindi niya ko niloko pero ako, niloko ko siya.”
“Wala kang kasalanan,
okay. You didn’t force yourself to fell out of love with him. Sadyang mas gwapo
lang ako sa kaniya.”
“Aeroll naman, eh...”
“I’m serious.”
He held her face with his two hands. ”Lagi mo na lang sinisisi ang sarili mo kapag may
nasasaktan kang tao. Minsan may mga bagay na kahit anong gawin mong iwas na
makasakit ng iba, makakasakit ka pa rin. That’s life, Prinsesa. Truth hurts but
it will set people free. Kaya wala kang kasalanan. Kasalanan ko.”
“Ikaw?”
“Oo. Masyado nga kasi
akong gwapo.”
“Aeroll!”
“Pinapatawa lang naman
kita.” Pinapatawa daw siya pero seryoso naman ang mukha nito.
He sighed. “Sana
kasama mo na lang ako kahapon para hindi nangyari ‘yon.”
“Pero hindi pwede.”
“I know.”
“Saka wala namang
nangyari.”
“Hinalikan ka niya,
sinaktan ka niya at may balak siya. Anong tawag do’n?”
“Teka lang! Paulit-ulit
na lang ba tayo?”
“Hindi mo kasi ako
naiintindihan, eh. Hinalikan ka niya.”
“Ipapaalala ko lang
sa’yo. Naging boyfriend ko siya.”
“Hindi counted ‘yon
dahil hindi pa kita kilala. Pero yung kahapon, counted ‘yon.”
Hindi
niya alam kung matatawa siya dito o maiinis. Para itong batang naagawang ng
candy.
“There’s one thing I
know I can do.” Lumapit ang mukha nito sa kaniya.
“What?”
“Let’s go back to our
business.” Isang dangkal na lang ang layo ng mukha nito.
“Business?”
“To disinfect your
lips.” Ga-hibla na lang ang layo.
“Teka lang...”
“With my lips, of course.”
“Aeroll!”
“I’m serious. Simula
ngayon, ako lang ang pwedeng humalik sa’yo. Kung sino man ang magtangka, dadaan
sa kamay ko.” He claimed her lips with ease na parang
ingat na ingat na masaktan siya.
Sinong
hindi maiinlove dito? Simula ng makilala niya ito, lagi na lang siya nitong
inaalagaan. Na hindi naman niya nakasanayang may nag-aalaga sa kaniya. Maski si
James, hindi nagawa sa kaniya ang ganito. In the first place, hindi niya ito
hinayaang alagaan siya na. But with Aeroll, alam niyang aalagaan siya nito sa
ayaw o gusto man niya. Kay Aeroll lang niya naramdaman ang ganito.
And
she feels completely happy. Simula ng mamatay ang parents niya, ngayon lang
siya nakaramdam ng totoong saya. Hindi niya tuluyang mapigilang umiyak.
Biglang
tumigil ng paghalik sa kaniya si Aeroll. Humiwalay ito sa kaniya. “Hey! Did I
hurt you? Shit!”
Umiling
lang siya.
“Eh, bakit ka umiiyak?”
Pinunasan nito ang luha niya.
Umiling
lang siya.
“Come here, prinsesa.”
Ibinuka nito ang mga braso nito. “Libre lang ang yakap basta ikaw.” Nakatingin
lang siya dito. “Sige
na nga, ako na nga lang.” Ito na ang yumakap sa kaniya. Yumakap din
siya dito. “Ang
iyakin naman pala ng prinsesa ko.”
“Thank you...”
Hinaplos
nito ang buhok niya. “And I love you, prinsesa.”
Sasabihin ko na ba?
“You don’t need to
answer now. Ang mahalaga mahal kita.”
“Bakit ba lagi mong
nababasa ang nasa isip ko?”
“Kasi nga gwapo ako.”
Natawa
na lang siya sa sinabi nito. Natatawang umiiyak. At si Aeroll lang ang nakakapag-pagawa
no’n sa kaniya. Si Aeroll lang. (^_________^)
WaKawaKa eE!!!!!!!!!! hwaHeHe, bstA prAng tiMaNg LNg aqnG kiNikiLig dtO,,, swAk n swAk aNg mgA iNaupdaTe mo at nbSa q ngAyon,,, kiLig aNd gOod vibEs,,,
ReplyDeletehahaha, parang ang tagal mong nawala sis :)))))
Deletemay symphaty pa nman ako sana kei james kc hndi niya niloko si princess.. but S*** talaga!! he did something wrong to her!! kainis much! lang..
ReplyDeleteeeeeehhhhh!!!!! ang cheeesyy!! hahha.. kilig mats!!! ikaw na tlaga aerol! ikaw na! hahaha
█───▄▀▀▀▀▄─▐█▌▐█▌▐██
ReplyDelete█──▐▄▄────▌─█▌▐█─▐▌─
█──▐█▀█─▀─▌─█▌▐█─▐██
█──▐████▄▄▌─▐▌▐▌─▐▌─
███─▀████▀───██──▐██