CHAPTER
43
( Princess’
POV )
Umangat ang tingin niya sa harap ng building na
kinatatayuan niya.
Aurello
Corporation.
Yes.
Pagmamay-ari ng pamilya ni James ang building na ‘to. And James Aurello is the
CEO of this company.
I’m sorry, James. I didn’t meant to
fall inlove with someone. Pinilit kong iwasan, pero hindi ko kaya. Pero ikaw,
nakita ng mga mata kong niloko mo ko. At hindi ko alam kung gaano mo pa ko
katagal na niloloko. Mahigpit niyang hinawakan ang phone niya
bago pumasok ng building.
Pasakay
na siya ng elevator ng may nagmamadaling lumabas mula sa loob no’n. Nabangga pa
siya nito.
“Sorry, miss ganda. Ingat-ingat ka
din.”
Napalingon
siya dito. Kumunot ang noo niya. “James?” Pero nakalayo na ang lalaki. Nagtatakang pumasok na lang siya ng
elevator. “Si
James ba ‘yon? Pero hindi, eh.” Side view lang kasi ang nakita niya.
Hanggang sa makarating siya sa floor na pakay niya ay iniisip pa din niya ang
lalaking nakabangga niya.
“Hello, Amy!”
bati niya sa secretary sa labas ng office ni James.
Ngumiti
ito. “Ma’am.”
“Princess na lang. Hindi
mo naman ako amo. Nasa loob ba si James?”
“Nasa meeting pa po siya.”
“Gano’n ba?”
Ano ba naman ‘yan! “Can I wait him at his office?”
“Sige po.”
“Thank you.” Pumasok na siya ng
office at umupo sa sofa. Nilibang muna niya ang sarili niya sa pagbabasa ng mga
magazine. Napaangat lang ang tingin niya may pumasok sa office.
“James—“
Napalingon ang lalaki sa kaniya. “I’m sorry, ikaw pala, Hunter.”
Tumango
lang ito sa kaniya. Buhat nito ang isang kahon at ibinaba sa tabi ng table ni
James.
“Matagal pa ba ang
meeting ni James?”
Tumango
lang ito. Napailing na lang siya. Ano ba
naman klaseng tao ‘to? Kahit kailan, hindi marunong sumagot. Kay James lang ata
ito sumasagot.
Si
HUNTER ang personal ASSISTANT con personal BODYGUARD ni James. Masyado itong
tahimik. Parang ang daming sikretong tinatago. Ang hirap basahin ng isip.
Pinagpatuloy
na lang niya ang pagbabasa habang nilalabas ni Hunter ang laman ng kahon. Kaya
lang, hindi niya talaga kayang tumagal sa isang lugar na kasama ito. Para
kasing bawat kilos niya minamatyagan nito.
Tumayo
na siya. Tumayo din ito. “Babalik na lang ako.” Nagugutom na ko kaya magla-lunch na muna ko. Tumango lang ito.
Asual. Tumagilid na ito ng tayo kaya kumunot ang noo niya ng mapansin ang braso
nito. Nakasando lang kasi ito.
“Bakit parang…”
“Bakit?”
hindi lumilingong tanong nito.
Napalunok
siya. Para naman kasi itong kontrabida sa mga sinusulat niya. Gwapo sana, kaya
lang para namang sasaktan ka madikit ka lang dito. “Wala naman.” Lumingon ito sa kaniya.
“Ah, sige. Alis na ko.” Mabilis
na siyang lumabas ng office.
* * * * * * * *
“Syete! Nasan na yung phone ko?” Katatapos
lang niyang kumain at maglibot sa mall ng mapansin niyang wala sa bag niya ang
phone niya. Baka nasa kotse. Kaya
lang pagsakay niya ng kotse niya, wala din do’n ang phone niya.
“Ano ba naman ‘yan!”
Inis na naihampas niya ang kamay niya sa manibela ng kotse niya. “Aray!”
Napabuntong-hininga
siya. “Pa’no
na ngayon ‘yan?” Tiningnan niya ang relo niya. Two hours na simula
ng umalis siya sa office ni James. Siguro
naman nando’n na ‘yon. Inistart na niya ang kotse niya at bumalik ng office
nito.
Kaya
lang sadyang malas talaga niya dahil nakasabay pa niya sa elevator si Hunter.
Sabay pa silang pumasok ng elevator nito.
“Nasa office na ba si
James?” tanong niya habang nakatingin sa floor indicator.
“Yes.” Hay,
salamat. Sumagot din. “Your phone.” Napalingon siya
dito. Deretso lang itong nakatingin sa harap nito habang may hawak na phone na
inaabot sa kaniya.
“Yung phone ko!”
Mabilis niyang kinuha dito ang phone. Nakahinga siya ng maluwag. “Where did you
saw this?” Buti naman at hindi
nawala.
“Sa office.”
Naiwan ko siguro kanina do’n. “Thank you.”
Nginitian niya ito. Tumango lang ito. Sakto namang pagbukas ng elevator.
Pinauna siya nitong lumabas habang nakasunod lang ito. Pero hindi ito pumasok
ng office. Naghintay lang ito sa labas. Naabutan niya si James na may binabasa.
Mukhang masyado itong busy para hindi siya mahalata. Tinanong niya ang sarili
niya kung may nararamdaman siyang galit dito.
Wala, naiinis lang ako sa kaniya sa
ginawa niyang panloloko sakin. Pero may nagawa din akong kasalanan sa kaniya.
“James.”
“Sweetheart!”
Mabilis itong tumayo at lumapit sa kaniya. “I miss you so much!”
Sabay yakap sa kaniya. “I’m sorry kung natagalan yung meeting namin. Nandito ka
na daw kanina sabi ni Amy.”
Humiwalay
siya dito. “James,
we need to talk.”
Kumunot
ang noo nito. “About
what?”
“About us.”
Sumeryoso
ang mukha nito. Umupo ito sa sofa. Umupo din siya. Huminga muna siya ng
malalim. “I’m
breaking up with you.”
“What?!”
Marahas itong napalingon sa kaniya. “Is this some kind of a joke?!” Napakamot siya
ng kilay. Ano ka ba naman, Princess!
Bakit dineretso mo agad?
Nilabas
niya ang phone niya. At pinakita dito ang picture na nakuhanan niya habang nasa
bus siya at may kahalikan itong babae. Pinagmasdan niya ang reaksyon nito.
Magkasalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa picture.
“What’s this?”
”Malinaw mo naman
sigurong nakikita.” May
gana pang magtanong!
“Wazzup, people!”
Sabay silang napalingon sa likuran nila. Nanlaki ang mata niya ng makita ang
exact replica ni James na nakangiting nakatunghay sa kanila. Nagpalipat-lipat
ang tingin niya dito at kay James.
“I’m sorry, Sir. Mapilit
si Sir Justine.” Paliwanag ng nakasunod na si Hunter. Oh
diba, pag si James ang kausap nito, marunong itong magsalita.
Inakbayan
ito ng tinawag nitong ‘Justine’ “Gusto ko lang naman makilala ang girlfriend ni James,
masama ba ‘yon? Right, James?”
Tiningnan
niya ang reaksyon ni James. Napabuntong-hininga lang ito. “It’s okay, Hunter. Pwede ka ng lumabas.”
“Yes, Sir.”
Lumabas na si Hunter.
“Talagang loyal sa’yo
ang bodyguard mo ‘no?” Umupo si Justine sa kaharap na sofa
at dume-kwatro. “Hindi mo ba ako ipapakilala sa girlfriend mo?” Nilingon siya nito. Kumunot ang noo
nito. Bahagya pa nitong nilapit ang mukha sa kaniya. Sumeryoso ang mukha nito
habang nakatingin sa kaniya.
“Justine.”
Natatawang
lumayo si Justine at umayos ng upo. “Ang ganda lang kasi ng girlfriend mo. At parang nakita
ko na siya.”
Hinawakan
ni James ang kamay niya. “Princess, this is my twin brother Justine. Justine, this
is Princess, my girlfriend.” Nasabi na nga ni James sa kaniya na may
kakambal ito pero never pa niyang nakita ng personal ang lalaki. Lagalag daw
ito at kung sa’n-sa’n nakakarating.
Nagulat
na lang siya ng hawakan ni Justine ang kamay niya. “Nice to meet you, miss ganda.” Kumunot
ang noo niya. Miss Ganda? Teka, Ito yung lalaking nakabanggaan niya sa elevator
kanina! “Ako
yung lalaking nakabangga sa’yo kanina sa elevator.” Parang nabasa
nito ang iniisip niya. “Kaya pala parang nakita na kita.” Nagulat na lang siya ng halikan nito ang kamay
niya. Mabilis niyang binawi ang kamay niyang hawak nito. Presko! Ngumiti lang ito.
“Justine, may
pinag-uusapan pa kami ni Princess.”
“Go ahead. Dito lang
ako. I will not disturb you.” Balewalang
sagot nito. Sumandal pa ito sa sofang kinauupuan nito.
“Justine!”
“Fine.” Natatawang
tumayo ito. “Teka,
ano ‘yan?” Napakatingin ito sa phone na nakalagay sa center table.
Nakita nito ang picture! Walang paalam na kinuha nito ang phone. Lumapad ang
ngiti nito. “Kung
sino man ang kumuha nito, pwede siyang maging private investigator. Ang galing
niya, hah.”
Inagaw
niya ang phone dito. Pakialamero!
“Ikaw, miss ganda, ang
kumuha niyan?” Hindi na siya nito hinintay na sumagot. “Don’t tell me,
‘yan ang pinag-uusapan ninyo ni James? And don’t tell me, napagkamalan mong si
James ang nasa picture na ‘yan?”
“Napagkamalan?”
“Yes. Because the guy in
the picture was me. And the girl I’m kissing is Sheryl, my girlfriend. Oh! Ex
na pala ngayon.”
“What?!”
Para siyang pinagbagsakan ng tatlong kawali sa ulo.
Nginitian
siya nito. “I’m
sorry to disappoint you.” Nilingon nito si James. “Mahirap talaga
ang may kakambal ‘no? Minsan napapahamak ka ng dahil sa kakambal mo. It’s not
my fault, bro. Hindi ko naman ginustong magkaro’n ng kakambal sa mundo.”
Nagpalipat-lipat
ang tingin niya sa dalawa. Para kasing may namumuong tension sa pagitan ng mga
ito.
“Pero on the other side,
may pakinabang din pag may kakambal ka. Right, James?”
“Iwan mo muna kami ni
Princess, Justine. Mamaya na tayo mag-usap.”
“Okay.”
Binalingan siya nito. “See you next time, miss ganda.” Sabay kindat
sa kaniya bago tuluyang lumabas.
Magkakambal
nga ang mga ito pero magkaibang-magkaiba. Just the way the two dressed. Kung
executive look si James, rugged look si Justine. Kung masyadong seryoso sa
buhay si James, happy-go-lucky lang si Justine. May pagkapilyo pa.
Napalingon
siya kay James ng maramdaman niyang hinawakan nito ang kamay niya. “You’re still
breaking up with me because of that picture of my twin brother? Na akala mo
ako. Na akala mo niloko kita.”
Dahil
sa sinabi nito, limang kawali na ang bumagsak sa ulo niya.
I have to do this. “Yes.”
“Pero hindi ako ‘yon!
Hindi kita niloko!”
“Pero niloko kita.”
Natigilan
ito. “Princess...what
do you mean?”
Napapikit
siya. “I’m
sorry, James. Hindi ko sinasadya. I’m sorry for not trusting you. I’m sorry for
saying bad words to you ng akala ko niloko mo ko.” Napayuko siya. “Im sorry. I’m
so sorry...”
Ang sama ko. Ang dami kong sinabing
masama sa kaniya. Tapos wala naman pala siyang kasalanan. Ang sama ko. Ako ang
nanloko!!!
“Magalit ka sakin kung
gusto mo. Pero hindi ko kayang lokohin ang sarili ko. James. Hindi ko kayang
magpanggap na walang nagbago sa nararamdaman ko. I’m sorry...”
“Hindi ko maintindihan!”
Tumayo
ito at pumasok sa private room nito na nagsisilbing tulugan nito kapag hindi
ito umuuwi sa bahay. Sinundan niya ito. Nakaupo ito sa maliit na kamang ando’n.
“I’m inlove with someone,
James.”
“No!”
Niyakap siya nito ng mahigpit. “Naguguluhan ka lang! Halos two weeks lang
tayong hindi nagkita. Hindi pwedeng mainlove ka sa iba ng gano’n lang!”
Pero nangyari na nga.
“Just tell me kung may
nagawa ako sa’yo para gawin mo sakin ‘to.”
“Wala kang ginawa. It’s just
that—“
“Stop it! Ayoko ng
marinig ‘yon! Okay, I’m giving you the space that you needed.”
“Pero...”
Lumayo
ito sa kaniya. Hinawakan nito ang dalawang kamay niya. “Gusto ko mang magalit sa’yo, pero hindi ko
gagawin. Cause I know you, Princess. Hindi mo magagawa ang bagay na ‘yon. Kung
sino man siya, I will not allow him to take you away from me! Akin ka lang!”
“Hindi mo ako pag-aari,
James.”
“Akin ka!” Hindi
na siya nakakilos ng bigla na lang siyang halikan nito. Pilit siyang kumawala
pero dahil lalaki ito, mas malakas ito sa kaniya. Nasasaktan na siya sa halik
nito. At mas lalong nanlaki ang mata niya ng tangkain siya nitong ihiga sa
kama. At kahit magsisisigaw siya, walang makarinig sa kaniya dahil sound proof
ang kwarto. Shit! His hands started
roaming on her body. Pero bago pa ‘yon umabot sa dibdib niya ay nakaipon na
siya ng lakas at tinuhod ito sa pagitan ng hita nito.
“Ouch! Shit! Shit!”
Mabilis
siyang tumayo at lumayo dito. Napahawak siya sa gilid ng labi niya ng may
malasahan siyang dugo. Syete! Mabilis
siyang lumabas ng kwarto, inayos ang sarili niya pati ang nagulo niyang buhok.
Kinuha niya ang bag niya at akmang lalabas ng office nito ng lumabas ng kwarto
si James habang paika-ika.
“Ayaw mo ba ng halik
ko?! Bakit?! Mas magaling ba siyang humalik sakin?! O baka naman magaling siya
sa kama?!”
Paaak!
“How dare you!”
Napahawak
ito sa pisnging sinampal niya. “Princess...”
“How dare you, James!
Hindi ako kaladkaring babae!” Nagsimula ng mamuno ang
luha niya. Parang hindi si James ang kaharap niya.
“Princess...Hindi ko
sinasadya...I’m sorry...” Akmang
lalapitan siya nito pero humakbang siya paatras.
“Sorry din, James. But
it’s over.” Tumalikod na siya.
“No! Akin ka lang,
Princess! Akin ka lang!” Hindi
niya ito pinansin. “Bullshit!”
Nakarinig
pa siya ng nabasag na vase bago siya tuluyang makalabas ng office nito.
Napapikit na lang siya habang nakatakip ang kamay niya sa labi niyang ramdam
niyang dumudugo pa. Nahuli pa niyang nakatingin sa kaniya si Hunter. Umiwas na
lang siya ng tingin dito at deretsong sumakay ng elevator.
Kinuha
niya ang panyo niya sa bag at ipinunas sa labi niya. “Ouch!”
Tumingala siya sa kisame ng elevator. Hindi niya alam na magiging ganito
ang eksena ng paghihiwalay nila ni James. Kung sana, ito na lang ang nahuli
niyang may kahalikan, hindi ang kakambal nito. Siguro mas naging madali ang
lahat kahit papa’no. Pero hindi, eh.
Dahil
siya may kasalanan.
Hanggang
sa maramdaman niyang tumutulo na ang luha niya. Naiinis siya! Hindi niya alam
kung bakit, pero naiinis siya!
oh emmm jii!!! james has a twin brother!! so siya pala yun.. my golly.. ang sarap nyang batukan.. hahha
ReplyDelete