Friday, January 25, 2013

Tale of Ethanica : Chapter 2

Chapter 2

~ RINOA'S POV ~



Nagising ako ng may eyebugs ako sa ilalim ng mga mata ko. Argh! Hindi kasi ako makatulog kagabi. Siguro dahil sa narinig ko kagabi sa may park. Para silang mga killers or kidnappers na may target. Eek! Nakakakilabot >__<

"God Rin! Ano nangyari sayo?" Nakakunot ang noo ni Kuya Jay habang kinakain ang cereal nya. "Anong oras ka natulog kagabi?"

Umupo ako sa upuan ko. "Uhm.. half past four?" I replied lazilly.

"Seryoso? Anong pinagagagawa mo?"

Kinuha ko ang karton ng cereal at naglagay sa bowl with the milk. "Nakahiga lang."

"Yun lang?" Tanong nya ulit.

Nagbuntong hininga ako. "Kuya, can you stop asking me lots of questions about my sleep last night?"

"Ok, ok, kalma lang. Nosebleed na naman ako sa kaka-english mo eh." He said as he spooned the last bit of cereals from his bowl.

.
.
.

Pagkatapos namin kumain ng breakfast, hinatid na ako ni Kuya sa school bago sya pumasok sa school nya. Bongga noh? Magkaiba pa kami ng school eh parehas lang naman kaming college haha XD

"Hindi kita masusundo mamaya. May practice ng basketball after school." Sabi nya.

"Ok. Bye Kuya." Sabi ko nalang at sinara ang pintuan ng kotse. Nung makaalis na si Kuya, nagderetso na ako sa locker ko. Nilagay ko lahat ng gamit ko dun at kumuha ng mga libro. Ano nga bang subject ang meron ako ngayon? Di ko maalala. Err~ para akong lantang gulay.. nakakatamad gumalaw!

"Huy Rin!" Dumating si Tania at nakipag-beso sa akin. "Bakit mo dala ang mga gamit mo? Wala kaya tayong pasok this morning."

"Ha? Eh bakit pinapunta mo ako ng maaga?" Tanong ko sa kanya.

"Haha! Nakalimutan mo na ba? Ngayon ang laban sa basketball nila Lucas.. yung opponent team galing sa St. John Uni. Balita ko nga nandito na daw sila eh. Kaya tara na~ Nagtext si Danica nandun na daw sya sa gym!" Bigla nya akong hinila at nagmadali kaming pumunta sa gym.

Nakita namin si Danica na nasa harapan ng gym habang naghihintay sa amin. Nung makita nya kami, nag-wave sya agad. 

"Grabe mga sisters! Ang dami ng tao sa loob. Tapos yung makakalaban natin, mga higanteng mga papa teh!" Sabi ni Danica.

Pero dun sa sinabi nya, from being lantang gulay, para akong nabuhay. Gumana na naman ang malandot kong pag-iisip wahaha! "Uy Dani, mga papa?! *O*"

"Oo~ shemay ang yummeh!" 

"Ang lalandi nyo!" Sabi ni Tania na natatawa.

"Weeh! Ikaw kasi may Lucas ka na!" 

"Oo nga! Pero tara na nga~ at baka isa sa kanila ang prince charming of my life ko~ :">"

Hinatak ko silang dalawa at pumasok na sa gym. Grabe nga~ ang daming tao! Halos napuno na ang buong lugar! May mga outsiders din kasi na pumunta para makipanuod. Yung iba taga-suporta ng opponent team. 

Pumunta kami sa harapan kasi reserved benches naming tatlo un ever since. Dahil nga captain si Lucas ng team, malakas ang kapit namin dito haha! Naupo na kaming tatlo at yung mga mata ko, naglikot na naman at hinahanap ang benches ng St. John's. Nakita ko na din sila. Yummy nga ang mga katawan! *Q*

Nung nagsalita na ang announcer about the game, may nakita akong naka-uniform din ng St. John team na pumasok sa gym from their dressing room.

Parang slow motion ang lahat. As in nga nga ako!! *Q*

ANG GWAPO! SHEEEETT!!

"Sya na ba yung legendary captain ng St. John?" Narinig kong sabi nung nasa likod ko.

"Oo sya na yun! Si Christopher Smith! Gwapo diba?!" Sagot naman ng isa.

mygulaaaay! Eto na yun.. sa paningin ko, kumikinang ang buong paligid nya~!! HE IS DEFINITELY MY ROMEO! Christopher Smith! \\*O*//
Meron syang dark brown hair tapos ang puti nya pa! Hindi sya mukhang pure asian so maybe half sya. Ang tangkad nya pa.. tapos yung ngiti nya~~ HEAVEN! *u*

Nawala ako sa pagpapantasya ko nang bigla akong binatukan ni Tania. "Maghunus dili ka babaita. Naglalaway ka na oh! Haha!"

"Grabe ka Rin.. sige sayo na sya. Halatang type na type mo eh haha!" Tawa naman ni Danica.


Nanuod lang kami hanggang matapos ang game. Grabe ang galing galing ni Topher ko! Ang sexy nya pa tignan dahil pawis na pawis na sya.. iiiihhh ~ my pervy mind >///<

Ang nanalo, syempre ang school namin. By one point lang ang lamang! Promise sobrang ganda ng laban. St. John was a tough opponent.

Nakita kong papaalis na ang team ng St. John. Oh no! Hindi ko man lang makakausap si Topher ko! 

Nagpaalam ako agad kina Tania at sinabing pupunta muna ako ng CR, pero syempre hahabulin ko si Topher. Tumakbo ako palabas ng gym habang nakikipagsiksikan sa mga tao. Hanggang sa makalabas ako, tumakbo ako papuntang parking lot. Pero bago akong makarating, bigla akong nabunggo.

"Aray!" Napahawak ako sa noo ko. 

"Miss, are you okay?" 

"I'm ok--" Nung makita ko kung sino ang nabunggo, parang nalunok ko ang sarili kong dila. Yung sparking brown eyes nya na nakatingin sa akin, tapos yung reaction na mukhang nag-aalala. OHMYGOSH! 

"Miss?" Narinig kong nagsalita sya ulit.

"A-Ah! Okay lang.. hehe malakas ata ang noo ko! hahaha!" Sabi ko at tinatapik ang noo ko.

Natawa sya sa ginawa ko. NAPATAWA KO SYA! Holo~ ang gwapo :""">

"Sige Miss, be careful next time." He winked at nagsimula na maglakad paalis. *O*

"W-Wait!"

Huminto naman sya at tumingin sa akin. 

"Ang ganda ng laban nyo kanina! ^__^"

He smiled back. "Thanks! :)"

Waaaah natutunaw akoooo~~~ >///<


///

"Baby, sigurado kang ayos lang yang si Rin? Parang kanina pa wala sa katinuan eh." Narinig kong sabi ni Lucas.

"Okay lang yan Baby. Hayaan mo sya.. nasa sariling cloud 9!" Sabi naman ni Tania. 

Tumingin lang ako sa kanila at ngumiti ng napakalapad ! ^____^

Nandito kami ngayon sa quadrangle sa school at nagkakaroon ng mini celebration dahil sa pagkapanalo nila sa game kanina. Katabi ko ngayon sina Tania at Lucas. Si Dani, nakikipaglampungan sa ibang members ng team. At ako? Haay ~ Nasa heaven! :">

 Napatayo ako bigla, kaya halos sila na katabi ko eh napatingin sa akin. "Hehe, alis na ako guys~! Magluluto pa ako para sa pagkain namin ni Kuya Jay mamaya. Ciao fellas!"

Lahat sila nagpaalam na din sa akin at dumeretso ako ng locker para kunin na ang bag ko.

Pagkalabas ko sa school, nagpasya nalang akong maglakad pauwi kesa mag-jeep. Sayang sa pamasahe eh. Wala pa naman akong shift ngayon~ 30 minutes walk lang naman pauwi ng bahay.

Habang naglalakad, hindi ko mapigilan maalala yung mukha ni Topher. Sya na talaga ang Prince Charming na pinakahihintay ko! Hihi~ 

Dahil sa sobrang saya ko, pa-skip skip pa ako habang naglalakad. Hanggang sa mapatigil ako dahil may nakita akong super cute at gandang aso sa harapan ko. Yung mukha nya para syang wolf.. so I'm guessing na isa syang Siberian Husky breed. Tapos yung mata nya na nakatingin sa akin ay color yellow.. super fierce and sharp. Naalala ko bigla yung black cat na nakita ko.

Nakatingin lang sa akin yung aso. Ano ba yan! Una pusa, tapos rabbit, ngayon naman aso?! Wahaha pati ata mga hayop nabibighani sa kagandahan ko eh XD

Hindi ko na lang sya pinansin at nagderetso na maglakad pauwi ng bahay.

///

Medyo late na dumating si Kuya Jay dahil sa practice nya. Pagkatapos namin mag-dinner, deretso na ako sa kwarto ko. Bukas pupunta ako ng hospital para dalawin sila Mama :)
Nag-ayos na ako at nagbihis pantulog and then I let myself fell into a sleep.


~~

"Eksper.. Ashtalica.. Eksper.."

Binuksan ko ang mga mata ko dahil sa boses na yun. Hindi ko naintindihan kung anong sinabi nya pero parang ginigising nya ako.
Sobrang liwanag.. halos mapapikit ang mga mata ko dahil sa sobrang liwanag ng paligid.

"Ashtalica.. desh yi tis elle!"

Nakita kong may isang human figure ang nasa harapan ko pero hindi ko makita ang mukha nya dahil sa sobrang liwanag.

"Sino ka?! Anong sinasabi mo?!"

"salva vos.. salva vos.. ves sum desh.."

Magsasalita na ulit sana ako nang biglang lalong nagliwanag at hindi ko na napigilan ang sarili ko at pumikit.

 ~~

*RIIIIIINGGGG~

Napamulat ako dahil sa tunog ng alarm clock. Tinignan ko kung anong oras na.. 7am na pala. Napaupo ako sa kama ko habang inaalala ang panaginip ko. Weird dream.

PLACE: Street (walking) 

Naglalakad ako ngayon papuntang school. Si Kuya kasi walang pasok ngayon kaya mahimbing syang natutulog sa bahay.. eh ayoko naman istorbohin para magpahatid. Sinaksak ko nalang ang earplugs sa tenga ko at plinay ang ipod ko.
Masyado akong nag-enjoy makisabay sa pagkanta mula sa ipod ko nung napansin ko nalang na nasa school ground na pala ako. Papasok na sana ako ng gate nang biglang may tumawag sa akin. Lumingon ako at nakita ko naman si Tania at Lucas na papalapit.

"Good morning Rin!" Bati ni Tania at nakipag-beso.
Si Lucas naman niyakap ako.

"Morning din sa inyo lovebirds!" I greeted them back.

"Mukhang hindi ka nakatulog ng maayos ah?" Sabi ni Lucas.

Pano ba naman yung panaginip ko eh T.T "Yeah.."

Sabay-sabay na kaming pumasok sa school. Pagkahatid ni Lucas sa amin sa locker room, umalis na din sya agad para pumunta sa building nila.

Naghikab ako nang bigla tumalon si Danica sa likod ko. "Morning girls!" Bati nya.

"At saan ka na naman pumunta ngayon bruha?" Tanong ni Tania habang inaayos ang gamit nya.

At ng si Dani na babaita? Ayun tumawa ng napakalandi! So syempre alam na namin yun. Gossips~

"What is it this time?"

"May mga bagong transferee sa school!"

"So?" Tania raised her eyebrow.

"Sinasabi ko sa inyo mga teh! Kakaiba tong mga toh! Para silang mga Greek gods sa senior devision. My ghad!"

Wow ah. Sa mga ganitong time dapat nagtitili na ako eh.. pero waepek na. ahaha alam na! *u*

"Mga pinoy?" 

"Nope! Lahat sila from a different country.. di ko nga lang alam kung taga-saan. Pero alam nila mag-Tagalog."

Sanay na kami dyan. Mga foreigners na nagdadatingan at dito nag-aaral sa Moreidman University. Pano ba naman kasi ang school namin, hindi naman talaga pagmamay-ari ng isang Pinoy. American ang owner ng school namin. Halata naman sa pangalan diba? Actually nga, etong school na toh ang first elite school na talagang pinagmi-mix ang mga foreigners sa mga Filipino.

"Ilan sila?" I asked.

"Four boys and one girl." Sagot nya. "Yung babae nasa junior devision tulad natin pero yung four hotties nasa senior. At sinasabi ko sa inyo mga sisters, kapag nakita nyo sila mae-elibs kayo sa sobrang ga-gwapo at ganda! Para na nga akong si Sunako Nakahara kanina eh.. kulang nalang nosebleed ahahah! Mga sikat na sila sa school. Akalain nyo? AGAD AGAD! They are so gorgeous!"

Nag-blink lang ako at humikab"Awesome." I simply said at nauna na maglakad.

Naramdaman ko naman na sumunod sila akin. "Ikaw ba yan Rin Sanchez?!" Nagtatakang sabi ni Dani. "First time mong tumanggi sa mga gwapo!"
Tumawa nalang si Tania. 

Nilingon ko si Dani and stuck my tongue out at her. "Kay Topher lang ako. Bleh." :P

.
.
.
Naghiwa-hiwalay na kaming tatlo dahil sa pupunta na kami sa sari-sarili naming homeroom class. Pagpasok ko ng room, maraming bumati at naglakad ako patungo sa usual desk ko. Napansin ko na may new girl na nakaupo  sa may likuran. Ang ganda nya! Meron syang short bright hair. At ang puti! Sya kaya yung babaeng tinutukoy ni Dani na new student sa junior devision? Pero parang nakita ko na sya somewhere?

Nakita ng babae na tinititigan ko sya at saka sya ngumiti. Ngumiti nalang din ako at umupo na sa upuan. Nakita ko na ba sya dati?

Napahawak ako sa may kanang wrist ko at na-realize na wala yung bracelet ko. Ay.. naiwan ko pala sa bag ko kanina. *sigh*



Fortunately, hindi naman ganun kadami ang ginawa namin sa class. Most of the time, worksheets lang ang mga pinapagawa. After an hour, nag-bell na din. Break time na! 

Kinuha ko agad ang mga gamit ko at naglakad na palabas ng room. Habang naglalakad sa may corridor, narinig ko na may tumatawag sa akin.

"Ms. Sanchez!" 

Lumingon ako at nakita yung new student sa class ko. Pinagtitinginan sya ng mga boys.. sobrang ganda kasi nya~

Tumango ako at ngumiti naman sya. "We did not have time to introduce myself in the class. I am Moira Tilmitt by the way."

"Oh." I said. "I'm Rinoa Sanchez.. or just Rin for short ^__^"

Pagkatapos ko ma-mention ang name ko, parang biglang nanlaki ang mga mata nya. Ewan ko kung bakit. Pero she slightly shook her head. "I am pleased to meet you, Rin."

Iba ang accent nya. Pero hindi ko ma-distinguished ko anong bansa sya galing. Nakakahiya naman tanungin.


1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^