Saturday, January 19, 2013

Love at Second Sight : Chapter 39

CHAPTER 39
( Princess’ POV )

“Prinsesa.”


Bigla siyang napalingon sa pinagmulan ng pagtawag na ‘yon. Para lang mapabuntong-hininga ng malamang sa tv nagmula ‘yon. Nanonood ng Flame of Recca ang kapatid na babae ni Cath.


Ilang beses na niyang napanood ‘yon dahil mahilig siyang manood ng anime. ‘Prinsesa’ ang tawag ng main character na si Recca sa love interest nito na si Anna.


Sinarado niya ang laptop niya. Mukhang hindi din siya makakapagsulat dito. Nandito siya sa bahay ni Cath. Pumunta siya dito kanina at baka sakaling may maisulat siya pero wala din. Nilingon niya ang kapatid ni Cath. “Anika.”


“Yes, ate?” hindi lumilingong sagot nito.


“Pakisabi sa ate mo umuwi na ko. Mukhang binili niya na ang buong palengke sa tagal niya.” Nagpaalam kanina si Cath na pupunta lang daw ito ng palengke. Hanggang ngayon, wala pa din.


“Sige, ate.”


Tumayo na siya at humakbang palabas ng bahay. Hindi pa siya tuluyang nakakalabas ng may marinig siya.


“Prinsesa.”


Napapikit siya ng mariin at mabilis na lumabas. Malapit lang naman ang bahay ni Cath sa bahay niya kaya ilang saglit lang ay nasa tapat na siya ng bahay niya. Binuksan niya ang gate. Sinalubong siya ng alaga niyang pusa.


“Hello, Miming!” Sumunod ito sa kaniya hanggang sa makapasok siya ng bahay. Nilapag niya sa center table ang laptop niya at pasalampak na umupo sa sofa. Tumabi sa kaniya si Miming.


“Hayyy...” Napatingin siya sa calendar na nakasabit dingding.


Ilang araw na ba ang lumipas?


One week.


Oo nga. One week na simula ng umuwi siya galing Romblon.


One week na din pero hindi pa din niya nakakausap si James. Pagdating niya from Romblon, kasabay ng pag-on ng phone niya, naka-receive siya ng message from him na pupunta ito ng Hongkong for a business trip tapos dedereto pa daw ito ng Korea. All in all. Halos one week daw itong mawawala.


Napatingin siya sa laptop niya.


One week na din pero wala pa din siyang nauumpisahang nobela. Katatawag lang ng editor niya kagabi, sinabi lang niyang on-going na yung story pero ang totoo, wala pa talaga siyang nauumpisahan. First page pa lang ang nagagawa niya, hindi na niya madugtungan pa.


Sinandal niya ang ulo niya sa sofa. Nang bigla na lang pumasok sa isip niya ang mukha ni Aeroll. Pumikit siya at dumilat. Umupo siya ng maayos at binuksan ang laptop niya. Kaya lang, mukha ni Aeroll yung nakikita niya sa screen ng laptop niya.


“Ano ba! Tigilan mo ko!” Sumandal siya sa sofa. Ilang araw na din siyang ganito. Laging ginugulo ni Aeroll ang isip niya. Hindi kasi niya ito maintindihan. Mas lalong hindi niya maintindihan ang sarili niya dahil para siyang aning sa kakaisip kay Aeroll.


“Ang gulo naman kasi niya!” Hindi sumabay si Aeroll sa kanila ng umuwi sila. Hindi niya alam kung bakit. Hindi na niya inalam pa.


“Nakakainis siya!” Frustrated na sinabunutan niya ang buhok niyang nakatali. Wala siyang pakialam kung magmukhang bruhilda na siya.


“Makakain na nga lang.” Binuhat niya si Miming at pumunta ng kusina. Para lang mapakamot sa ulo ng marealize niyang hindi pa siya nakakapagluto. Kumalam ang sikmura niya.


“Miming, nagugutom ka na din ba?” kausap niya dito.


“Meeoow!”


“Magluluto na ko. Sorry hah. Medyo lutang lang ang amo mo this past few days.”


“Meeoow!”


“Okay, fine. Lutang talaga ko. Yan kasing Aeroll na ‘yan! Bakit niya ba ginugulo ang isip ko?! Alam mo Miming, wag lang siyang magpapakita sakin kundi sapak ang aabutin niya!”


Dingdong! Dingdong!


“Huh? May bisita tayo, Miming?” Lumabas siya ng kusina at lumabas ng bahay. Kaya laking gulat niya ng pagbukas niya ng gate...


“Hello, bhest!” nakangiting bati ni Cath sa kaniya. “Mukhang magulo ang mundo natin, ah.”


Pero hindi ito ang dahilan kung bakit siya nagulat. Kundi ang kasama nito. Nanlaki ang mata niya at nabitiwan pa niya ang pusa niya.


“Cath, sigurado ka ba sa bahay na pinuntahan natin? Mukhang bahay ‘to ng mangkukulam. Ng magandang mangkukulam.”


* * * * * * * *


( Aeroll’s POV )

Para siyang tanga at naiinis na siya. Kanino? Kay Harold!


Katatapos lang niya itong tawagan ngayon. Pero hindi man lang nito sinagot. Isang linggo ng gano’n mula ng umuwi siya from Romblon. Pati si Cath, hindi sinasagot ang tawag niya. Nagkampihan pa yung dalawa.


Inis na lumabas siya ng kotse niya. Katatapos lang ng duty niya. Sinalubong siya ng mama niya sa sala.


“Hello, Ma.” Hinalikan niya ito sa pisngi.


“Kumain ka na ba?”


“Opo. Akyat na po ako sa taas.”


“May bisita ka.”


Kumunot ang noo niya. “Sino po?”


”Nasa veranda.” Sa halip ay sagot nito.


Sino kayang bisita niya? Humakbang na siya papunta ng veranda ng tawagin siya nito. “Bakit po?”


“Kung hindi pa na-kwento ng pinsan mo, hindi ko pa malalaman.”


“Po?”


“I want to meet her.” Tumalikod na ito.


Pinsan? Teka lang. Si Harold! Mabilis na humakbang siya ng veranda. And there he saw his cousin sitting next to Cath. Nakatalikod ang mga ito sa kaniya. He was about to say something ng magsalita si Harold.


“Nag-usap na sila ng boyfriend niya?”


“Not yet. Ang sabi ni bhest, out of the country daw si James.”


“Ang galing din tumayming no’n, ah.”


“Sinabi mo pa.”


Kumunot ang noo niya sa pinag-uusapan ng mga ito.


“How’s Princess?”


“Mukhang hindi siya okay.”


“Bakit?”


“Itanong mo sa pinsan mo.”


“Anong itatanong sakin?” singit niya.


Napalingon ang dalawa sa kaniya. “Hello, insan! Long time no see.”


“Why were you not answering my calls?”


“Ang gandang pagbati naman niyan. Why don’t you sit down first?”


“Bakit hindi ninyo sinasagot ang mga tawag ko?” ulit niyang tanong.


“That’s her idea.” sagot ni Harold. Sabay turo kay Cath.


Tiningnan niya si Cath. “I just want to make sure na totoo ‘yang nararamdaman mo para sa bestfriend ko. Kung lilipas ang isang linggo na hindi mo kami kokontakin, isang lang ang sabihin no’n. You were not inlove with her. Maybe you’re just infatuated with her.”


Parang hindi matanggap ang sinabi nitong infatuated lang siya kay Princess. Bwisit! Para na nga siyang baliw sa kakaisip dito. “I want to talk to her. Please.”


“Why?”


“Because...” Ngayong tinanong nito, bakit nga ba? Bakit nga ba tinatawagan niya ito at si Harold? Nung una, gusto niyang makausap si Princess. Pero bakit? Para magtapat ba dito? Yun ba ang tunay na dahilan?  Bakit nga ba gusto niyang makausap si Princess? Hay! Napakagulo talaga niya. “Because I love her.” Iyon ang lumabas sa bibig niya. Because that’s the only thing na sigurado siya.


Napangiti ito. Napangiti din si Harold.


“At dahil mukhang handa ka ng harapin ang feelings mo sa kaniya, may sasabihin ako sa’yong sikreto.” singit ng pinsan niya.


“Ano?”


“Yung sikretong sinasabi ko sa’yo nung nasa Romblon pa tayo.”


Sinabi nga nito.


Nakuyom na lang niya ang kamao niya matapos sabihin ni Harold ang bagay na ‘yon.


Dapat ba siyang matuwa sa nalaman niya?


Kaya pala tuwing tinatanong niya si Princess tungkol sa boyfrie—sa lalaking ‘yon, nagbabago ang mood nito. Kaya pala minsan, parang maiiyak ito. Kaya pala.


Kaya dapat ba siyang matuwa sa nalaman niya? Na nasasaktan ito ng dahil sa walang hiyang manlolokong lalaking ‘yon!


At si Princess, ano ba siya para dito? Ano ba ang nararamdaman nito para sa kaniya? Was she using him when they were still there? Pero, hindi. Hindi gano’n si Princess. Sa iksi ng panahon na nagkakilala sila. Hindi ito gano’n. O iyon lang ba ang gusto niyang paniwalaan?


At bakit siya nasasaktan ng ganito?


“Aeroll?”


Napalingon siya kay Cath. “Hah?”


“Anong balak mo ngayon?”


Ngayong nalaman niyang may problema sila Princess at ang boyfrie—lalaking ‘yon, dumagdag pa ‘yon sa iniisip niya. Kung magtatapat siya kay Princess, anong mangyayari? Saka sinabi din ni Cath kanina na makikipag-usap si Princess sa lalaking ‘yon. Hindi nito sinabing makikipag-break na si Princess.


Sa ngayon, may isang bagay siyang gustong itanong kay Princess. “Maybe it’s not the right time to confess my feelings to her. Ayoko lang siyang maguluhan.”


“So?”


“For now, I just want to see her.”


“Sige. Magkita na lang tayo bukas.” sabi ni Cath. Tumayo na ito at si Harold.


Napatayo siya sa sinabi nito. “Teka, I mean, now. I want to see her now.”


“Tomorrow na, insan.”


“Why now?”


“Para kasing manununtok ka ng tao.”


Kumunot ang noo niya. “What?”


“Durog na ‘yang bulaklak na kinuha mo sa vase. Lagot ka kay tita.”


Napatingin siya sa kamay niya. Nagulat na lang siya na may hawak pala siyang bulaklak, halos madurog na nga ‘yon. Ba’t hindi niya napansin?


He sighed. “Okay. Tomorrow before lunch, after my duty. I-tetext na lang kita, Cath.” Tumango ito.


“Alis na kami, insan.”


Tumango siya. “Teka, wait. May sinabi ka ba kay mama kanina?”


“Hah? Wala, ah. Tara na, honey.” Nilingon siya nito. “Sinabi ko lang na malapit ng ikasal ang anak niya.”


“Harold!”


Tumawa lang ito at si Cath bago tuluyang umalis.


Nangingiting umupo uli siya. Ikakasal daw. Sira ulo talaga ‘yon.


“Anong ngini-ngiti mo diyan, kuya?”


Napalingon siya sa likuran niya. “King.” Nakita niyang nakabihis ito. “Sa’n ka pupunta?”


“Dadaan lang kila Rylie, kuya.” Bestfriend nito ang tinutukoy nito.


“Dadaan lang? Baka nakakalimutan mong tatlong bayan ang layo natin sa kanila.”


“Alam ko. Para namang hindi ako do’n pumapasok.”


“Buti pinaalala mo din ‘yan. Napag-usapan na namin ni papa na dito ka na mag-aaral.”


“I know. Sinabi na ni papa.” balewalang sagot nito. “May magagawa ba ko? Hindi naman ako pwedeng kumontra, diba? Aalis na ko.”


Napailing na lang siya habang sinusundan ito ng tingin. Kailan ba mag-titino ang kapatid ko? Sana this time na dito na siya mag-aaral, tumino na siya.


* * *



2 comments:

  1. grabe!! super kilig talaga ako dun,este tumitili na nga ng umamin na si aerol!! my gass! hahaha.tawa much talaga ung parang bruhang hair ni princess.. kaso maganda pa rin yan.. umuwi ka na james at ng mapektusan kita ng 1000x.. hahaha

    si king to sa TGIWYM diba?.. lahat talaga ng stories mo ate may cross over.. thats why i like them..

    ReplyDelete
    Replies
    1. yes sis, the one and only KING LEONARD. :)))

      thank you sis!~ muaaaaaah!

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^