Saturday, January 12, 2013

Following Your Heart : Chapter 16

CHAPTER 16
( Shanea’s POV )

“Nag-gu-group hug sila, oh.”



Napalingon siya kay Kristine na nakasilip sa bintana. Nasa kusina silang dalawa. Kumukuha ng makakain. Huling gabi na nila ngayon dahil bukas ay uuwi na sila ng Bulacan. Kaya ngayon, may kasiyahang nangyayari dito sa bahay ng Montelagro. Nandito ang mga kamag-anak nila, kasama syempre ang mga pinsan niyang nakainuman niya nung isang araw.



Lumapit siya dito at nakisilip din sa bintana. Mula sa bintana ay tanaw ang garden. Nakita niyang nag-gu-group hug ang mga pinsan niya.



“Sali tayo, Kris. Mukhang masaya ‘yon.” Hinila niya ito papunta ng garden. Nasalubong pa niya sina Aeroll at Princess na papasok ng bahay.



Naabutan niya sina Allen, Xander, Paulo at Mai na nag-aasaran. Samantalang yakap naman ng hindi maipintang mukha ni Harold ang natatawang si Cath. Habang nasa gilid lang at tahimik sina Morris at Jed. Oo. Nandito din si Jed. Kahit hindi ito isang Montelagro, parang part na ito ng pamilya nila dahil nga matagal ng magkalapit ang pamilya nila.



“Wala ng group hug?” tanong niya.



“Mukhang wala na.” Si Kristine ang sumagot dahil hindi naman siya narinig ng mga ito. Ni hindi man lang ata napansin na andito sila ni Kristine.



“Hello!!! Earthlings!!!” sigaw niya.



Saka lang napalingon ang mga ito sa kaniya. Ngumiti siya ng matamis. “Wala ng group hug, guys? Gusto kong sumali, eh.”



“Kayo na lang. Baka mapipi na naman ang honey ko.” Pumasok na ng bahay si Harold at si Cath na nginitian siya.



“Ako din. Hinila lang naman nila ako.” Pumasok na din si Morris.



“Hoy! Morris!” Sumunod si Paulo dito. “May ipapatikim pa ko sa’yong bagong experiment ko. Kanina mo pa ko tinatakasan, ah.”



“Ako na lang ang titikim, Pau.” Sumunod si Xander dito. “Kahit para akong pinatay ng dalawang beses sa sama ng lasa ng mga experiment mo. Basta, don’t forget my talent fee.”



“Kaunti na lang tayo? Hindi na masaya.” Sumunod na din si Allen sa mga ito.



Kunot-noong sinundan niya ito ng tingin.



“I’m hungry na.” sabi ni Mai. “Let’s grab some food, Jed.” Hinila nito si Jed na hindi na nakapag-protesta. Eh, halos kaladkarin daw ba ng pinsan niya.



“Late na pala tayo, eh. Next time agahan natin para makasama tayo sa group hug. Balikan ko lang yung pagkain natin sa kusina, cuz.” Tinanguan na lang niya si Kristine.



At siya? Hindi niya alam kung pa’no niya pagsasabayin ang pagkamot sa ulo, pagpadyak ng paa, pagsimangot at pag-nguso. Pero dahil magaling siya, napagsabay-sabay niya.



“Nakakainis sila, hah! Dumating lang ako, nagsipag-alisan daw ba?” Inamoy niya ang sarili niya. “Naligo naman ako. Nagpabango. Wala naman akong kili-kili power. Ay! Ewan!”



Hindi na siya nagtaka, kahit naman nung mga bata pa sila ay gano’n na ang mga pinsan niya, nasanay na kasi ang mga ito na pagtaguan siya kapag panay ang sunod niya sa mga ito. Kaya siguro, parang normal lang sa mga ito na iwan siya kapag alam ng mga itong mangungulit na siya. Hanggang sa kalakihan na ng mga ito ang ugaling ‘yon.



Naglakad pa siya sa gitna ng garden. Do’n sa parteng napapaligiran siya ng mga bulaklak at halaman. Pasalampak na umupo siya sa damuhan. Hindi pa siya nakuntento, tuluyan na siyang humiga.



Agad siyang napangiti sa nakita niya. Ang daming stars. No’ng bata pa siya, trip niyang bilangin ang stars. Tapos pagnaka-one hundred na siya. Mag-wi-wish siya. Kailan ba niya huling nagawa ‘yon? Parang ang tagal na. Kailan nga ba?



A sad smile curved on his lips ng sumingit sa alaala niya kung kailan. Oo nga pala. Three years ago. Nung gabing bago umalis si Jed papunta ng America. Pa’no niya malilimutan ang wish niya ng gabing ‘yon? Na sana pagkagising niya, makikita at masusundan pa din niya ang anino ni Jed.



Pinikit niya ng mariin ang mga mata niya at pilit tinaboy ang ala-alang ‘yon. Matagal na ‘yon, parte lang ‘yon ng dating Shaneang baliw kay Jed. Kaya dapat na niyang kalimutan ‘yon.



She sighed. Deeply.



Ilang araw lang ng dumating ito, pero nagawa na naman nitong guluhin ang mundo niya. Kung tutuusin, pangatlong araw pa lang ngayon, pero parang ang dami ng nangyari na hindi niya maintindihan. Lalo na si Jed. Lalo na ang pagbabalik nito. Ang mga pagbabagong pinapakita nito sa kaniya.



Parang movie trailer na bumalik sa alaala niya ang mga nangyari.



Nang makita niya ang reaksyon nito ng una silang magkita na parang hindi nito gustong makita siya.



Nang habulin siya nito ng araw ding ‘yon habang naka-motor siya.



Nang ayain siya nitong kumain ng almusal ng malaman nitong hindi pa siya nagbe-breakfast.



Nang makita niya ang unang ngiti nito for the first time after three years.



Nang ilagay nito sa balikat niya ang baba nito habang nakaupo siya sa unahan ng motor at ito ang nagda-drive.



Nang ipasak nito sa bibig niya ang pandesal na pinasak niya sa bibig nito.



Nang hayaan siya nitong magtanong siya na ni isa ay hindi man lang nito sinagot na ikinainis niya.



Nang biglang magbago ang timpla nito ng hindi niya sinasadyang masigawan.



Nang tawagin siya nitong ‘sweetie’. Kung tama man ang pagkakarinig niya. Na mukhang naghahalucinate lang siya.



Nang mangulit ito at dumaldal ng dumaldal habang naiinis siya.



Nang sermunan siya nito pagdating niya ng bahay ng Lola Conchita niya.



Nang haplusin nito ang ulo niya.



Nang kulitin siya nito habang umiinom sila.



Nang alagaan siya nito ng malasing siya.



Nang alagaan siya nito pagkagising niya.



Nang magbago ang timpla nito ng pauwi na sila.


O diba ang daming ng nangyari?



Pero, ano nga ba ang totoo sa mga ‘yon? O mas tamang sabihing ano ang ibig sabihin ng mga ipinakita nito? Ano ba talaga? Ano?!



Patlang.



Argh! Bakit ba kasi niya iniisip ang mga ‘yon kung wala din naman siyang makukuhang sagot. Siguro, ang dapat niyang gawin ay sundin ang desisyon niyang umiwas na lang kay Jed ng hindi na siya maguluhan ng ganito. Baka matuluyan na siyang mabaliw, eh.



“Shanea.” Automatic na dumilat ang mga mata niya. And there. Nakita niyang nakatunghay sa kaniya si Jed. Pinikit niya ng mariin ang mga mata niya. Baka naghaha-lucinate lang siya. At the count of one...two...three...



Dilat.



Pero gano’n pa din. Jed is still there.



Kasasabi lang ba niya na iiwas siya dito? Oo diba? Pero paano kang iiwas sa isang tao kung yung mismong taong gusto mong iwasan ang lalapit sa’yo?



She let out a frustrated sigh. At naiinis na dumapa. Pinagpapalo pa niya ang damuhan. “Nakakainis!”



“Shanea, okay ka lang ba? Naiinis ka ba kasi hindi ka nakasama sa group hug? Gusto mo group hug tayo?”



Napatigil siya sa pagpalo sa damuhan at napalingon kay Jed. Seryoso ang mukha nito. So, totoo ang alok nito na mag-group hug sila kahit dalawa lang sila?



Magtigil ka nga diyan, Shanea. Tandaan mo ang sinabi mo kanina! paalala ng kabilang isip niya.



Dumeretso ang utak niya. “Ayoko ng group hug.”



“Eh, anong gusto mo?”



Ang iwan mo ko. “Wala.” Umayos siya at umupo. Tumalikod siya dito. Naramdaman niyang umupo ito. Hindi sa tabi niya kundi sa likuran niya.



Tumingala siya sa langit.



Silence.



“How are you, Shanea?”



“Okay lang. Hindi naman ako naiinis, eh, dahil hindi ako nakasama sa group hug. Sanay na ko. Bata pa lang ako gano’n na sila.”



“Hindi ‘yon ang tanong ko.”



“Eh, ano?”



“Kung kamusta ka na? Kung anong balita sa’yo? Mag-kwento ka naman.”



Napaderetso siya ng upo at dahan-dahang napalingon dito. “Gusto mong mag-kwento ako?” nagtatakang tanong niya.



Ngumiti ito. “Oo.”



Marami na ngang nagbago. Kung dati, kung hindi siya mismo ang magku-kwento, hindi ito magpapa-kwento. Sabagay, kahit hindi naman nito sabihing mag-kwento siya dati, magku-kwento siya.



Sumeryoso ang mukha nito. “I know I’ve been rude that day. May jetlag pa nga siguro ako no’n.” Yung pagdating nito ang tinutukoy nito. Napakamot pa ito ng ulo. “I’m sorry. Can you forgive me?”



Jed.



“There are so many things that I wanted to tell you, you know.”



Kumunot ang noo niya. “Anong—” Nagulat siya ng guluhin nito ang buhok niya. Nagtatakang tiningnan niya ito. Ngumiti lang ito.



“Mag-kwento ka na. Makikinig ako.” Humiga pa ito sa damuhan. At inunan ang dalawang braso nito.



Napabuntong-hininga na lang siya. Parang hindi ito si Jed. Hay... Marami na ngang nagbago sa loob ng tatlong taon. Siguro, hindi na siya dapat magtaka kung bakit ganito ito ngayon, kung bakit ito ganyan. Hindi niya dapat hanapan ng dahilan ang lahat ng kilos at ginagawa nito. Dapat niyang ihiwalay ang noon at ngayon, dahil magkaibang panahon ‘yon. People change. Maski naman siya, nagbago.



At kahit anong gawin niyang pagpilit sa sarili niyang iwasan ito, wala ring magagawa kung ito mismo ang lalapit sa kaniya.



Nakapag-desisiyon na siya.



Hindi niya kailangang iwasan si Jed.



Ang kailangan niyang gawin ay rendahan ang sarili niya.



* * *



1 comment:

  1. hahah.. at talagang rendahan ha?hahah gusto ko yan.. naku,dapat pahirapan mo muna yang si jed.. para makabawi ka sa ginawa niya sa iyo dati.. hahha.. ang sama ko lang..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^