CHAPTER
17
( Shanea’s POV )
“Bakit ang
tagal mo?” reklamo ni Harold. “Muntik ka ng iwanan ng barko.”
“Grabe ka
naman, kuya. Heller! Thirty minutes pa bago umalis yung barko.”
Pinauna na kasi niya ang mga ito. Dinaanan pa kasi niya yung bukong binili
niya.
“Nasa’n yung
higaan ko?” Itinuro nito. Nilingon niya yung
dalawang lalaking may buhat ng isang sakong buko. “Kuya, pakibaba na lang po do’n malapit sa
higaan ko.” Kumuha siya ng pera sa wallet niya at inabot sa lalaki. “Thank you po,
kuya. Sa uulitin.”
“Isang
sakong buko na naman? Hindi ba nagsasawa si Hiro niyan?”
tanong ni Harold.
“Hindi.
Kunwari lang na nauumay ‘yon, pero favorite no’n ang buko.”
Kumunot ang noo niya ng mapansin niyang nakahiga si Princess. Katabi nito si
Cath na nakaupo.
Lumapit
siya sa mga ito. “Inaantok ka, Ate Princess?” Pero mukhang tulog na ito.
“Ganyan
talaga ‘yan? Hindi kasi siya sanay sumakay ng barko kaya pagsampa ng barko,
bagsak agad.” paliwanag ni Cath.
“Gano’n ba?”
Nilingon niya si Harold. “Dito ako sa taas, ah.” Double deck kasi yung
higaan nila.
“Sa taas
ako.”
“Do’n ako sa
kabila.”
“May katabi
na ko.”
Kumunot
ang noo niya. “Sino?”
“Siya.”
Sabay turo sa bandang likuran niya.
Nilingon
niya ang tinuro nito para lang magulat siya. Nanlaki ang mata niya. “Jed!”
“Bakit
parang nagulat ka?”
“Wala ka
naman kasing sinabi kagabi na kasabay ka pala naming uuwi. Saka, sa’n ka
tutuloy? Diba binenta ninyo na yung bahay ninyo sa Bulacan?”
Nagkibit-balikat
lang ito.
“Gusto mo
samin ka na lang tumuloy? I mean, habang wala ka pang matutuluyan, pwede ka
munang tumuloy samin. Papayag naman siguro sina mamita. Hindi naman—”
“Shanea,
you’re talking a lot.” sabi nito.
“Sorry.”
Nag-peace sign siya dito. After niyang mag-kwento dito kagabi, parang may
nagbago sa pagitan nila. Parang nawala yung awkward atmosphere sa pagitan nila.
Nag-kwento din ito, pero puro lang tungkol sa negosyo nito.
“I’ll stay
at a hotel.”
“Buti
naman.”
Nakarinig
siya ng tikhim. Napalingon siya kay Harold. “Anong tinitikhim-tikhim mo diyan?” Nang
may maalala siya.
“Teka, kung magkatabi kayo sa taas. Magkatabi sina ate Cath at ate Princess.
Sa’n ako?”
Itinuro
ni Harold ang deck na malapit sa higaan nila Cath. May nakita siyang nakahiga
do’n. Lumapit siya kay Harold. “Kuya naman. Tingnan mo naman ‘yung katabi ko. Mukhang
ano.” bulong niya. May harang naman sa pagitan, pero maliit na bakal
lang ‘yon. Mukhang adik pa yung katabi niya.
“Eh, anong
gagawin ko?” bale-walang tanong ni Harold.
“Kuya!”
“Palit na
lang tayo, Shanea.” Napalingon siya kay Jed.
“Talaga?”
“Yes.”
“Ah, alam ko
na.” singit ni Harold. “Tayo na lang ang palit ng higaan, Shanea.”
“Pero kami—”
“Do’n na
lang ako sa pwesto ni Shanea, Jed. Para malapit lang ako sa honey ko.”
Umupo pa ito sa tabi ni Cath at niyakap ang huli.
“Ang corny
mo.” natatawang pinitik ni Cath ang noo ni
Harold.
“Corny pero
sweet.”
Napangiti
na lang siya sa paglalambingan ng mga ito. “Ang sweet nila ‘no, Jed?”
Hindi
ito sumagot. Kaya nilingon niya ito. Napaatras pa siya ng makitang nakatingin
ito sa kaniya.
“Bakit?” tanong
niya.
“May dumi ka
sa mukha mo.”
“Sa’n?”
Lumingon
muna ito kina Harold kaya napalingon din siya sa pinsan niya. Busy ito sa
pakikipag-kwentuhan kay Cath. Nang maramdaman niyang may humaplos ng pisngi
niya. Napalingon siya kay Jed.
Ngumiti
ito. “Wala
ng dumi.”
Napahawak
siya sa pisngi niyang hinaplos nito.
Remember!
Pinitik
niya ang noo niya. Aray!
“Ba’t mo
pinitik ang noo mo?” kunot-noong tanong nito.
“Wala lang.”
* * * * * * * *
Madaling araw na sila dumating ng
Batangas Port. Pagbaba niya ng barko, sinalubong agad siya ng malakas na sigaw.
“Shasha!!!
Welcome home!!!” Napalingon siya sa pinagmulan ng
boses na ‘yon. Sinasabi na nga ba. May banner nga itong hawak. Parang last year
lang. At kung makasigaw ito, parang sa isang bansa siya nanggaling. Napapailing
na nilapitan niya ito. Pero hindi pa nga siya nakakalapit ng sugudin siya nito
ng yakap. “Namiss
talaga kita, Shasha!”
“Halata nga.
Wala ka na sigurong magandang nakikita noh?”
“Walang
kasing takaw mo na payat naman.”
Natawa
na lang siya sa sinabi nito.
“Ehem! Ehem!
Ehem!”
Dahan-dahang
humiwalay si Hiro sa kaniya at nilapitan ang pinsan niyang eksaheradong
tumikhim. “Kuya
Harold! Namiss din kita syempre!” Niyakap pa nito ang pinsan niya.
“Kuya Harold
ka diyan! Kapatid ba kita, hah?”
“Kung ano ang tawag sa’yo ni Shasha, ‘yon din ang
itatawag ko sa’yo.”
“Gaya-gaya!”
“Teka, sino
‘yang dalawang kasama mong babae? Sino sa kanila ang bagong girlfriend mo?
Akala ko ba nagbago ka na, hindi—aray!” Pabirong
sinuntok kasi ito ng pinsan niya. Ang tabil kasi ng dila.
“Umayos ka,
okay. Baka maniwala ang honey ko.” Pinanlakihan pa
ito ng mata ng pinsan niya.
“Maayos
naman ako.” Hinarap nito si Princess. “Hi, miss! I’m
Hiro. Ikaw ba ang girlfriend ni Kuya Harold?”
“No. I’m his
girlfriend’s bestfriend. I’m Princess.”
“Gano’n ba?
Pero maganda ka.”
“Hiro.”
saway niya.
“Oo na.”
Kinamayan muna nito si Princess bago balingan si Cath. “I’m Hiro. Twenty-two years old. Bestfriend
ni Shanea. You are?”
“You can
call me Cath. Huwag mo na kong tawaging ate. Magkasing-edad lang tayo. Si
Harold lang yung matanda.”
“Honey
naman. Matanda na ba yung twenty-four?”
Nagtawanan
lang sila. Natigil lang sila ng may kung anong bumagsak sa semento. Sabay-sabay
silang napalingon. Kay Jed. Hindi maipinta ang mukha nito habang nakatingin sa
kanila. Sa kaniya.
“Sino siya?”
tanong ni Hiro.
“Yan na yang
buko mo.” madiing sabi nito habang deretsong
nakatingin sa kaniya.
Natutop
niya ang bibig niya. Nawala sa isip niya. Na kasama nila si Jed! Patay!
Nilingon
nito ang lalaking katulong nito sa pagbuhat ng sako. May kung anong binigay ito
sa lalaki. “Salamat.”
Lumapit ito kay Harold. “Pare, mauuna na ko.”
“Kasama ka
ba nila Shasha? Sumabay ka na samin. May sasakyan naman akong dala.”
singit ni Hiro bago siya balingan. “Yun na ba ang bukong pasalubong mo sakin?”
“Ah, oo.”
Hindi niya kasi magawang umiwas ng tingin kay Jed. Bakit gano’n? Bakit parang
feeling niya may nagawa siyang mali?
Inakbayan
siya ni Hiro.
“Ang bait mo talaga!”
Ang
sama talaga ng tingin sa kaniya ni Jed! Tatalikod na sana ito ng pigilan ito ni
Harold. “Jed,
pare. Sumabay ka na.”
Naramdaman
niyang nawala ang pagkaka-akbay ni Hiro sa kaniya. “Jed.” bulong nito, napalingon
siya dito. Saglit lang niya nakita ang seryosong mukha nito dahil ngumiti na
uli ito. Lumapit ito kay Jed.
“Ikaw pala
si Jed. I’m Hiro Yu. Bestfriend ako ni Shasha, I mean ni Shanea. Shasha kasi
ang tawag ko sa kaniya. Nice to meet you, pare.”
Inabot nito ang kamay kay Jed.
Napapikit
siya ng mariin. Jed, tanggapin mo.
Ano ba naman ‘tong nangyayari?
“I’m Jed
Villafuerte. Kababata ni Shanea. Nice to meet you, too.”
Saka lang siya napadilat sa narinig niya. Nakahinga siya ng maluwag. Kaya lang
ayaw pa ring magbitaw ng kamay ang dalawa. Oh! Oh!
“Excuse me.”
Sabay-sabay silang napalingon kay Princess. Humikab pa ito. “Hindi naman sa
nagmamadali ako. Pwede na ba tayong umalis?”
Natawa
lang si Hiro.
“Of course. Let’s go, guys!” Lumapit ito sa sako ng buko. Tinulungan
ito ni Harold. Sumunod na sila sa mga ito. Maliban kay Jed. Napahinto tuloy
siya.
“Jed.”
“Magba-bus
ako.”
Napailing
na nilapitan niya ito at hinila. “Sasabay ka.”
“Shanea.” Nginitian
niya lang ito.
“Okay.”
ang cute-cute tlga ni hiro!!!
ReplyDelete