Saturday, January 19, 2013

Following Your Heart : Chapter 17

CHAPTER 17
( Shanea’s POV )


“Bakit ang tagal mo?” reklamo ni Harold. “Muntik ka ng iwanan ng barko.”



“Grabe ka naman, kuya. Heller! Thirty minutes pa bago umalis yung barko.” Pinauna na kasi niya ang mga ito. Dinaanan pa kasi niya yung bukong binili niya.


“Nasa’n yung higaan ko?” Itinuro nito. Nilingon niya yung dalawang lalaking may buhat ng isang sakong buko. “Kuya, pakibaba na lang po do’n malapit sa higaan ko.” Kumuha siya ng pera sa wallet niya at inabot sa lalaki. “Thank you po, kuya. Sa uulitin.”


“Isang sakong buko na naman? Hindi ba nagsasawa si Hiro niyan?” tanong ni Harold.


“Hindi. Kunwari lang na nauumay ‘yon, pero favorite no’n ang buko.” Kumunot ang noo niya ng mapansin niyang nakahiga si Princess. Katabi nito si Cath na nakaupo.


Lumapit siya sa mga ito. “Inaantok ka, Ate Princess?” Pero mukhang tulog na ito.


“Ganyan talaga ‘yan? Hindi kasi siya sanay sumakay ng barko kaya pagsampa ng barko, bagsak agad.” paliwanag ni Cath.


“Gano’n ba?” Nilingon niya si Harold. “Dito ako sa taas, ah.” Double deck kasi yung higaan nila.


“Sa taas ako.”


“Do’n ako sa kabila.”


“May katabi na ko.”


Kumunot ang noo niya. “Sino?”


“Siya.” Sabay turo sa bandang likuran niya.


Nilingon niya ang tinuro nito para lang magulat siya. Nanlaki ang mata niya. “Jed!”


“Bakit parang nagulat ka?”


“Wala ka naman kasing sinabi kagabi na kasabay ka pala naming uuwi. Saka, sa’n ka tutuloy? Diba binenta ninyo na yung bahay ninyo sa Bulacan?”


Nagkibit-balikat lang ito.


“Gusto mo samin ka na lang tumuloy? I mean, habang wala ka pang matutuluyan, pwede ka munang tumuloy samin. Papayag naman siguro sina mamita. Hindi naman—”


“Shanea, you’re talking a lot.” sabi nito.


“Sorry.” Nag-peace sign siya dito. After niyang mag-kwento dito kagabi, parang may nagbago sa pagitan nila. Parang nawala yung awkward atmosphere sa pagitan nila. Nag-kwento din ito, pero puro lang tungkol sa negosyo nito.


“I’ll stay at a hotel.”


“Buti naman.”


Nakarinig siya ng tikhim. Napalingon siya kay Harold. “Anong tinitikhim-tikhim mo diyan?” Nang may maalala siya. “Teka, kung magkatabi kayo sa taas. Magkatabi sina ate Cath at ate Princess. Sa’n ako?”


Itinuro ni Harold ang deck na malapit sa higaan nila Cath. May nakita siyang nakahiga do’n. Lumapit siya kay Harold. “Kuya naman. Tingnan mo naman ‘yung katabi ko. Mukhang ano.” bulong niya. May harang naman sa pagitan, pero maliit na bakal lang ‘yon. Mukhang adik pa yung katabi niya.


“Eh, anong gagawin ko?” bale-walang tanong ni Harold.


“Kuya!”


“Palit na lang tayo, Shanea.” Napalingon siya kay Jed.


“Talaga?”


“Yes.”


“Ah, alam ko na.” singit ni Harold. “Tayo na lang ang palit ng higaan, Shanea.”


“Pero kami—”


“Do’n na lang ako sa pwesto ni Shanea, Jed. Para malapit lang ako sa honey ko.” Umupo pa ito sa tabi ni Cath at niyakap ang huli.


“Ang corny mo.” natatawang pinitik ni Cath ang noo ni Harold.


“Corny pero sweet.”


Napangiti na lang siya sa paglalambingan ng mga ito. “Ang sweet nila ‘no, Jed?”


Hindi ito sumagot. Kaya nilingon niya ito. Napaatras pa siya ng makitang nakatingin ito sa kaniya.


“Bakit?” tanong niya.


“May dumi ka sa mukha mo.”


“Sa’n?”


Lumingon muna ito kina Harold kaya napalingon din siya sa pinsan niya. Busy ito sa pakikipag-kwentuhan kay Cath. Nang maramdaman niyang may humaplos ng pisngi niya. Napalingon siya kay Jed.


Ngumiti ito. “Wala ng dumi.”


Napahawak siya sa pisngi niyang hinaplos nito.


Remember!


Pinitik niya ang noo niya. Aray!


“Ba’t mo pinitik ang noo mo?” kunot-noong tanong nito.


“Wala lang.”


* * * * * * * *


Madaling araw na sila dumating ng Batangas Port. Pagbaba niya ng barko, sinalubong agad siya ng malakas na sigaw.


“Shasha!!! Welcome home!!!” Napalingon siya sa pinagmulan ng boses na ‘yon. Sinasabi na nga ba. May banner nga itong hawak. Parang last year lang. At kung makasigaw ito, parang sa isang bansa siya nanggaling. Napapailing na nilapitan niya ito. Pero hindi pa nga siya nakakalapit ng sugudin siya nito ng yakap. “Namiss talaga kita, Shasha!”


“Halata nga. Wala ka na sigurong magandang nakikita noh?”


“Walang kasing takaw mo na payat naman.”


Natawa na lang siya sa sinabi nito.


“Ehem! Ehem! Ehem!”


Dahan-dahang humiwalay si Hiro sa kaniya at nilapitan ang pinsan niyang eksaheradong tumikhim. “Kuya Harold! Namiss din kita syempre!” Niyakap pa nito ang pinsan niya.


“Kuya Harold ka diyan! Kapatid ba kita, hah?”


 “Kung ano ang tawag sa’yo ni Shasha, ‘yon din ang itatawag ko sa’yo.”


“Gaya-gaya!”


“Teka, sino ‘yang dalawang kasama mong babae? Sino sa kanila ang bagong girlfriend mo? Akala ko ba nagbago ka na, hindi—aray!” Pabirong sinuntok kasi ito ng pinsan niya. Ang tabil kasi ng dila.


“Umayos ka, okay. Baka maniwala ang honey ko.” Pinanlakihan pa ito ng mata ng pinsan niya.


“Maayos naman ako.” Hinarap nito si Princess. “Hi, miss! I’m Hiro. Ikaw ba ang girlfriend ni Kuya Harold?”


“No. I’m his girlfriend’s bestfriend. I’m Princess.”


“Gano’n ba? Pero maganda ka.”


“Hiro.” saway niya.


“Oo na.” Kinamayan muna nito si Princess bago balingan si Cath. “I’m Hiro. Twenty-two years old. Bestfriend ni Shanea. You are?”


“You can call me Cath. Huwag mo na kong tawaging ate. Magkasing-edad lang tayo. Si Harold lang yung matanda.”


“Honey naman. Matanda na ba yung twenty-four?”


Nagtawanan lang sila. Natigil lang sila ng may kung anong bumagsak sa semento. Sabay-sabay silang napalingon. Kay Jed. Hindi maipinta ang mukha nito habang nakatingin sa kanila. Sa kaniya.


“Sino siya?” tanong ni Hiro.


“Yan na yang buko mo.” madiing sabi nito habang deretsong nakatingin sa kaniya.


Natutop niya ang bibig niya. Nawala sa isip niya. Na kasama nila si Jed! Patay!


Nilingon nito ang lalaking katulong nito sa pagbuhat ng sako. May kung anong binigay ito sa lalaki. “Salamat.” Lumapit ito kay Harold. “Pare, mauuna na ko.”


“Kasama ka ba nila Shasha? Sumabay ka na samin. May sasakyan naman akong dala.” singit ni Hiro bago siya balingan. “Yun na ba ang bukong pasalubong mo sakin?”


“Ah, oo.” Hindi niya kasi magawang umiwas ng tingin kay Jed. Bakit gano’n? Bakit parang feeling niya may nagawa siyang mali?


Inakbayan siya ni Hiro. “Ang bait mo talaga!”


Ang sama talaga ng tingin sa kaniya ni Jed! Tatalikod na sana ito ng pigilan ito ni Harold. “Jed, pare. Sumabay ka na.”


Naramdaman niyang nawala ang pagkaka-akbay ni Hiro sa kaniya. “Jed.” bulong nito, napalingon siya dito. Saglit lang niya nakita ang seryosong mukha nito dahil ngumiti na uli ito. Lumapit ito kay Jed.


“Ikaw pala si Jed. I’m Hiro Yu. Bestfriend ako ni Shasha, I mean ni Shanea. Shasha kasi ang tawag ko sa kaniya. Nice to meet you, pare.” Inabot nito ang kamay kay Jed.


Napapikit siya ng mariin. Jed, tanggapin mo. Ano ba naman ‘tong nangyayari?


“I’m Jed Villafuerte. Kababata ni Shanea. Nice to meet you, too.” Saka lang siya napadilat sa narinig niya. Nakahinga siya ng maluwag. Kaya lang ayaw pa ring magbitaw ng kamay ang dalawa. Oh! Oh!


“Excuse me.” Sabay-sabay silang napalingon kay Princess. Humikab pa ito. “Hindi naman sa nagmamadali ako. Pwede na ba tayong umalis?”


Natawa lang si Hiro. “Of course. Let’s go, guys!” Lumapit ito sa sako ng buko. Tinulungan ito ni Harold. Sumunod na sila sa mga ito. Maliban kay Jed. Napahinto tuloy siya.


“Jed.”


“Magba-bus ako.”


Napailing na nilapitan niya ito at hinila. “Sasabay ka.”


“Shanea.” Nginitian niya lang ito. “Okay.” 


* * *




1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^