CHAPTER
15
( Shanea’s POV )
“Mga p’re. Sa uulitin, ah.
Yung buong araw na inuman para walang tulugan.”
“May bago akong experiment
na ipapatikim sa inyo.”
“Kahit wag mo nang
ipatikim.”
“Ingat kayo.”
Paalam
ng apat niyang pinsan sa kanila. Nasa labas na sila ng bahay at pauwi na.
Nagsipag-alisan na ang mga ito.
“Ate Cath, nasa’n si Ate Princess?” tanong niya ng hindi ito makita. Kanina lang kasabay nila itong lumabas ng bahay after nilang mag-paalam sa lolo at lola niya pati na kina Kuya Michael at Ate Cecille.
“Bumalik sa loob. Nakalimutan niya yung shades niya.” sagot ni Aeroll.
Sabay-sabay silang napatingin dito.
“What?” nagtatakang tanong nito.
“Hindi naman ikaw yung tinatanong ko.”
“So? Big deal ba kung ako ang sumagot?”
“Ang sungit mo naman.”
Hindi na ito umimik. Maya-maya ay lumabas na din si Princess. Suot na nito ang shades nito. “Sorry. I forgot my shades.”
“Sabi nga ni Aeroll.”
Tumango-tango lang si Princess. “So, let’s go?”
“Dalawa lang yung motor. Anim tayo.” sabi ni Harold. Yung motor niya at motor nito. “Backride na lang yung dalawa.”
“Mamamasahe na lang ako.” sabi ni Aeroll.
“O sige. Si Kuya Harold at Jed ang magda-drive. Kay Kuya Harold sasakay si Ate Cath at kay Jed naman si Ate Princess.”
“Eh, ikaw?” tanong ni Jed.
“Ako? Kay Kuya Harold.”
Kumunot ang noo nito.
“Kay Jed ka sumakay. Sasabay sakin si Princess.” sabi ni Aeroll.
“Hah? Teka...” Nilingon niya si Princess. “Ate Princess...” Pansin niya kasing nag-iiwasan ito at si Aeroll kaya alam niyang hindi ito papayag na sumabay kay Aeroll.
Napatingin ito sa motor. Napakamot ito ng noo. “Dalawa tayong backride? Hindi kasi—”
“Hindi siya pwedeng sumakay ng motor kaya kay Jed ka sasakay.” putol ni Aeroll sa iba pang sasabihin ni Princess.
“Hindi siya pwedng sumakay ng motor? Bakit?”
“Narinig mo ang sinabi ko, Shanea?”
Inirapan niya lang ito. “Oo na po.” Masyado naman itong seryoso ngayon.
“Sige na, mauna na kayo.”
Sumakay na si Harold sa motor nito kasunod si Cath. Lumapit na din sa motor niya si Jed. Samantalang siya...
“Ano pang tinatayo mo diyan, Shanea?” tanong ni Aeroll.
“Mero’n ka siguro ngayon kaya ang sungit mo!” Binelatan niya ito. Sabay lapit kay Jed. Inabot nito ang helmet sa kaniya.
“Ikaw nang gumamit.” sabi niya.
“Color pink ‘yan.”
“Bagay naman sa’yo yung pink, ah.”
Ngumiti ito. “Ayoko. Ikaw nang magsuot.”
Syete! Wag ka ngang ngingiti! “Tama ka. Mas bagay sakin ang pink.” Kinuha niya ang helmet at isinuot.
Inistart na nito ang motor. “Sumakay ka na.” sabi nito.
“Saan?”
“Sa motor.”
“Oo. Alam ko. Sa’n ako sasakay?”
“Sa gulong nang magpagulong-gulong ka.” singit ni Harold. “Una na kami, Jed.” Pinatakbo na nito ang motor.
“Try mo kaya!” pahabol niya dito.
“Shanea. Sasakay ka ba o hindi?” tanong ni Jed.
“Sasakay.” sagot niya. “Sa likuran na lang ako. Nakakangawit sa unahan, eh.”
“Kung sa’n mo gusto, okay lang.”
“Talaga?” Teka, ba’t parang nanglata pa siya na hindi ito nagpumilit na sa unahan siya umupo? Iniling niya ang ulo niya. Ano ba ‘tong iniisip niya? Okay nga ‘yon diba ng hindi siya masyadong magkalapit nito.
Para namang hindi kayo magkakalapit kung sa likuran ka uupo. singit ng kabilang isip niya.
“Shanea.”
“Sasakay na.” Sumakay na nga siya sa likuran nito. Nilingon niya sina Princess at Aeroll. “Una na kami. Ate Princess, ingat ka kay Aeroll. Nangangain ‘yan ngayon ng tao. Lalo na nang magaganda.” Kiming ngumiti lang si Princess. Ang sama naman ng tingin ni Aeroll sa kaniya.
“Baboosh!”
* * * * * * * *
“Kumapit ka, Shanea!” malakas na sabi nito. Nasa kalsada na kasi sila kaya maingay at para magkarinigan sila.
“Hindi ako mahuhulog!” Nakakapit lang siya sa likurang bahagi ng motor. Nang mag-vibrate ang phone niya. Gamit ang isang kamay, kinuha niya ‘yon sa bulsa niya. Si Hiro ang tumatawag. Sinagot niya ‘yon.
“Hello!”
“Kamusta ang lasing?” bungad nito.
“Hindi ako lasing!” natatawang sagot niya. Nakwento niya kasi dito na mag-iinuman sila kagabi.
“Teka, ba’t parang ang ingay? Don’t tell me, you’re talking to me while driving?”
“Hoy! Bawal ‘yon, ‘no! Hindi ako nagda-drive!”
“Eh, sino? Mumu?”
“Sira!” Napatingin siya kay Jed. Mukha bang mumu ang itsura nito? Sobrang layo.
“Eh, sino ‘yang maswerteng driver mo?”
“Ano...” Ba’t ba kasi hindi niya masabi kay Hiro na kasama niya si Jed? ”Mamaya ka na lang kaya tumawag?! Hindi kita marinig! Ang ingay, eh!”
Nang biglang bumagal ang takbo ng motor nila. Hanggang sa huminto ‘yon sa gilid ng kalsada.
“Ba’t tayo huminto?” tanong niya kay Jed.
“Ang sabi mo maingay.” hindi lumilingong sagot nito.
“Oo nga. Hindi ko naman sinabing huminto ka.”
“Shasha?” untag sa kaniya ni Hiro sa kabilang linya.
“Saglit lang, Hiro.” sagot niya.
Saka lang napalingon si Jed sa kaniya. Nakakunot ang noo nito.
“Sabihin mo sa kausap mo, mamaya na kamo siya tumawag!” malakas na sabi nito na tila pinarinig pa kay Hiro. Kumunot ang noo niya.
“Shasha, sino ‘yon? Ba’t parang galit?” tanong naman ni Hiro.
She sighed. “Mamaya ka na—Ay! Anak ng tinolang kalabaw!” Paano ba naman walang sabi-sabing pinaandar ni Jed ang motor. Napakapit tuloy siya sa beywang nito.
“Ba’t mo naman pinatakbo mo agad? Hindi pa ko nakakakapit?”
Hindi ito sumagot. Inalis niya ang isang kamay niyang may hawak ng phone sa beywang nito at kinausap uli si Hiro.
“Shasha? Shasha? Anong nangyari? Ginawa mong tinola yung kalabaw?” Narinig pa niyang sabi nito sa kabilang linya. Kahit kailan talaga ‘to.
“Magluluto kako ko ng tinola mamaya!”
Narinig niyang tumawa ito. ”For sure, mapapanis lang ‘yan at walang titikim.” pang-aasar nito.
“Hindi talaga kita patitikimin ng luto ko! Akala mo ba!”
“Ayoko pa kasing mamatay.”
“Ang sama mo!”
“Gwapo naman.”
“Ikaw na!” Naramdaman niyang bumilis na naman ang takbo ng motor. “Hiro! Mamaya ka na tumawag, hah! Hindi na kita marinig, eh!”
“Okay. Yung pasalubong ko, ah.”
“Oo. Bye!” Binalingan niya si Jed matapos niyang makipag-usap kay Hiro. “Baka pwedeng pakibagalan?”
“Tapos ka na bang makipag-usap?” balik-tanong nito.
“Hindi ba halata?”
Binagalan na nito ang takbo.
“Sinadya mo bang bilisan kanina dahil may kausap ako sa phone?” wala sa loob na tanong niya.
“Bakit ko naman gagawin ‘yon? It’s your business, not mine. Kahit buong araw ka pang makipag-call mate wala akong pakialam!”
Inis na tinanggal niya ang mga kamay sa beywang nito.
May dual personality talaga ito. Parang kanina lang ang bait nito sa kaniya nung nando’n pa sila sa bahay. Tapos ngayon...
Masama ang tinging tiningnan niya ang likod nito. Nakakainis ka talaga! Sana hindi na lang ako pumayag na sumakay dito!
Pero deep inside gusto mo naman. singit ng kabilang isip niya.
Hindi.
AYun, mbBasa q n riN itEy,,, hWahehE,,, paRtY!!!
ReplyDeletehahah.. sweetness na nman oh! my gosh! gusto ko ung part na ngselos si jed kay hiro.. sige lang hiro,itodo mo pa.. hahha
ReplyDelete