Saturday, January 12, 2013

Love at Second Sight : Chapter 38

CHAPTER 38
( Princess’ POV )

“Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap.” Mula sa pagkakatingala sa langit, napalingon siya sa likuran niya.


“Bhest.” Lumapit ito sa kaniya. “Lasing na ba sila?” tanong niya.


“Bawal daw maglasing. Si Lola Remy lang daw ang pwedeng maglasing.” Biro nito. Si Lola Remedia ang tinutukoy nito. May kasiyahan kasing nagaganap sa loob ng bahay. Get together dahil bukas uuwi na sila ng Bulacan. Nando’n din ang mga pinsan nila Harold na nakasama nila nung isang araw. “Ikaw wala ka pa bang balak pumasok?” Nandito kasi siya sa garden.


“Mamaya na.” Tumingala siya sa langit. Narinig niyang napabuntong-hininga ito. Alam niyang magtatanong ito.


“May problem ka ba?” See? Nagtanong nga ito.


Hindi siya sumagot.


“May problema ka nga.” Mula sa gilid ng mata niya, nakita niya ding tumingala ito sa langit. “Si Aeroll ba?”


Napalingon siya dito. “Pano’ng napasok sa usapan si Aeroll?”


Nakita niyang ngumiti ito. “Nagsalita ka din.” Nilingon siya nito. “Napansin ko lang, mula ng dumating kami sa bahay ng Lola Conchita niya, hanggang sa dumating kayo kahapon at hanggang ngayon, hindi kayo nagpapansinan. Nag-iiwasan kayo. May problema ba?”


Tama ito. Nag-iiwasan sila. Pero hindi siya, si Aeroll ang lantarang umiiwas sa kaniya pag-uwi nila kahapon. Hindi man lang siya nito magawang tingnan sa mga mata niya. Kaya ang ginagawa niya, siya na  din ang kusang umiiwas dito. Kaya ang kinalabasan, parehas silang nag-iiwasan.


Ang problema niya ngayon: Anong problema nito? Anong problema niya? Anong problema nilang dalawa? Hayyy... ang gulo. Masyado na tuloy silang halata ng mga tao sa paligid nila.


“Wala naman.”


“I know you, bhest. It’s about Aeroll, right?”


Kilala na nga siya nito. Hindi niya na kailangang sumagot. Umiwas na lang siya ng tingin dito. Tumingala na lang uli siya sa langit. Na ginawa din nito. Ganito naman talaga sila pag nag-uusap. Lalo na pag may problema silang pinag-uusapan. Parehas lang silang nakatingala sa langit na parang may makukuha silang sagot sa mga stars na nakikita nila.


“Bhest, naniniwala ka ba sa love at first sight?” tanong nito.


“You know I don’t.”


“Eh, sa love at second sight?”


Hindi niya alam kung bakit, pero nag-flashback sa isip niya ang eksenang ‘yon. Ang eksenang ‘yon sa bus terminal. The second time na nagkita uli sila. Nang makita niya si James na may kahalikang iba.


“Okay lang ‘yan. No one will hurt you again. I promise.”


Napapikit siya ng mariin. Tanda pa niya ang reaksyon niya ng sinabi ni Aeroll ang mga salitang ‘yon. Her heart thumped like crazy. Ang weird. Bakit gano’n?


“I don’t know.”


Silence.


“Bhest, how did you know that you love him?”


“Si Harold? Ang lokong ‘yon.” Ramdam niya ang saya sa boses nito. “You know that I didn’t believe in love. Nakakain ba ‘yon? Mabubusog ba ko no’n? Yun ang lagi kong tanong pag napapasok sa usapan ang love na ‘yan.” Huminto. “But the first time I laid my eyes on him, I felt something creeping inside my heart. Kinabahan ako, bhest. Akala ko may sakit na ko sa puso.”


Iyon din ang nararamdam niya. Parehas tayo.


“Gulong-gulo ako no’n.”


“What did you do?” tanong niya.


“Hinayaan ko na lang. Hinayaan kong maramdaman ko ang pakiramdam na ‘yon sa tuwing nakikita ko siya, sa tuwing malapit siya. Bakit ko pa pahihirapan ang sarili kong magtanong ng magtanong kung ano ba ‘yong nararamdaman ko? Kung pwede namang hayaan ko na lang ang sarili kong maramdaman ‘yon.”


Parang ako, madami akong tanong.


”At the end, nalaman kong love pala ‘yon. That I love him. At nalaman ko ding nakakain pala ang love. Dahil binusog ako ng pagmamahal ni Harold. Jeez! Ang corny ko ‘no?” Natawa ito. “Nahawa na ata ko sa kakornihan ni Harold.”


“Gano’n lang ba kadali ‘yon?” tanong niya.


“Ang alin?”


“To fall in love with someone.”


“In my case, yes.”


“To fall in love with someone you just met?”


“I can’t say yes, either no. Hindi naman kasi mahalaga ang oras. Kung nainlove ka man sa kaniya sa loob ng isang taon, isang buwan, isang linggo or even a week, hindi na mahalaga ‘yon. Ang mahalaga ay yung nararamdaman mo. Yung nararamdaman mo para sa kaniya.”


“Pa’no kung saktan ka lang niya?”


“Pa’no mo masasabing sasaktan ka lang niya kung hindi mo susubukan? Hindi ibig sabihin na sa igsi ng panahong magkakilala kayo eh sasaktan ka lang niya. Minsan kung sino pa yung matagal mo ng kakilala, yun pa talaga ang mananakit sa’yo.”


“Just what James did to me.”


“Ang bwisit na ‘yon! Pag nakita ko siya, I will make sure na dala ko yung shotgun ni mama. Tapos raratratin ko siya ng pinong-pino. Tapos itatapon ko sa dagat ang lasog-lasog niyang katawan at ipapakain sa mga pating.”


Natawa na lang siya sa sinabi nito. “Pumasok ka na nga sa loob. Gutom lang ‘yan.”


Ngumiti ito. “Hindi ka pa ba papasok?”


“Mamaya na.”


Tinapik nito ang balikat niya. “I’m just here, Miss Princess Lardizabal.”


Napangiti siya. “I know, Miss Cathrine Montez.”


“Pa-hug nga.” Niyakap siya nito. She hugged her backed.


“Uy! Ano ‘yan? Group hug ba ‘yan? Favorite ko ‘yan! Sali ako diyan!” Si Harold ang nalingunan nila. “Guys! Group hug daw oh!” May kung sino itong tinawag sa loob ng bahay. Maya-maya ay sunod-sunod na nagsipaglabasan sina Xander at Allen, Si Paulo na hila ang ayaw magpahilang si Morris, Si Mai na hila ang nakakunot-noong si Jed.


“Group hug!!!”


“Favorite namin ‘to!!!”


“Kami pa!” Si Harold na pumasok ng bahay at hila na sil Aeroll. “Group hug!”


“Group hug!!!” sigaw ng mga ito.


Kaya lang yung group hug…


“Syete! Naiipit na ko! Lumayo nga kayo!” Pilit siyang umaalis sa group hug. Sa makasakal na group hug. Sa pamatay na group hug. Bwisit naman kasi ‘tong mga pinsan nila Harold. Kung makadamba, parang hindi sila naiipit na mga babae.


“Hoy, mga tukmol ‘yong honey ko!” Si Harold. Ito kasi ang pasimuno ng group hug na ‘to, eh.


May humawak sa kamay niya at hinila siya palayo sa group hug.


“Kung gusto ninyo ng group hug, kayo ang magyakapan!”


“Ang KJ mo naman, Aeroll.” reklamo ni Paulo.


“Favorite mo naman ‘to diba? Ikaw nga ang pasimuno ng group hug na ‘to nung mga bata pa tayo.” sabi ni Xander.


“It’s Harold.” pagtatama ni Aeroll.


“Oo. Ako ‘yon mga tukmol!”


“Hinila lang nila ako.” singit ni Morris.


“Hinila ka ni Paulo. Hindi kami.” pagtatama ni Allen dito.


“Gano’n din ‘yon. Simula nung bata tayo, lagi ninyo kong hinihila sa group hug na ‘yan.”


“Kunwari pa ‘to, eh gusto mo naman.”


Hindi na niya narinig ang ibang sinabi ng mga ito dahil hinila na siya papasok ng bahay ni Aeroll. Nasalubong pa nila si Shanea at Kristine. Binitawan lang nito ang kamay niya ng nasa sala na sila. Lumibot ang tingin nito sa mga bisita at tinawag ang mga pamangkin nitong sina Russel. Ang tatlong makukulit na chikiting.


“Huwag ninyong hihiwalayan ng tingin ang Tita Princess ninyo.” sabi nito ng makalapit ang tatlong bata.


“Bakit po?” sabay-sabay na tanong ng mga ito.


“Ang magtanong, walang chocolate sakin.”


“Yes, Tito!!!”


“Sige.” Umalis na ito na hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Lumapit ito sa ibang mga bisita at nakipagkwentuhan.


 “Tita Princess, laro po tayo.”


Mukhang mauubos ang energy ko nito, ah. Nginitian niya ang mga ito. “Anong gusto ninyong laro?”


* * * * * * * *

( Aeroll's POV )

“Matunaw ‘yang tinitingnan mo.”


Bigla siyang napalingon sa kanan niya. Si Harold. “Ikaw lang pala.”


Ngumiti ito. “Ba’t hindi mo siya lapitan?”


Kumunot ang noo niya. “Sino?”


“Kunwari ka pa. Edi yung Prinsesa mo—oops! Princess na pala. Hindi mo na pala siya tinatawag na Prinsesa. Bakit? Anong nangyari?”


“Wala.”


“Anong wala? You and Princess.”


“What about us?”


“Bakit ako ang tinatanong mo? Ikaw nga ang dapat kong tanungin. What’s between with you and Princess? Tinamaan na ba ang dakilang playboy kong pinsan?”


Umiwas siya ng tingin dito. “I don’t know what you’re talking about.” Uminom siya ng beer niyang hawak.


“You don’t know or you’re just denying the fact na may nararamdaman ka sa kaniya? Sakin ka pa ba magsisinungaling, Aeroll? We knew each other since birth. Alam na natin ang likaw ng bituka ng isa’t isa. Akala mo ba hindi ko napapansin, yung mga ginagawa mo para kay Princess, you never did that to any of your past girlfriends or should I say flings. Or maybe you’re not aware of it, na masyado kang naiinvolve kay Princess at ginagawa ang mga bagay na hindi mo nakasanayang gawin.”


Napalingon siya dito. Parang nanibago siya dito. Masyado itong seryoso.


“Ano? Aamin ka na ba?” tanong nito.


“May kailangan pa ba kong aminin?” balik-tanong niya.


Napangiti ito. “So? You are?”


Napangiti siya. “Oo na.”


“Oh yes! Sinasabi ko na nga ba! Sa wakas! Tinamaan na din ang pinsan ko!”


Tinakpan niya ang bibig nito. “Ang ingay mo!”


Inalis nito ang kamay niya. “Kinain mo din pala yung sinabi mo dati.”


“Anong sinabi?”


“Na hindi ka maiinlove sa amozanang si Princess kahit siya pa ang pinakahuling magandang babae sa mundo.”


Napangiti siya. Oo nga. Sinabi nga niya ‘yon.


“So, anong problema mo ngayon at nagmumukmok ka dito? At puro-takaw tingin ka kay Princess?” tanong nito.


Nawala ang ngiti niya. Nilingon niya si Princess na nakikipaglaro sa tatlong pamangkin niya. “Umiiwas lang ako.”


“Hah? Bakit? Ang gulo mo!”


He sighed. “Alam mo bang may boyfriend siya?”


“Yes. My honey told me.”


“That’s the reason.”


“So?”


Kumunot ang niya. “So?” ulit niya. “May boyfriend siya!”


Kumunot din ang noo nito. “Don’t tell me na kaya ka umiiwas sa kaniya ay dahil lang may boyfriend siya?”


“Hindi sa lahat ng oras, kailangan mong ipagpilitan ang gusto mo. You should consider the feeling of others. Hindi ‘yong puro sarili mo lang ang iniisip mo. Kung alam mo naman palang makakasakit ka ng tao, wag mo ng ituloy dahil hindi ka din sasaya.”


Naalala niya ang sinabi ni Princess kahapon. “Yeah.”


“Aeroll!”


“Makakalimutan ko din naman siya.”


Napapalatak ito. “Hindi ko alam na may duwag palang Montelagro.”


Napalingon siya dito. “Hindi ako duwag!”


“You are.” Nilingon nito si Princess. “Sayang. May sasabihin pa naman akong sikreto sa’yo.” Tumingala ito. “Pag dumating ang araw na kaya mo na harapin ‘yang nararamdaman mo…” Tiningnan siya nito. “...saka ko na sasabihin sa’yo.” Uminom ito ng beer nitong hawak. “Kung ga’no ko kabilis pagdating sa pag-ibig, kay bagal mo naman. Parang hindi ikaw ang Aeroll na nakilala ko. Ang matinik sa chicks.” Tinapik siya nito sa balikat bago ito umalis sa tabi niya.


Dahil iba si Princess. Hindi siya katulad ng ibang babaeng nakilala ko.


Nilingon niya sa Princess.


Kung alam mo lang, Princess.


Kung alam mo lang ang pagpipigil ko sa sarili kong lapitan kita simula ng marealize kong mahal na pala kita.


I just don’t know what to do whenever you are near me.


Dahil baka sa susunod na lapitan kita, hindi ko na mapigilan ang sarili ko.


Baka makalimutan ko nang pag-aari ka na ng iba.


Baka masabi ko ng...


Mahal kita.


That I finally found my karma.


At may isa pa siyang kinatatakutan.


Baka masaktan lang kita.


Napalingon sa kaniya si Princess. Naramdaman siguro nitong may nakatingin dito. Hindi siya umiwas ng tingin.


Last na talaga ‘to. I just want to see your face. I just want to say this words.


“I love you, Prinsesa.” He mouthed na tipong siya lang ang makakarinig. Kumunot ang noo ni Princess. Napailing na lumabas siya ng bahay at dumeretso ng garden. Tumingala siya sa langit.


Makakalimutan ko din siya.


Pag bumalik na ko sa totoong mundo ko.


Kung saan hindi ako ang Prinsipe niya at hindi siya ang Prinsesa ko.


He sighed.


“Makakalimutan mo din siya, Aeroll...”


* * *



5 comments:

  1. ayUn n uNg titLe,,, LOve at 2nd siGht,,, aTeY suLit ang paGhintAy q tLga dtO,,, naNamnaMin q uNg mgA nbsA q ngAun at ndE muNa aq mgbbSa ng ibAng stOries paRa cLa aeRoLL at priNCess LNg aNg nSa isiP q,,, sNa mGing cLa na,,,

    at atEy, mLapit n b mAg-endiNg tO,,, kAsi prAng close to cLimAx n tLga,,, ewaN, naeExcite tLga aq s kweNtong tO,,,

    ReplyDelete
  2. Replies
    1. eXcitEd n aq atEy,,, sNa makPag-ud k n uLit,,, at aAntayiN q uN,,,

      Delete
    2. hehe, salamat sis, muaaaah! luvyah! :))))))

      Delete
  3. awwwhhh.. ang daming last na ang nasabi ni aeroll,d pa rin siya tumitigil.. haha.. ang cute talaga!! yun na oh!!! inamin na rin nila!!! yay!.. sayang talaga! harold will tell him pa nman sana about sa jerk bf ni princess..

    im so excited wat wikll happen next..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^