Saturday, January 12, 2013

Love at Second Sight : Chapter 37

CHAPTER 37
( Princess’ POV )

“Princess.” Napalingon siya kay Aeroll. Deretso lang itong nakatingin sa kalsada habang hawak ang payong na pinahiram sa kanila ng lola nito.




Pauwi na sila. Hindi nila kasabay sila Cath dahil may dalang motor ang mga ito. Mula sa bahay ng Lola Conchita nito ay maglalakad pa sila hanggang sa sakayan ng jeep. Kanina pa ito tahimik simula ng umalis sila ng bahay ng lola nito. At isa pang napansin niya, ‘Princess’ na ang tawag nito sa kaniya, hindi ang nakasanayan niyang ‘Prinsesa.’ Samantalang kaninang magising siya ay Prinsesa ang tawag nito sa kaniya.


So, what’s the big deal? tanong ng kabilang isip niya.


Wala lang. Parang may bago lang sa kaniya ngayon. Parang ang lalim ng iniisip niya. sagot naman niya.


“Bakit?” tanong niya.


“Masakit pa ba ang ulo mo?”


“Medyo.” At naaalala na din niya ang nangyari kagabi ng malasing siya. Wala naman siyang ginawang nakakahiya. Buti naman. At ang huling naalala niya ay nasa garden siya. At base na din sa pagkakasabi ni Aeroll, ito ang bumuhat sa kaniya.


Tumango-tango lang ito. “Ang init ‘no?”


“Summer na kasi.”


“Ba’t kaya ang init ngayon?”


Huh? Hindi ba nito narinig ang sinabi niya?


Tumingala ito. “Sana umulan ng snow ‘noh. Nang maraming-maraming snow. Tapos gagawa ako ng snow ball na ipambabato ko kay Harold. Yung tipong sa sobrang dami, hindi siya makakaganti.” natatawang sabi nito.


“Na imposible namang mangyari dahil nasa Pilipinas tayo.”


Nilingon siya nito. Ngumiti ito. Na sinabayan naman niya ng pag-iwas ng tingin. Naiilang pa rin siya kapag naaalala niya ang nangyari kahapon. Yung muntik na silang... Ah! Basta! “Because imposible things can’t happen. I know that.”


“Kaya kung gusto mo ng snow, pumunta ka ng Korea.”


“Oo. ‘Yan nga ang gagawin ko. Pupunta talaga ko ng Korea.”


“Pupunta ka talaga?”


“Oo. Dahil gusto ko ng snow. Pupunta talaga ko ng Korea. Diba gano’n naman talaga, pag may gusto kang isang bagay, gagawin mo ang lahat para makuha lang ‘yon. Ikaw Princess, gano’n ka din ba? You will do everything just to get what you want?”


“Oo at hindi.”


Nilingon siya nito. “Pano’ng oo at hindi?”


Nilingon niya ito. “Kung alam ko lang na makakasakit ako ng tao. Huwag na lang.” Umiwas siya ng tingin. “Hindi sa lahat ng oras, kailangan mong ipagpilitan ang gusto mo. You should consider the feeling of others. Hindi ‘yong puro sarili mo lang ang iniisip mo. Kung alam mo naman palang makakasakit ka ng tao, wag mo ng ituloy dahil hindi ka din sasaya.”


“Wala na pala kong choice. Siguro, sa next lifetime ko na makukuha ang gusto ko.”


“Next lifetime?”


“Yes. Reincarnation.”


“Naniniwala ka do’n?”


“Hindi. Pero kailangan, eh. Pwera na lang kung may mangyaring himala o magbago ang ihip ng hangin.” She heard him sighed deeply. “Pwedeng sumigaw?”


“Hah?”


“Aaaaaaaahhhhhhhh!!!!!!!”


Napakislot pa siya sa lakas ng sigaw nito. Ano bang nangyayari dito? Bakit ito sumigaw? Mukhang frustrated pa ito sa kung ano. Nagtatakang napatingin na lang siya dito.


“Huwag mo kong pansinin.” sabi nito.


“Okay ka lang?”


Nagkibit-balikat lang ito.


“Para kang baliw, alam mo ba ‘yon? Sisigaw ka na lang bigla. Magpaalam ka naman.”


“Nagpaalam ako sa’yo.”


“Na sinabayan mo naman ng sigaw.”


“Oo na. Sorry na. Galit ka na naman niyan?”


“Hindi. Para ka lang kasing sira.”


“Alam ko.”


“Buti alam mo.” Hindi na niya nadugtungan ang sasabihin niya dahil sa nakita niya. Nakalagpas na sila sa mga bahay at ngayon ay nasa kalsada na silang napapaligirang ng bukid naglalakad. Ito ang gusto niya.


Patakbong pumunta siya sa gilid ng kalsada. Nagtatago pa naman ang araw kaya hindi mainit. Pinikit niya ang mga mata niya. “Hmm...ang sarap ng hangin dito.”


“Lasang ano?”


“Lasang milo. Gusto mong tikman?”


Hindi ito sumagot kaya nilingon niya ito. May hawak itong camera na nakatutok sa kaniya. “Teka. Kinukuhanan mo ba ko?”


“Hindi.” Ngumiti ito. “Ngayon pa lang. Smile.”


Hindi siya sumunod. Sa halip na ngumiti ay ngumuso lang siya at pinalaki ang pisngi niya.


“Ang ganda ng kuha mo, ah.” sabi nito. “Para kang biik na payat.”


“Aba’t!” Nilapitan niya ito. “I-erase mo nga ‘yan!”


“Ayoko.” Tumakbo ito.


“I-erase mo sabi ‘yan, eh!” Hinabol niya ito.


“Habulin mo muna ko!” Nang bigla din itong mapahinto.


“Akala mo hindi kita mahahabol, ah.”


“Princess!”


“Ano?” Nakalapit na siya dito.


“Yung payong, naglalakbay na sa gitna ng bukid.”


“Hah?” Nilingon niya ang payong. Oo nga. Nasa gitna na ‘yon ng bukid. Tinangay na ng hangin. “Bakit mo iniwan?” Bumalik siya at hinabol ang payong.


“Eh, hinabol mo ko, eh. Lagot ka kay lola. Favorite payong pa naman niya ‘yon.” pananakot pa nito.


“Ikaw ang may hawak kaya ikaw ang lagot.”


“Ako ng hahabol. Diyan ka na lang.”


Huminto na nga siya at hinayaan ito. Natatawang pinagmasdan niya ito. Para kasi ‘tong ewan na hindi mahabol yung payong. “Payong lang, hindi mo pa mahabol!”


“Ang lakas nung hangin, eh!”


Sumunod na uli siya dito.


“Kumapit ka.” sabi nito.


“Huh? Bakit?”


“Baka tangayin ka ng hangin.” natatawang sabi nito.


“Matatangay pala, hah. Ikaw kaya ang tangayin ng suntok ko.” Naghanap siya ng maipambabato dito, damo lang ang nakuha niya pero pinambato niya pa din dito. Yun nga lang, malakas ang hangin kaya hindi man lang umabot kay Aeroll ang mga ‘yon.


Natawa ito. “Better luck next time, Princess.”


“Next time, bato na ibabato ko sa’yo.”


Tinawanan lang siya nito. Hinabol na lang niya yung payong kesa patulan ito. Mukhang may saltik ito ngayong araw, eh. Parang may mabigat na problema kanina tapos ngayon tatawa-tawa lang.


Sinong mag-aakalang magiging ganito sila? Parang kailan lang ng una silang magkita, para silang aso’t pusa at parang sisiklab ang world war III. Sabagay, para pa rin silang aso’t pusa minsan.


“I got you!” nakangiting sabi niya ng maabutan niya ang payong. Nilingon niya si Aeroll. “I got it, Aeroll!”


Hindi ito sumagot. Nakangiti lang ito habang nakapamulsa. Hindi niya tuloy mapigilan ang sariling pagmasdan ito. Lagi nitong sinasabing gwapo ito na lagi naman niyang kinokontra. Pero ngayong pinagmamasdan niya ito, tama naman ito. Gwapo ito. Hindi lang gwapo. Aeroll is the kind of guy na kapag dumaan sa harap mo, mapapa-second look ka, baka third look pa kamo.


And seeing those smile, parang gagaan ang lahat sa’yo. Baka lumipad ka pa kasabay ng hangin sa sobrang gaan mo. Saka bakit gano’n? Wala naman itong ginagawa ngayon, prente lang naman itong nakatayo, pero ang lakas ng dating nito. Kahit gulo-gulo na ang buhok nitong tinatangay ng hangin, hindi ito nagmukhang sinabunutan. Hindi katulad niya, nagmumukha siyang bruha. Pero ito, para pa itong model sa gitna ng bukid.


Lumapit si Aeroll sa kaniya.


Bakit gano’n? Parang slow motion ang paglapit nito sa kaniya. Napakurap na lang siya ng nasa harapan na pala niya ito.


“You also got one thing.” nakangiting sabi nito.


“Hah?”


Naramdaman na lang niyang umangat ang kamay niya. Pagtingin niya. Hawak pala nito ‘yon. Dinala nito ang kamay niya sa tapat ng dibdib nito.


Sumeryoso ang mukha nito. “Huli na ‘to.” Masuyong pinagmasdan nito ang mukha niya na parang kinakabisado nito ang bawat sulok no’n. At siya? Parang tinamaan ng kung ano dahil hindi siya makakilos sa kinatatayuan niya.


Gamit ang isang kamay nito, hinaplos nito ang pisngi niya. Napakislot pa siya at parang may kuryenteng dumaan sa mukha niya. “Till next lifetime, Prinsesa.” Slowly, he let go of her cheek. Slowly, he let go of her hand. And slowly, he stepped a few steps backward. Parang ayaw pa nga nitong lumayo.


Ngumiti ito. “Umuwi na tayo.” Tumalikod na ito.


Napakurap na lang siya. Parang ang bilis ng pangyayari. Nakalapit ito sa kaniya, nahawakan ang mukha at kamay niya. Nakalayo ng hindi niya namamalayan. Maski yung payong sa kamay niya, nakuha na pala nito ng hindi niya napapansin.


Nang marealize niyang wala na nga ito sa harap niya. Napahawak agad siya sa tapat dibdib niya. Ang lakas kasi ng kabog no’n. Saka lang din siya nakahinga ng maluwag. Para kasing kakapusin siya ng hininga kanina dahil sa ginawa nito. Ilang beses siyang huminga ng malalim. Pero gano’n pa din, para pa ring may nagrarambulan sa loob ng dibdib niya.


Ano bang nangyayari sakin? Bakit ganito ang nararamdaman ko?


Napatingin siya kay Aeroll. Kumabog na naman ang dibdib niya ng bumalik sa alaala niya ang nangyari kanina.


Is she? Is she?


No!


Pero—


No!


Pero alam niya ‘tong ganitong pakiramdam. Hindi pa niya nararamdaman ang ganito. Pero ganitong-ganito ang sinusulat niya sa mga nobela niya. Ang hindi niya maintindihan, bakit hindi niya naramdaman ang ganito sa first boyfriend niya at maging kay James. Hindi ganito ‘yon!


Am I inlove with Aeroll?


No! Ilang beses niyang iniling ang ulo. Naguguluhan lang siya ngayon dahil...dahil may  hangover pa siya. Oo. Gano’n nga. Kaya kung anu-ano ang iniisip niya.


Hindi siya pwedeng mainlove sa ganitong kaiksi ng panahon.


Hindi siya pwedeng mainlove gayong alam niyang may dapat pa siyang tapusin pag-uwi niya.


Hindi siya pwedeng mainlove kay Aeroll.


Pero si Aeroll, bakit gano’n ito kanina? Anong ibig sabihin no’n?


“Huli na ‘to.”


“Till next lifetime, Prinsesa.”


 Anong huli na? Anong till next lifetime? Saka tinawag na siya nitong ‘Prinsesa’.


“Wala na pala kong choice. Siguro, sa next lifetime ko na makukuha ang gusto ko.”


Sa next lifetime na daw niya makukuha ang gusto niya?


“Till next lifetime, Prinsesa.”


What does he mean? Na ako yung tinutukoy niyang gusto niya?


Feeling niya namula ang buong katawan niya dahil sa naisip niya.


* * * * * * * *


Nasa jeep na sila ni Aeroll. Puno na ang jeep ng makasakay sila kaya magkatapat silang nakaupo. Syempre, dahil sa nangyari kanina, may ilangan atmosphere na naming nagaganap sa pagitan nilang dalawa.


Hayyy…hanggang ngayon, ‘yon pa din ang iniisip niya. ‘Yon—


Napaderetso siya ng upo ng may kung anong humawak sa gilid niya. May kiliti pa naman siya do’n. Pero hindi dahil nakikiliti siya kaya siya napakislot. Kanina pa niya napapansin ‘yon, eh. Pangatlong beses na ngayon. Yung lalaki sa tabi niya, mukhang tsinatsansingan siya.


Nang may kumalabit sa tuhod niya. Si Aeroll. “Why?” tanong nito. Pangalawang tanong na nito ‘yon. Kanina nagtanong din ito.


Umiling lang siya. Umayos na lang siya ng upo. Pero wala pang isang minuto ang may maramdaman na naman siya sa gilid niya. Kahit pa sabihing siksikan sila, hello! Madaming beses na siyang nakasakay ng jeep, at dahil observant siya, may nakikita siyang gano’n. Pasimple kung manantsing!


Sisitahin na sana niya ito ng...


Kinalabit na naman siya ni Aeroll sa tuhod niya. Nakakunot ang noo nito.


“Isang tanong na lang ‘to.” madiing bulong nito. “Bakit?” Napalingon tuloy siya sa katabi niya. Napalingon din ito sa katabi niyang prenteng nakaupo lang. Hinawakan ni Aeroll ang kamay niya na ikinagulat niya. Tumingin ito sa labas ng bintana. Wala pang isang minuto ng mag– “Para!” ito. Napasunod na lang siya dito pagbaba ng jeep dahil hawak nito ang kamay niya.


Napatingin siya sa binabaan nila. Hindi niya alam ang lugar na ‘yon. Malamang, hindi siya taga-dito. “Bakit—”


“Bakit tayo bumaba eh wala pa tayo satin?! Yun ba ang itatanong mo?! Anong gusto mong gawin ko?! Hayaan ang manyak na ‘yon na tsansingan ka?! Ano ko tanga?!” inis na sabi nito.


Kumunot ang noo niya. Ano bang ikinagagalit nito?


Napatingin siya sa kamay niyang hawak nito. Napatingin din ito do’n. Natampal nito ang noo nito bago binitawan ang kamay niya. “Kasasabi ko lang na huli na.” mahinang sabi nito na hindi niya narinig dahil may dumaang jeep. Lumingon ito sa kung saan. “Dito ka lang. Huwag kang aalis.” Tumalikod na ito.


Ano bang problema no’n? At ano ba ‘tong nangyayari samin?


Busy siya sa pag-iisip ng may magsalita sa likuran niya.


“Hi, Miss!” Isang lalaki ang nalingunan niya.


Kumunot ang noo niya. Mukha naman itong mabait. Kaya lang wala siyang ganang makipag-usap ngayon. “Bakit?”


“Need some help?” nakangiting tanong nito. ”Mukhang hindi ka taga-rito.”


“No, thanks. May hinihintay ako.”


“Ah, gano’ ba? Akala ko naman naliligaw ka.”


“Thanks na rin.”


“Walang anuman.” Aalis na sana ‘to nang may kung sinong umakbay sa kaniya. Handa na sana siyang manuntok sa kung sino man ‘yon ng pagharap niya...


“Aeroll! Ginulat mo naman ako!”


“Hindi ka naman mukhang nagulat.” Ba’t parang inis na naman ‘to? Hinawakan nito ang kamay niya na agad din naman nitong binitawan. “Sumunod ka sakin. Bilisan mo.”


Kumunot ang noo niya. Nilingon muna niya ang lalaki. “Sige.”


Nakangiting sumaludo ang lalaki. “Ingat, miss.”


“Princess!”


Naiinis na siya, hah! Kung makasigaw ‘to!


Sinundan niya ito. Lumapit ito sa isang motor. Kinuha nito ang helmet na isa at inis na sinuot sa kaniya. Oo. Inis. Natamaan na yung tenga niya sa pagsuot nito. Inis na tinanggal niya naman ang helmet at hinarap ito. Naiinis na din siya!


“Alam mo kung naiinis ka, wag mo kong idamay, okay!”


“Nakakainis ka naman kasi!”


Nagpameywang na siya. “At bakit ako?!”


“Bakit ba kasi ang pansinin mo?!”


“Anong pansinin?!”


“Iniwan lang kita saglit, may lumapit na agad sa’yo! Bakit ba kasi ang ganda mo?!”


Hindi na siya nakasagot dahil sa sinabi nito. Maski ito, natahimik. Parehas silang tameme.


Sinabi ba niyang maganda ako?


Umiwas ng tingin si Aeroll. “Sorry. Nasigawan na naman kita.” He sighed. “Umuwi na tayo.” Sinuot nito ang helmet na isa. Kinuha naman nito ang helmet na hawak niya at akmang isusuot sa kaniya.


“Kaya ko na.”


“Ako na. Wag ka ng makipagtalo.”


Hinayaan na lang niya ito. At habang isinusuot nito ang helmet sa kaniya na bakit ang tagal-tagal, sa ibang direksyon siya nakatingin.


“Let’s go.”


Napatingin siya sa motor na sasakyan nila. Huling sakay niya ng motor ay nung nag-camping sila. Hindi na nasundan ‘yon. Mukhang nahalata siya nito..


“Natatakot ka pa din bang sumakay ng motor? Ayoko ng mag-jeep kung ‘yon ang iniisip mo. Babagalan ko na lang yung takbo.”


At para matapos na at baka mauwi na naman sa pagtatalo ang usapan nila, sumakay na siya sa likuran nito. Kaya lang, hindi naman niya alam kung sa’n siya kakapit. Nahihiya siyang kumapit dito. Naramdaman niyang napabuntong-hininga na naman ito.


Nilingon siya nito. “Kumapit ka sakin.”


“Hah?” Buti na lang at may helmet siyang suot. Hindi nito makikita ang reaksyon ng mukha niya.


“Kumapit ka sakin.” At katulad no’ng araw na nag-camping sila, kinuha nito ang dalawang braso niya at iniyakap sa beywang nito. “Libre lang kumapit. Kaya kumapit kang mabuti.” Pinaandar na nito ang motor. “Babagalan ko lang ang takbo, kaya wag kang matakot, okay.”


Natatakot siya. Oo. Pero hindi naman siya natatakot dahil nakasakay siya sa motor. Siguro dahil ito ang nagda-drive. May tiwala siya dito na hindi sila masesemplang. Pero wag lang talaga nitong bibilisan dahil mapapasigaw talaga siya.


Alam ninyo  bakung bakit siya natatakot? Natatakot siya sa nararamdaman niya towards him. Natatakot siya na hindi niya maintindihan.


Anong gagawin ko? Napahigpit tuloy ang kapit niya kay Aeroll ng hindi niya namamalayan.


“Princess, okay ka lang ba?” Akala siguro nito kinakabahan na siya. Hindi siya sumagot hanggang sa maramdaman na lang niyang may pumatong na kamay sa kamay niyang nakapalupot dito. Kamay na Aeroll ‘yon.


Aeroll...

* * *



3 comments:

  1. WiiiiiEeee s waKas mei updAte n riN,,, sLamaT po atEy,,,

    ReplyDelete
  2. ayiiEe pRinceSs,,, iNLuv k n nGa,,, c aeRoLL LnG nmAn aNg naGiisa moNg trUe Luv eHh,,, kuNg ibuKa mo LnG tLga yaNg mAta mo at buKsaN yaNg puSo mo, mareReaLize mo riN kuNg paAnoNg naNjaN pLagi si aerOLL s taBi mU,,,


    at cNo kYa ung myStery guY n naNdun? i smeLL suMthinG fisHy,,,

    ReplyDelete
  3. here it is!! my happiness!! oh emm gii!! as in oh my golly!!!! ang tsuper sweet nman!! super likey ko yung sa payong scene!! haha,my gosh!! pag ako ung nandun,i would faint!!! hahah..

    ang epal nman ng manyak na yun,well okay lang dahil doon ngka solo scene tuloy sila aerol and princess.. u know what ate?everytime i see a single motorcycle,sila ung naaala ko.. haha!! ang cute talaga!!

    nagagalit na si prnce aerol,haha,out of frustration siguro yun,selos kasi siya eh,hoho!.. aminan na princess!! okay lang yan aerol,tayo na lang next lifetime.. haha choz!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^