Chapter
15 I’m a monster...
“hah!”
pag-gising ko ay ang puting ceiling ang una kong nakita. Bumalikwas ako at tiningnan
ang kapaligiran. There’s no doubt nandito ako sa hospital.
Aalis na sana ako sa higaan subali’t
nakaramdam ako ng hilo kaya humiga na lamang ako. Anong nangyari sa akin? Tsaka
teka! Bakit nakasamento yung paa ko. ouch. TToTT
Kumirot yung sentido ko then a vision
appeared.
“Sorry, dear but I can’t let you do that. I should
be the one who’ll kill this guy.” Bigla niya akong sinuntok sa sikmura. “Ayoko
sa lahat ay sinasaktan ang babae pero para magbalik ka sa katinuan ay gagawin
ko ang lahat na maging ayos. You’re lucky dahil hindi ako binigyan na mission
na patayin ka.” Familiar ang boses niya pero di din ako sure kasi... kasi
seryoso talaga ang boses niya. Nanlalabo ang mga mata ko then tuluyan ng
dumilim ang paningin ko.
Please lang. e-explain niyo muna ang nangyayari sa
akin. Ang ginawa ko lang naman kanina ay ang paggamit ng spell sa spell book.
Naalala ko na ang nangyari. Pumunta ako sa
Library para makipagkita kay Mac but it turns out na plano pala niya yun para
patayin niya ako then... then... yung panaginip ko kasama ang matanda then...
“Anong
itigil? Nahihibang na ba ako para gawin ko yun? hah! Isa pa siya ang nauna kaya
kailangan niyang magdusa!”
O.O Wah! Sabihin
ninyo sa akin na hindi totoo yun! na possess lamang ako ng isang masamang
espiritu kaya nagkaganun ako! tapos
`yung lalaking nakamaskara. Sino kaya yun? Pero yung boses niya parang narinig ko na
talaga yun eh. Hindi ko lang ala—
“Ano? Nagawa mo na ba ang pinapahanap ko?” Lalaki ang boses niya at
masarap pakinggan yung boses. Ay shet ano ba iyan! Tumigil ka sa kalandian mo!
di ko alam na may tinatago ka palang landi sa katawan mo!
Waahh! Alam ko na kung sino! Pakshet naman!
Bakit ngayon ko lang naalala. Yung nakamaskara siya yung lalaki na kausap ni
Mac noon sa chapter 5. Pinapaalala ko
lang sa mga nakalimot. Kaya pala! Kaya pala familiar sa akin ang boses! =___=
sakit ng tiyan ko ha? naramdaman ko pa din yung suntok niya. Kung gusto niya
akong patulugin sana naman gumamit na lang ng ibang paraan. Ano raw? Kung wala
lang siyang mission ngayon ay baka deads ako? Nanayo yung balahibo ko. Mabuti
na lang at may mission siya kung hindi daw papatayin niya ako waahh! Katakot!
Agh! Kalimutan muna nga natin iyon. Ang
tanong ko bakit nandito ako? OA naman sila e-ospital talaga? pwede naman sa bahay
di ba???? =w= parang may nase-sense akong masama.
Teka sino ang nagdala sa akin dito?
“Anak!” Biglang bumukas yung pinto. Bigla
akong niyakap ni mama. “Kung ganito lang naman pala ang mangyayari sa`yo hindi
ka na sana namin pinilit na pumasok sa paaralan na iyon.”
“M-ma, Bakit nandito kayo?”
“Nang malaman namin ang nangyari sa`o ay
bumalik kami dito para alamin ang kalagayan mo.” si papa ang nagsalita.
TT_TT namiss ko silang dalawa. Pero may
kailangan akong malaman sakanilang dalawa.
“Ma, pa.” sumeryoso yung hitsura ako. “What
exactly am i?”
(o ऽ o) (o ऽ o) <-- ganito ang hitsura nilang dalawa. Bakit ba parang nag-iwas pa sila sa
tingin ko.
“B-bakit
naitanong mo iyan, nak? Newtar. Ano pa nga ba?” sago ni mama.
“MAS MAGANDANG
IPAGTAPAT NA NINYO ANG TOTOO”. Pumasok si Scarlet.
“SCARLET!!”
sabay pa namin tatlo.
“Malalaman din
naman niya ang totoo!”
Naguguluhan ako
sakanya. “Ano ba ang pinagsasabi mo, Scarlet?”
“Since ayaw
naman nila sabihin sa`yo ay ako na lang ang magsasabi kung ano ka. HINDI ka
NEWTAR! Isa kang halimaw! Hindi kita kapatid at mas lalong hindi ka anak ng Var
Garnur!”
“A-ano?”
“Scarlet!
Itigil mo na iyan!” tumaas na yung tono boses ni papa.
“Totoo naman
eh! Hindi kayo nagkaroon ng anak! At ang babaeng iyan! Isa siyang halimaw!”
puno ng galit ang kanyang mata. Tumakbo siya palabas.
Hindi ko alam
kung anong gagawin ko. Ayokong paniwalaan... Hindi totoo iyan...
“M-ma, totoo ba
ang sinabi ni-niya? SABIHIN NINYO ANG TOTOO!” bigla akong napaiyak...
Hindi sila
sumagot sa tanong ko. Kinuyom ko ang kamao. Isa lang itong malaking panaginip.
“Ayoko sanang
sabihin ito sa`yo nak pero... ang sinabi ng kapatid mo ay... ay totoo.” Biglang
umiyak si mama kaya si papa na lang ang nagpatuloy.
“Even if we’re
not your parents ito lang tandaan ninyo mahal namin kayo. Hindi ka halimaw na
kagaya ng sinabi ng kapatid mo. Kung anuman nag nangyari sa`yo noon ay yun ay
sa kadahilanan na hindi mo makontrol ang kapangyarihan mo.”
“Ba-bakit? pano
niyo nagawa ito sa akin? Bakit kayo nagsinungaling? Sabihin niyo sa akin na
nagsisinungaling lang si Scarlet!” Ang bigat ng dinadala ko sa dibdib ko.
Umiling siya.
No... Hindi! Sabihin niyo sa akin na hindi ito totoo! Isa lang itong
malaking kasinungalingan!
“Iwan niyo muna
ako nais kong mag-isip-isip.”
“Per—“
“Iwan muna
natin siya, mahal.”
Hindi ko sila
tiningnan man lang. Bakit nila ito nililihim? Pag-alis nila ay doon na bumuhos
ang mga luha ko.
Ianthe’s POV
Gusto ko sanang
pumasok pero hindi ko magawa dahil sa nangyayari sa loob. Hindi siya anak ng
mga Var Garnur? Pano na nangyari iyon?
Sariwa pa rin
sa alala ko yung pangyayari sa Library. Ibang-iba talaga si Wistar nun. Parang
hindi na siya tao pati ang pananalita at hitsura niya. I could sense enormous
power coming out from her body.
Hindi siya
ordinaryong Newtar. Iyon ang masasabi ko kahit kasi ang anim na phantom black
ay hindi masira ang barrier na nakapalibot kay Wistar—opss mali! Yung lalaki na
nakamaskara! Hindi ko alam kung bakit nakapasok siya kahit kami nga hindi eh! as
long na nasa maayos na sa kalagayan si Wistar ay mapanatag na ako. Sana lang na
hindi na yun bumalik ang Masamang wistar (Err.. ano naman ang itatawag ko
doon?)
Umalis na ako
doon at lalabas na sana subali’t ay may humarang sa akin.
“Slacking
again?” Biglang may pumitik sa noo ko.
“Ouch!” sapo
ang nasaktan na noo. Masamang tiningnan ko siya. Shit! si Raulin lang pala!
“You shouldn’t
wondering around her. Baka may lumitaw na halimaw dito at kunin sa`yo ang bato.
Tandaan mo iyan na lang ang natitira." Sumabay siya sa paglalakad sa akin. Aruy!
Baka naman may iuutos na naman siya. Please lang huwag ngayon dahil wala ako sa
mood. Psh.
Hindi ko na
lang pinanson yung sinabi niya kanina. “So far, wala pa naman.”
Tinaasan niya
ako ng kilay. Naku po!! >O< baka ipakain na ako sa alaga niya! Waah!
Nakahinga naman
ako ng maluwag.
Tahimik naman
siya na naglalakad. Sinulyapan ko siya at himala talaga `no? Walang makapal na
make-up sa mukha niya. Siguro dahil narin nasa mundo kami ng human. Gwapo naman
siya eh basta walang make-up. hay! Ianthe, ano ba ang iniisip mo ha? Lumabas na
kami sa Ospital.
“Saan ka
pupunta? Hindi ba sinabi ko na hindi ka pwedeng umalis dito?”
“>.>
Gusto ko maglibot-libot dito sa Human World.” Hanggang tingin lang kasi ako eh.
Hindi naman ako pinapalabas sa academy. Kahit na binigyan kami ng mission dito
sa human world ay alam niyo na. School at bahay lang ang pwede.
“tsk. Hindi ka
ba nakakapamasiyal dito?”
“Bakit ikaw ba
ay nakapamasiyal?”
“OO.”
“really?” Hindi
ako makapaniwala kasi naman mukha kasing mas gusto niyang magkulong sa bahay at
ayaw masinagan ng araw.
“OO, sa gabi.”
Toinkz. Gabi
lang pala. Ano ba siya? Dracula na sa gabi lang lumalabas? Kampon ng demonyo pala itong kasama ko. hay,
sana hindi na lang ako naging slave pero anong magagawa ko?sa pagkakaalam ko ay
kapag tumakas o hindi sundin daw ng isang slave ang master niya ay mamatay daw!
Pero yun lang ang narinig ko noon nung nasa palasiyo pa ako.
“That stone.”
He said. Tukoy niya sa kwentas na binigay ata niya sa akin. Remember? Kulay
asul ang bato kaya daw nito protektahan kung sinoman ang nagsuot niyon. “I
think you should throw it away.”
“Haa? Bakit
naman?”
“Pshh... I
shouldn’t gave that to you.”
Tiningnan ko
ang kwentas. Bakit gusto niya itong itapon gayong siya naman ang nagbigay nito?
"So what? My hands is itching it's like I want to
kill him! Pwede tayong humanap pa! Kung inaakala niyo ang bato ay na sa`yo ang
asul na peontar!!!"
Bigla ko naalala
yung sinabi ni Wistar noon. Hindi kaya ito ang peontar?
“Sabihin mo nga
sa akin, Raulin.” Gawd, ngayon ko lang siya tinawag sa pangalan niya. “Ang
hinahanap ba nilang bato ay itong hawak ko ngayon?”
Tiningnan lang
niya ako. His dark eyes turn into red. “Boba ka ba?” Toinkz akala ko iba yung
sasabihin niya. Lalaitin lang pala. “Didn’t you hear your friend said na nasayo
ang bato? Aish kaya pala hindi mo pa tinatapon!” Pinipitik pa niya ang noo ko.
“Aray! Ang
sakit niyon ah!”
“Dapat lang
sa`yo. Ang hina mo.”
“Bakit nasayo
ito?”
Hindi niya ako
sinagot.
“Hoy! Sagutin
mo ako! bakit na sa`yo ang bato ito? at bakit mo ito binigay sa akin?”
“..........”
Hindi pa rin iya ako sinagot bagkus na hinigit niya yung kamay ko at bigla niya
akong hinili. “Let’s go out.” INIIWASAN NIYA ANG TANONG KO! AT ANO DAW?! LET’S GO OUT?!
Wistar’s POV
Tapos ka na ba sa kakaiyak mo.
Parang narinig
ko ang sarili na nagsasalita pero impossible naman yun.
Ahh... hindi na siguro makapgtaka na marinig mo
ako dahil sa ginawa mo. You almost unsealed me, dear. Oh well, atleast you can
hear me.
“S-sino k-ka?!
Golly golly! Bakit nasa loob ka ng utak ko?! Ah I know baka panaginip lang ito
pero eck tulog ako? impossible!”
What a damn girl.
“TAHIMIK! SINO
KA?! AT ANO KA?!”
I am you, you are me. Yun lang ang maisagot ko ah
hindi pala. I almost forgot to tell you that we aren’t human nor newtar. Why
don’t you look at the mirror.
Sinabi na sa
akin ni Scarlet yun na hindi ako kagaya nila. Pero kung hindi ako newtar eh ano
ako? Parang nabasa niya ang iniisip ko.
We are the
ORIGINATOR, dear.
Titinitigan ko
lang yung salamin tas lumutang yun palapit sa akin at tiningnan ko ang sarili.
Nanlaki ang
mata ko. Dahil parang hindi ako yun eh. Pale ang kulay ng skin, red lips at ang
kulay ng pupil ko ay yellow at napalibutan yun ng itim.
“Ano yun?”
Hindi makapaniwalang sabi ko. “Since madami kang alam kesa sa akin siguro alam
mo din kung sino ang magulang ko?”
Ang totoo niyan wala akong alam tungkol diyan pero
ang una mong tanong ay ang Originitor ay hindi ordinaryong nilalang nabubuo
sila sa negative feeling at kapag nabuo na sila ay ang mga black magic user ay
gagawa ng isang ritual. Ritual na kakailanganin ng alay na sanggol. Sanggol na
paglalagyan ng Originator at ang sanggol na yun ay nagngangalan WISTAR.
“Pero ang
magulang ko. Sino sila?”
I don’t know. Huwag mo akong tanungin diyan dahil
pareho tayo na hindi alam kung sino nagsilang sa atin. Kaya ready ka na ba
makipagpalit sa akin?
“No thanks.
Alam ko na kapag ikaw na ang kumontrol sa katawan ko ay sigurado ako na
sasabugin mo lang ang hospital na ito.”
Hahahha! Right! :P I really LOVE to see this
hospital explode into pieces. I can’t stand the F@cking smell.
Aruy,
mag-no-nosebleed na talaga ako. Engliserang palaka.
Bumangon na
ako. Pero kumirot yung nasaktang kong paa. Tiningnan ko ang kamay ko. Kung
success yung spell ko noon ay baka naman kaya ko e-heal ang sarili ko. Ay ay,
hindi siguro baka nagkataon lang.
Bumukas yung
pinto. Sino na naman kaya? Lumuwa doon ang dalawang adones. >_< Sina
Hackette at Vester.
“Yo!”
“Gising na ang
=_= panget.”
“Ang sama mo!”
tukoy ko kay Vester. Nagpakita lang sa akin si Hackette pero umalis din. :(
hay, ang crush ko!
“Crush mo
siguro siya `no?” Nakangising tanong niya.
“Pakialam mo?”
“Aw, napakabad
taste mo naman pumili ng lalaki at ang malas mo din.”
Nakakayamot
talaga!
“Kung ako pa
sa`yo kakalimutan ko na ang lalaking iyan.”
“At bakit
naman?”
“Dahil hindi ka
niya mamahalin.”
“Duh. Crush
lang naman `no tsaka bakit mo naman nasabi iyan, ha?”
Nilagay niya
yung bulaklak sa vase. Inayos pa. “Dahil may nagmamay-ari ng ng puso niya...
hmm... sa pagkakaalam ko ay engage na sila.”
“Liar, baka
gawa-gawa mo lang iyan eh. Hindi halata sa mukha niya na in-love siya o ano
pa.”
“hahahaha! Then
why don’t you ask him? Makikita mo sa kanyang mukha na mahal niya yung babae.”
Aruyy, TT___TT
may beloved hackette. Pero hindi ako maniniwala. Pero kailangan ko malaman ang
katotohanan iyon mula kay Hackette subalit hindi naman kami close eh. Hindi
bale gagawa ako ng paraan.
Ang malas ko
naman oh. Bakit kaya sabay-sabay ang malas ko ngayon araw.
Sinulyapan ko
lang siya na nag-aayos uli ng bulaklak. Naghu-hum pa siya. =.= bakit ba ang
dali niyang makangiti? Hmm... Kahit minsan ay hindi ako mapakali sa ngiting
niyang yun para kasing ewan. Para kasing feeling ko na hindi yun ang totoo
niyang smile. Agh! Hindi yun dapat atupagin ko. >___<
>>> CHAPTER 16 HERE
sAbi q n ngA ba,,, c wiStaR ngA ang origiNator prO in negAtivE foRm LNg,,,
ReplyDeletewoRth it anG paGhintAy q dtO atEy,,, mrAminG sLamaT pO s updAte,,,
ReplyDeleteLet's go OUT!!! May date si Ianthe?? Yay, excited ako para dun ha.. Ü
ReplyDeleteiisa lng pla cna wistar at ung originator.. mei evil side sia... waaah!
ReplyDeleteOne of my favorite fantasy story here. :) :)
ReplyDeleteahh!! mei date cla raulin and ianthe!!! so cute!!
ReplyDeletemei pgkaplastic talaga tong si vester.. si hackette!!! meilabs na daw syang iba!!! naku,pano na yan.. ahuhuhu..