Wistar Titania pov
At si Farley
naman ay nagising na din. Salamat kay Yvonne.
Dahil na-miss
ko sila ay napagdecision-an ko na mamasiyal kami. Hehehehe!
(_ _ “) kahit namamasiyal kami ay wala pa rin
magbabago. Dito pa rin sa school kami naglilibot! Alam niyo kung bakit? bawal
lumabas ang mga studyante ngayon sa pagkakaalam ko meron daw event na magaganap
dito.
Malapit lang
kami dito sa GATE.Hindi ako pumasok sa klase dahil bored ako. malungkot din ako
dahil yung kinikilala mong magulang ay hindi ko pala tunay na magulang. Hindi
ko pa rin sila kinakausap. Huminga ako ng
malalim at inalis ang mabigat na
“Akin na sabi!!”
“Yaw!!!!!”
=w= awww...
napaka-cute talaga nila! Mabuti nalang at naging familiar ko sila! Ahahaha!
Naagaw ni
Farley ang biscuit ni Famey kaya iyak ng iyak ito. Tumayo at namaywang.
“Farley! Bakit mo ba inaagaw yung pagkain niya?! Binigyan na kita ah!”
“Pshh... tingnan mo nga ako. Ang
laki ko siyempre kulang iyong binigay mo sa akin. Pshh... wish you’ll get
stronger sooner—Ah! Miss beatiful!!!” tumakbo siya nang makita niya si Yvonne.
Tiningnan ko
lang sila. Ganun pa rin nang dati iniiwasan ni Yvonne si Farley.
Umupo ako at
inilapat ang likod sa puno at niyakap ang binti. Nakatingin lang sa kawalan...
sigh... ayoko talaga ng ganito.
Nahagip ng
paningin ko si Scarlet. Kausap ang mga kaibigan niya. Tapos na ata ang klase.
Napansin ata niya ako kaya in-snob niya ako. Kaya pala pakiramdam ko na ayaw
talaga niya sa akin dahil hindi naman niya ako kapatid talaga. Pero hindi naman
sapat na rason para magalit siya sa akin di ba?
Wala siya dapat
na ikagalit sa akin dahil siya naman ang totoong anak ng magulang namin di ba?
Ampon lang ako.
“Hoy,
anong ginagawa mo dito sa paborito kong tamabayan?”
Si Hackette
pala iyon.
“Tambayan
mo?”
“Pshh...
Umalis ka na nga diyan.”
“Dito
muna ako. Mas confortable ako dito.”
“Fine,
basta wag kang maglikha ng ingay.”
TT_TT sayang
talaga `no? nang malaman ko na engage na siya ay nadagdagan ang depression ko.
wah! My first crush wala na! ang aking hackette! Bye bye!! Pero baka
nagsisinungaling si Vester na yun para maasar ako.
Umupo siya sa
tabi ko na wala lang.
“Ah,
Hackette.”
“Hmm?”
“Sinabi sa akin ni Vester na meron ka nad kasintahan... pe-prero
teka ha! curious lang naman ako kasi sa ugaling mong iyan hindi kasi
makapaniwala!”
iyan. Nasabi ko na! “T-totoo ba yung sinabi niya?”
“Mm..” Tumango siya. Wah! Hindi na dapat ako nandito pa! aalis na ako! Tumayo
na ako.
“Ah okay. Alis na ako, bye!”
Taken
na pala siya pero akala ko pa naman single.
Kinuha
ko si Famey at nilagay sa bulsa ko.
Napansin
ko si Vester na naglalakad sa hallway kaya naman nagtago ako. As always,
napaka-aliwalas ng ngiti niya. Simula nong bisitahin niya ako sa ospital ay
parati na lang sumasagi sa isipan ko yung nangyari nung pinigilan niya akong
pumunta sa library. His personality change. Grabe din ha? kahit na inaabuso na
siya hindi pa rin nawawala yung maaliwalas nyang ngiti.
“Mr. Vachel!!!!” tawag ng dalawang babae na
lumapit sa kanya. Hindi ko na marinig yung usapan nila dahil malayo layo din
ang distansiya ko sakanila.
“The f? why was that
girl flirting him?!” Napalingon ako at nakita si Scarlet na nakakuyom ang kanyang kamay. “At ikaw,
lesbian, wag kang lalapit sakanya! Habang wala ako.” lumipad na siya
palayo sa akin.
Anong
problema niya? Hindi ko talaga ma-gets ang babaeng iyon.
“Bakit hindi ka na lang lumapit sa akin kesa magtago diyan, ha?”
Naku naman! Nakita tuloy niya ako.
“Pano mo nalaman na nandito ako?”
“Nakita ko kasi ang ulo mo.”
Sinungaling! Impossible naman makita niya ako dito
`no. Hindi kaya ako nakasilip sakanya kanina.
Tumayo ako.
“Since, nandito ka naman tulungan mo na
ako dalhin itong mga test paper sa faculty.” Naghati kami don sa mga test paper.
“Eh?! bakit?!”
“Huwag ka na ngang umangal. Ah nga pala
pumunta ka sa bahay ko, ha? I want to
spend my night with you.” Inihipan niya ang tenga ko.
“Eww mo naman!” Shit!! “sex maniac! Leecher!”
“Hahahaha!
Ano ba ang iniisip mo? hindi lang naman ikaw ang pupunta sa bahay eh. Pati na
ang mga kasama natin sa P.B :) we’ll give you and Ianthe a special training.
How’s that?”
Wow! Special training!!!
Tch.
Who needs special training, anyway? I can use my magic whanever I want!
Please, huwag niyo na lang pansinin iyan.
Naglalakad papunta sa faculty room.
Nag-humming lang siya. Grabe talaga ang level ng
energy ng lalaking ito! at panay bati pa ng mga studyante sakanya. Pagkatapos
naming ihatid yun ay aalis na sana ako.
“Oi, wag mo kalimutan mamaya ha?”
“Opo!”
“Huwag kang mag-isip ng green ahahah!”
kasalanan mo naman iyon `no. Psh... Tiningnan ko siya habang naglalakad.
“gosh! SI VESTER!! Kyaahh!!!”
“Hi vester!!”
“Hi beautiful!” nakangiting ganti ni
Vester sa dalawang malalandi. Napapailing na lang ako. Hindi ko na napansin na
may nakaharang sa harap ko kaya naman ay natisod ako. Mabilis naman nakakilos
si Vester. Sinaklot niya ang likod ng kwelyo ko upang hindi ako matumba at
tumama ang mukha sa sahig.” Are you okay, baby star?”
“Heto na naman! Itigil mo na nga ang
katatawag na baby star! Nakakairita eh!”
“(=3=)
Ayoko nga. Ang cute mo kaya kapag naiirita ahahahaha! Pa-kiss nga!” ngumuso pa siya pero
pinigilan ko siya sa balak niya.
“Eck! Kadiri!!!”
Umayos na siya sa pagkatayo at tumawa uli.
“Ano ba naman iyang tibo! Siya na nga ang
hahalikan siya pa ang aayaw! Kung ako pa sakanya buong puso ko tatanggapin ang
halik niya! Kyaahh!! Smooch smooch!”
“babae iyan? Akala ko pa naman lalaki!”
“Hmph!” malalaking hakbang na
pumunta sa faculty at nilagay ang dala ko sa mesa at umalis. Kainis talaga ang
lalaking iyon! kung akala niya nakakatawa ang ginagawa niya pwes hindi! Manyak!
Dahil sa inis ko ay hindi ko napansin na may tao pala sa harap ko kaya nabangga
ako at napaatras nang kunti
“Psh...”
“Sorry!” nang magtaas ako ng ulo ay
si Hackette pala iyon.
“Pwede ba tumitingin ka sa
dinadaanan mo.”
Suplado niya sa akin.
“Hackette!” Sita ng babae na nakakawit
ang kanyang kamay sa braso nito. *O* ang ganda niya! “Paumanhin sa inasal ng nobyo ko, binibini.
Minsan hindi ko alam kung anong gagawin ko sakanya eh.”
(_ _ “)
wala akong panama sakanya. Aruuyyy! Good bye crush!!~
Ang
kinis ng kanyang balat at ang kanyang kamay halatang hindi pa nakakahawak na
mabibigat. Tapos ang ngiti niya ay kahit na nagwawalang red bull ay
mahismasmasan at magiging maamong tupa.
Wala
talaga akong panama sakanya!!!
“You don’t need to apologise to her Serenity tsaka siya naman
ang may kasalanan eh.”
Piningot
niya ang tenga ni Hackette. Whoa!
“Huwag mo akong
gamitan ng ibang lingwahe, binata! Kahit na kasalanan niya iyon ay hindi mo
siya dapat sinisinghalan! Hmph!”
She
pouted her lips at nagmartsa na umalis sa kanilang dalawa.
“Pshh...” Sumunod si hackette sakanya.
Sniff..
sniff.. “bye crush...”
“Yeah yeah! Bye bye crushy!” Nasa likod ko si Vester. Nakayuko siya kaya yung
ulo niya ay nasa gilid ko. Nang lumingon ko ay kaylapit na nang mga labi namin.
“Hinintay mo sana ako, baby star.” Nakangiti siya
pati ang mga mata niya. Suddenly, her heart twitch. Tinulak ko siya ng ubod na
lakas.
“Anak ng tokwa! Wag ka nga lumapit sa akin! Manyak!”
Naramdaman
ko ang pag-iinit sa pisngi ko at ang bilis ng pintig ng puso ko. Anak ng tokwa!
Bakit ba kapag malapit siya ay nagkakaganun siya?
“Oo na, manyak na
kung manyak... pshh..” bulong niya na hindi ko narinig ng maayos.
“May sinabi ka?”
“Sabi ko ‘hahalikan kita sa susunod’”
“Suntok gusto mo?”
“Halik mo? OO.” taas baba ang kanyang kilay.
“Pfft!” shit. nakakatawa siyang tingnan!
“Ooo... you laugh.”
“so?”
“Wala lang. Ang ganda kasi ng boses mo.”
“hahahhaha! Baliw!” tumawatawa na iniwan ko siya. Nairinig ko kasi
ang bell. Papasok na ako sa susunod kong klase. Tumigil ako sa paglalakad ng
makita ko si Scarlet na masayang nag-uusap sa mga kaibigan niya pero napalis
yung ngiti sa mga labi niya ng makita niya ako. As always, ayaw niya talaga
ako. Siguro kaya ganun na lang ang trato niya sa akin noon pa. Maikli na ang
kanyang buhok.
Nilagpasan
lang nila ako.
“Oi, scarlet, kapatid mo
iyon di ba?”
Ang
saya na naramdaman ko kanina ay nawala at napalitan ng lungkot. Alam ko naman
iyon eh. Hindi naman niya kailangan na ipagdiinan niya iyon. Parang gusto kong
maiyak pero pinigilan ko nalang ang sarili ko. Ayoko na makita ako ng ibang
studyante dito na umiiyak. Baka isipin nila na napakahina kong tao.
Fast forward.
“Whoa!!! Ang laki ng bahay!!! Sigurado kayo na nandito pa tayo
sa school?”
Humuhanga na hinagod ng tingin ang kabuuan ng bahay. Chinese style house.
Kumukutitap pa ang mga ilaw at sa harap at malapit lang yun sa malaking lawa.
Sinalubong
kami ng dalawang babae na nakasuot ng traditional chinese dress. Bilib din ako
sa lalaking iyon `no? pinapasuot pa niya ng ganyan ang mga katulong niya. Ang
yaman siguro niya. Sa pagkakaalam ko ay isa sa mga sponsor ang magulang niya at
binigyan siya ng lugar dito sa academy since napakalaki naman ng campus.
Sinamantala naman daw nito ang pagkakataon upang makapagtayo ng sariling bahay
dito.
Pagsalubong
nila sa amin ay sinabihan kami na naghihintay na daw ang amo nila sa amin.
Nandoon sila sa library. Pagdating namin ay nandon nga siya at ngayon ko lang
siya nakita na seryoso ang kanyang mukha. Dahil siguro sa binabasa niya nandon
din ang lahat. Nag-aaral ata para sa nalalapit na midterm exam. Si Yvonne ay
nagtatago sa malaking vase nandon din kasi si Farley eh. Parang susunggabin si
Yvonne.
Napansin ata
ang presensiya namin ni Ianthe kaya tinigil niya ang pagbabasa at tiningnan
kami. Umaliwalas ang mukha niya.
“Nandito
na pala kayo. Salamat nga pala, Exa at kathy!” pasalamat niya sa dalawang katulong niya at nag-wink pa siya kaya yung
dalawang katulong ay kinilig. Ang landi niya `no?
“Hindi mo naman kailangan magpasalamat,
kamahalan.” They incline
their head.
I snorted
uncharacteristically. “Kamahalan? Hahaha!”
mahinang sabi ko nang makaalis na ang mga katulong.
Sinuko ako ni
Ianthe. “Hoy... tigil na baka ipatapon ka niyan sa
labas.”
“Hahahaha!
Nakakatawa kasi eh! kamahalan? Hahahah!”
“Hahahaa” Ginaya ni Vester ang tawa ko na may tonong
sarcasm. Ginamitan ata ako ng majika niya kaya yung kamay ko ay parang may
sariling pag-iisip. Nakalahad ang kamay ko tapos pinatong niya ang rabbit sa
palad ko.
“Waaahh
gift mo sa akin? Ang cuutee mas cute pa siya kesa ni Farley! Oi famey wag kang
mag-alala cute ka din naman.”
“Gift?
Lol! No no no.. baby star, gagamitin mo iyang rabbit sa pag-practice ng magic
mo.”
“Haa?”
He pat my head.
“Gawin
mo iyang kalapati. Simulan mo na.”
Hahahahah! Buti nga sa`yo! Tinawanan lang ako ni Farley tas umalis din at
hinabol si Yvonne.
“Show
me what you got! I heard that you can use a little magic kaya ipakita mo sa
akin.”
“Hmph!” ito pala ang training?! Umupo ako tapos nilapag
ko yung cute na rabbit. Tinitigan ko lang siya tinuro. Akala ko may magic na
lalabas wala pala. “Oh great kami-sama! Give me
stregnth and turn this cute rabbit into a bird!” nosebleed! Wala pa ring
epek! “Ooo... you will turn into a pigeon! And you
must do as what I say!!!!!!!!!!!!!!” tinaas ko pa ang kamay ko at
sumayawsayaw pa.
“Bwahahahha!
Ano ba naman iyan baby star! Walang epek!”
Nag-iinit na
ang pisngi ko sa pagkapahiya.
“Alam
mo! susuntukin na talaga kita! Grrr!!!” humarap ako sakanya at handa na makipagsuntukan ngunit tumakbo siya
palayo sa akin kaya naman hinabol ko siya. “Huwag
kang tumakbo, manyak!!!!”
“Ayoko
nga!”
“Nag-aaral pa ba talaga kayo, yare yare!” Narinig ko pa ang nagsilat na si Trey.
Ni isa sa amin
ay walang balak na tumigil ah basta ako gusto ko na suntukin siya.
“Oi,
tama na!.” Sabi niya.
Subalit hindi
pa rin ako nakinig sakanya bagkus na pinagsusuntok ko pa rin siya at siya naman
ay biglang tumalon ng ubod na lakas at lumulutang na lang siya sa ere.
“Ang
daya!”
“Subukan
mo din lumutang! Ahahahaha! I bet you can’t do it!”
Ginagalit mo
talaga ako `no? grr.... gusto ko din lumipad!
“Bakit hindi mo subukan, dear?” Okay, kilala niyo iyang babae na iyan. Ngayon lang
uli nagsalita ang isa ko pang sarili. Papano kaya?“Duh, mag-concentrate ka lang kahit na
kunti lang ang magical power mo sa katawan siguro ay makakalipad ka pa naman
kahit papano. Pero kung gusto mo palit tayo para sa ganun ay makakalipad ka
hahaha!”
No way! hay,
naku baliw na ata ako dahil kinakausap ko ang sarili.
Pero ginawa ko
iyong sinabi niya na mag-concentrate at dapat isipin lang ang lumipad. Pinikit
ko ang mga mata. Baliw na talaga ako. Impossible naman talaga sa akin eh kagaya
ng sinabi niya hindi ako kagaya niya mas mahina ako kesa sakanya.
Mataman na
nag-isip. Hindi ko pinapansin ang tawag ni Vester. Maya’t maya ay naramdaman ko
na parang wala na akong maapakan sa baba ng idilat ko ang mata ay nakita ko na
lumulutang na ako!
“yes!” Napasuntok ako sa ere at dahil doon ay parang may
natamaan ako. When I look up I saw vester na sapo ang tiyan niya. Siguro yung
tiyan niya ang nasuntok ko.
“Ang
sakit naman ng power love punch mo.”
“Hmph!” Bumaba na din ako. Sa wakas kahit pano ay matino
akong magic.
Kagaya ko ay
bumaba na din siya at as always hindi madali mainis ang isang `to. “Okay, since meron naman progress yung training mo doon tayo
sa labas meron akong ituturo.” Sinaklot niya ang kamay ko at hinila
palabas.
Hindi ko alam
kung anong plano niya pero sabi niya ay meron siyang ituturo. Nasa harap na
kami sa lawa. Naaninag namin ang sariling reflection. Napaka-kalma ng tubig at
masarap mag-relax dito.
“Anong
gagawin natin dito? meditate?”
“Nope.”
Nakita ko siya
na humakbang siya sa tubig at ang galing! Nakatayo lang siya sa tubig.
“Gusto
mo ako gayahin kita?”
Tumango siya.
“Hindi
ko kaya iyan.”
“Subukan
mo muna bago mo sabihin na hindi mo kaya, baby star.”
Heto na naman
ang ‘baby star’!
“Hindi
ko nga kaya eh!”
Lumapit siya sa
akin. “Kaya mo ngang lumutang sa ere pano pa kaya dito?
Tsaka kung mababasa ka man dito meron naman extra na damit gusto mo makita?”
Ayoko isipin
pero baka mga kagaya ng damit ng katulong ang meron siya.
“No
thanks.”
Author's Note: Hi! heto na naman po ako! sorry kung mabagal ako ngayon mag-update
busy lang talaga ako sa school at di ako makapagsulat pero
para pambawi ko naman sa inyo ay mag-uupdate ako bukas din.
Dedicate to:
NiColeLuVs77
Anonymous
I_heart_KPOP
Anonymous
:) salamat sa pag-comment sa previous chapter nya~♥
NiColeLuVs77
Anonymous
I_heart_KPOP
Anonymous
:) salamat sa pag-comment sa previous chapter nya~♥
WoW thAnk u pO s upd8!!! aNg tGaL q hiniNty to aHh,,,
ReplyDeletetokWat baBoy nMaN kiniKiLig aq kEi vEster mY LUvs!!! oK LNg mSunTok bSta mkAhaLik,,, tAmA ngA nMan,,, hwAhehE,,,
ReplyDeleteat suMisingit n aNg dArk sidE jAn ni wistAr,,,
atEy sALaMat diN mAy dedicAtion aq dtO!!! yAy!!!
noo!!! inagaw niya si hackette!! naku,nosebleed pala tayo sa tagalog ni serenity.. hahah
ReplyDeletesomehow i like her dark side.. hahah.. parang ang sarap ng pumasok sa screen at ako na ang sasabunot sa kapatid niya!! maldita much lang.. epal mo te!! suntukan na lang oh! wala lang gamitan ng powers,yari ako nun.. hahaha
baby star daw oh!! na miss ko talaga tong si vester.. manyak pa rin,nkaka green lang.. haha! nakawan mo nga ng halik si wistar!! wala na akong tampo sa kanya.. hihi.. crush ko na sya ulit.. ssshhshhhh..
((Kilig much kay Vester. Haha))
ReplyDeleteMe too! I also like the dark side. At some point, makakatulong talaga yan kay Wistar.. :D
ReplyDelete█▀▀█ ▀▀█▀▀ █▀▀
ReplyDelete█▄▄█ ░░█░░ █▀▀
▀░░▀ ░░▀░░ ▀▀▀
█▀▀ █▀▀█ █▀▀█ █▀▀ █▀▀ █▀▀█ █▀▀ █▀▀ █▀▀
▀▀█ █░░█ █▄▄▀ █░░ █▀▀ █▄▄▀ █▀▀ ▀▀█ ▀▀█
▀▀▀ ▀▀▀▀ ▀░▀▀ ▀▀▀ ▀▀▀ ▀░▀▀ ▀▀▀ ▀▀▀ ▀▀▀
█▀▀█ █▀▀█ ░▀░ █▀▀▄ █▀▀ █▀▀ █▀▀ █▀▀ ░ ░ ░
█░░█ █▄▄▀ ▀█▀ █░░█ █░░ █▀▀ ▀▀█ ▀▀█ ▄ ▄ ▄
█▀▀▀ ▀░▀▀ ▀▀▀ ▀░░▀ ▀▀▀ ▀▀▀ ▀▀▀ ▀▀▀ █ █ █
░▀░ █▀▀ █░░█ █▀▀█ █▀▀ █▀▀█
▀█▀ ▀▀█ █░░█ █░░█ █▀▀ █▄▄▀
▀▀▀ ▀▀▀ ░▀▀▀ █▀▀▀ ▀▀▀ ▀░▀▀
█░░ █▀▀█ ▀█░█▀ █▀▀ ▀▀█▀▀ █░░█ ░▀░ █▀▀
█░░ █░░█ ░█▄█░ █▀▀ ░░█░░ █▀▀█ ▀█▀ ▀▀█
▀▀▀ ▀▀▀▀ ░░▀░░ ▀▀▀ ░░▀░░ ▀░░▀ ▀▀▀ ▀▀▀
█▀▀ ▀▀█▀▀ █▀▀█ █▀▀█ █░░█ █
▀▀█ ░░█░░ █░░█ █▄▄▀ █▄▄█ ▀
▀▀▀ ░░▀░░ ▀▀▀▀ ▀░▀▀ ▄▄▄█ ▄
O.O wow! pano mo nagawa ang ganyan?
Delete