Friday, February 1, 2013

Unbreakable Spell: Chapter 16




Chapter Six
Wavering Feelings
Wistar Titania pov

“Hoy! Pink na bola na ewan! Ibalik mo iyang pagkain ko!!!!!” hinabol ni Farley si Famey. It’s been two days ng malaman ko ang totoo at bumalik na din kami sa academy.
At si Farley naman ay nagising na din. Salamat kay Yvonne.


Dahil na-miss ko sila ay napagdecision-an ko na mamasiyal kami. Hehehehe!
(_ _  “) kahit namamasiyal kami ay wala pa rin magbabago. Dito pa rin sa school kami naglilibot! Alam niyo kung bakit? bawal lumabas ang mga studyante ngayon sa pagkakaalam ko meron daw event na magaganap dito.
Malapit lang kami dito sa GATE.Hindi ako pumasok sa klase dahil bored ako. malungkot din ako dahil yung kinikilala mong magulang ay hindi ko pala tunay na magulang. Hindi ko pa rin sila kinakausap.  Huminga ako ng malalim at inalis ang mabigat na
“Akin na sabi!!”
“Yaw!!!!!”
=w= awww... napaka-cute talaga nila! Mabuti nalang at naging familiar ko sila! Ahahaha!
Naagaw ni Farley ang biscuit ni Famey kaya iyak ng iyak ito. Tumayo at namaywang. “Farley! Bakit mo ba inaagaw yung pagkain niya?! Binigyan na kita ah!”
“Pshh... tingnan mo nga ako. Ang laki ko siyempre kulang iyong binigay mo sa akin. Pshh... wish you’ll get stronger sooner—Ah! Miss beatiful!!!” tumakbo siya nang makita niya si Yvonne.
Tiningnan ko lang sila. Ganun pa rin nang dati iniiwasan ni Yvonne si Farley.
Umupo ako at inilapat ang likod sa puno at niyakap ang binti. Nakatingin lang sa kawalan... sigh... ayoko talaga ng ganito.
Nahagip ng paningin ko si Scarlet. Kausap ang mga kaibigan niya. Tapos na ata ang klase. Napansin ata niya ako kaya in-snob niya ako. Kaya pala pakiramdam ko na ayaw talaga niya sa akin dahil hindi naman niya ako kapatid talaga. Pero hindi naman sapat na rason para magalit siya sa akin di ba?
Wala siya dapat na ikagalit sa akin dahil siya naman ang totoong anak ng magulang namin di ba? Ampon lang ako.
“Hoy, anong ginagawa mo dito sa paborito kong tamabayan?”
Si Hackette pala iyon.
“Tambayan mo?”
“Pshh... Umalis ka na nga diyan.”
“Dito muna ako. Mas confortable ako dito.”
“Fine, basta wag kang maglikha ng ingay.”
TT_TT sayang talaga `no? nang malaman ko na engage na siya ay nadagdagan ang depression ko. wah! My first crush wala na! ang aking hackette! Bye bye!! Pero baka nagsisinungaling si Vester na yun para maasar ako.
Umupo siya sa tabi ko na wala lang.
“Ah, Hackette.”

“Hmm?”

“Sinabi sa akin ni Vester na meron ka nad kasintahan... pe-prero teka ha! curious lang naman ako kasi sa ugaling mong iyan hindi kasi makapaniwala!” iyan. Nasabi ko na! “T-totoo ba yung sinabi niya?”

“Mm..” Tumango siya. Wah! Hindi na dapat ako nandito pa! aalis na ako! Tumayo na ako.

“Ah okay. Alis na ako, bye!”

Taken na pala siya pero akala ko pa naman single.

Kinuha ko si Famey at nilagay sa bulsa ko.

Napansin ko si Vester na naglalakad sa hallway kaya naman nagtago ako. As always, napaka-aliwalas ng ngiti niya. Simula nong bisitahin niya ako sa ospital ay parati na lang sumasagi sa isipan ko yung nangyari nung pinigilan niya akong pumunta sa library. His personality change. Grabe din ha? kahit na inaabuso na siya hindi pa rin nawawala yung maaliwalas nyang ngiti.

“Mr. Vachel!!!!” tawag ng dalawang babae na lumapit sa kanya. Hindi ko na marinig yung usapan nila dahil malayo layo din ang distansiya ko sakanila.
“The f? why was that girl flirting him?!” Napalingon ako at nakita si Scarlet na nakakuyom ang kanyang kamay. “At ikaw, lesbian, wag kang lalapit sakanya! Habang wala ako.” lumipad na siya palayo sa akin.

Anong problema niya? Hindi ko talaga ma-gets ang babaeng iyon.

“Bakit hindi ka na lang lumapit sa akin kesa magtago diyan, ha?”
Naku naman! Nakita tuloy niya ako.

“Pano mo nalaman na nandito ako?”

“Nakita ko kasi ang ulo mo.”

Sinungaling! Impossible naman makita niya ako dito `no. Hindi kaya ako nakasilip sakanya kanina.

Tumayo ako.

“Since, nandito ka naman tulungan mo na ako dalhin itong mga test paper sa faculty.” Naghati kami don sa mga test paper.

“Eh?! bakit?!”

“Huwag ka na ngang umangal. Ah nga pala pumunta ka sa bahay ko, ha? I want to spend my night with you.” Inihipan niya ang tenga ko.

“Eww mo naman!” Shit!! sex maniac! Leecher!”

 “Hahahaha! Ano ba ang iniisip mo? hindi lang naman ikaw ang pupunta sa bahay eh. Pati na ang mga kasama natin sa P.B :) we’ll give you and Ianthe a special training. How’s that?”

Wow! Special training!!!

Tch. Who needs special training, anyway? I can use my magic whanever I want!

Please, huwag niyo na lang pansinin iyan.

Naglalakad papunta sa faculty room.

Nag-humming lang siya. Grabe talaga ang level ng energy ng lalaking ito! at panay bati pa ng mga studyante sakanya. Pagkatapos naming ihatid yun ay aalis na sana ako.

“Oi, wag mo kalimutan mamaya ha?”

“Opo!”

“Huwag kang mag-isip ng green ahahah!”

kasalanan mo naman iyon `no.  Psh... Tiningnan ko siya habang naglalakad.

“gosh! SI VESTER!! Kyaahh!!!”

“Hi vester!!”

“Hi beautiful!” nakangiting ganti ni Vester sa dalawang malalandi. Napapailing na lang ako. Hindi ko na napansin na may nakaharang sa harap ko kaya naman ay natisod ako. Mabilis naman nakakilos si Vester. Sinaklot niya ang likod ng kwelyo ko upang hindi ako matumba at tumama ang mukha sa sahig.” Are you okay, baby star?”

“Heto na naman! Itigil mo na nga ang katatawag na baby star! Nakakairita eh!”

(=3=) Ayoko nga. Ang cute mo kaya kapag naiirita ahahahaha! Pa-kiss nga!” ngumuso pa siya pero pinigilan ko siya sa balak niya.

“Eck! Kadiri!!!”

Umayos na siya sa pagkatayo at tumawa uli.

“Ano ba naman iyang tibo! Siya na nga ang hahalikan siya pa ang aayaw! Kung ako pa sakanya buong puso ko tatanggapin ang halik niya! Kyaahh!! Smooch smooch!”

“babae iyan? Akala ko pa naman lalaki!”

“Hmph!” malalaking hakbang na pumunta sa faculty at nilagay ang dala ko sa mesa at umalis. Kainis talaga ang lalaking iyon! kung akala niya nakakatawa ang ginagawa niya pwes hindi! Manyak! Dahil sa inis ko ay hindi ko napansin na may tao pala sa harap ko kaya nabangga ako at napaatras nang kunti

“Psh...”

“Sorry!” nang magtaas ako ng ulo ay si Hackette pala iyon.

“Pwede ba tumitingin ka sa dinadaanan mo.” Suplado niya sa akin.

“Hackette!” Sita ng babae na nakakawit ang kanyang kamay sa braso nito. *O* ang ganda niya! “Paumanhin sa inasal ng nobyo ko, binibini. Minsan hindi ko alam kung anong gagawin ko sakanya eh.”

(_   _  “) wala akong panama sakanya. Aruuyyy! Good bye crush!!~
Ang kinis ng kanyang balat at ang kanyang kamay halatang hindi pa nakakahawak na mabibigat. Tapos ang ngiti niya ay kahit na nagwawalang red bull ay mahismasmasan at magiging maamong tupa.
Wala talaga akong panama sakanya!!!

“You don’t need to apologise to her Serenity tsaka siya naman ang may kasalanan eh.”

Piningot niya ang tenga ni Hackette. Whoa!

“Huwag mo akong gamitan ng ibang lingwahe, binata! Kahit na kasalanan niya iyon ay hindi mo siya dapat sinisinghalan! Hmph!”

She pouted her lips at nagmartsa na umalis sa kanilang dalawa.

“Pshh...” Sumunod si hackette sakanya.

Sniff.. sniff.. “bye crush...”

“Yeah yeah! Bye bye crushy!” Nasa likod ko si Vester. Nakayuko siya kaya yung ulo niya ay nasa gilid ko. Nang lumingon ko ay kaylapit na nang mga labi namin. “Hinintay mo sana ako, baby star.” Nakangiti siya pati ang mga mata niya. Suddenly, her heart twitch. Tinulak ko siya ng ubod na lakas.

“Anak ng tokwa! Wag ka nga lumapit sa akin! Manyak!”

Naramdaman ko ang pag-iinit sa pisngi ko at ang bilis ng pintig ng puso ko. Anak ng tokwa! Bakit ba kapag malapit siya ay nagkakaganun siya?

“Oo na, manyak na kung manyak... pshh..” bulong niya na hindi ko narinig ng maayos.

“May sinabi ka?”

“Sabi ko ‘hahalikan kita sa susunod’”

“Suntok gusto mo?”

“Halik mo? OO.” taas baba ang kanyang kilay.

“Pfft!” shit. nakakatawa siyang tingnan!

“Ooo... you laugh.”

“so?”

“Wala lang. Ang ganda kasi ng boses mo.”

“hahahhaha! Baliw!” tumawatawa na iniwan ko siya. Nairinig ko kasi ang bell. Papasok na ako sa susunod kong klase. Tumigil ako sa paglalakad ng makita ko si Scarlet na masayang nag-uusap sa mga kaibigan niya pero napalis yung ngiti sa mga labi niya ng makita niya ako. As always, ayaw niya talaga ako. Siguro kaya ganun na lang ang trato niya sa akin noon pa. Maikli na ang kanyang buhok.

Nilagpasan lang nila ako.

“Oi, scarlet, kapatid mo iyon di ba?”

“No, she’s not.” She snap. “Sampid lang naman siya sa buhay namin eh.”




Ang saya na naramdaman ko kanina ay nawala at napalitan ng lungkot. Alam ko naman iyon eh. Hindi naman niya kailangan na ipagdiinan niya iyon. Parang gusto kong maiyak pero pinigilan ko nalang ang sarili ko. Ayoko na makita ako ng ibang studyante dito na umiiyak. Baka isipin nila na napakahina kong tao.

Fast forward.

“Whoa!!! Ang laki ng bahay!!! Sigurado kayo na nandito pa tayo sa school?” Humuhanga na hinagod ng tingin ang kabuuan ng bahay. Chinese style house. Kumukutitap pa ang mga ilaw at sa harap at malapit lang yun sa malaking lawa.

Sinalubong kami ng dalawang babae na nakasuot ng traditional chinese dress. Bilib din ako sa lalaking iyon `no? pinapasuot pa niya ng ganyan ang mga katulong niya. Ang yaman siguro niya. Sa pagkakaalam ko ay isa sa mga sponsor ang magulang niya at binigyan siya ng lugar dito sa academy since napakalaki naman ng campus. Sinamantala naman daw nito ang pagkakataon upang makapagtayo ng sariling bahay dito.


Pagsalubong nila sa amin ay sinabihan kami na naghihintay na daw ang amo nila sa amin. Nandoon sila sa library. Pagdating namin ay nandon nga siya at ngayon ko lang siya nakita na seryoso ang kanyang mukha. Dahil siguro sa binabasa niya nandon din ang lahat. Nag-aaral ata para sa nalalapit na midterm exam. Si Yvonne ay nagtatago sa malaking vase nandon din kasi si Farley eh. Parang susunggabin si Yvonne.
Napansin ata ang presensiya namin ni Ianthe kaya tinigil niya ang pagbabasa at tiningnan kami. Umaliwalas ang mukha niya.
“Nandito na pala kayo. Salamat nga pala, Exa at kathy!” pasalamat niya sa dalawang katulong niya at nag-wink pa siya kaya yung dalawang katulong ay kinilig. Ang landi niya `no?

“Hindi mo naman kailangan magpasalamat, kamahalan.” They incline their head.
I snorted uncharacteristically. “Kamahalan? Hahaha!” mahinang sabi ko nang makaalis na ang mga katulong.
Sinuko ako ni Ianthe. “Hoy... tigil na baka ipatapon ka niyan sa labas.”
“Hahahaha! Nakakatawa kasi eh! kamahalan? Hahahah!”
“Hahahaa” Ginaya ni Vester ang tawa ko na may tonong sarcasm. Ginamitan ata ako ng majika niya kaya yung kamay ko ay parang may sariling pag-iisip. Nakalahad ang kamay ko tapos pinatong niya ang rabbit sa palad ko.
“Waaahh gift mo sa akin? Ang cuutee mas cute pa siya kesa ni Farley! Oi famey wag kang mag-alala cute ka din naman.”
“Gift? Lol! No no no.. baby star, gagamitin mo iyang rabbit sa pag-practice ng magic mo.”
“Haa?”
He pat my head.
“Gawin mo iyang kalapati. Simulan mo na.”
Hahahahah! Buti nga sa`yo! Tinawanan lang ako ni Farley tas umalis din at hinabol si Yvonne.
“Show me what you got! I heard that you can use a little magic kaya ipakita mo sa akin.”
“Hmph!” ito pala ang training?! Umupo ako tapos nilapag ko yung cute na rabbit. Tinitigan ko lang siya tinuro. Akala ko may magic na lalabas wala pala. “Oh great kami-sama! Give me stregnth and turn this cute rabbit into a bird!” nosebleed! Wala pa ring epek! “Ooo... you will turn into a pigeon! And you must do as what I say!!!!!!!!!!!!!!” tinaas ko pa ang kamay ko at sumayawsayaw pa.
“Bwahahahha! Ano ba naman iyan baby star! Walang epek!”
Nag-iinit na ang pisngi ko sa pagkapahiya.
“Alam mo! susuntukin na talaga kita! Grrr!!!” humarap ako sakanya at handa na makipagsuntukan ngunit tumakbo siya palayo sa akin kaya naman hinabol ko siya. “Huwag kang tumakbo, manyak!!!!”
“Ayoko nga!”
Nag-aaral pa ba talaga kayo, yare yare!” Narinig ko pa ang nagsilat na si Trey.
Ni isa sa amin ay walang balak na tumigil ah basta ako gusto ko na suntukin siya.
“Oi, tama na!.” Sabi niya.
Subalit hindi pa rin ako nakinig sakanya bagkus na pinagsusuntok ko pa rin siya at siya naman ay biglang tumalon ng ubod na lakas at lumulutang na lang siya sa ere.
“Ang daya!”
“Subukan mo din lumutang! Ahahahaha! I bet you can’t do it!”
Ginagalit mo talaga ako `no? grr.... gusto ko din lumipad!
“Bakit hindi mo subukan, dear?” Okay, kilala niyo iyang babae na iyan. Ngayon lang uli nagsalita ang isa ko pang sarili. Papano kaya?“Duh, mag-concentrate ka lang kahit na kunti lang ang magical power mo sa katawan siguro ay makakalipad ka pa naman kahit papano. Pero kung gusto mo palit tayo para sa ganun ay makakalipad ka hahaha!”
No way! hay, naku baliw na ata ako dahil kinakausap ko ang sarili.
Pero ginawa ko iyong sinabi niya na mag-concentrate at dapat isipin lang ang lumipad. Pinikit ko ang mga mata. Baliw na talaga ako. Impossible naman talaga sa akin eh kagaya ng sinabi niya hindi ako kagaya niya mas mahina ako kesa sakanya.
Mataman na nag-isip. Hindi ko pinapansin ang tawag ni Vester. Maya’t maya ay naramdaman ko na parang wala na akong maapakan sa baba ng idilat ko ang mata ay nakita ko na lumulutang na ako!
“yes!” Napasuntok ako sa ere at dahil doon ay parang may natamaan ako. When I look up I saw vester na sapo ang tiyan niya. Siguro yung tiyan niya ang nasuntok ko.
“Ang sakit naman ng power love punch mo.”
“Hmph!” Bumaba na din ako. Sa wakas kahit pano ay matino akong magic.
Kagaya ko ay bumaba na din siya at as always hindi madali mainis ang isang `to. “Okay, since meron naman progress yung training mo doon tayo sa labas meron akong ituturo.” Sinaklot niya ang kamay ko at hinila palabas.
Hindi ko alam kung anong plano niya pero sabi niya ay meron siyang ituturo. Nasa harap na kami sa lawa. Naaninag namin ang sariling reflection. Napaka-kalma ng tubig at masarap mag-relax dito.
“Anong gagawin natin dito? meditate?”
“Nope.”
Nakita ko siya na humakbang siya sa tubig at ang galing! Nakatayo lang siya sa tubig.
“Gusto mo ako gayahin kita?”
Tumango siya.
“Hindi ko kaya iyan.”
“Subukan mo muna bago mo sabihin na hindi mo kaya, baby star.”
Heto na naman ang ‘baby star’!
“Hindi ko nga kaya eh!”
Lumapit siya sa akin. “Kaya mo ngang lumutang sa ere pano pa kaya dito? Tsaka kung mababasa ka man dito meron naman extra na damit gusto mo makita?”
Ayoko isipin pero baka mga kagaya ng damit ng katulong ang meron siya.
“No thanks.”

Hinigit niya ang kamay ko. Pilit ko na ialis ang kanyang kamay dahil hindi ko alam kung ano yung naramdaman ko na kuryente na dumadaloy sa ugat ko. At yung itim na mata niya ay parang nagsasabi na makakaya ko ito.



Author's Note: Hi! heto na naman po ako! sorry kung mabagal ako ngayon mag-update 
busy lang talaga ako sa school at di ako makapagsulat pero 
para pambawi ko naman sa inyo ay mag-uupdate ako bukas din. 
Dedicate to:
NiColeLuVs77
Anonymous
I_heart_KPOP
Anonymous
:) salamat sa pag-comment sa previous chapter nya~


Please leave a proper review dito sa story ko. :)

7 comments:

  1. WoW thAnk u pO s upd8!!! aNg tGaL q hiniNty to aHh,,,

    ReplyDelete
  2. tokWat baBoy nMaN kiniKiLig aq kEi vEster mY LUvs!!! oK LNg mSunTok bSta mkAhaLik,,, tAmA ngA nMan,,, hwAhehE,,,

    at suMisingit n aNg dArk sidE jAn ni wistAr,,,

    atEy sALaMat diN mAy dedicAtion aq dtO!!! yAy!!!

    ReplyDelete
  3. noo!!! inagaw niya si hackette!! naku,nosebleed pala tayo sa tagalog ni serenity.. hahah

    somehow i like her dark side.. hahah.. parang ang sarap ng pumasok sa screen at ako na ang sasabunot sa kapatid niya!! maldita much lang.. epal mo te!! suntukan na lang oh! wala lang gamitan ng powers,yari ako nun.. hahaha

    baby star daw oh!! na miss ko talaga tong si vester.. manyak pa rin,nkaka green lang.. haha! nakawan mo nga ng halik si wistar!! wala na akong tampo sa kanya.. hihi.. crush ko na sya ulit.. ssshhshhhh..

    ReplyDelete
  4. ((Kilig much kay Vester. Haha))

    ReplyDelete
  5. Me too! I also like the dark side. At some point, makakatulong talaga yan kay Wistar.. :D

    ReplyDelete
  6. █▀▀█ ▀▀█▀▀ █▀▀
    █▄▄█ ░░█░░ █▀▀
    ▀░░▀ ░░▀░░ ▀▀▀

    █▀▀ █▀▀█ █▀▀█ █▀▀ █▀▀ █▀▀█ █▀▀ █▀▀ █▀▀
    ▀▀█ █░░█ █▄▄▀ █░░ █▀▀ █▄▄▀ █▀▀ ▀▀█ ▀▀█
    ▀▀▀ ▀▀▀▀ ▀░▀▀ ▀▀▀ ▀▀▀ ▀░▀▀ ▀▀▀ ▀▀▀ ▀▀▀

    █▀▀█ █▀▀█ ░▀░ █▀▀▄ █▀▀ █▀▀ █▀▀ █▀▀ ░ ░ ░
    █░░█ █▄▄▀ ▀█▀ █░░█ █░░ █▀▀ ▀▀█ ▀▀█ ▄ ▄ ▄
    █▀▀▀ ▀░▀▀ ▀▀▀ ▀░░▀ ▀▀▀ ▀▀▀ ▀▀▀ ▀▀▀ █ █ █

    ░▀░   █▀▀ █░░█ █▀▀█ █▀▀ █▀▀█
    ▀█▀   ▀▀█ █░░█ █░░█ █▀▀ █▄▄▀
    ▀▀▀   ▀▀▀ ░▀▀▀ █▀▀▀ ▀▀▀ ▀░▀▀

    █░░ █▀▀█ ▀█░█▀ █▀▀   ▀▀█▀▀ █░░█ ░▀░ █▀▀
    █░░ █░░█ ░█▄█░ █▀▀   ░░█░░ █▀▀█ ▀█▀ ▀▀█
    ▀▀▀ ▀▀▀▀ ░░▀░░ ▀▀▀   ░░▀░░ ▀░░▀ ▀▀▀ ▀▀▀

    █▀▀ ▀▀█▀▀ █▀▀█ █▀▀█ █░░█ █
    ▀▀█ ░░█░░ █░░█ █▄▄▀ █▄▄█ ▀
    ▀▀▀ ░░▀░░ ▀▀▀▀ ▀░▀▀ ▄▄▄█ ▄

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^