Wednesday, December 19, 2012

Love at Second Sight : Chapter 36

A/N : LAST CHAPTER UD for this year. :))) Next year uli guys!
 Labyow! Tenku very much sa lahat ng nagbabasa ng LASS. Salamat ng maraming-marami! Mas lalo ko pa kayong pakikiligin next year. HAHAHA.
Advance Merry Christmas and a Happy New Year!
Wish ko na dumami pa yung nagbabasa ng LASS. :)))))
Salamat guys!
At salamat sis AEGYO! muah! :)))))

CHAPTER 36
( Princess’ POV )

Napahawak agad siya sa ulo niya ng maramdaman niyang kumirot ‘yon. Idinilat niya ang isang mata niya. Kisame ang unang tumambad sa kaniya. Para pang lutang yung isip niya kaya hindi niya alam kung nasan siya. Malambot ‘yong hinihigaan niya, eh. Sinubukan niyang tumayo kaya lang...


“Aray...” Kumirot na naman ang ulo niya.


“Gising ka na pala.”


Lumingon siya sa kaliwa niya.


“Goodmorning, prinsesa.”


* * * * * * * *


( Aeroll’s POV )

Alas-siyete na ng umaga.


Nauna siyang nagising sa mga kasama niya. Mahimbing pa ang tulog ng mga ito. Nilingon niya si Princess. Nakaharap ito sa kaniya pero sa iba ito nakayakap. Sa unan ito nakayakap.


Naalimpungatan siya kaninang madaling araw na nakayakap pa din ito. Dahan-dahan siyang kumalas at kumuha ng unan at itinabi sa pagitan nila para iyon ang yakapin nito. Mahirap na, baka may makakita pagdating ng umaga na nakayakap ito sa kaniya. Baka kung ano pa ang isipin gayong na-correct na nila ni Princess na hindi sila mag-on sa mga relative niya kahapon ng mapagkamalan sila.


Kinumutan muna niya si Princess bago tumayo at dumeretso ng restroom. Paglabas niya, nasa labas na si Jed.


“Goodmorning, pare.” bati nito. “Musta naman ang lasing?”


“As if naglasing nga ko. Si Princess ang lasing.”


“Speaking of Princess, siya na lang ang tulog sa sala.”


“Hah? Ang himbing pa ng mga tulog nila Xander, ah.”


“Alam mo naman ang mga ‘yon. Kahit galing sa inuman at sobrang lasing, maagang nagigising. Ang iingay pa nila.” Pumasok na ito ng cr.


Tama nga ang sinabi ni Jed. Pagbalik niya ng sala, gising na sila Xander. Pero mali ang sinabi nito, yung mga lalaki lang ang gising. Tulog pa sila Princess. Ang iingay pa nila Xander nakitang may natutulog pa.


“Hoy mga tukmol! Do’n nga kayo sa garden at magligpit ng kalat ninyo do’n. Nakita ninyo ng may natutulog pa, ang iingay ninyo.” utos niya.


 “Ano ba ‘yan, ang ingay ninyo naman...” Si Mai ang nagising. Pupungas-pungas na bumangon ito at dumeretso ng kusina. Naalimpungatan pa ata.


“Sino ang maingay, Aeroll?” nang-aasar na tanong ni Allen.


“Kayo. Kaya tumayo na kayo diyan at ligpitin ang kalat ninyo sa likod.”


“Inaantok pa kami, eh.” Nagtulug-tulugan pa ang mga ito.


“Lagot kayo kay Lola Conchita pag nakita niyang ang daming kalat sa likuran, mahala niyang hardin. Palo kayo sa pwet.”


Mabilis pa sa alas-kwatrong nagsipagtayuan ng mga ito. Nilingon niya si Harold. “Ikaw, pinsan, wala ka bang balak tulungan sila?”


“Kaya na nila ‘yon. Babantayan ko pa ang honey ko.” Humiga uli ito at niyakap ang natutulog na si Cath.


Kumuha siya ng unan at binato dito, kaya lang sa halip na dito tumama, tumama kay Kristine ang binato niyang unan. Nagising tuloy ang pinsan niya. Pero sa halip na magalit at nagpasalamat pa ito. “Thank you sa pang-gigising, Aeroll.” Nakangiti pa ito.


“Hanep ka talaga, Kris. Binulabog na nga ang pagtulog mo, nakangiti ka pa. Kung ako ‘yon, binato ko siya ng sofa.” sabi ni Harold.


“May pasok pa kasi ako ngayon kaya buti na lang ginising ako ni Aeroll.”


“Binato ka niya ng unan, hindi ginising ng maayos.”


“At least nagising ako.” Tumayo na ito. “Si Mai?” tanong nito.


“I’m here.” Nasa likuran na niya si Mai.


“Uwi na tayo, Mai.”


“Yak! Hindi ka ba man lang maghihilamos? Lalabas ka ng ganyan ang itsura mo?”


“Ano namang problema sa itsura ko?”


“Mukha kang bruha.”


Inayos lang ni Kristine ang buhok nito bago hinila si Mai. “Uuwi na kami, Aeroll. See you next time. Pakisabi na lang kina Princess na thank you sa bonding, ah. May pasok pa kasi kami mayang eight, eh.”


“Wait lang, Kris. Magpapaalam lang ako kay Jed.”


“Nasa America si Jed noh!”


Nagulat siya ng magsalita si Shanea, nakapikit na tumayo at humiga sa isang sofa.


“Anong America ang pinagsasabi no’n?” tanong ni Mai sa kaniya.


“Nasa cr lang siya. Naalimpungatan lang ata si pandak.”


“Tara na, Mai. Magkikita pa kayo, kaya don’t worry. Pag hindi na kayo nagkita, sundan mo siya sa Bulacan. Ba-bye guys!”


“Talaga! Susundan ko siya sa Bulacan!”


Hinila na ni Kristine si Mai palabas ng bahay. Malapit lang naman ang bahay ng dalawa.


Nakangiting tumango siya. “Salamat kagabi. Ingat kayo!” Napatingin siya sa isang bakanteng sofa at kay Princess. Nilapitan niya ito. Pero bago pa niya ito mabuhat at ilipat sa sofa ay naunahan na siya ni Harold.


“Better luck next time, insan.” nakangising sabi nito. Inayos muna nito ang pagkakahiga ni Cath sa sofa bago dumeretso ng kusina.


Napapailing na inayos na lang niya uli ang kumot ni Princess bago sumunod kay Harold.


* * * * * * * *


Nasa garden uli sila at nag-aalmusal. Gising na sina Lola Conchita at Kuya Michael niya. Halos kakatapos lang nilang magluto ni Harold ng almusal ng magising ang mga ito. Pero sila Princess, tulog pa din. 


“Nagtoothbrush ka ba, Xander?” tanong ni Allen.


“Two times akong nag-toothbrush noh! Amuyin mo pa.” Hiningahan pa ni Xander si Allen.


“Kadiri ka, pre.”


“Mas kadiri si Paulo. Tingnan mo naman ang bagong experiment niya.”


Napatingin siya sa ginagawa ni Paulo. Ginawa nitong palaman ang ketchup, mang tomas at hot sauce.


“Anong lasa niyan?” nakangiwing tanong niya. Ito ang kasundo ni Kristine sa mga ka-weirduhan, eh. Mas malala nga lang ito ng konti.


“Gusto mo?”


Umiling lang siya.


“Ikaw, Harold?”


Umiling lang din ito.


“Eh, kayo?” tanong nito sa iba pang kasama nila. Sabay-sabay na umiling ang mga ito. “Okay, ako na lang.”


Kumagat ito at sabay-sabay pa silang napa- “Eeeew!” ng mga kasama niya pati ni lolo’t lola.


“Arte ninyo naman!” Nilingon nito si Morris na no comment lang at kanina pa tahimik na kumakain. Back to his real self. “Ba’t ang tahimik mo, Morris James?”


Umiling lang ito. “Hindi na ko iinom.”


“Sus! Yan naman lagi ang speech mo kinabukasan pagkatapos mong malasing, eh. wala namang bago. Itong experiment ko ang bago.”


“Basta, hindi na ko iinom.” Napahawak pa ito sa ulo nito.


Pustahan, iinom pa din ito. Tama si Paulo. Linya lang ni Morris ang ‘hindi na ko iinom’.


“Goodmorning! What’s for breakfast?”


Umupo si Shanea. Kasama nito si Cath.


“Si Princess?” tanong niya.


“Tulog pa din si bhest. Ang sakit ng ulo ko.”


Tumayo siya at nag-excuse. “May kukunin lang ako sa kusina.” Humakbang na siya papasok ng bahay.


“Inumin mo muna ‘tong aspirin, hon. Ikaw kasi, eh. Hindi tuloy ako nakainom ng marami kagabi dahil binabantayan kita. Ikaw, Shanea, hindi ba masakit ang ulo mo?”


“Hindi kuya. Ang tiyan ko ang masakit dahil sa gutom.”


Nakapasok na siya ng bahay pero hindi siya sa kusina dumeretso. Sa sala siya dumeretso. Ang himbing pa din ng tulog ni Princess. Maingat niya itong binuhat at nilipat sa sofa. Kinumutan niya uli ito at binigyan ng mayayakap na unan. Hindi man lang ito nagising.


“Ang tagal mo namang magising.” Halos kakatalikod lang niya ng makadinig siya ng tila may bumagsak. Paglingon niya, nasa baba na si Princess. Tulog na tulog. Napailing na binuhat uli niya ito at binalik sa sofa. Hindi na siya umalis at umupo na lang sa baba at sumandal sa sofa na kinahihigaan nito. Kinuha niya ang phone niya at naglaro na lang ng temple run habang hinihintay itong magising.


Fifteen minutes na ang nakakalipas ng...


“Aray...”


Nilingon niya si Princess. Nakahawak ito sa ulo nito.


“Gising ka na pala.”


Lumingon din ito sa kaniya.


“Goodmorning, prinsesa.”


* * * * * * * *


( Princess’ POV )

 “Aeroll?” Nilibot niya ang tingin niya. Nasa sala pala siya at sa sofa nakahiga. Mag-isa. Asan na yung mga kasama niya? “Sila Cath?”


“Nasa garden.”


“Bat nandito ka?”


“Hinihintay kitang magising. Baka kasi mahulog ka sa sofa kaya binantayan muna kita.”


Napapikit siya sa sinabi nito. Aeroll... Parang nawala ang sakit ng ulo niya sa sinabi nito. Ang weird pero ‘yon ang naramdaman niya. Sinubukan niya uling tumayo kaya lang yung ulo niya. “Ang sakit...”


“Wait lang. Ikukuha lang kita ng gamot.”


Sinubukan niyang umupo. At habang hinihintay si Aeroll, inisip niya ang nangyari kagabi. Kaya lang sa tuwing iniisip niya, sumasakit lang ang ulo niya. Paano kaya siya nakarating dito? Alam niya, lasing na lasing siya kagabi. At kilala niya ang sarili niya, kung sa’n siya nalasing, do’n siya mismo makakatulog. Kaya kung iinom lang din siya at magpapakalasing, sa mismong bahay na niya. At saka, kailan ba siya huling naglasing ng ganito? Hindi na nga niya matandaan, eh.



“Oh, inumin mo muna.” May inabot na gamot at baso ng tubig si Aeroll. Ininom niya agad ‘yon. Umupo ito sa tabi niya.


“Ahm, pa’no ko nakarating dito kagabi?”


“Binuhat kita.”


“Hah?”


Ngumiti lang ito bago tumayo. “After mong maghilamos, sumunod ka na lang sa garden. Nag-aalmusal na sila.” Tumalikod na ito.


“Aeroll.”


Lumingon ito.


“Thank you.” Sa pag-aalaga sakin. Kahit hindi ko alam kung bakit mo ginagawa ‘to.


“Bati na tayo?”


“Hindi naman tayo magka-away, ah.”


“Hindi nga pero iniiiwasan mo ko kagabi.”


Umiwas siya ng tingin. “Wag mo ng ipaalala ‘yon pwede?“


“Okay. Basta okay na tayo. Sumunod ka kaagad sa garden, hah. Baka maubusan ka ng pagkain ni pandak. Sobrang takaw pa naman no’n.”


Tumango na lang siya. Tumalikod na uli ito.


Ano bang nangyari kagabi? Baka may ginawa siyang nakakahiya. Mukha namang wala kasi dapat inasar na siya ni Aeroll. Tumayo na siya at dumeretso ng cr. Maalala din niya mamaya ang nangyari kagabi kapag nahimasmasan siya.


* * *

3 comments:

  1. LaSt n b tLaGa to aTey fOr thiS yeAr???? ateY bitiN muCh aKetCh,,,, keLaN b kSi tuLuyAng uusBong anG LoVeLifE nLa,,, aMinan n LnG kSi aNg kuLAng eE,,,

    ReplyDelete
  2. Wewait ka lang Nicole, hehe, there's more to come :)))))

    ReplyDelete
  3. bitin much ate.. pero ang cute ng UD!.. why is it ngayon ko lang nabasa to..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^