Wednesday, December 19, 2012

Aeris: Kabanata III


Kabanata III


Ang pagaaklas




Nasa rooftop naman siya ngayon pero di kasama si Reno. Abala ito sa kalilipit ng gamit para sa paglalakbay patungo sa central rhapsudos. Labis na inggit ang pakiramdam niya. Di niya nga pinapansin ito tuwing kinakausap siya.







Malamig ang simoy ng hangin sa gabing ito kaso tila di niya nararamdaman dahil sa hinanakit na nararamdaman sa kapalaran. Pilit din siyang pinasisigla ng alitaptap sa himpapawid kaso ni isang guhit ng ngiti ay di nalalantad.







nakasuot siya ng bistida at jacket na sinulsi ni Edna sa kanya. Tila iiyak siya ng maalala ito. Nilalakasan niya lang ang loob para di magmukhang mahina. Isa siyang avalanche. Nasa dugo niya dapat ang katapangan.











"Ae?"si Reno yun nang matuklasan siya dito. Hindi siya sumagot. humakbang ito para umupo sa tabi niya.







"Bakit?"untag nito. Tumitig siya sa ibang direksyon. Nagpapakitang walang ganang makipagusap.







"Naiinis ako sayo dahil ikaw ang pinili! dapat ako dahil kailangan ako ni Ate!"nilabas niya ang nagaalab na saloobin.











"Patawad Ae,di ko naman alam na ako eh. gusto ko ngang makasama ka eh. bat ba ganito,naiinis na rin ako sa sarili ko."tugon nito.







"Pero hahanap ako ng paraan makasama lang ako."irap niya.







"isang paglalabag yon Ae."paalala ni Reno.







"Wala akong pakialam."insist niya.







"Mapaparusahan ka kapag ginawa mo yun."







"hindi na iyon mahalaga. Importante maligtas ko si Ate."hinuli niya ang alitaptap at tiniris iyon.







"Ae, nilalagay mo sa peligro ang buhay mo. Paubaya mo na si Edna sa akin. Magtiwala ka lang. Maliligtas ko siya."sabi ni Reno sa mataas na boses.







"Di iyon sapat. Ako dapat ang haharap sa Cynide na iyon dahil may kailangan siyang pagbayaran sa amin."







"Aeris! bat ang tigas ng ulo mo. Inaalala ko ang kalagayan mo. Wag ka namang pasaway!"mistulang ama niya ito kung umasta. Lalo siyang nairita dito.







"Pabayaan mo ako Reno! Hindi ikaw ang ama ko para manipulahin ako. May sarili din akong buhay at paninindigan kong may karapatan din ako sa mundong ito!"tumayo siya para layasan ito.







"Ae!"tawag ni Reno pero di niya ito pinansin tuloy-tuloy siyang pumasok sa silid na binigay ng counsel sa kanila.















Mamayang madaling araw ang alis ng the rouge kaya ito hinahanda niya ang dadalhing gamit. Sasama siya ng palihim. Susundan niya ito hanggang sa base. Tyempong pagkuha niya ng sea green na cloak na pinaman pa sa ina ay nakarinig siya ng omninious na footsteps. Papalis na si Sena. Nasa kabilang kwarto niya ito kaya madali niyang maramdaman.







Sinuot niya ang cloak. Ang uniporme ng UA ang usual niyang suot. Puro itim na kasuotan iyon na may pulang necktie. Sinabit niya sa byewang ang espada. sinuot din ang bag na laman ang lahat ng pangangailangan niya para sa paglalakbay na ito. Di din kasi madaling makapasok sa Rhapsudos dahil bantay sarado ng mga halimaw na nilikha ni Dane mula sa laman ng dating Hari ng Rhapsodus.







Marahan niyang binuksan ang pinto. Humkbang ng dahan-dahan. Mabuti,di maingay ang flat shoes na suot niya. Yari ito sa rubber eh.







Nasa hagdan na siya. Nakita niya ang kaunting liwanag sa labas. Nagtitipon na nga ang Rouge. Malapit na pala mag alas tres. Aalis na ang mga ito di kalaunan.







Narinig niya pa ang tawa ni Jeremie. Natatawa marahil sa walang humpay na pagbabangayan nina Sena at Caleope. Bumaba siya. Sinilip niya ang mga ito.







"magsitigil kayo! Di pa nga tayo nakakarating sa base nagpapatayan na kayo dyan. Paano gagana ang plano kung ganyan na lang kayo palagi?"saway ni Davich sa striktong boses. Di niya pa nikakasalamuha to kaya di pa siya sigurado kung mabait ito. Sabi sabi nila,suplado daw ito at palaging nasa complikadong pagkakataon. Di naman siguro,dont judge a book by its cover diba?







Tumahimik ang rouge. Naghuhunahang hininga ang naririnig niya ngayon.







"mabuti pa,dalhin niyo na ang kailangan niyong dalhin dahil aalis na tayo."narinig niya ang pagtili ng pintuan. Lumabas na nga si Davich. Nag ayos ang lahat at sumunod na lumabas. bumuntong hininga siya bago sinuot ang hood at sumunod sa mga ito.

1 comment:


  1. █▀███▀▀███▀▀███▀▀███▀▀███▀█
    █▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒█
    █▒▒█▒▒▒▒▒███▒▒█▒▒▒█▒█████▒█
    █▒▒█▒▒▒▒█▒▒▒█▒█▒▒▒█▒█▒▒▒▒▒█
    █▒▒█▒▒▒▒█▒▒▒█▒▒█▒█▒▒█████▒█
    █▒▒█▒▒▒▒█▒▒▒█▒▒█▒█▒▒█▒▒▒▒▒█
    █▒▒████▒▒███▒▒▒▒█▒▒▒█████▒█
    █▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒█
    █▒▒▒▒▒▒▒▒██▒▒▒▒▒▒▒▒██▒▒▒▒▒█
    █▒▒▒▒▒▒▒█──█▒████▒█──█▒▒▒▒█
    █▒▒▒▒▒▒█──█─█────█─█──█▒▒▒█
    █▒▒▒▒▒▒█─██───────███─█▒▒▒█
    █▒▒▒▒▒▒█──────────────█▒▒▒█
    █▒▒▒▒▒▒▒█────────────█▒▒▒▒█
    █▒▒▒▒██▒▒█──██───██──█▒▒▒▒█
    █▒▒▒█──█▒█──██───██──█▒▒▒▒█
    █▒▒▒█──█▒█────███────█▒▒▒▒█
    █▒▒▒█──█▒█───█───█──█▒▒▒▒▒█
    █▒▒▒▒█──█─█───███──█▒▒▒▒▒▒█
    █▒▒▒▒▒█────██────██▒▒▒▒▒▒▒█
    █▒▒▒▒▒█──────████─██▒▒▒▒▒▒█
    █▒▒▒▒▒▒█───────────█▒▒▒▒▒▒█
    █▒▒▒▒▒▒▒███─────────█▒▒▒▒▒█
    █▒▒▒▒▒▒▒▒▒█──────█───█▒▒▒▒█
    █▒▒▒▒███▒▒█───────█───█▒▒▒█
    █▒▒▒█──████─────████───█▒▒█
    █▒▒▒█────█─────█────█─█▒▒▒█
    █▒▒▒█─────█────█────██▒▒▒▒█
    █▒▒▒█──────█───█──────█▒▒▒█
    █▒▒▒▒█─────██████─────█▒▒▒█
    █▒▒▒▒▒█──███▒▒▒▒█─────█▒▒▒█
    █▒▒▒▒▒▒██▒▒▒▒▒▒▒▒█───█▒▒▒▒█
    █▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒███▒▒▒▒▒█
    █▒▒▒▒█▒▒▒▒█▒▒███▒▒█▒▒▒█▒▒▒█
    █▒▒▒▒▒█▒▒█▒▒█▒▒▒█▒█▒▒▒█▒▒▒█
    █▒▒▒▒▒▒██▒▒▒█▒▒▒█▒█▒▒▒█▒▒▒█
    █▒▒▒▒▒▒█▒▒▒▒█▒▒▒█▒█▒▒▒█▒▒▒█
    █▒▒▒▒▒█▒▒▒▒▒▒███▒▒▒███▒▒▒▒█
    █▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒█
    █▄▄█▄▄██▄▄█▄▄█▄▄█▄▄██▄▄█▄▄█

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^