Kabanata II
Nasa Underground academy sila matapos ang pagsalakay ng hukbo ni Cynide. May kaunting natirang mamamayan pero halos may sugatan. Naroon ang medic,si Khiufas ang nangunguna sa paggamot. Katabi niya si Reno na kanina pa naiinis kay Khiufas sa paggamot ng sugat nito. Samantala si Aeris ay wala sa sariling tinitigan ang amethystien diamond.
"di na sila na kontento sa pagkuha sa pamilya ko. Pati si Ate ipagkait pa nila sa akin."bulong niya sa sarili.
"ano ba khiufas,dahan dahan naman oh."ingos ni Reno.
"galos lang to tol! Wagas mong maka-react."nakakunot noong saad ni Khuifas.
"Diniin mo kaya."tinapunan ni Reno ng masamang tingan ang gwapong si Khiufas na may white hair,16 years old. The youngest Alchemist "daw" sabi ni Mr. Oreally dahil magaling sa paggamit ng natural element para manggamot. Matatawag na itong Healer kaso di boung-bou. One fourth na lang natira dito kaya minsan pumapalpak ang paggagamot nito.
"Aeris?"napuna siya ni reno. Hindi niya pinansin ito.
"Maghihiganti ako."dugtong niya.
"Aeris."mahinang pahayag ni Reno. "Wag kang magalala. Maibabalik din natin ang ate mo."
Napatitig siya dito habang nagingislap ang mga mata.
"Magtiwala ka."punong-puno ng determinasyon pahayag ni Reno kaya napahatak ang lakas ng loob ni Aeris. Tumayo siya para yapusin nito. Gumuhit sa labi ni Reno ang ngiti habang hinihimas ang likod niya.
Maya-maya'y tumunog ang emergency buzzer dahilan sa pagkawalay nila. Niligpit kaagad ni Khuifas ang mga gamit.
"All avalanche proceed to brethern hall. All avalanche proceed to brethern hall."announce ng babae sa emergency buzzer.
kinuha niya ang espada. Tinali ang buhok. Tumayo din si Reno kahit kumikirot pa ang sugat nito sa binti. Nasa hallway na sila pero parehong tahimik. Nasa anticipation niya,bakit ba sila pinapatawag ng counsel? simula na ba ito ng misyon? Sana siya ang mapili para maibalik si Edna.
halos di mahulugan ng karayum ang muling pagtitipon ng mga avalanche. Oo,maliit ang kumunidad nila pero marami ang bagong pinanganak na avalanche. Naroon na din sina Sena at Caleope na di pa rin nagpapansinan. Tahimik ang lahat sa paghihintay ng paglabas ng quizmaster Tori Fondo.
Napakapit siya sa hawakan ng espada. Napabuntong hininga. Kinakabahan sa magiging anunsyo ni Tori. Sana siya ang mapili.
"Avalanche!"tumayo ng matuwid ang lahat nang marinig ang mala-kapring boses ni Tori."kani-kanina lang ay napasalakay tayo. Kani-kanina lang ay maraming namatay at nakuha pa ang star healer natin. Senyales iyon na wala na tayong depensa at di na tayo ligtas sa bayang ito. Kaya ngayon napagdesisyonan naming bumuo ng grupo para simulan ang pagrebilyon sa rhapsodus! Panumbalikin natin ang Rhapsudus! Pupuksain natin ang halimaw na yon! Oras na para mapagbayaran ang dugong kinuha nila sa atin!"
Nagpalitan ng tingin ang lahat pero walang ingay na nililikha.
"Gayunpaman,hahatiin ko kayo sa apat na grupo. Ang unang grupo ay tatawagin kung The Rouge na may myembrong lima..misyon nilang tumungo sa palasyo ni Danes para mang ispeya,sirain ang bumbuhay dito at iligtas ang star healer." napangat siya ng tingin. Yung grupo na yan,ang gusto niyang salihan. "ang ikalawa ay The Shooters,sila ang magdedepensa sa bayan. Ang ika tatlo ay The Comforter,ang magaalaga at mangagamot sa lahat. At ang ika-apat ay The Insurgent,misyong niyong salakayin ang palasyo ni Dane matapos masira ang nagpapabuhay dito."
Tori went on,"Oras na para mamili!"bumilis ang tibok ng puso niya. Nanlamig ang palad niya. Namumuo ang pawis sa noo niya. Hiniling niyang mapili siya sa The Rouge. Ang pinakadilekadong misyon sa lahat.
"As I called your name,please step forward!"instruction nito.
"Sena Di Artigan!"napangiti si Sena habang humahakbang patungo sa harapan.
Naiinis siya kasi un ang makakasama niya kung sakaling mapili man siya. Matigas pa ang ulo. Sobrang ma-pride.
"Caleope Brethren!"lumaki ang mata ni Caleope halos ayaw maniwala sa narinig. Nag step forward ito at binigyan naman ng nakakahamong titig ni Sena. mortal enemy nga sila.
"Reno Bradford!"napabaling siya kay Reno na may tahimik na mukha pero nakikita ang kaba sa naninilim na blue eyes.
Humugot siya muli ng malalim na hinga. Dalawa na lamang. Sana mapasama siya.
"Jeremie Hymitch!"bumaling siya sa right side para tingnan ang may punk hair,malaking muscle,may peircing ang tenga at itaas ng kilay. May tattoo ng dragon ang mala-binti nitong kamay sa kanan. Halos 5'9" ang taas. May dala itong maso habang seryosong humakbang sa harapan.
dinagundong na ang buong katawan niya. Sana..sana..sana..siya ang panghuli.
"Tobias Claymorn!"hindi siya ang tinawag. Natunaw ang puso niya kasabay ng paglaho ng liwanag sa kanya. Bakit? Bakit? Sinasadya ba ito ng tadhana. talaga bang minamalas siya para mabuhay sa mundong ito. Mabuti pang mamatay na lang kaysa magduhsa.
Ang skinny at maputing lalaki na may salamin ang tinawag. Magaling iyon sa technology kasi puro cumputer ang nasa utak nito. Palagi ngang tumiliban sa klase nila. Mahina ito,matatakutin. Mauuwi lang sa wala ang rebelyon nila kung magtitiwala sila dito.
Bat ganoon ang iisip niya. Iniisipan niya ito ng masama. May kakayahan din man ito dahil nauuso na ang technolohiya sa palasyo ni Danes. Pasalamat ito dahil may katalinuhan.
humakbang sa gitna si Tobias. Napatiim bagang siya habang kinukuyom ang kamao. Di pwedeng mangyari to. Napaatras siya. Tatakbo. Lalayuan ang pangyayaring ito.
"Saan ka pupunta?"sita ng peace officer sa kanya. Nalimutan niyang may mga gwardya pala.
"Wala."tinalikuran niya ito para bumalik sa dating pwesto.
"Si Davich ang magiging team captain."sabi pa ni Tori. "Binibigyan ko na kayo ng panahon para pagplanohan ang misyon niyo. maari na kayong umalis."
Tumango si Davich. Ang imbentor ng lahat na potion magiging team captain. Pwede ba yun? Kalokohan ata lahat ng to eh. Niyaya nito ang mga myembro na tumungo sa isang silid. Tumango ang lahat at sumunod sa dito.
"Ang sa susunod na grupo..."patuloy ni Tori. Tahimik lang siyang nakikinig sa quizmaster hanggang matapos ang paghahati. Sa kasamaang palad, napapad siya sa The Comforter. Ang pinakaayaw niya sa lahat. Ayaw niya kasing mabulok sa lugar na ito na wala namang ginagawa para mailigtas ang kapatid. Di siya makakapayag sa kapalarang ito.
Dala ng masamang pakiramdam,nilisan niya ang brethren hall para tumungo sa classroom at doon humikbi.
>>> CHAPTER 3 HERE
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^