Monday, December 10, 2012

Love at Second Sight : Chapter 34

CHAPTER 34
( Aeroll’s POV )

“Pwede ka ng mag-asawa, ah.” sabi niya kay Princess. Nakaupo ito sa gilid ng kama, samantalang nakahiga siya sa tabi ni Sarah paharap dito. Busy ito sa pagpapalit ng diaper ni Sarah. Nasa kwarto sila ng Kuya Michael niya.


“Ba’t hindi pa kayo magpakasal ng boyfriend mo?” wala sa loob na tanong niya. Kumunot ang noo niya. Bwisit! Ba’t ko ba tinanong ‘yon?! At bakit ako naiinis ng ganito?


Bahagya itong napahinto sa ginagawa nito na tila may iniisip. Eto na naman ‘to, ba’t ba lagi niyang napapansin na parang may iniisip ito na kung ano tuwing nababanggit niya ang salitang ‘boyfriend’. “Prinsesa.”


“Hah? Sorry, ano ulit ‘yong tanong mo?”


“Wala. Ayoko ng ulitin!”


Nagsalubong ang kilay nito. “Ba’t ganyan na naman ang tono ng boses mo?”


“Eh, ba’t ganyan din ang tono ng boses mo?”


“Alam mo, bumaba ka na lang nga kesa kulitin mo pa ko dito. Nakatulog na nga sila Russel, ikaw naman ang pumalit.”


“Nangungulit ba ko? Hindi naman.”


Hindi na ito sumagot. Tumahimik na lang din siya. Lihim na lang niyang pinagmasdan ‘to. Bakit ba tuwing nababanggit ko ang boyfriend niya, nagbabago ang timpla niya? Mag-kaaway ba sila ng boyfriend niya?


Katulad kanina nung nasa bahay pa sila. Nadinig niya ang pag-uusap nito at ni Cath ng kakatok na siya. Ang lakas naman kasi ng mga boses.


Bakit, bhest?”


“Tumatawag pala si ate. Yung phone ko, limang araw ng naka-off. Baka kasi kontakin ako ni James kaya wala sa loob na ini-off ko. Ayoko siyang makausap.”


Mukhang may LQ si Princess at ang boyfriend nito. Tapos sa kaniya binubuhos ang inis nito. Katulad kanina na bigla na lang nagbago ang isip nito na hindi na ito sasama. Gano’n na lang ba ‘yon? Sa sobrang inis niya tuloy, nataasan niya ito ng boses. Tapos nakonsensya naman siya bigla ng makita niya itong umiiyak. Parang gusto niyang batukan yung sarili niya.


Kaya nga mas pinili na muna niyang sa likuran nito umupo ng nasa van na sila at hindi na muna ito kinausap. Tahimik lang din kasi ito. At baka masigawan pa siya nito pag kinausap niya. Mukhang wala din ito sa mood kanina.


Naalala niya ang nangyari kanina ng maging human pillow na naman siya.


Nakasandal siya sa upuan niya ng mapansin niyang halos mabali na ang ulo ni Princess na nakasandal sa upuan nito. Mukhang nakatulog na ata. Lumipat siya ng upuan at tumabi dito. Inayos niya ang pagkakasandal ng ulo nito sa upuan.  Kaya lang sadyang magulo lang talaga ito matulog dahil sa balikat niya ito sumandal. At katulad ng nangyari sa bus nung magkasabay sila papunta ng Batangas port, napayakap ang isang kamay nito sa beywang niya at siniksik pa ang ulo sa pagitan ng leeg at balikat niya. Napagkamalan pa ata siyang unan.


Para tuloy siyang naestatwa sa upuan niya. Napansin pa niya si Mang Kanor sa rear view mirror na ngiting-ngiting nakatingin sa kanila.


“Ang gulo ho talagang matulog nito. Dapat dito laging may dalang unan, eh.”


“Nandyan ka naman, Prince, para maging unan niya.” tukso pa nito. Maski ito, hindi Aeroll ang tawag sa kaniya. Parang si Manang Fe. Si Manang Fe nga lang, kung ano ang maisipan sa Prince o Aeroll, ‘yon ang itatawag sa kaniya. Sila lola naman kasi, Prince ang tinatawag sa kaniya. Sabagay, bagay naman sa kagwapuhan niya.


“Diba, Prinsesa?”


“Hmm...”

“Is that a yes or a no?”


Kaya laking gulat niya ng sumagot ito ng, “No...”


Teka! Tulog naman ‘to, ah. Sinilip niya ang mukha nito. Tulog nga. Ang himbing ng tulog. Mukhang nananaginip na naman. At hanggang sa panaginip, laging kontra sa sinasabi niya.


Hindi niya mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ito. She looked peaceful while sleeping. Parang hindi ito yung Princess na nagsusungit, nagtataray, nambabara, nang-iirap at namamalo sa kaniya. She looked innocent. And she looked like an angel.


Hindi niya tuloy mapigilang haplusin ang pisngi nito.


“Anong nginingiti mo diyan?” May pumitik sa noo niya.


Napakurap siya. “Hah?” Nahuli pa ata siya nitong parang ewan na nagde-daydream at nakangiting ewan.


“Anong hah ka na naman diyan?”


“May naalala lang ako.”


“At parang ayaw ko yang naaalala mo base sa pagkakangiti mo.”


He grinned. “Gusto mo bang malaman?”


“No, thanks.” Nang may madinig siyang nag-riring na phone. Kinapa niya ang phone niya sa bulsa. Hindi naman ‘yon.


“Ate!”


Napalingon siya kay Princess.


* * * * * * * *


( Princess’ POV )

Nilalaro niya si Sarah. Kakatapos niya lang palitan ang diaper nito. Nilingon niya si Aeroll ng mapansin niyang napakatahimik nito. Akala nga niya nakatulog na ‘to dahil nakahiga ito sa kama. Kaya paglingon niya, bahagya pa siyang napaigtad ng makitang nakatitig ito sa kaniya. Tagus-tagusan pa ang tingin nito. Nakakailang kaya!


Pinitik niya ang daliri niya sa harap ng mukha nito. Wa effect pa din. Unti-unti itong ngumiti. Kumunot ang noo niya. Hindi ko gusto ng ngiti nito, ah.


“Anong ngini-ngiti mo diyan?” Pinitik niya ang noo nito. Tingnan natin kung hindi pa ‘to magising sa  pangangarap nito ng gising. Mukha kasing malayo na ang nalakbay ng isip nito.


Kumurap ang mata nito. Nagising na din. “Hah?”


“Anong hah ka na naman diyan?”


“May naalala lang ako.”


“At parang ayaw ko yang naaalala mo base sa pagkakangiti mo.”


He grinned. “Gusto mo bang malaman?”


“No, thanks.” Nang maramdaman niyang nag-ring ang phone niya. Nakita niyang ate niya ang tumatawag. Mabilis niya ‘yong sinagot.


“Ate!”


“Bakit naman inoff mo ang phone mo? I’m so worried na baka kung ano na ang nangyari sa’yo.” Sermon kaagad, ano ba yan!


“Wait lang, ate.” Lalayo na sana siya para pumunta sa bintana, kaya lang si Sarah nakakapit na naman. Sa kamay niya. Nang inalis niya ang kamay nito, nagsimula itong umiyak.


“Sino ‘yong umiiyak?” tanong ng ate niya.


“Si Sarah, ate.”


“Sinong Sarah?”


“Wait lang, ate, ah.”


Nilingon niya sa Aeroll. “Aeroll, paki naman si baby, oh. Kausapin ko lang si ate. Umiiyak pag binibitawan ko, eh.”


“Sino naman si Aeroll?” tanong na naman ng ate niya. Para talaga itong reporter kung magtanong.


“Sige, Prinsesa. Ako ng bahala sa makulit na ‘to.”


“Prinsesa? Ba’t prinsesa ang tawag sa’yo?” Hindi niya alam kung matatawa o ano ng magtanong na naman ang ate niya. Napakadaming itatanong nito maya-maya, sure ‘yon.


Pumunta na siya sa tabi ng bintana. Sinimulan niyang ikwento kung bakit naka-off ang phone niya, inulit niya lang dahilan sa e-mail niya. Saka na niya iku-kuwento ang tungkol kay James. Kapag nagkaharap na sila ni James.


Sinabi din niya kung sino si Sarah at kung sino si Aeroll. Ang alam lang kasi ng ate niya, Si Cath ang kasama niya at magbabakasyon sila sa probinsya ng boyfriend nitong si Harold. Sinabi din niya kung nasa’n siya ngayon dahil alam niyang tatanungin nito ‘yon.


“Next time, wag mong i-ooff ang phone mo. Kung i-off mo man, mag email ka sakin, okay? Nang hindi ako mag-alala sa’yo.”


“Yes, ma’am!”


“Yes ma’am, yes ma’am ka diyan.”


Napangiti siya. “I miss you, ate.”


“I miss you, too, sis. Mag-iingat ka diyan, okay. Diyan kami mag-ki-Christmas nila Jacob at Kyle.” Thirty five years old, half-Filipino, half, Canadian na asawa nito ang tinutukoy nito. At ang one year old son nito, ang kaniyang napaka-cute na pamangkin.


“Ate, summer pa lang. Masyado kang advance, baka hindi naman matuloy.” Last Christmas kasi, hindi natuloy ang mga ito. So she spent her Christmas with Cath’s family.


“It’s already fixed, Princess. Matutuloy kami.”


“Sure ‘yan, ate?” Gusto niya lang manigurado. Baka umasa na naman siya sa wala.


“Sure na sure.”


“Yehey!” Napatalon pa siya. Napalakas pa ang boses niya. She’s so happy! Huling pagkikita nila ng ate niya was two years ago. Wedding ‘yon ng ate niya at pumunta siya sa Canada. Nagkikita naman sila via skype. Pero iba ang personal.


Napalingon tuloy siya kay Aeroll. Nagtatakang nakatingin ito sa kaniya. Nginitian  niya lang ito bago nakapag-kwentuhan sa ate niya.


“Pasalubong ko, ate, ah.” Umandar na ang pagiging bunso niya pagdating sa ate niya.


* * * * * * * *


( Aeroll’s POV )

Nagulat siya at napalingon ng mapa- “Yehey!” si Princess. Napalingon din ito sa kaniya. Kaya laking gulat niya ng sa halip na irapan siya nito ay nginitian siya nito ng matamis.


Mukhang maganda ang mood ng Prinsesa, ah. May good news sigurong nalaman mula sa ate niya.


Ang kwento ni Cath nung nasa resort pa sila, nasa Canada na daw ang ate ni Princess ng mag-college ito. Mag-isa lang daw ito sa bahay.


Nakayanan nito ‘yon? Bata pa ‘to no’n diba? Ang tapang nito to live by herself. Sabagay magkapitbahay lang sila ni Cath. Pero yung tipong mag-isa lang lang talaga sa bahay, without her parents living with her tapos babae pa siya. And in Princess’ case, her both parents was dead.


Nalaman niya din kay Cath na after highschool graduation, namatay ang mama ni Princess. Nabalitaan niya ang news na ‘yon, eh. Yung barkong pa-byahe ng Aklan, lumubog. Kaunti nga lang ang nakaligtas noon. At sa pagkakaalam din niya, doon din namatay ang asawa ni Manang Fe.


Halos katulad din ng kwento ni Princess ang nangyari sa anak ni Manang Fe. Parehas silang nakaligtas, namatay naman ang magulang nila. In Princess’ case, wala na siyang ama ng mga panahong ‘yon. Tapos nawalan pa siya ng ina.


Hindi niya alam kung pa’no nakaya ni Princess ang nangyari no’n, dahil nakayanan pa nitong mag-aral ng college isang buwan matapos ang nangyari. Idagdag pa na pumunta ng Canada ang ate nito para magtrabaho. At naiwan itong mag-isa.


Kaya nga ginawa niya ang lahat just to helped Princess to overcome her fear. Tinulungan niya itong matutong lumangoy. Yun nga lang, floating pa lang ang natutunan nito. Sa kaso kasi nito, hindi ‘yon gano’n kadali. But at least, kahit papano, medyo nawala ang takot nito. It was not easy for her to do that based on her experience, pero kakaiba nga kasi si Princess. She’s a tough woman.


“Baby, na-miss mo si Tita?”


Nakalapit na pala si Princess ng hindi niya namamalayan. Buti na lang this time, kay Sarah siya nakatitig habang naglalakbay na naman ang utak niya.


“You look happy, Prinsesa. Pa-cheese burger naman diyan.”


“Corny mo.” But the smile on her face didn’t fade. ”Uuwi kasi si ate this  Christmas. Two years ago ng huli kaming magkita nung kasal niya sa Canada. Sobrang na-mimiss ko na siya. Gusto ko na ding makita ang pamangkin kong si Kylie. At ako ang nagpangalan sa kaniya.”


Na kay Sarah ang atensyon nito habang nagku-kuwento. At hindi siguro nito napapansin na ang daldal na nito. She’s definitely happy. Kaya hinayaan niya lang ito sa pagku-kwento.


“Baby Sarah, you want to meet my nephew? Bagay kayo. You two are cute.”


Nag-playing cupid pa ang Prinsesa. “Ay naku, dadaan muna sakin ang mga manliligaw kay Sarah.”


“Huh? At bakit? Daddy ka ba ni Sarah?”


“She’s my niece.”


“But you’re not his daddy.”


“But she’s my niece.”


“Whatever.”


“Whatever din.”


“Baby Sarah, nang-aaway si Tito.”


“Baby Sarah, nang-aaway si Tita.”


Sabay pa silang nagsumbong sa walang kamuwang-muwang na bata na humagikgik lang.


“Para tayong sira.” sabi niya.


“Ikaw lang noh.”


“Oo na. Ako na naman. Lagi na lang ako! Ako! Ako!”


“Ang drama mo!” Sinabayan pa nito ng tawa.


Hindi niya tuloy mapigilang pisilin ang ilong nito. She was just so cute! Para siyang sira sa ginagawa niya, alam niya.


“Aray naman!”


“Hindi naman masakit, ah. Ito ang masakit.” Pinanggigilan niya ang magkabilang pisngi nito.


“Aeroll!” Umiwas ito sa kaniya. Sa kakaiwas, nahulog tuloy ito sa sahig. “Aray! Yung wetpu ko...”


Mabilis siyang lumapit dito. “Okay ka lang?”


Nagulat siyang tumawa ito ng mahina. “Okay lang.”


“Nahulog ka na nga, nakatawa ka pa. Patingin nga.”


“Ano ka?” natatawang umiwas ito sa kaniya.


“Prinsesa, okay ka lang ba? Ba’t ba tawa ka ng tawa?”


“May naalala lang ako.”


“Ano?”


Umayos ito ng upo. “Kasi nung mga bata pa kami ni ate, madalas kaming magharutan sa kama. Lagi siyang talo at madalas na nahuhulog sa kama. Tapos dahil mabait ako, tutulungan ko siyang makatayo. Tapos si ate, kikilitiin ako ng kikiliitin bilang ganti. Tapos si papa at mama, papasok ng room namin at makikisali samin ni ate. Nakaka-miss talaga sila. Sobra.” Nawala na ang ngiti nito. Para pa nga itong maiiyak.


“Princess...” Ang alam niya kasi, kung pwedeng iwasan, iniiwasan nito ang maging topic ang pamilya nito. Pero ngayon...


“Tapos si mama—” Niyakap niya ito. Maski siya nagulat sa ginawa niya. Eh, anong gagawin niya nakayakap na siya. “Aeroll...”


“Wag ka ng mag-kwento, okay. Kung masasaktan ka lang, wag ka ng mag-kwento.”


“Hindi naman—”


“Shhh...” Mas hinigpitan pa niyang lalo ang yakap dito.


* * * * * * * *


( Princess’ POV )

“Aeroll...” Syete! Hindi ba dapat lumayo siya dito? Pero anong ginagawa niya? Parang nag-eenjoy pa siya sa yakap nito! Hindi na pwede ‘tong nangyayari sa kaniya. Kakaiba na ‘to, eh. Yung nag-uunahan sa pagtibok ang puso niya kasabay ng sayang nararamdaman niya habang yakap siya ni Aeroll.


Pero bakit ganito? Ayaw sumunod ng sarili niya sa gusto niya.


Unti-unting humiwalay si Aeroll sa kaniya. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya. “From now on, ayoko na uling makikita kang nasasaktan. Mas gusto kong nakatawa ka, mas gusto kong nakangiti ka.”


Aeroll...


Hanggang sa lumiit ang distansya ng mga mukha nila. Bumagal din ang paghinga niya kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso niya. Napatitig siya sa mga labi nito. At naramdaman na lang niyang pumikit na din ang mga mata niya.


Anong ginagawa mo, Princess? Do something! sulsol ng isang bahagi ng isip niya.


Nang maramdaman niyang halos magdidikit na ang mga labi nila. Bigla niyang idinilat ang mata niya. “May boyfriend na ko!” Iyon ang lumabas sa bibig niya.


Hindi lang kumunot ang noo nito. Nagkasalubong pa ang mga kilay nito. “Shit!” He sighed. Deeply. “Sorry. I forgot. May...may boyfriend ka na nga pala.” Dahan-dahan siya nitong binitawan at lumayo sa kaniya. Hindi siya makatingin ng deretso kay Aeroll. Ramdam niyang namumula ang mukha niya. Nakakahiya! Mabilis siyang bumalik ng kama at nilaro si Sarah.


Sakto namang bumukas ang pintuan. Si Kuya Michael! Buti na lang at nakapag-isip-isip pa siya. Paano na lang kung abutan sila nito ni Aeroll na nag... Nakakahiya! Parang gusto niyang batukan ang sarili niya.


“Aeroll, may dumating na bisita sa baba.”


“Okay, kuya. Susunod na ko.” Lumabas na si Kuya Michael. Ramdam niyang nakatingin si Aeroll sa kaniya. Akala niya aalis na ‘to pero napaderetso siya ng upo ng lumapit pa ito sa kaniya at hawakan ang ulo niya.


Aeroll naman!!


Napapikit siya ng mata. Akala niya may sasabihin pa ito sa kaniya pero tumalikod na din agad ito at lumabas ng kwarto. Nakahinga siya ng maluwag.


Tiningnan niya si Sarah. “Baby, ano ba ‘tong nangyayari kay Tita?”


Asual. Humagikgik lang si Sarah. She sighed.


* * *

2 comments:

  1. IbaNg kLAse n tLgA yaN aeRoLL at PrinCess,,, aNg mbuTi p kAsi ipAtaPon n yaNg jAmes n yaN parA wLa ng ePaL s kniLa,,, wLa nMaN gnWa uN kUndi saKtan c pRinceSs eeE,,,

    ReplyDelete
  2. lumelevel up!!! muntikan na yun oh!! sayang!.. hahah.. so ganun pala ung history ni princess kaya ganyan sya..

    paglumabas na si james,sigurado.. selos much si aerol!! haha..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^