Friday, December 14, 2012

Love at Second Sight : Chapter 35

CHAPTER 35
( Princess’ POV )

Papunta siya ng kusina ng masalubong niya si Aeroll. Akala niya nasa taas ito kaya nga siya ang nagpresintang kumuha ng ice cubes sa kusina. Tumalikod agad siya ng tawagin siya nito. Kanina pa sila nag-iiwasan. O mas tamang sabihin, siya ang kanina pa umiiwas dito. 



Nung nag-iihaw siya ng barbecue kanina, lumapit ito sa kaniya.


“Princess.”


Napalingon siya dito. Sabay iwas ng tingin. “Ba..bakit?”


“Ako na diyan. Mangangamoy usok ka.”


Mabilis naman niyang binigay ang pamaypay dito nang hindi tumitingin dito. 


“O..okay. Pasok lang ako sa loob. May sasabihin lang ako kay Cath.” Tinext ni Aeroll sina Harold na sumunod dito. “Sige, diyan ka na muna.” Mabilis siyang humakbang palayo dito.


“Princess.”


Napahinto siya ng hindi ito nilingon. Bakit Princess na lang? “Bakit?”


Matagal ito bago sumagot. “Wala. Nakalimutan ko na.”

 
Tapos kanina, pababa siya ng hagdan ng masalubong niya uli ito.


“Princess, may—”


“Nakalimutan ko pala yung phone ko sa tabi ni Sarah.” Tinalikuran na niya ‘to.


Mukhang ngayon, hindi na siya makakaiwas dito.


“Iniiwasan mo ba ko?”


Huminga muna siya ng malalim bago ito harapin. “Hindi, ah.” Dumeretso na din siya ng kusina at kumuha ng ice cube sa loob ng ref. Nasa labas na ang mga pinsan ni Aeroll at nag-iinuman. Halos lahat ata mga second degree cousin nito.


Lumapit ito sa kaniya. “Princess.”


Princess again! Nilingon niya ito. “So what’s with the Princess thing?”


“It’s your name, right?”


Pilosopo! Nakakuha na siya ng ice cubes kaya nilagpasan na niya ito pero humarang naman ito. “Mag-usap na nga muna tayo.”


Nakakainis naman ‘to! “Ano bang dapat nating pag-usapan? Kung yung tungkol kanina, walang nangyari kaya kalimutan mo na ‘yon.”


He sighed. “Kung hindi naman pala big deal ‘yon, bakit mo ko iniiwasan? Akala mo ba hindi ko napapansin? Sa tuwing magkakasalubong tayo, tinatalikuran mo ko.”


Umiwas siya ng tingin dito. “Akala mo lang ‘yon.”


“Eh, ba’t hindi ka makatingin sakin ng deretso?”


“Ba’t naman siya titingin sa’yo ng deretso, Aeroll?”


Si Shanea! Nasa bandang likuran ito ni Aeroll. Nakahinga siya ng maluwag. Parang gusto niyang pugpugin ito ng halik. Tinext din ito ni Aeroll para sumunod dito.


“We’re talking here, Shanea. Umalis ka na muna.” 


“Wow! Mukhang seryoso ka, hah. Tinawag mo ko sa pangalan ko, eh. Kukunin ko lang naman yung ice cubes. Ang tagal ni Ate Princess, eh.”


“We’re done talking.” Nilagpasan niya si Aeroll at hinawakan sa kamay si Shanea. “Let’s go, Shanea.” Hinila niya ito palayo.


“Pero nag-uusap pa kayo diba?”


“Wala namang kwenta yung pinag-uusapan namen, eh.”


“Hindi ba kayo bati?”


“Kayo ba ni Jed? Hindi din kayo bati?”


Sabay pa silang tumawa.


Kanina ng dumating ito, siya kaagad ang hinanap nito. Nakipag-chikahan ng kung anek-anek. Nagkasundo nga agad sila nito. At may isang bagay na sobrang pinagkasunduan nila, mahilig silang kumain. In short, matakaw.


“Nasan si Aeroll?” tanong ni Harold na makarating sila sa garden sa likuran ng bahay.


“Nagmumuni-muni.” sagot ni Shanea, sabay upo. Umupo na din siya sa tabi nito.


Nakapaikot silang labindalawa sa pa-rectangular na mababang mesa. Anim lang na pinsan ni Aeroll ang kasama nila, dalawang babae at apat na lalaki. May mga anak na kasi yung iba kaya hindi nakapunta. Halos kaedad nila ang mga kasama nila ngayon. At halos lahat, magaganda’t gwapo. Nakita na niya ang mga ito kanina, except the other two guys named Allen and Xander.


= = =

A/N: Ganito ang seating arrangement nila.

Jed     Aeroll       Cath      Harold  – Kristine
Mai                                                                                                     Xander
     Allen –   Paulo     Shanea   Princess – Morris

= = =


“Ano? Humuhuni?” natatawang sabi ni Harold.


Binato lang ito ng mani ni Shanea. Sabay tungga sa baso nitong may alak. Halos mahigit thirty minutes na simula ng uminom sila. Ang mga ito lang pala. Siya, pulutan alang ang tinitira. 


Mukhang wala pa namang lasing, iba-iba ng iniinom ang mga ito. May hard at may light lang. Kung anong trip inumin ng isa, yun ang iniinom ng mga ito.


“Shanea.”


“Bakit, Jed? Gusto mo din nito?”


“Ayoko.”


“Edi wag.”


Napailing na lang siya sa sagutan ng mga ito. Ang alam niya may past ang dalawa. ‘Yun lang ang alam niya. Kung ano mang past ‘yon, hindi niya pa alam.


Dumating na si Aeroll at umupo.


“San ka galing? Ba’t ang tagal mo?” tanong ni Harold dito.


Tiningnan lang ito ni Aeroll bago siya nilingon. Umiwas agad siya ng tingin dito.


“Ayaw mo ba talagang uminom?” tanong ni Morris, isa sa pinsan ni Aeroll.


Umiling lang siya. “Okay na ko sa pulutan.” Sumubo siya ng sisig.


“Hindi ka naman malalasing dito.”


Ang kulit naman nito! Kanina pa ‘to tanong ng tanong. Ayoko nga, eh. Lasing na ba ‘to? Kanina naman nung hindi pa ‘to umiinom, ang tahimik lang nito sa tabi niya.


“Morris, uminom ka na lang diyan, okay.” singit ni Aeroll.


“Okay.” Tumahimik na uli si Morris. Pero maya-maya. “Ayaw mo ba talagang uminom?”


Nagtatakang napatingin siya dito. “Lasing ka na ba?”


“Mukhang lasing na si Morris, paulit-ulit na ang tanong at dumadaldal na.” sabi ni Allen, one of Aeroll’s cousin. “Kaya gustong-gusto kong pinapainom ‘yan, eh. Nabubuking ko siya.” Sabay tawa ng malakas. Ang masayahing pinsan ni Aeroll. Kahit walang nakakatawa, tumatawa pa din. Ito lang ata ang nakakaintindi sa joke nito.


“Tss. Sabi ko naman sa inyo, wag nating painumin to, eh. In the count of one...two...three...babagsak ‘to.” Si Xander, ang makulit at mukhang Math Lover na pinsan ni Aeroll. Sa bawat sabihin kasi nito, laging may bilang. Naka-reading glass pa ‘to. “One...two...three...”


Buuuuuuuugggggggg!


Bumagsak nga si Morris sa upuan nito. Buti na lang at damo ang kinabagsakan nito. Nagtawanan tuloy sila. Grabe, ang dali naman kasi nitong malasing. Pinagtulungan ni Xander at ni Allen na buhatin ito at dalhin sa loob ng bahay.


“Gano’n ba talaga ‘yon?” natatawang tanong niya kina Harold.


“Oo. Dati pa. Tuwing uuwi kami dito tuwing summer at mag-iinuman. Thirty minutes lang ang tinatagal no’n.”


“At kapag nakakainom siya, dumadaldal siya.” dagdag ni Kristine, ang magandang mabait at at medyo may pagka-weird na pinsan ni Aeroll. May pasok pa daw ‘to bukas. 


“Kung itong alak ko ang ininom niya, for sure mamaya pa siya tatamaan. You want this guys?” singit ni Jean Paulo, ang weird na pinsan ni Aeroll. Paano ba naman, pinaghalo-halo nito sa isang baso ang tatlong klase ng alak. Lihim pa nga siyang napangiwi sa ginawa nito kanina. Maski nga sina Harold, todo ngiwi ng inumin nito ang eniexperiment nito. Mahilig daw itong mag-experiment ng kung anu-ano.


“Yak!! You’re so kadiri talaga, Pau! Saang planeta ka ba nanggaling?” Si Mai, ang uhm, ano ba, medyo maarte lang itong magsalita. Pero mukha naman itong mabait. Ito ang kikay na pinsan ni Aeroll.


“Bakit? Mai? Ipapadala mo ba ko sa planetang pinanggalingan ko?” balik tanong ni Paulo.


“Yah! Just tell me where it is and I will surely send you there asap. Baka na-mimiss ka na ng mga kalahi mo.”


“Four million miles away from our planet ang pinagmulan ni Paulo. Kaya mo ba, Mai?” Si Xander ang nagsalita. Nakabalik na ito kasama si Allen.


“Kahit sa’n pang lupalop ‘yan noh.”


“Tabi tayo, Princess, ah. Ayokong katabi si Paulo. Puro kaweirduhan sa buhay lang ang sinasabi.” Umupo si Allen sa pwesto ni Morris kanina. Makakatanggi ba siya, eh, umupo na.


Nagkanya-kanyang kwentuhan na ang iba. Si Cath at Harold mukhang may seryosong pinag-uusapan, nagbubulungan pa, eh. Sina Paulo at Mai, nag-aasaran. Sina Kristine at Xander, may pinag-uusapan. Si Jed at Shanea, parang may silent war na nangyayari. Si Aeroll naman... nakatingin lang sa kaniya?? Ano ba naman ‘to! Umiwas agad siya ng tingin dito.


“I’m not yet introducing myself to you, Princess.” Inilahad pa ni Allen ang kamay nito.


“Nagpakilala ka na kanina diba?”


“Ba’t parang wala akong matandaan?” Sinabayan pa nito ng tawa.


Natatawang nilahad niya din ang kamay niya kaya laking gulat niya ng hindi naman ito nakipag-kamay dahil hinalikan nito ang likuran ng kamay niya. “I’m Bob Allen, at your service, my princess.”


Chickboy! Kamag-anak ng ito nila Harold. Babawiin na sana niya ang kamay dito ng makadinig siya lagabog sa mesa. Sabay-sabay pa silang napalingon sa may sala. Si Aeroll. Nakatayo ito at ang sama ng tingin sa...sa kaniya? Bakit? What did she do?


“May kukunin lang ako sa loob.” Mabilis itong humakbang papasok ng bahay.


Kaniya-kaniyang tanong ang mga kasama niya kung anong problema ni Aeroll. Si Cath at Harold naman, sa kaniya nakatingin.


“What?” Kung makatingin ang mga ito, parang may ginawa siyang hindi na naman niya alam.


Nakangiting umiling lang ang mga ito. Nang maramdaman niyang nagba-vibrate ang phone niya. Isinaylent niya ‘yon kanina. Kinuha niya ang phone sa bulsa niya at tinitingnan ang tumatawag.


Si James!


Madiin niyang pinikit ang mga mata niya.


Tumayo siya at nag-excuse sa mga kasama niya. “I’ll just answer this call.” 


 Sabay wagayway sa phone niya. Pumasok siya ng bahay at lumabas ng verandah. May shortcut naman papunta sa harapan ng bahay kung manggagaling ka sa garden, yun nga lang iikot pa siya sa gilid.


Huminga muna siya ng malalim bago sagutin ang tawag ng manloloko niyang boyfriend!


“Hello, James.”


“Princess!! Thanks God! Nakontak din kita! It’s been days and I’m so worried ng hindi kita makontak! Akala ko kung ano nang masamang nangyari sa’yo. Okay ka lang ba, sweetheart? What happened? Bakit naka-off ang phone mo?!”


Worried. Sweetheart. Parang gusto niyang pagbagsakan ito ng phone.


Isa pang hinga ng malalim. Wag muna ngayon. Mas maganda kung kokomprontahin niya ito ng harapan. Para makita ng mga mata niya ang reaction nito. Hindi yung ngayong pwede ‘tong magsinungaling sa kaniya.


“Okay lang ako. I’m...” Parang ayaw niyang sabihin ang salitang ‘yon. “I’m sorry kung inoff ko yung phone ko. Nakalimutan kong sabihin sa’yo na io-off ko pala ang ‘to pagdating ko dito.”


“Next time sabihin mo naman sakin ng hindi ako nag-aalala ng ganito! You’re always deciding things without informing me!”


Kinuyom niya ang kamao niya. Relax, Princess. Relax.


“Nag-sorry na nga ko diba?”


She heard him sigh over the phone. “I’m sorry, sweetheart. I’m just so worried. Boyfriend mo ko kaya natural lang na mag-alala ako sayo ng ganito. Kulang na lang, sumunod ako diyan para hanapin ka. Alam mo bang hindi ako makapag-concentrate sa work ko dahil sa pag-aalala sa’yo? Kung ano nang nangyari sa’yo.


“Okay lang ako.” Iyon na lang ang nasabi niya. Nakakainis ka, James!

 
“Wag mo na uling uulitin ‘yon, okay.”


“Okay.”


“Nasa’n ka ngayon? Sinong kasama mo?”


Madiin niyang pinikit ang mga mata niya. “I’m with Cath and his boyfriend.”


“Sila lang?”


“May kasama kaming iba.”


“Sino?


Argh! “Tinatawag na nila ko. Saka na tayo mag-usap, okay.”


“Nasan ka ba ngayon?”


Naiinis na siya sa paraan ng pagtatanong nito. “Wala ka bang tiwala sakin?” Dahil ako sirang-sira na ang tiwala ko sa’yo!


“Hindi naman sa gano’n, sweetheart.” She heard him sigh again. “Okay, saka na tayo mag-usap. Mukhang wala ka sa mood.” Nahimigan niya ang tampo sa boses nito. Ito ang may ganang magtampo.


“Io-off ko uli ‘tong phone ko. Mag-usap tayo pag-uwi ko diyan.”


“Pero bakit kailangang i-off mo pa yung phone mo?”


Mababalibag na talaga yung phone niya! “It’s my vacation. Kaya gusto ko bakasyon kung bakasyon. Alam mo naman ‘yan diba?”


He let out a frustrated sigh. “Okay, okay. Magkita na lang tayo pag-uwi mo. Mag-ingat ka diyan, okay. I love you, sweetheart.”


Parang hindi na niya kayang sagutin ang ‘I love you’ nito, kaya... “Bye.” Tinapos na niya ang tawag niya. At marahas na huminga. Naalala na naman niya ang pagtataksil nito. Ang kapal talaga ng mukha niya!


Nag-stay pa siya ng ilang minuto sa verandah bago bumalik kina Cath. Pagbalik niya nando’n na si Aeroll. Umupo siya at kumuha ng alak na sa harapan niya.


“Iinom ka bhest?”


“Yap.” Lihim niya itong binigyan ng mensahe sa pamamagitan ng eye contact.


“Him?” She mouthed.


Tumango siya.


Kinuha nito ang bote ng alak nito. “Cheers, bhest!”


“Cheers!”


Sabay silang tumungga.


“Honey, pangalawang bote mo na ‘yan, ah.”


“Kaya ko pa, hon. Don’t worry.” Sumandal pa sa balikat ni Harold si Cath.


“Siguraduhin mo lang. Baka gapangin mo ko mamaya pag nalasing ka.”


“Kapal mo!” Ang lakas ng tawa nila.


“So, Princess, what did you do for living?” Napalingon siya kay Allen.


“I’m a writer.”


“Talaga? I’m a painter. Bagay pala tayo, eh. Parehas kasing may –ter sa dulo yung trabaho natin.” Sinabayan pa nito ng tawa.


Napangiti na lang siya habang napapailing. 


“Wag kang maniwala diyan, Princess. Hindi ko na nga mabilang pa kung ilang beses niyang sinabi na painter siya. One hundred times na siguro. Eh, hindi naman. Frustrated painter kamo.” kontra ni Xander.


“Wala kang paki! Pwede ba magsalita ka naman ng walang bilang? Halos dumugo na nga ang tenga ko nung highschool ako dahil sa pesteng math na ‘yan. Tapos hanggang ngayon, sinusundan pa din ako ng mga numbers na ‘yan.”


“Pare, sa lahat ng bagay kailangan natin ng math, okay. Kaya wag kang magreklamo diyan. Sa husgado ka magreklamo.”


“Sa joke ko ba kailangan ko ‘yan? Eh, hindi naman.”


“Hindi talaga. Ikaw lang naman kasi ang nakakaintindi ng joke mong corny.”


Hinayaan niya na lang ang dalawang mag-usap o mas tamang sabihin, ang mag-asaran. Itinuon na lang niya ang pansin sa iniinom niya. Sunod-sunod siyang tumangga.


* * * * * * * *


( Aeroll’s POV )


Tiningnan niya ang relo niya. Mag-hahating gabi na pero ayaw pa ding paawat ni Princess. Nakailang bote na ba ‘to? Inalis na nga niya ang natitira pang alak sa mesa.


“What time ish it?”


Kanina pa ito tanong ng tanong ng oras. “Oras na para matulog ka.”


Nilingon siya nito. “Ohw, Aeroll... Khanhina kah fa dyahn? Dhiva, you were there?” Itinuro nito ang pwesto niya kanina kahit parang mali naman yung itinuro nito. Lasing na nga kasi.


“Kanina pa ko nandito.”


“Ah, ohkay. Tekah, vat walah ng alahk?” 


 “Inubos mo na, eh. Mabuti pa, matulog ka na.”


Itinuro nito ang sarili nito. “Me? I’m not lashing. I’m jush...Bashtah.” Dumeretso ito ng upo. Namumungay na ang mata nito at parang matutumba na ito sa upuan nito. “Nashan shila? Shi vest koh? Shi Allehn? Shi Shander? Shilang lahat.”


“Tulog na silang lahat.” Ito lang ang matibay na gising pa din hanggang ngayon. Thirty minutes na mahigit ng magsipagtulugan ang mga kasama nila.


“Shulog? Why? Vat nhila kho iniwhan? Atch shaka, vat nandhito kah?”


“Nandito ka pa, eh.” Alangan namang iwan niya itong mag-isa dito habang nagpapakalunod sa alak. Balak na niya itong pigilan kanina ng sawayin siya ni Cath. Hayaan na lang daw muna niya. Kaya wala siyang ginawa kundi ang bantayan ito. Hinihintay na lang niya itong bumagsak.


“Tekah, vat parang hindih kah lashing? Dayah moh!”


Kung hindi ito lasing ngayon, nunkang kausapin siya nito. Kanina pa siya nito iniiwasan, eh.


“Hindi ako uminom. May binabantayan kasi ako.” Napansin niya kasing parang balak nitong magpakalasing kanina kaya isang bote lang ang ininom niya. Tapos katabi pa nito si Brian na ubod na din ng kulit. Binulungan niya pa si Shanea na magpalit sila ng pwesto kanina. Buti pumayag si pandak, pero syempre, inulan muna siya ng tukso mula dito.


“Shino? Akoh? Mahlaki na koh noh. I don’t need enibadey.” 


 “Binabantayan ko ang sarili ko.” Kasama ka na din. Baka kung ano pa ang magawa niyang hindi kanais-nais kapag nalasing siya. 


Unti-unti ng pumipikit ang mga mata nito. “Khanino naman?”

 
“Sayo, prinsesa.”


Ngumiti ito. “Thinawag moh nah kohng prinshesha...” Tuluyan na itong bumagsak. Bumagsak sa dibdib niya.


“Nakatulog din sa wakas.” Maingat niyang binuhat ito papasok ng bahay. Pagdating niya ng sala, mga nakahilata na ng higa ang mga kasama niya. Dalawa ang mahabang sofa, do’n natutulog sina Michelle at Kristine. Nasa carpeted floor naman ang iba. Inalis ang center table para lumuwag ang hihigaan nila. Hindi na nga nalatagan, eh. Buti na lang at may unan. Binaba siguro kanina ng Ate Cecille niya.


Ang gulo ng pagkakahiga ng apat na pinsan niyang lalaki. Yung paa ni Morris halos nasa bibig na ni Allen. Tapos yung puwet ni Allen, nasa mismong tapat pa ng mukha ni Xander. Yung dalawang binti naman ni Xander, nakapatong sa dibdib ni Paulo.


Napangiti na lang siya. Wala pa ding pagbabagao ang apat na tukmol na ito.


Nilingon niya sina Harold. Yung paa ni Paulo nakatulak sa likuran nito. Nakaharap ito payakap kay Cath. Katabi naman ni Cath si Shanea na katabi ni Jed. So no choice siya, sa tabi siya ni Jed matutulog at sa tabi niya si Princess.


Maingat niyang nilapag si Princess at kumuha ng dalawang unang nakakalat lang. Inunan niya dito ang isa at isa sa kaniya. Kinuha din niya ang kumot na nakapatong sa center table at ikinumot dito. Umayos na din siya ng higa. Pipikit na sana siya ng biglang...


Madiin siya pumikit. “Prinsesa naman...” Napakamot siya ng noo. Asual, kailangan pa ba niyang sabihin ang ginawa ni Princess? Yumakap na naman ito sa kaniya. Napabuntong-hininga na lang siya.


Kukuha na sana siya ng isa pang unan para iyon na lang ang yakapin nito, kaya lang...


“Hmm...” Sumiksik pang lalo si Princess sa kaniya. At umunan pa sa braso niya! Ano ba yan!


“Kahit kailan ka talaga, prinsesa.”


“Vhakit...”


Sleep-talker talaga ‘to kahit kailan.


“Wala. Matulog ka na kako.” Maingat niyang inangat ang brasong ginawa nitong unan at iniyakap dito. 


Pinagmasdan niya ito. “Bakit ka ba naglasing? At bakit mo ko iniiwasan kanina? Dahil ba sa ginawa ko? Wala naman akong ginawa diba?” He sighed. Hindi din niya maintindihan kung bakit niya ginawa ‘yon. Mali, eh. Buti na lang at hindi natuloy. Lalo na ang ipaalala nito na may boyfriend na ito!



Parang napapasong dahan-dahan niyang inalis ang pagkakayakap ng braso niya dito at deretsong tumingin sa kisame.


May boyfriend na siya, Aeroll. Iyan ang itatak mo sa utak mo.


“Papa...”


Napatingin siya kay Princess.


“Mama...”


Nananaginip na naman. He sighed before he enveloped her with his two arms. 


You’re making yourself get into trouble, Aeroll. paalala ng isip niya.


“Mama...”


Masuyo niyang hinaplos ang buhok nito. “Shhh...Nandito lang ang gwapo mong prinsipe, matulog ka na, prinsesa...” Unconsciously, he kissed her forehead before he concentrately tried to sleep. Sana lang makatulog siya.


* * *

4 comments:

  1. writer at painter, bagay na agad? haha, ang dami kong tawa dun. mga limang beses yata. hahaha!

    ReplyDelete
  2. Sweet ni Aeroll dun sa last part.
    Kasi naman sana gawin na talaga siyang prinsipe ni Princess.
    Hindi ko feel yang James na yan. tsk tsk

    ReplyDelete
  3. aKo n guSto juMombag jAn s jaMes n yAn,,, pEro tAma c pRincess,,, mAs mgAnda kuNg hraPan,,,

    ReplyDelete
  4. ahhhhh!!! anebeyen!!!! ang sweet naman!! shemay lang!!! hahaha.. kilig mats ako sa kanila!! luku-luko talaga ung mga pinsan ni aeroll.. may kanya-kanyang topak! hahah..

    my gosh! that jerk is really getting into my nerves!!! how dare him sounded so concern and worst,sya pa may ganang magtampo!!! nakakagigil!! umuwi ka na nga princess at ng masampal na yan..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^