Monday, December 10, 2012

This Gay's Inlove With You Mare : Chapter 3

CHAPTER 3
(Regina Salazar’s POV)


“Ang sakit, prenship!” Hanggang ngayon, nahihilo pa din ako sa nangyari kanina.


“Ikaw naman kasi, sinabihan na kitang wag na wag kang lalapit kay Gra. Yan tuloy ang napala mo.”


“Ang pangit ba?”


“Oo.”


Sumimangot ako. Nilingon ko si Glenn aka Gra. Gra daw ang nickneymsung ng pinsan ni Kiro. Nasa kabilang kama siya at ang sama ng tingin sakin. Nasa clinic kami ng school dahil sa nangyari kanina.



- F L A S H  B A C K -

“Are you insane?!”


Tiningala ko siya. Diosmiomarimar! Ang gwapo talaga niya! Sanay na kong makakita ng gwapo, but there was something different in him. At hindi ko mapin-point kung ano. Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis. “No. Tutal naman vhakler ka, papisil uli ng isa. Huwag mo kong jojombagin, ah.”


*pindot*


“Stop it, okay!!!”


Tiningala ko siya. Hala! Ang sama ng tingin niya sakin!


Bigla siyang umatras ng isang hakbang.


Kaya lang sa takot ata sakin, natapilok si vhakler at parang matutumba. Pangit ba ako? Nakakatakot ba ang feslak ko?


At dahil hindi ko pa natatanggal ang kamay ko sa damit niya. Feeling si malakas ako, eh, hinila ko naman siya. At dahil nga feeling ko lang si malakas ako, pati ako napasama sa pagtumba niya.


Buuuuuuuuuuggggggggg!!!


“Aray!!!”


“Ouch!!!”


Napapikit ako at napahawak sa noo kong nauntog sa noo ni...


I opened my one eye kahit feeling ko nagdidilim na ang paningin ko. Napasama ata ang pagkakauntog ko.


Pagdilat ko.


Diosmiomarimar! I was on top of him!


“Glenn!!!”


“Oh my god!!! Regina!!!”


That was the last words na nadinig ko bago tuluyang nagdilim ang paningin ko.

- E N D  O F  F L A S H  B A C K –



At ang sabi ni prenship, si Glenn daw ang bumuhat sakin. At bilang pasasalamat, kinawayan ko siya. Tss, inirapan ba naman ako!


“Pasensya ka na, Gra, sa bestfriend ko kanina, ah. May pagka-weird talaga ‘to.”


“Minsan lang noh!”


Tiningnan ako ni Glenn.


“What’s your name again?”


Aba! He’s asking my name! Ehem! Ehem! Test-mike. Mike-test.


“She’s Regina. But we call her Rehg.”


Tss. Ano ba yan! Inunahan pa ko ni Kiro, eh, hindi naman siya yung tinatanong, eh.


“Regina.”


“Its’ Rehg.” I corrected him.


“Regina.” Makulit din pala to o sadyang bingi lang? “Nakita mo to?” Sabay turo sa noo niya. Parehas kasi kaming nabukulan dahil sa nangyari kanina. Buti na lang at may bangs ako, si Glenn naman, ayon kita ang bukol kaya siguro asar na asar sakin.


Tinanguan ko siya. Anong meron sa bukol niya?


“I don’t want this to happen again. Ever. So, starting today, you stay away from me. You understand?”


Ang taray naman niya! Oo naman. Anong akala niya sakin, hindi ka nakakaintindi ng english? Pero dahil inborn ang kakulitan ko, I asked him, “why?”


“What?”


“I said, why should I stay away from you?” Napa-english tuloy ako. “May sakit ka bang nakakahawa? Mukha namang wala.” Teka ang haba naman ng sinabi ko ngayon, eh, why lang naman yung sinabi ko kanina. Pinahaba ko lang para maintindihan niya at hindi na magtanong pa ng Why ‘why’?


Kinunutan lang niya ako ng noo at tinaasan ng kilay. Sabay tingin kay Kiro na parang nagtatanong ng ‘May saltik ba sa utak yang babaeng yan at hindi makaintindi?’


Binulungan ako ni prenship. “Tumigil ka na nga kung ayaw mong majombag.”


“I’m just asking. Pwede namang wag niyang sagutin.”


Napatampal na lang sa noo ang prenship ko. Nakulitan na ata sakin. Wahehe.


“Ahm, guys diba may pasok pa tayo? Let’s go. Fifteen minutes na tayong nandito.” singit ni Kiro.


“Tama si babe. Tara na prenship.” sabay bulong sakin ng, “umayos ka na hah.”


I smiled sweetly at her. “Oo naman.”


Nasa labas na kami ng clinic ng maisipang magtanong ng madaldal kong dila. “Glenn.”


He turn around with a knotted forehead. Again.


“Anong course mo? Saka alam mo ba yung building mo? Kung anong room ka? I can guide you to your room where ever it is.” Isa kasi akong dakilang lagalag dito sa University namen, Lahat ng kasuluk-sulukan, napuntahan ko na.


Mas lalong kumunot ang noo nito. Bakit na naman? May masama ba sa sinabi ko? Wala naman diba? I’m just being friendly. Ms. Friendly nga ako, eh. Lalo na’t vhakler siya, mas friendly ako sa mga kauri niya. Kung naging lalaki lang siya, nungkang ayain ko siyang mag-tour dito sa school namen ng libre at gawin akong tourist guide. Heller!


“Hindi mo ba nadinig yung sinabi ko kanina?”


Nadinig ko naman. Pero, “pwedeng paki-ulit?”


Lumapit siya sakin.


Inilang hakbang lang niya ang pagitan namen.


At ngayon, apat na dangkal na lang ang layo namen. Oo, nabilang ko ‘yon.


Tinitigan niya ko sa mga mata ko. Napatitig tuloy ako sa mga mata niya.


“Stay...”


At habang sinasabi niya ang salitang ‘yon, lumalapit ang feslak niya sa mukha ko.


Saka anong stay? Ano ako aso?


“Away...”


Eh, bakit papalapit yang feslak mo sakin kung ‘away’?


“From...”


*lunok*


Dalawang dangkal na lang kasi ang layo ng mukha niya sakin!


Naaamoy ko na kaya ang hininga niya!


Infairness ang bango!


“Me...”


*lunok*


Ano daw? Pwedeng paki-ulit? Parang hindi ko na-gets. Pa’no ba naman kasi! Isang dangkal na lang ang pagitan ng mukha naming dalawa!


“Stay away from me.”


Oo na. I’ll stay away from you na.


Pero teka, puteeek! Bakit kailangang ganito kalapit ang mukha mo sa mukha ko?


Bigla kong inatras ang mukha ko. Biglaan, kaya na-out of balance tuloy ako. Matutumba sana ako kung hindi lang ako nahawakan ni Glenn sa beywang ko.


Napakapit tuloy ako sa magkabilang braso niya.


Nakapa ko tuloy ang muscles niya.


Wala sa loob na napisil ko ‘yon.


Not again! Pa-doctor na kaya ako?


Kumunot ang noo ni Glenn. “Gusto mo ba ng muscles?”


“Hah?” Ano daw? Muscles? Ako? Gusto?


He grinned. “Gusto mo palit tayo? Sayo na lang ‘tong muscles ko, akin na lang ‘yan.”


“Ang?”


Bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. Pagtingin ko uli kay Glenn, nakatingin siya sa dibdib ko. Bigla tuloy akong na-conscious. Pinagkrus ko ang mga braso ko sa harap ng dibdib ko.


“Ano ka! Magpalagay ka ng iyo. Akin ‘to!”


He just chucled.


“Regina!”


Napalingon ako kay Nic. Pinanlakihan niya ako ng mga mata. Saka ko lang napansin ang mga schoolmates kong nakahinto at nakatingin samin nitong si Glenn. Para kasi kaming eksena sa movie sa ayos naming dalawa. Dahil hanggang ngayon, nakahawak pa din sa Glenn sa beywang ko.


“Pwede mo na kong bitawan. Pero kung ayaw mo—”


Binitawan na niya ko.


Hinila naman agad ako ni Nic. “Puro ka talaga kalokohan.”


“Wala akong ginagawa, ah.” Wala naman talaga.


“Kiro , can we go na?”


Napalingon uli ako kay Glenn. Nginitian ko siya. “Of course, we can go na.” Ginaya ko pa ang tono niya kanina. Ang arte lang, eh.


“Hindi ka kasali.”


Ang taray ah! Edi hindi. Hindi ko kayo bati.


Nilingon ko si Nic. “Mauuna na ko, prenship. See you around. Bye, Kiro. Bye, Glenn. Nice meeting you and welcome to Stromberg University. Hope you’ll enjoy your stay here, sir.” Yumukod pa ko para dagdag drama.


Ngumiti lang si Kiro.


Napakamot ng kilay si Nic.


At ang itsura ni Glenn, parang nagsasabing ‘dalhin ko na kaya sa mental tong babeng to?’


Nginitian ko na lang sila ng pagkatamis-tamis.


Kaway.


Talikod.


Lakad.


“Una na din ako, babe.”


“Ingat ka. Sabay na tayong mag-lunch mamaya.”


“Twelve thiry pa tapos ng class ko.”


“I’ll wait for you.”


“Thanks babe. Ang sweet mo talaga. Bye. Gra. Nice too meet you. Saka babe yung...”


Tinakpan ko na ang tenga ko para wala na kong marinig sa paglalambingan ng mag-jowabelles. Umay na umay na kasi ako sa ka-sweetan nung dalawa, eh.
Pero sana yung mga mata ko na lang yung tinakpan ko. Para hindi ko makita ang taong masasalubong ko ngayon.


“Goodmorning Rehg! How’s your vacation? Na-miss kita, ah.”


Sinabayan niya kong maglakad. Napatingin tuloy yung ibang students samen. Bakit hindi, eh, Si Harry Pooter ‘tong kasama ko, one of the hearthrobs of SU. Ang bantot nga lang ng apelyido!


“Goodmorning din. Masaya naman. Puro tulog at kain ang ginawa ko.”


“Medyo tumaba ka nga.”


Napatingin ako sa katawan ko. “Talaga?”


“Don’t worry. Sexy ka pa din.”


“Thanks.”


”Sabi din ng schoolmates natin, mas lalo din daw akong gumwapo. Totoo ba? Oh, you don’t need to answer. Alam ko namang gwapo na talaga ako.”


Ayun naman pala. Kasama siya sa papuring sinabi niya. Nginitian ko na lang siya.


”Ihatid na kita, Rehg.”


“Kaya ko na. Saka diba may klase ka din?”


“Malakas naman ako sa mga professors, eh. Kaya okay lang. Alam mo na.”


Yeah right. Dahil gwapo ka, mayaman at sikat. Edi ikaw na.


Hindi na ko sumagot.


“Sabay na tayong mag-lunch mamaya. Or dinner if you want. My treat. May bagong bukas na restaurant malapit dito. You love Korean food, right?”


Hindi pa din ako sumagot. Tinatamad ako, eh. Kaya tinanguan ko na lang siya. Tango to confrim na I love Korean food, not to tango to confirm na sabay kaming mag-lunch.


“Yes! Thank you, Rehg. Sunduin na lang kita sa classroom mo.”


“Hah?” Mali nga siya ng pagkakaintindi sa pagtango ko. Sinasabi na nga ba. “What I mean was I like Korean foods. Saka sabay kaming mag-lunch ni Nic mamaya.”


“What? Again? Hindi ka ba nahihiyang umepal sa dalawa?”
Ano daw? Ako epal?


“Don’t get offended. Ang gusto ko lang sabihin, halos one year na silang dalawa diba, hindi ka ba naiilang na lagi mo silang kasama? They need privacy, too.”


Oo nga. Sa buong taon last year, lagi ko na lang silang kasama. May mga friends naman ako aside from my best friend. Kaya lang, nasanay na kasi akong lagi ko siyang kasama, at ng maging boyfriend niya si Kiro, parang walang nagbago. Wala namang reklamo yung dalawa. Sabagay, baka naman nahihiya lang silang magsabi sakin na epal na lang ako lagi sa kanila.
Hmm...May sense naman pala kausap tong si Harry, eh, Akala ko puro kayabangan ang laman ng utak niya.


“Rehg.”


“Hmm...”


“Palaka ka ba?”


Sabi ko na nga ba, eh. Pero sumagot pa din ako.


“Bakit?”


“Kasi FROGi kitang iniisip nitong bakasyon.”


Napangiti ako. Ayos yon, ah. Magamit nga sa iba.


“You smile.”


Ano ba ‘yan! Akala pa siguro niya, natuwa ako sa pick-up line niya sakin. Natuwa lang ako kasi may idadagdag na naman ako sa pick-up lines collection ko.


“Lagi naman akong nakangiti diba?” Nasa corridor na kami at madaming students ang kasabayan ko. Sinamantala ko ang pagkakataon para makatakas kay Harry. “Mauuna na ko, 


Harry.”


“Wait!”


Mas binilisan ko ang lakad ko. Sumingit ako sa mga students. Saglit kong nilingon si Harry. Nakahinto na ito at sa iba nakalingon. Yes! Nakatakas ako!


Pero ngayon lang naman, because I know, this coming days, palaging may Harry Pooter ang susunod sakin. Six months ago ng magsimula siyang manligaw sakin na agad ko namang binasted.


Why? First on the list, playboy. Second, Gwapo at mayaman, pero ang yabang. Kaya nga ‘Mr. Harry ng Yabang’ ang bansag ko sa kaniya. Lastly, hindi ko siya mahal.


Pero patuloy pa din siya sa pangungulit. Hindi ko lang masyadong pinapansin ang pagpapa-cute niya. Mai-stress lang ako. At ayoko kong ma-stress sa mga bagay-bagay. Gusto ko, chillax lang sa buhay. Live life to the fullest, ika nga. Kaya nga ako yung tipong hindi nagtatanim ng sama ng loob sa iba, hindi madaling magalit, masayahin, at mababaw lang ang kaligayahan.


Paano mo kasi ma-eenjoy ang buhay kung lahat ng bagay masyado mong ginagawang kumplikado? At ayoko ng kumplikadong buhay. Hmm... naiintindihan ninyo ba yung sinasabi ko o ako lang ang nakakaintindi? Wahehe...


Back to Harry, starting this day, kailangan ko na ding ihanda ang tenga ko sa mga pick-up lines niyang wagas. Dahil aside from being Mr. Harry ng Yabang, siya rin si Mr. Harry ng Pick-up line. Ako lang naman ang nagbansag sa kaniya no’n.


Hayy...Kailan kaya niya tatanggapin na wala naman talaga kong gusto sa kaniya?
Bakit naman kasi may mga taong pinipilit ang sarili nila sa taong hindi naman sila gusto? Sinasaktan lang nila ang sarili nila. Bakit hindi na lang sila magmahal ng taong gusto din sila? Hindi ko talaga maintindihan. Dahil ba hindi ko pa nararanasang magmahal kaya hindi ko sila maintindihan?


“I love you.”


“I love you, too.”


Napalingon ako sa nagsalitang ‘yon. Magjowabelles.


“Love.” Napangiti ako.


Tama. That was the only reason kung bakit may mga taong patuloy na nagmamahal sa mga taong hindi naman sila mahal. It was all because of love.


There were maybe a hundred of reasons for them to stop.


But it only takes one reason for them to go on.


LOVE.


And I’ll make sure na pag nagmahal na ako.


Do’n sa lalaking mamahalin din ako.


= = =

5 comments:

  1. hwAhAHaha,,, aKLa n tLgA nMen nJombAg n ni gLEnn si reHg eE,,, uN pLa nBuKuLan LNg cLa paRehO,,, hwaHehE,,,, at aNuBey aTey,,,, niKikiLig kMi Kei gLenn,,,,, iniiSiP n nGA LNg nMeN n hiNdi siA aNg bAKLitA nMeNg friENd,,, kSi nMAn kKaiNLuv mXado c gLeNn dtO s kWeNto mu eHhh,,,

    at aYaN n c HaRry nG yABaNg!!!!! hwAhehE,,,, hiNdi kYa mAgKa-crUsh c gra s kAnYa?? hwAheHe,,,, naiiMAgiNe q n uNg fEsLak ni rEgiNa kPag nNgyaRi uN,,,, hwAheHe,,,

    ReplyDelete
  2. ang poging bading nmn ksi ni glenn kya c regina, nbibighani s kanya!!! at kaumay c harry pooter. hahaha, pti name nia nkkaumay! ahahahhahaha!!!

    ReplyDelete
  3. ang cute kaya ni harry. pero dun ako sa bading na si glen na feeling ko eh hindi talaga bading! ang pogi kasi. haha!!

    ReplyDelete
  4. ´´´´¶¶¶¶¶¶´´´´´´¶¶¶¶¶¶
    ´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶
    ´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶´´´´¶¶¶¶
    ¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶´´´´¶¶¶¶
    ¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶´´¶¶¶¶¶
    ¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶ ´¶¶¶¶¶´
    ´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶
    ´´´´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶
    ´´´´´´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶
    ´´´´´´´´´¶¶¶¶¶¶¶¶
    ´´´´´´´´´´´¶¶¶¶

    ReplyDelete
  5. grabe!! super kulit si regina!!! mabilis puputi ang buhok ni glenn sa kanya.. hahah.. ang taray lang ng gwapong vhakler!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^