Tuesday, November 20, 2012

This Gay's Inlove With You Mare: Chapter 1

Waaah! Now lang tuloy ako nakapag-ud nito, HAHA. Masyado lang akong busy dahil sa pagdating ni LEE MIN HO dito sa Pinas. XD Hanggang ngayon, ndi pa din ako makapag-move on at feeling ko may hang-over pa din ako sa pagkikita namen, HAHA. Grabeeee! Kinikilig pa din ako until now. A dreamcome true tlga! Forever a MINOZ! 

===
 
CHAPTER 1
( Regina Salazar ‘s POV )


Linggo ngayon. Last day na ng summer vacation. Ibig lang sabihin no’n, pa...su...kan...na...bu...kas... hayyyy! Ang bilis naman kasi ng bakasyon, kung pwede lang ibackward ang oras, nigawa ko na.


At dahil ayaw kong mag-stay sa haunted palace namen kasama ng kurimaw kong kapatid na mukhang nakasinghot ng isang kahong katol at uminom ng isang baldeng clorox sa lakas ng trip niya kanina, dadalaw muna ko sa Dhiosah.


Napahawak ako sa buhok ko. Hanggang ngayon ang sakit pa din ng anit ko. Sana kinalbo na lang ako ng shopatembang kong ‘yon. Ano kayang nilafang no’n? Oo nga pala, isang kahong katol at isang baldeng clorox. Hmm... next time nga magsa-suggest ako, yung mga poo-poo naman sa hacienda ni Nic ang tirahin niya para solve na solve siya at walang side effect na nangyayari kapag nabibitin siya sa mga tinitira niya.

[ A/N : SHOPATEMBANG - kapatid ]

Alam ninyo ba kung anong ginawa no’n kanina habang natutulog ako at hanggang sa paggising ko?


Dahil nga bakasyon, sinusulit ko ang pagborlog sa tanghali. Ako pa naman yung tipong sigawan mo na malapit sa tenga, borlog pa din. Pwera na lang kung i-lips-to-lips ako ng prince charming ko. Mala-sleeping beauty ang drama. Ayiiiih! Kinikilig ako! Jandi ko! Wahaha.


Pero, ehem! NBSB po ako, nasabi ko na ‘yan diba don sa Intro ng storyang ‘to, gusto ko lang ulitin at baka sakaling madinig ng prince charming kong may hearing problem pa ata.


Teka, bakit napunta sa prince charming ko ang topic?


>backward<


Yun nga, borlog ako kanina at nasa Lala land na, tapos nagising ako kasi naiihi na ako. Oo, nagigising ako ng kusa kapag naiihi lang ako. Bigla akong bumalikwas ng bangon at bigla ding napahiga. Napangiwi ako. Ang sakit ng anit ko. Feeling ko nalagas ang mala-pang-commercial kong buhok.


Paglingon ko sa gilid ko. Napa-“Diosmiomarimar!!!” ako. Mepeborit expression.


Yung buhok kong mala-raponzel sa haba, nakapalupot sa swivel chair ko!!!


Napasigaw na lang ako ng-“KUYA!!!!!!!!”, na mukhang ikinagising ng mga natutulog na kaluluwang gumagala sa kwarto ko.


Dahil alam ko, alam ko, siya ang may sala!!!


Walang sumagot sakin. Dali-dali ko na lang tinanggal ang buhok ko sa pagkakapulupot sa swivel chair dahil ihing-ihi na talaga ko. Dumagdag pa yung pagsigaw ko kanina kaya feeling ko talaga isang sigaw pa, maiihi na talaga ko sa short ko.


Tapos yung feeling na nagmamadali na nga ako, ayaw pang matanggal sa pagkakabuhol ng buhok ko.


“You will pay for this, kuya!” bulong ko lang dahil ayaw kong sumigaw dahil alam ninyo na.


Nang matanggal ko ang pagkakabuhol ng buhok ko, deretso ako sa pintuan ng kwarto ko. Nasa second floor ng palasyo namen ang kwarto ko, nasa baba naman ang restroom. Palasyo ang tawag ko kasi malaki ang bahay namen. Aalog-alog kami ditong tatlo nina Tito Diosa. Tapos yung kwarto lang niya ang may restroom. Unfair no?


When I opened the door, napa- “Ahhhhhhhhhhhhhh!!!!!” ako. Feeling ko yung mga kaluluwa sa kwarto ko, mag-aalsabalutan na sa ingay ko. Iiwan na nila ko. Huhu...


Pero bago ko sila atupagin, alam ninyo ba kung bakit ako napatili?


Pagbukas ko kasi ng pintuan, may nakaharang sa dadaanan ko. Sa tapat mismo ng kwarto ko. A guy wearing an all black outfit, with matching hood, tapos may hawak siyang... ano bang tawag do’n?


Okay, ganito na lang, si Kamatayan ang nasa harap ko. Gano’n ang itsura niya. Tapos yung fes pa niya ang itim, mukhang napagtripang  gawing pulbos ang uling. Tapos may pulang likidong tumutulo sa magkabilang gilid ng labi niya. Bagong version ba ‘to ni kamatayan? Napagod na ba siya sa kakahanap ng masusundong kaluluwa at napagtripang maging bampira na lang?


At diba? Kasasabi ko lang na isang sigaw ko pa, maiihi na talaga ko ng wala sa oras sa short ko. Nakakahiya mang sabihin, pero OO. Buti na lang at ako lang ang nakakaalam nito at ng mga naggagandahan at nagga-gwapuhang readers ng kwentong ito (kung meron mang gwapong nagbabasa nito).


*whispered*  Sabi kasi ni author mang-uto daw ako para daw may magbasa ng storyang ito. wahihi.

[ A/N: I didn’t said anything (>.<) ]
 
Sabi ko nga ms.author, ako lang ang nagsabi. Basta satin-satin lang ha, na na-uhm ako sa short ko ng onti lang. *shy*


At buti na lang napigil ko pa para hindi magtuloy-tuloy dahil tiyak abot hanggang langit ang tawa at pang-ookray ang gagawin ng kapatid kong ‘to na nasa harap ko.


OO. Kapatid ko ‘tong si kamatayan na nasa harap ko. Costume nito sa halloween party last year ang suot nito.


“Susunduin na kita.” sabi pa nito sa malaki at nakakatakot na boses. “Ang mga katulad mong pangit ang kailangan para ialay sa—“


*tiiikkkkkkkkkkkkk!*


Sabay takbo ko sa baba para umihi.


“Pangit! Ang sakit non ah!” reklamo ni kamatayan. Pinitik ko kasi siya ng malakas ang noo niya.


Nakahinga ako ng maluwag ng makaihi na ko. I need to change my und— Napatingala ako sa ilaw ng cr ng magpatay-buhay ‘yon. Instead na matakot ako, napangisi lang ako.


“Hoy! Kurimaw! Akala mo ba matatakot mo ko sa simpleng patay-buhay ng ilaw? Ako pa! Friends kami ng mga kaluluwa ditong gumagala noh!”


Madami kasing kwento si Tito Diosa tungkol sa bahay na ‘to. Pamana pa kasi ng lolo ng lolo ng magulang nito ang bahay na ‘to. At dahil lumaki akong hindi natatakot sa mga multo, balewala lang sakin ang mga ghost stories. Ewan ko ba, fascinated pa nga ko sa kanila. Gustong-gusto ko ngang makakita ng isa o kahit dalawa man lang. O sige tatatluhin ko na para the more the merrier diba?


“Nakakainis ka namang pangit ka!”


Binuksan ko ang pintuan. Nasa labas kasi ang switch ng ilaw ng cr. Wala na si kuya. Naabutan ko siya sa sala at nanonood ng tv. Suot pa din nito ang costume nito.


“Ano kamatayan? May nasundo ka na ba?”


Hindi ito sumagot kaya dumeretso na lang ako sa kwarto ko para kumuha ng pampalit na undies at short. Bumaba uli ako at pumunta ng cr. Nakapagpalit na ako ng...


“AAAAHHHHHHHHHHH!!!!! MULTO!!!!!!”


Syempre hindi ako ‘yon noh. I’m not afraid of ghost davah?


Mabilis akong lumabas ng cr at naabutan ang kurimaw kong kuya na nagpapagulong-gulong sa sahig ng sala habang tumatawa ng malakas.


“Wahahahahahaha!!!!! Grabe!!!!! Wahahahaha!!!!!”


“Sino ‘yong sumigaw?” Kahit may idea na ako kung sino ‘yon.


“Wahahahahahaha!!!! Si...Wahahahaha!!!! Pulots... Wahahahaha!!!!!”


Sabi ko na nga ba! Mukhang naabutan ng bestfriend kong si Nic ang kurimaw na ‘to sa sala. Kung ako fascinated sa mga multo, kabaligtaran ko ang bestfriend ko. Mukhang natakot ‘yon ng makita ang itsura ni kurimaw kanina. Napagkamalang multo kaya nagtatatakbo pauwi ng hacienda nito.


Sa totoo lang, ayaw na ayaw ni Nic na pumunta dito samin. Haunted house nga kasi ‘to. Duh! Edi sana nakakita na ko.


“Ang sama mo talaga kuya! For sure, kraylalu na sa takot si Nic dahil sa ginawa mo. Alam mo namang hindi sila close ng mga multo, eh.”


Unti-unti itong napatigil sa paghalakhak. Maya-maya. “Sorry kamo.”


“Edi ikaw ang magsabi. Bakit ba lagi mo akong inuutusang mag-sorry for you? Eh, ikaw naman ang walang ginawa kundi bwisitin si Nic. May bibig ka naman. Hindi ka naman pipi. Hindi ka naman bingi. Hindi ka naman bulag. Hindi ka naman disabled.”


“Edi wag mong sabihin. Ang dami mo ng sinabi dyan. Wala namang connect sa pinag-uusapan natin. Daldal mo.” Umupo ito at sinandal ang ulo sa sofa.


“Talent ko ‘yan, eh.” Dumeretso na ko sa kwarto at kinuha ang phone ko. Maglalakwatsa na lang ako kesa mag-stay dito. Pero bago ‘yon, nilibot ko ang tingin sa room ko.


“Any body here?”


*silence*


“Hmmm... Wala ba talagang sasagot?”


*silence*


“Kahit dalawa lang?”


*silence*


“Last tawad na to. Kahit isa lang? Please…”


*silence*


I sighed. Para kong Lucresia Kasilag nito.


“Why?”


Napaderetso ako ng tayo. Parang nanggaling sa ilalim ng lupa ang boses na nadinig ko. Duwende ba ‘to? Pero hindi naman maliit ang boses niya. Napangiti na lang ako. Yes! Nakulitan na ata sila sakin at nagparamdam na ang isa. Sunod-sunod na ‘to.


Ang weird ko talaga. Sa halip na matakot ay tuwang-tuwa pa ko. At nake note, english speaking ang multong nagparamdam sakin.


Harap sana ko sa kung sino mang kaluluwang ‘yon ng...


“Don’t move...”


Wow! Mukhang dating pulis ang multong ‘to, ah. May don’t move pang nalalaman. Kulang na lang sabihin niyang ‘you’re under arrest’.


Sinunod ko siya. Pero teka, baka mamaya ang kurimaw kong kuya lang ‘to at pinagti-tripan na naman ako. Kaya ang ginawa ko...


“KUYA, NASAN KA?????!!!!!” Yung tipong madidinig ni kuya kahit nasa sala siya. Pag walang sumagot, si kuya ang nasa likuran ko.


“BAKIT PANGIT?????!!!!!”


Wow! Hindi nga si kuya ang nasa likuran ko. I cleared my throat. I prepared a lot para sa face-to-face namen ng mga kaluluwa dito sa bahay. Nagsimula na kong magtanong.


“Anong name mo?”


“Ki...”


“Ki ang name mo?” Ano ba yan! Ang tipid namang magbigay ng name ang magulang ng multong ‘to. Ki? Kulang na lang maging uhm.


Oh? Oh? anong iniisip ninyo? Green minded tong mga ‘to. Ki-ro. Ayun ang gusto kong sabihin. Neymsung yun ng jowabelles ni Nic.


“Yes, it’s Ki.”


“Chakadoll naman.”


“What?”


English speaking talaga. “I mean ang ganda ng name mo.” Pero pangit talaga ang sinabi ko. Baka pag sinabi kong pangit ang name niya, isama na niya ko sa kabilang buhay. No.No.No. Hindi pa kami nagkikita ng prince charming ko.


“Thanks.”


Kay bait namang multo ‘to. Nag-thank you pa. Matanong pa nga. Ang dami kong naka-stock na questions sa kaibuturan ng utak ko kapag nakakita ako ng multo. Hindi ko nga pala  kaharap ang multo sa likuran ko. Okay, kapag may naka-usap akong multo.


“Your welcome. How did you died?”


“By ah—”


“When did you died?”


“Tek—”


“Saka, bakit nandito ka?”


“Can u pl—”


“Bakit dito ka nagmumulto sa room ko? Bakit dito ka nagmumulto sa bahay namen? Dito ka ba pinatay at natsugi? Long-long-long relative ba kita? Kaya ka ba nagparamdam kasi hindi ka matahimik? Bakit hindi ka matahimik? Do you need my help? I’m willing to help you. Ano bang gusto mo?”


“Gusto ko ng lumabas ng kwartong ‘to sa sobrang dami ng tanong mo.”


Kumunot ang noo ko. Teka, bakit parang nag-iba ang boses ng multong kausap ko? Aside sa pagiging pulis, dubber din ba ito nung nabubuhay pa ‘to at kaya niyang pag-iba-ibahin ang boses niya? Humarap ako sa...


Multo? Teka, multo ba tong nasa harap ko?


May puting telang nakabalot dito, sa ulo’t katawan nito. Pero pagtingin ko sa baba. Sosyal naman ‘tong multong ‘to. Naka-rubbershoes.


Unti-unting natanggal ang puting nakabalot dito. At nang makita ko ang taong nasa loob ng telang ‘yon...


*sigh*


So, hindi multo ang kausap ko. Nanlata tuloy ako. Sayang yung mga tanong ko kanina.


“Grabe ka, Rehg. Kung tunay na multo ako, mas gugustuhin ko pang pumunta na sa kabilang buhay kesa sagutin ang mga tanong mo. I’m not yet finish answering your first question, may follow-up questions agad. As in QUESTIONS, with ‘S’.”


“Grabe ka din. Ang lakas mong mang-trip.” For sure si kuya ang nag-utos dito. “What are you doing here? Hindi ba ang layo ng bahay mo dito? Mga tatlong bundok pa ang tatawirin mo plus isang ilog na kasing haba ng Nile river.”


Napakamot ito ng ulo at napangiti. Napangiti din ako. Ang cute kasi ng lalaking ‘to. Pero, hep! Hep! Hindi ko po siya crush hah. Nakakahawa lang kasi ang ngiti nitong lalaking ‘to.


“Ano, ‘tol? Natakot ba?”


Syempre ang kuya kong kurimaw ang umeksena.


“Nope. Nakipag-usap pa nga sakin, eh. Ano bang mero’n sa kapatid mo? May anting-anting ba siya?”


Napangiti lang ako. “Anting-anting ng kagandahan, gusto mo?”


“Ngek! Ano ko bakla?”


Lumapit ako sa kaniya. Tinapik ko ang pisngi niya. “Ikaw? Bakla? Sa gwapo mong ‘yan.” With matching pisil sa biceps nito. “Macho pa.”


Lumayo siya sakin. “May HD ka ba sakin?”


“Of course not.” Kapal ng gwapong mukha nito!
“Ikaw tol, may HD ka ba sa kaptid ko?”


“Naman tol!”


“Meron nga?!”


“Syempre wala. Walang talo-talo noh. Kapatid mo ‘yan, eh.”


“Buti alam mo.”


Sinamantala ko ang pag-uusap nila. At nag-flylalu na ako.


“Rehg, san ka pupunta? Kararating ko lang, aalis ka kaagad?”


Hindi ako lumingon pero sinagot ko siya. “Sa Dhiosah lang.”


“Sino ba ang ipinunta mo dito tol? Si pangit o ako?”


“Syempre, ikaw.”


Napangiti ako. Ang sweet talaga nilang dalawa. Parang mag-jowa lang, eh. Sino kaya ang vhakler sa dalawa? Nakakapanindig balahibo naman kung mero’n. Kay ma-macho pa naman. Pero syempre safe akong mga tunay na lalaki ang dalawa.


“Magsabi ka nga ng totoo. Wala ka ba talagang gusto kay pangit?”


“Selos ka naman?”


“Gago! Gusto mong ipakain kita sa mga multo dito?!”


“Nangangain ba ang multo? Para ka namang timang tol! Ano bang nahithit mo ngayon at mukhang basag ang utak mo? Eh, kasi naman ‘yang kapatid mo, walang ginawa kundi pisilin ang biceps ko pag nakikita ko.”


“Akala mo ba ikaw lang? Ako din kaya.”


“Hindi kaya naiinggit ang kapatid mo?”


Dalawang segundo ang lumipas ng...


“Kasi gusto din niya ng muscles!!!!” chorus na sabi ng mga ito.


“Wahahahahaha!!!!!!” Nagtawanan pa talaga.


So aside from being fascinated with the ghosts roaming around this haunted house, hindi ko din mapigilan ang sarili kong pisilin ang biceps ng mga hombreng kilala ko. Buti nga hanggang biceps lang, eh. Pero si kuya ko, pinagpipindot ko yung abs no’n, eh. Ewan ko ba, may pag-ka-weird talaga ko kung minsan.


Pero syempre, yung mga close ko lang. Pag hindi ko kilala, wafakels muna ko sa biceps nila.


Siguro, gusto ninyo ding malaman kung sino ang gwapong multo na ‘yon noh?


Siya si King Leonard Montelagro. Ang bestfriend ng kuya kong kurimaw. Siya DAW ang pinatapong hari mula sa England. Hindi DAW kasi siya bagay do’n. Mas bagay DAW ang ka-gwapuhan niya dito sa Pilipinas. Yun ang sabi niya noong tinanong ko siya kung bakit King Leonard ang pangalan niya. May saltik din ang isang yun, eh. Bagay sila ni kuyang magsama.


Nasa sala na ko pero nadidinig ko pa ang mala-demonyito nilang halakhak. Huminto ako at iItinaas  ang dalawa kong kamay. At para dagdag effect, pinikit ko ang mga mata ko.


“Tinatawagan ko ang mga multo sa bahay na ito. Ipagtanggol ninyo ko sa kurimaw kong kuya at sa kurimaw niyang kaibigan. Pinagtatawanan nila ko. Help me, my beloved ghosts.”


Slowly, I opened my eyes.


Nakiramdam ako.


Pero,


asual,


*silence*


Nagkibit-balikat lang ako. “Next time na lang hah.” Lumabas na ko ng bahay.

= = =

4 comments:

  1. wAaaaAaa nAupdaTe na!!!!! aKoaNg 1sT yeY!!!!!

    ReplyDelete
  2. aNt kULit ng mAgkaPtid,,,, at gRabe c rEginE, miNumULto, niChiKa pa uNg muLto,,,, hwaHaHaha, yAn tuLoy tiNamAd na mAnaKot,,,


    ANg adiK niTo,,, iNaaBaNgan nMin ni gLEn tO,,,,

    ReplyDelete
  3. ang ganda! excited na for next chapter.

    ReplyDelete
  4. LOL! tawa much talaga!!.. uhm,now lang kasi ako ngka time magbasa.. late na pala ako.. heheh

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^